13 | Memory Loss
Savi
Sweet Lily, I can't meet you today. I won't be around 'cuz I'll be busy in my studio. I currently have four clients to accompany. But don't worry, I'll try to make time for you then let's continue your bucket list.
Don't forget to eat a lot. ☺️
Napangiti ako habang binabasa ang morning message ni Savino sa akin.
Nakahiga pa rin ako at hindi pa nga nakakapa ang mukha pero cellphone ko na agad ang kaharap ko. Nakangiting nag-type ako ng reply kay Savino.
Para na akong baliw rito kakangiti.
Me
I understand. Thank you, Savi. And take care 💖.
Bumangon na lang ako sa kama. Sobrang gaan bigla ng umaga ko. Hindi ko alam kung bakit?
Imbes na sa banyo ako dederetso, una kong pinuntahan ay ang salamin ko. Agad akong humarap doon at malawak na ngumiti. I even made faces on the mirror like I already lost my mind.
Tapos ay saka lang ako pumasok sa banyo para maligo.
Pagbaba ko sa sala, naghihintay na ulit si Daddy sa akin. It has been two days since I and Savino went to the creek. Kaya hanggang ngayon ay wala pa rin si Ate Renee. Nasa Japan pa rin.
My Dad sent me to the cafe. Pagdating ko ay mag-isa pa ako kaya ako na ang nagbukas ng cafe. Tapos pinunasan ang mga alikabok.
When Yelena came, I smiled wide and greeted her. "Good morning, Yels!"
Agad na tumaas ang kilay niya sa akin. Isang white polo shirt ang suot niya at light blue fitted jeans. Pinaresan niya ng puting sapatos. Tapos ang kanyang kulot na buhok ay naka-bun, may maliliit na strands na nakalugay sa gilid ng mukha niya.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Nakataas ang isa niyang kilay.
"Bakit ang lawak ng ngiti mo?" tanong niya.
Napakurap ako. Nakangiti pa rin ako sa kanya. "Ah, kasi umaga? Dapat good vibes lang tayo sa umaga. So, dapat nakangiti tayo palagi."
Iyong kabilang kilay naman ang tumaas sa kanya. "Good vibes? Eh, bakit blooming ka? Anong rason ng pagiging blooming mo?"
"Ah, masaya lang talaga ang araw ko," sagot ko sa kanya.
"Masaya? O baka may nagpapasaya?" tanong niya saka namaywang.
Bahagya akong namula. Hindi niya pa sinasabi, pero alam ko na agad ang sinasabi niya.
"Masaya lang talaga. Bakit hindi ka na lang pumasok rito?" tanong ko sa kanya sabay turo sa posisyon sa tabi ko.
"Ay sus! Kunwari ka pa! Sigurado akong si Sir Savino ang rason niyan! Hays! Ang tamis-tamis niyo palagi! Bakit kayo ganiyan?" saad niya sabay pasok sa counter.
Nangingiting kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Bigla niyang tinuro ang pagmumukha ko na kinanlaki ng mga mata ko.
"Uy, ano iyan? Ano iyang ngiting iyan?" tanong niya. "Aba, aba! Blooming ka siguro dahil kilig na kilig ka kay Sir Savino, ah? Ano? Gwapo ba? Sweet ba? Maalaga?"
Napakurap ako. "Ah..." Dahan-dahan akong tumango. "Gwapo siya. Sweet rin. Tsaka... maalaga."
"Ay wow naman! Ang swerte-swerte naman pala ni Miss Inniah! May boyfriend na walking green flag!" saad niya sabay ngisi tapos tinusok-tusok ang tagiliran ko.
Natatawang umiwas ako sa kanya. "Shh! Ang ingay mo, Yels."
Tsaka hindi ko naman siya boyfriend. Fake boyfriend kamo.
"Ay sus! Hindi makapagsalita. Speechless kasi totoo," saad niya. Pabagsak siyang naupo sa sofa. "Hay! Kailan kaya ako makakahanap ng sing-gwapo ni Sir Savino? Iyong sing-green flag niya. Iyong sing-bango."
Napakurap ako saka bahagyang nakanguso. "Sing-bango? Bakit? Inamoy mo siya?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Oo, 'te."
Napakurap ulit ako ng tatlong beses.
Bigla siyang ngumisi. Tapos ay tinuro ang mukha ko. "Uyy! Ano iyang nakikita ko sa mukha mo, 'te? Selos ba iyan? Ay siya!" Humagalpak siya ng tawa. "Huwag kang mag-alala, 'te. Hindi ko inamoy ang mahal mong boyfriend. Ikaw lang ang makakaamoy sa kanya."
