17 | Approved
Savi
Sweet lily, I won't be around today. I've been invited to film a debut party. I will be with my employees 'cuz I'll assist them. But don't worry, I'll make sure I'll be back early as possible. I'll make it up to you, I promise.
Don't forget to eat properly and drink a lot of water, okay?
Napanguso ako habang binabasa ang mensahe sa akin ni Savino. Kakarating ko lang sa cafe at siya agad ang unang hinanap ng mga mata ko. Nang sabihin ni Yelena na wala siya, agad naman akong naka-receive ng message galing sa kanya.
Ma-mi-miss ko na naman siya nito. Kapag siya kasi talaga ang hindi nakakapunta kahit isang araw lang, pakiramdam ko isang buwan siyang wala. Grabe iyong epekto ng presensiya niya sa akin.
"Ay? Anong nangyari sa mukha mo, 'te? Ba't mukha kang bigong-bigo diyan? Anyare?" tanong ni Yelena sa akin habang nakasilip sa mukha ko.
Magkatabi kaming nakatayo sa counter. Nakatukod ang siko ko at nakahawak ang kamay ko sa baba ko. Sa isa kong kamay ang cellphone ko.
Napakurap ako saka bahagyang napailing. "Wala, ah."
Ngumisi siya sa akin. "Ay sus! Anong meron diyan sa cellphone mo? Miss mo na siya, 'no? Ang aga-aga pa, miss mo na agad siya. Grabeng pagmamahalan naman iyan!"
Napanguso ako. Totoo naman na miss ko na siya.
"Ang tagal rin kasi simula no'ng um-absent siya," sabi ko sa kanya saka humawak muli sa baba.
"Um-absent? Ano iyan? Nagtatrabaho lang sayo?" Tumawa siya. "Parang nagtatatrabaho si Sir Savino sayo, ah. Um-absent." Napailing siya.
Oo nga pala. Hindi nga pala niya alam na hindi ko talaga totoong boyfriend si Savino. Bakit ba kasi hindi na lang sabihin ni Savino sa kanila? Pero bakit hindi ko rin masabi?
"Sorry na. Pero kasi madalas kasi siyang nandito, eh. Kaya para siyang nag-t-trabaho sa akin. Tsaka, sino ba namang hindi makaka-miss sa kanya? Eh, alam mo naman kapag nandiyan siya, nagagawa ko ang mga gusto ko," sabi ko ng buong tapang.
"Ayy... Mahal na mahal ka pala. Lahat ng gusto mo ginagawa niya. Napapansin ko rin iyan. Para siyang asong sunod nang sunod sa gusto mo," sabi niya sabay tawa. "Gusto ko rin ng ganyan. Iyong lalaking sa akin lang iikot ang mundo."
Nakahawak pa ang mga palad niya sa harap ng dibdib niya. Nakatingin siya sa kisame na para bang nag-w-wish upon a star.
Bahagya akong napanguso ulit. Oo nga, 'no? Ano kaya ang pakiramdam ng magkaroon ng boyfriend na gagawin ang lahat para sayo? Iyong sa akin lang umiikot ang mundo niya.
Madalas sa aklat ko lang nababasa ang mga ganoong bagay, eh. Good boys only exist in books.
"Baka nasobrahan ka lang sa kakabasa ng mga aklat, Yels," sabi ko sa kanya saka bahagyang natawa.
"Aba! Ikaw, ah. May nalalaman ka nang ganiyan? Bakit? Hindi ka ba nagbabasa ng mga aklat? Mas malala ka pa nga kung magbasa kaysa sa akin, eh. Tapos sa akin mo sinasabi iyan? Back to you ka sa akin!" sabi niya sabay halukipkip.
Mahina akong humagikhik. "Kasi totoo naman, ah. Wala nang ganyan sa totoong buhay. Sa aklat na lang sila mananatili. Hindi na iyan makakalabas pa."
Marahas siyang umiling. "Ay naku, hindi! Naniniwala akong may tamang lalaki talaga para sa akin. Nagtatago pa lang siguro siya ngayon pero sa tamang panahon ay magpapakita na siya sa akin. Tsaka naniniwala ako na may matinong lalaki pa sa mundong ibabaw!" Nakakuyom pa ang mga kamao niya sa ere.