Bahagya akong napakagat-labi. Bakit naman kasi ganoon ang reaction ko? Para tuloy akong nagseselos.
Pero ano ba itong nakakapa ko sa dibdib ko? Inis?
"Mabango naman talaga siya," sabi ko sa kanya.
Suminghap siya. "Ay! Naamoy na pala!" Napatigil siya tapos bahagyang nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Hoy, ikaw, Niah, ah? Huwag ka munang papahawak kay Sir Savino, ah? Jusko, huwag muna! Inosente ka pa!"
Napakurap ako. "Papahawak? Sa... kamay?" Alinlangan kong tanong.
Sinisigurado ko lang kung anong klaseng hawak ba ang tinutukoy niya.
She clicked her fingers. "Mali! Hawak. Iyong hawak sa ano sa katawan. Alam mo na iyon. Nagbabasa ka ng romance books. Alam mo iyan."
Bahagya akong namula. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang blurry scene ng isang babae at isang lalaking may ginagawang kababalaghan.
Ipinilig ko agad ang ulo ko. "Ano ka ba, Yels? Hindi naman talaga ako magpapahawak sa kanya!"
"Ay sus! Sinasabi mo lang iyan kasi hindi ka pa nahahawakan. Pero sinasabi ko sayo, kapag nasimulan ka na niyang hawakan, hindi mo na mapipigilan iyan!" saad niya. "Kaya sinasabi ko sayo, Niah. Huwag ka munang magpapahawak. Huwag muna!"
Napanguso ako dahil sa pamumula. "Bakit mo naman kasi naisip iyan, Yels? Hindi naman talaga niya ako hinahawakan. Tsaka mabait at magalang si Savi. Hindi siya gumagawa ng bagay na hindi ko gusto."
Napasinghap siya. Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin. "Shit! Kaya naman pala! Kasi gusto mo rin! Nagustuhan mo naman pala, 'te?! Jusko, ewan ko na lang sayo!" sabi niya na parang sobrang stress sa akin.
Agad akong napailing. "Hindi, hindi! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin kasi, wala siyang ginagawa na labag sa kalooban ko."
"Eh, iyon lang iyon, eh! Same meaning!" saad niya. "Saan ka niya hinawakan? Saan banda?" tanong niya.
Mukha siyang natataranta na gulat na ewan. Ano ba ito si Yelena?
"Wala nga," sabi ko sabay iling. "Mabait talaga siya tsaka magalang. Hindi mo kailangang mag-alala sa kanya. Sobrang maginoo niya."
Napanguso siya. "Sure iyan, ah? Sabihin mo sa akin kapag may ginawa siya sayo na hindi mo gusto. Kakasuhan natin siya agad!"
Bahagya akong napangiti saka napatango. "Yes, Yels. Pero I assure you, hindi gagawin iyan ni Savi. Dahil mabait siya."
"Psh!" Umirap siya. "Malay natin. Ang lalaki ay lalaki. Basta, huwag ka lang masyadong magtiwala sa kanya, ah?"
Tumango ako agad. "Yes, Yels. Rest assured."
Ilang minuto lang ay nagsimula nang magsidatingan ang mga customers namin. Sabay kaming nag-serve ni Yelena dahil medyo marami-rami sila.
Siguro tama lang din na hindi free ngayon si Savino. Kasi busy rin ako. Tsaka... naaawa ako kay Yelena kasi madalas lang siyang mag-isa rito sa cafe. Mag-isa lang niyang inaasikaso ang mga customers namin.
"What do you want to order, Sir, Ma'am?" Malawak ang ngiting tanong ko sa dalawang customers na kakarating lang.
Si Yelena naman ay may inaasikasong isang customer.
"Uhm... I'll order a vanilla cake with strawberry toppings, Miss. Tapos I'll pair it with black coffee," sabi ng babae. Nilingon niya ang kasama niya. "How about you, babe? What do you like?"
Bahagya akong napanguso. Siguro boyfriend niya ang kasama niya. They look good together actually.
Hindi ko tuloy mapigilang mapatanong. Ano kaya ang feeling ng may boyfriend?
"I'll just go with pizza," sagot ng lalaki. "And a coke frappe."
Tumango ako saka ngumiti. "Alright, Ma'am. Alright, Sir. Kindly look for an empty table for a moment. I'll immediately get your order as soon as I can."
Tipid na ngumiti sa akin ang babae showing her dimples. "Thank you."