Natatawang tumango ako. "Okay, okay. Sabi mo, eh."
"Ba't parang hindi ka naniniwala sa akin, 'te? Nakahanap ka nga ng isang Savino Basaltta, eh! Edi, makakahanap rin ako ng akin!" sabi niya sabay nguso.
Humagikhik ako. Bakit ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya tungkol kay Savino? Ang sarap magpanggap.
"Bakit? Hindi naman galing sa aklat si Savino, ah," sabi ko sa kanya.
"Oo nga. Pero siya iyong definition ng 'a man written by woman'. Oh! Kita mo?! Hindi mo ba napapansin? Kuhang-kuha niya ang mga nababasa natin sa libro! Sinulat talaga iyan siya! Ewan ko lang kung sino ang sumulat!" sabi niya pa.
Napangiti ako. "Oo nga, 'no? Sobrang ideal ni Savi. Lahat ng bagay tungkol sa kanya, ang ganda. Napapasaya niya ako palagi. Kuhang-kuha niya iyong lungkot at saya ko. Kayang-kaya niyang baguhin ang emosyon ko sa isang iglap lang."
He is indeed a man written by woman.
"Pero... hindi ka ba... nagtataka, 'te?" tanong sa akin ni Yelena.
"Na?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Masyado siyang mabait. Too good to be true. Bakit ganyan siya? Totoo ba iyong pinapakita niya? Wala bang halong chemical?" tanong niya.
This time, she looks dead serious while asking me. And because of her question, I also can not help but think.
Nagpatuloy siya. "Isipin mo, lahat ng gusto mo, susundin niya. Lahat ng gusto mo, gagawin niya. Lahat ng gusto mo, bibilhin niya. Lahat-lahat! Eh, ang tanong. Totoo ba lahat ng pinapakita niya sayo?"
Bahagyang lumungkot ang puso ko. Parang totoo lahat ng pinapakita niya sa akin. Hindi ko ipagkaila na palagi akong masaya kapag nandiyan siya.
Pero hindi ko rin maipagkakailang masyado nga'ng imposible maging totoo lahat.
Paano pala kung hindi totoo ang lahat ng ito, Inniah? Anong mangyayari sayo?
"Ay tama na nga!" Biglang sabi ni Yelena. "Nalungkot ka pa tuloy sa mga tanong ko sayo. Na-c-curious lang kasi ako kaya ko nasabi ang mga iyon. Pero huwag mo nang masyadong isipin. Ang mahalaga, masaya ka sa piling niya. At ang mahalaga, nakikita kitang nagagawa lahat ng gusto mo kapag kasama siya."
Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Siguro ay napapatanong talaga siya sa mga kinikilos ni Savino. Kasi kung tutuusin, mas maraming alam si Yelena kaysa sa akin, eh. Lalo na kung tungkol sa lalaki.
Ngumuso ako. "Pero paano nga kung hindi totoo ang pinapakita niya sa akin, Yels?" tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. Tumingin siya sa akin. "First of all, gusto kong mag-sorry kasi napa-overthink kita. Pero, Niah, gusto ko lang ipaalam sayo na kung totoong mahal niyo ang isa't isa, maging open kayo. Tanungin mo siya. Masisira ng doubts iyong relasyon niyo, eh. Baka ako pa ang rason na magalit ka sa kanya." Bumuntong-hininga ulit siya. "Kaya kung napapatanong ka rin sa tanong ko, kausapin mo siya. Mag-usap kayo. Sa huli, nasa kanya pa rin ang sagot, at nasa iyo pa rin ang desisyon."
Napanguso ako saka nginitian siya. "Thank you, Yels."
Tinaasan niya ako ng kilay. Bahagya rin siyang nakanguso. "Saan?"
"Sa mga tanong mo. Dahil sa tanong mo, may itatanong na rin ako kay Savi pagbalik niya," sabi ko saka malawak siyang nginitian.
Napakurap siya. Tapos ay napailing. "Tapos kapag nag-away kayo, kasalanan ko pa. Hays. Ewan ko na lang."
"Hindi naman kami mag-aaway, eh," sabi ko.
"Aba, confident na confident, ah. Paano mo nasabi?" tanong niya.
"Kasi sinusunod niya lahat ng gusto ko. Kaya... hindi siya makikipag-away sa akin," sabi ko saka humagikhik.
Natatawang napailing siya sa akin. "Iyan ang gusto ko sayo, eh. Dahil sa kainosentehan mo, nadadala mo pati sa boyfriend mo."
Natawa na lang din ako sa sinabi niya. Kasi kung totoo man na sinusunod lahat ni Savino ang gusto ko, edi ang swerte-swerte ko kung ganoon.
Sana kung mas mahaba ang buhay ko, at kung hindi si Savino ang para sa akin... makahanap ako ng lalaking gaya niya. Iyong susundin ang mga gusto ko at aalagaan ako ng mabuti.
"Good morning, Sir! What is your order?" Masiglang bati ni Yelena sa kakarating lang na customer.
Nakangiting tumingin rin ako doon pero napatigil ako nang makilala ko kung sino iyon.
Ang Kuya ni Savi!
Nakangiting tumingin siya kay Yelena saka bahagyang tumango. Tapos ay tumingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
"Ah... Sir? Ano po ang order niyo? Hindi po kasali sa menu itong kasama ko. Iyong nasa itaas lang po," wika ni Yelena.
Agad na namula ang magkabilang pisngi ko sa hiya. Ano ba itong si Yelena?!
Natawa ang Kuya ni Savino. "Ah! Hindi-hindi. Kasado akong tao, hindi iyon ang intensiyon ko."
"Ah... Okay po. Sorry po. Madalas po kasi kapag may customer na lalaking pumupunta rito, gusto rin nilang e-take-out itong kasama ko, eh," sabi ni Yelena saka tumango-tango.
Tumawa ang Kuya ni Savino. "Kilala ko kasi itong kasama mo. Girlfriend ng kapatid ko."
Napakurap ako.
G-Girlfriend! Pati pala sa pamilya niya sinasabi ni Savino na girlfriend niya ako?! Nababaliw ba siya?
"Ah, opo, Sir! Girlfriend po siya ni Sir Savino! Magkapatid po kayo? Ano po ang pangalan niyo, Sir?" Masiglang tanong ni Yelena.
"Santino. Santino Basaltta. Kuya ako ni Savi." Tumingin siya sa akin. Para akong tumitingin sa bad boy version ni Savino. "Kilala mo na siguro ako, 'no, hija?"
"Hija?" tanong ni Yelena.
Napasulyap ako kay Yelena. Tapos balik agad sa kay Kuya Santino.
Trust me, Yels. Hindi ko rin alam kung bakit 'hija' ang tawag niya sa akin.
"A-Ah, o-opo, Sir," sagot ko.
"Ay naku, naku!" Winagayway niya ang kamay sa harap niya. "Kuya Santi na lang. Tutal magiging Basaltta ka rin naman in the future, eh."
Bahagya akong napakagat-labi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nahihiya ako.
Hindi naman talaga ako girlfriend ni Savino!
Tumango na lang ako.
"Ayon! Very good, hija. Kaya ngayon, o-order ulit ako ng munch balls. Nagustuhan kasi ng mga prinsesa ko, eh," sabi niya saka naniningkit ang mga mata sa pagtawa.
"Okay po, Sir! Ako na po ang kukuha sa order niyo. Ilan pong bucket ng munch balls ang o-order-rin mo po?" tanong ni Yelena.
"Gawin mo nang apat. Kumakain rin kasi ang dalawang patay gutom sa bahay, eh," sagot niya na malawak ang ngiti.
Tumawa si Yelena. "Ah, okay po. Hintay na lang po kayo, Sir. Maghanap po muna kayo ng bakanteng upuan habang naghihintay."
Tumango siya. "Sige-sige, thank you."
Mabilis na pumasok si Yelena sa kusina. Kaya naiwan ako doon sa counter na hindi alam ang gagawin. Ayokong tumingin sa kanya. Nakokonsensiya ako.