Tapos ay pinalibot niya ang braso niya sa braso ng boyfriend niya. Tsaka naghanap agad sila ng mauupuan.
Ako naman ay pumasok na sa kusina para kunin ang order nila. Tapos bumalik agad at tinawag sila. Mabilis naman nilang kinuha ang order nila tsaka nagbayad.
"Thank you, Ma'am and Sir! Have a great day ahead!" saad ko sa kanila.
They both nodded while the woman answered 'thank you'. Tapos ay naglakad na sila pabalik sa table nila para kumain.
Malawak ang ngiting sinundan ko sila ng tingin. Pero napatigil ako nang biglang nangitim ang paningin ko. Biglang kumirot ang ulo ko.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa takot. Nasapo ko agad ang ulo ko saka mabilis na napapikit.
"No, no, no. N-Not now," bulong ko sa sarili.
Napasinghap ako saka impit na napatili nang mas lalong sumakit ang ulo ko. Para itong hinahampas ng martilyo.
"A-Aray ko!" Agad akong naluluha dahil sa tindi ng sakit.
"Niah? Niah?! Anong nangyayari?" rinig kong tanong ni Yelena.
Hindi ko magawang buksan ang mga mata ko dahil sa sakit. Ramdam ko ang paghawak ni Yelena sa magkabilang balikat ko pero hindi ko siya magawang sagutin.
"Niah? Inniah?!" tawag niya sa pangalan ko. "Shit! Tatawag ako ng ambulance!"
Napahikbi na ako. Hindi ko mapigilang ang pagragasa ng mga luha ko sa sakit. Mahigpit na naman ang pagkakahawak ko sa buhok ko.
"Anong nangyayari?" rinig kong tanong ng mga customers.
Ramdam kong nagkakagulo na sila pero wala akong lakas tumingin pa sa kanila. Masyado nang masakit ang ulo ko para gawin iyon.
"L-Lord... L-Lord, ang sakit..." I cried.
"Inniah? Niah?" Ramdam ko ulit ang paghawak ni Yelena sa balikat ko. "T-Tumawag na ako ng ambulance. Nag-text na rin ako sa Daddy mo. Huwag ka nang mag-alala, okay? M-Magiging maayos ka lang."
Wala akong magawa kundi umiyak at humikbi. Kapit na kapit ako sa buhok ko.
Ramdam ko ang mainit na yakap ni Yelena sa katawan ko. Pero dahil sa sakit ng ulo ko, hindi man lang nakatulong ang yakap niya.
"Y-Yels, ang sakit-sakit..." Iyak ko.
Hanggang sa unti-unting hindi ko na maramdaman ang sarili ko. At ang huli kong naalala ay yakap lang ako ni Yelena. Tapos lahat ay naging itim na.
Napaungot ako at nagising nang makarinig ng munting paghaplos sa buhok ko. Naaamoy ko kaagad ang pinaghalong asido at gamot sa paligid ko.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ay ang mukha ng isang may katandaang lalaki. May suot siyang pahabang salamin. Tila malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Napakurap ako ng bahagya. "S-Sino po kayo?" tanong ko sa mahinang boses.
Napatikhim ako. Nanunuyo ang lalamunan ko. "T-Tubig po," sabi ko.
Mabilis namang kumilos ang matanda. Agad siyang kumuha ng tubig mula sa mesa tapos at binigay sa akin ang isang baso. Mabilis ko naman itong nilagok agad.
Muli niyang nilapag ang baso sa mesa tapos ay malungkot na tumingin sa akin. Hinaplos niya pa ang buhok ko.
"Are you feeling fine now, anak?" tanong niya sa malambot na boses.
Mukha siyang mabait. Mukha siyang maalaga.
"S-Sino po kayo?" tanong ko sa kanya.
Lumunok siya saka marahas na bumuntong-hininga. Tapos ay tipid niya akong nginitian.
"I am Isaac Teatreko. I am a businessman. I am turning fifty-nine next year. And... I am your dad," sabi niya saka ngumiti ng malawak sa akin.
Napakurap ako. Dahan-dahan akong napahawak sa ulo ko. Nagsalubong ang mga kilay ko.
"A-Ano po ang nangyari sa akin? Bakit wala akong maalala?" tanong ko sa kanya.
He sighed. Kinuha ang kamay kong nasa buhok ko saka marahan itong hinawakan.
"Hintayin natin na pumasok ang doctor. Siya ang magpapaliwanag sayo kung bakit hindi ka makaalala," he said.
Dahan-dahan akong tumango. "A-Ano po ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya.