Pero bigla niyang sinilip ang mukha ko. May ngiti siyang hindi ko alam kung nakakaloko ba o kung ganyan lang ba talaga siya ngumiti.
"Natatakot ka ba sa akin, hija?" tanong niya.
Napakurap ako saka mabilis na umiling. "H-Hindi po!"
Tumango-tango siya. "Ah, okay. Mabuti mabuti, dahil magiging pamilya na tayo ilang taon simula ngayon."
Luminga-linga siya sa paligid. "Teka, bakit wala rito ang magaling kong kapatid? Nasaan ba siya at hindi ka yata niya binisita rito? Hindi tamang gawain ng isang green flag na lalaki iyan."
Napakurap ako. "Ah... busy po siya sa work niya. Invited po siya sa isang debut party para mag-film," sagot ko sa kanya.
"Ah, ganoon ba?" Napatango-tango siya. "Pero kahit na. Hindi nakaka-green flag iyon." Bahagya pang nagsalubong ang mga kilay niya.
Tipid lang akong ngumiti. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot pa sa kanya.
Kaya muli siyang nagsalita.
"Ano nga ulit ang buo mong pangalan, hija?" tanong niya.
"Ah, Inniah Feej Teatreko po," sagot ko.
"Ah, okay. Pangalan mo pa lang, mukhang lunod na lunod ang kapatid ko, eh. Pati sa pagtulog tinatawag ka," sabi niya na naiiling saka tumatawa.
"P-Po?" tanong ko. Sinisigurado kung totoo ang narinig.
Pero baka nagbibiro lang siya.
"Wala, wala. Baka sabihin mo sa kapatid ko, magalit pa sa akin na binubulgar ko siya sayo. Secret ko lang iyon kaya hindi ko sasabihing tinatawag ka niya hanggang sa pagtulog," sabi niya.
Napakurap ulit ako. May pinagmanahan pala si Savino.
"Okay po," sabi ko na lang.
Tumawa siya. "Ang noncholant mo naman. Kaya pala hulog na hulog iyong kapatid ko sayo kasi noncholant ka."
"P-Po? Baka nonchalant po, hindi noncholant," sabi ko.
Nawala ang ngisi niya. Napakurap siya. "Ganoon ba iyon? Parehas lang iyon. Different school, different pronunciation." Tapos tumawa siya.
Mahina na rin akong natawa saka tumango-tango. "Okay po."
"Andito na po ang order niyo, Sir!" sabi ni Yelena saka nilapag sa counter ang order ni Kuya Santi.
"Naku, thank you!" sabi niya saka kinuha ang wallet niya sa bulsa saka nagbayad. "Salamat, ah."
"You're welcome po, Sir Santi!" wika ni Yelena.
Tumingin si Kuya Santi sa akin. "Alis na ako, hija. Kapag dumating iyong kapatid ko rito, sabihin mong napadaan ako."
Tumango ako. "Okay po."
Tumango siya saka malawak na ngumiti. "Siya, aalis na ako."
Tapos ay lumabas na siya ng cafe.
"Grabe! Ang gwapo!" Patiling bulong ni Yelena sa tabi ko.
Mahina akong natawa. Naroroon pa rin ang kaba sa dibdib ko, pero kumakalma na.
"Oo nga, eh," sabi ko.
"Ang gugwapo pala ng lahi nina Sir Savino, 'te! Grabe! May kapatid pa kaya sila?!" aniya.
Natatawang napailing na lang ako sa kanya. "Ewan ko. Baka may nasabi sa akin si Savi pero hindi ko maalala dahil sa tumor ko."
"Sana meron pa! Ako na ang bahala!" saad niya.
Napailing na lang ako sa sinasabi niya. Ewan ko na lang.
Nang magtanghalian na, kakatapos ko lang kumain ay biglang dumating si Ate Renee. Agad na nagliwanag ang mga mata ko.
"Ate!" tawag ko agad sa kanya.
Isang white fitted turtle neck at beige loss skirt ang suot niya. Pinaresan ng puting heels. May nakasabit na beige coat sa braso niya. At sa kamay niya may bitbit siyang paper bags.
"Na-miss mo ako?" tanong niya.
Mabilis akong tumakbo palabas ng counter saka yumakap sa kanya. Ang tagal rin niya doon sa Japan. One week na.
"Ang tagal mong umuwi!" sabi ko sa kanya habang nakayakap sa kanya.
Natatawang hinaplos niya ang buhok ko. "Syempre, nag-shopping muna ako doon at in-enjoy ko muna ang hangin sa Japan. Kaya natagalan. Kaya ito na ang pasalubong ko sayo!"
Napatili ako ng impit saka mabilis na tinanggap ang paperbags na inabot niya sa akin. Mabilis ko itong sinilip.
"Wow! Talagang tinotoo mo ang pagdala ng bulaklak sa akin, ah!" sabi ko habang malawak ang ngiti.
"Oo naman, 'no! Makakalimutan ko ba ang pasalubong ko sayo," sabi niya.
"Anong tawag rito, 'te?" tanong ko habang tinitingnan ang bouquet ng bulaklak na kulay pink.
"Ume ang tawag diyan sa Japan. In english, apricot," sagot niya.
"Ang cute-cute!" sabi ko.
"May dala rin akong mga pagkain diyan, buksan mo iyong ibang paperbags," sabi niya. "Teka doon tayo sa counter. Nakakangalay na itong heels ko. Gusto kong hubarin."
Nauna siyang naglakad papasok ng counter. Sumunod naman ako agad sa kanya. Tapos si Yelena ay kakalabas lang mula sa kusina.
"Wow, Ate Renee! Buti nakabalik ka na! Ano? May jowa ka na ba?" bati niya agad kay Ate.
Tumawa si Ate. "Alam mo ikaw ang ganda talaga ng tanungan mo, 'no? Tsk. Buksan mo iyong gray na paperbag doon. Para sayo iyon."
"Yes!" Napatili si Yelena saka lumapit sa akin.
Agad kong binigay sa kanya ang gray na paperbag. Agad naman siyang naupo sa sofa kaya natatawang sumunod ako. Si Ate naman ay naupo sa single sofa saka hinubad ang heels niya.
Excited na binuksan ni Yelena ang paperbag niya. Kahit ako ay excited rin kung ano ang laman no'n.
Kinuha niya ang box na laman ng paperbag tapos binuksan.
"OMG! Wow! Thank you, Ate Renee! Ang bait mo talaga!" tili niya saka nilabas ang isang pink na silky dress.
"Wow!" Nagliwanag ang mga mata ko. "Ang ganda, Yels!"
"Isusuot ko ito mamaya!" sabi niya agad. "Thank you, Ate!"
May ngiting tumango si Ate sa kanya. "Kapag pupunta ako sa US, bibilhan rin kita ng damit galing doon."
"Wow! Thank you, 'te!" sabi ni Yelena.
Nangingiting binuksan ko ang paperbag ko. Malawak akong napangiti nang makitang mga cakes at chocolates iyon galing sa Japan.
"Yey! Thank you, Ate! Ang daming chocolate!" sabi ko.
"Bigyan mo si Yelena ng isang box," sabi ni Ate.
"Okay po!" sabi ko.
"Teka, mamimili ako, 'te," sabi ni Yelena. "Ito, itong puti, gusto ko ito."
"Okay, sayo na iyan," sabi ko.
"At kakainin ko agad ito!" Masayang sabi ni Yelena na agad binuksan ang box.
Natatawang binuksan ko na lang din ang boxes ng chocolate at cakes na dala ni Ate. Saka sabay kaming nagsimulang kumain.
"Grabe, 'te! Dapat ganito ang boyfriend mo! Dapat dinadalhan ka niya ng chocolate para pati ako makakain rin!" saad ni Yelena.
Napatigil ako. Agad na nanlaki ang mga mata ko saka napatingin kay Ate.
Nakataas na ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Naghihintay ng paliwanag dahil sa narinig.
Napatikhim ako saka napatigil sa pagnguya. Napatigil rin siya nang mapagtanto niya tapos napatingin kay Ate. Ilang beses siyang napakurap.
"Hala, sorry, 'te. Dumulas," bulong niya sa akin.