Kahit pangalan ko hindi ko maalala. Kahit ilang taon na ako hindi ko rin maalala. Kung nag-aaral ba ako? Wala akong maalala.
Tipid niya akong nginitian saka hinaplos ang buhok ko. "Your name is Inniah Feej Teatreko. Your Mom gave you that name which was inspired from the elegant blade of a grass. 'Inniah', slender curved blade of grass swaying elegantly with the breeze of the wind. 'Feej', the soft rustle of the leaves."
Bahagya akong napangiti. Somehow he feels really familiar. I feel comfortable with him. And it would only mean one thing, he is telling me the truth.
"Ang ganda," sabi ko.
He chuckled and nodded as he caressed my hair. "Yes. Sobrang ganda. Manang-mana sa Mommy."
"Si Mommy? Nasaan siya?" tanong ko sa kanya with the mention of Mom.
Bahagyang lumungkot ang ngiti niya. Pati ang mga mata saka siya marahan na bumuntong-hininga.
"Matagal na siyang wala. Baby ka pa. Two years old ka pa," sagot niya sa akin. "But don't worry. She is looking after you and your Ate Renee."
Bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Wala na pala akong Mommy. Hindi ko pa maalala ang Daddy ko. Tapos may Ate pala ako. Hindi ko rin maalala.
"Ate? Nasaan siya?" tanong ko.
He smiled a bit. "She's out of the country. She is also a businesswoman. She's on a business trip. Her name is Vevica Renee. An exotic vibrant butterfly. 'Vevica', delicate patterns of a butterfly, and 'Renee', elegance."
Napangiti ako kahit papaano. "Ang ganda rin. Sino ang nagbigay sa pangalan niya?" tanong ko.
He smiled. "Your Mom. She's very creative. That's why."
Biglang pumasok ang isang babaeng tingin ko ay ang doctor. May hawak siyang parang folder sa harap ng dibdib niya. Naka-lab coat siya at nakasuot ng glasses.
"Well, it's good to see you again, Niah," sabi niya saka ngumiti sa akin.
Base sa ngiti niya, tiyak akong matagal na rin siguro kaming magkakilala. Kasali lang siguro siya sa mga hindi ko maalala.
"Ah, well, it's good to see you too, Doc," sagot ko na lang.
Tipid siyang tumango saka tumingin kay Daddy. "Mr. Teatreko, should I talk about the tests here with her or not?" tanong niya kay Dad.
Bumuntong-hininga si Dad. Saglit niya akong tiningnan. Hinawakan niya ang palad ko saka marahang pinipisil. Tapos ay muli siyang tumingin kay doktora.
"I want her to hear everything. So she would understand what is going on," sabi ni Dad.
Tumango naman si doktora. "Alright, then. I'll go straight to the point." Tumingin siya sa akin. "Niah, you must be wondering why you can't remember anything, right?"
Tumango ako ng marahan. "Yes po, doc."
"Alright. First, I am your doctor. Doktora Yssa. Sobrang tagal na nating magkakilala dahil bata ka pa lang, palagi ka nang nandito sa hospital," she said. "And now, I want to explain to you what is going on. You are suffering from grade III brain tumor, Niah. During the past months, your tumor was just under grade II. But it just went worse now."
Bahagya akong nakaramdam ng kirot at lungkot sa puso ko. Para bang sanay na ang puso kong marinig ang mga salitang iyon.
Ramdam ko rin ang bahagyang paghigpit ng pagkakahawak ni Daddy sa palad ko. Sigurado akong kung nasasaktan ako ngayon, mas nasasaktan siya.
"In the past months, you had your check up here. I suggested you to perform a surgery already before it would even be under grade III. However, I think you weren't ready and I can't blame you that," sabi ni Doc sa malumanay na boses. "And now if you're wondering why you can't remember anything, it is because of the location of your tumor. It is currently on your frontal and left temporal lobe, which affects your memory. But don't worry, it is just temporary. Your memory will get back soon immediately." She then looked at my Dad. "But my only suggestion to you, Mr. Teatreko, is to ask your daughter to get a surgery already. That is the only hope we have before it would even worsen."
Marahang tumango si Dad. "I'll try to convince her, doc. But if she really don't want to... I don't think I can do something about that."
Bahagya akong nalungkot. Base pa lang sa sinabi ni Dad, pakiramdam ko ay ako talaga ang may ayaw na magpa-opera. Pakiramdam ko ay hindi talaga ako approve sa pag-papa-opera.
Doktora nodded. "Alright. I am hoping for a better decision from you both." Tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Niah, don't worry