Kagat-labing tumingin ako kay Ate saka bahagyang ngumuso. "Magpapaliwanag ako, Ate."
"Dapat lang, Inniah. Ano iyong narinig kong may boyfriend ka na? Wala akong narinig na may sinagot ka sa manliligaw mo, ah," sabi niya.
"Sige na, sabihin mo na," sabi ni Yelena sa akin. "Kunwari wala ako rito."
Marahan akong tumango. "Ah..."
Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na hindi ko talaga boyfriend si Savino? Paano ko sasabihin kay Yelena na hindi totoo iyon? Wala. Hindi ko alam. Wala rito si Savino, walang tutulong sa akin.
"B-Boyfriend ko po si Savino, Ate," mahina ang boses na sabi ko.
Tumaas lalo ang kilay niya. Tapos biglang naningkit ang mga mata niya. "Savino? Savino Basaltta ba kamo? Iyong photographer?"
Tumango ako. "Opo. Huwag mo po munang sabihin kay Daddy. Ayoko. Hindi pa ako ready."
Tsaka hindi ko naman talaga siya boyfriend! Hindi ko alam kung ano itong pinasok ko?
"Yels, pwede bang iwan mo muna kaming dalawa rito?" tanong niya kay Yelena.
Agad namang tumango si Yelena. Traydor talaga siya. "Okay po, Ate."
Mabilis siyang naglakad bitbit ang box ng chocolate papasok sa kusina. Sinara niya ang pinto doon, iniwan ako kasama si Ate na hindi ko alam kung galit o hindi.
"S-Sorry, Ate. Sasabihin ko naman talaga dapat," sabi ko sa kanya.
Naningkit ang mga mata niya. "Paano mo siya naging boyfriend?"
Napakurap ako.
Ewan ko. Biglaan lang iyon. Naging asawa ko pa nga siya, eh. Biglaan lang din iyon.
"Ah... nanligaw siya. Sinagot ko," sagot ko. Hindi alam ang sasabihin.
"Gaano katagal?" tanong niya. "Noong birthday ni Daddy na siya ang nag-f-film, nanliligaw na ba siya sayo no'n? Magkasama kayo sa isang mesa no'n, eh?"
"Ah..." Anong sasabihin ko? "H-Hindi pa. After pa no'n."
Naniningkit ang mga matang tumango-tango siya. "Bakit mo siya sinagot? Anong nakita mo sa kanya na hindi mo nakita sa iba mong manliligaw?"
Ano nga ba?
Mabait si Savino. Hindi ko ramdam na pinagmamayabang niya sa akin ang mga bagay na mayroon siya ngayon. Hindi ko pansin na nagmamay-ari siya ng studio rito sa Sagittarion kung hindi niya sasabihin sa akin dahil masyado siyang down to earth na tao.
Maalaga siya. Bawat bagay na tungkol sa akin na alam niyang ayaw ko, hindi niya pinipilit. Pinapaalalahanan niya ako sa mga bagay-bagay na madalas kong makalimutan. Naaalala niya rin ang mga bagay na gusto ko.
He is a sunshine. Bawat bagay na ginagawa niya, pinapasaya ako. Siya mismo, kasiyahan ko.
"Ang dami, Ate," sabi ko na puno ng katotohanan. "Mabait siya, maalaga. Masaya ako sa kanya, Ate."
At ngayon ko lang napagtanto na sobrang saya ko basta kasama siya. Nagagawa ko ang gusto ko kapag nandiyan siya.
Bumuntong-hininga si Ate saka marahang tumango-tango. "Totoo naman iyon. Mabait talaga si Savino. Gentleman. Siya iyong tipo ng lalaking hindi mananakit ng babae."
Bakit alam niya ang mga bagay na ganoon?
"Paano mo nalaman, Ate?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Matagal ko na siyang inoobserbahan simula nang kunin siyang photographer ni Daddy. Accidentally, he caught my attention because of how calm and gentle he is. I saw how good he is with his employees. He also jokes around most of the time. Mga bagay na gusto ko sa isang lalaki. In short... I like him as a guy."
I stopped.
Eh, ako ba? Gusto ko lang ba si Savino? O higit pa roon?
Palaging lumalakas ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya. Masaya ang puso ko kapag kasama ko siya. Nakakahinga ako ng maluwag kapag nandiyan siya. Siya ang bagong rason ko kaya ako tumatawa ulit.
Hindi ako makapagsalita.
"When I saw him and I met him, I thought to myself... Siya ang aasawahin ko," pagpapatuloy ni Ate. "Kasi sino ba namang hindi, diba? Si Savino ang epitome ng green flag. Sino ba namang ayaw magpakasal sa kanya? Hindi rin siya babaero. Kaya ano pa ang gusto ko kung hindi siya?"
Habang nagsasalita siya ay palungkot naman nang palungkot ang puso ko. Bakit parehas kami ng gusto ni Ate Renee? Hindi ko tuloy alam ang gagawin.
Kung bibitawan ko ba si Savino o hindi?
"And hearing you say that he is your boyfriend, means he loves you," sabi niya saka ngumiti.
Pero nalulungkot ako. Kasi hindi ko naman tunay na boyfriend si Savino. Paano kung umamin si Savino? Edi, may chance na magustuhan nilang dalawa ang isa't isa.
Isa pa... may gusto ba si Savino sa akin?
Mukhang wala.
Napatingin ako sa box ng chocolate na nasa mga hita ko. Sumasakit ang puso ko.
"I am entrusting you to him, Niah," sabi ni Ate.
Napatingin ako sa kanya. "P-Po?"
Nakangiti siya ngayon. Isang masayang ngiti. "I trust that guy. Kaya nagtitiwala akong aalagaan ka niya at hindi ka niya sasaktan. Gusto kong maging masaya ka sa piling niya... kayo sa isa't isa. Kaya huwag mo akong isipin, okay? Yes, I like Savino, but that doesn't mean that I will steal him from my little sister. There are a lot of men out there so there's no reason for me settle on my sister's man."
Unti-unti, gumaan ang puso ko. Nawawala dahil sa ngiti niya sa akin. Isang ngiti ng isang Ate.
"At kung hindi ka pa ready na sabihin kay Dad, I can keep it from him," sabi niya.
Unti-unting lumabas ang ngiti sa labi ko. "Thank you, Ate."
Tumango siya. Tapos ay unti-unting lumungkot ang mga ngiti niya.
"Bakit, Ate?" tanong ko sa kanya.
She sighed. "Malaki ka na talaga, Niah. May boyfriend ka na nga, eh. Hindi ko alam kung paano kita papanatilihing baby namin ni Daddy. Mukhang hindi na namin mapipigilan talaga ang panahon."
Lumambot ang puso ko. "I will still be your baby, Ate."
Mabilis akong naupo sa tabi niya kahit pa masikip ang single sofa. Niyakap ko ang mga braso sa katawan niya saka sinandal ang ulo sa balikat niya.
Humagikhik siya kahit papaano. "Niah, ang sikip!"
Humagikhik rin ako. "Love you, Ate."
"Hm..." Hinaplos niya ang buhok ko. "Love you too."
"You're the best Ate ever," bulong ko.
"I am your only Ate, Niah," sabi niya na natatawa sa akin.
Natawa ako sa sinabi niya. "Ate, I have something to confess."
"Ano?" tanong niya.
"I've been escaping with Savino these days. Palagi kaming umaalis tapos hindi alam ni daddy. Sorry, Ate. Ayokong sabihin kay Daddy kasi alam kong pipigilan niya ako," sabi ko.
"Ano namang ginagawa niyo? Naku, Niah, ha? Huwag munang gumawa ng baby!" saad niya.
"Ate naman! Hindi baby! Bucket list ang tinatapos namin. Bucket list ko," sabi ko.
"Sure?" tanong niya kaya tumango ako. "Bucket list lang, ah. Walang gagawing iba. Tsaka, sige, kung hindi ka pa ready na sabihin kay Dad, I'll keep it from him."
"Yey!" Mahigpit ko siyang niyakap. "Thank you, Ate!"
"Oo. Pero wala munang sanggol! Ayoko pang magkaroon ng pamangkin!" saad niya na kinatawa ko.
...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro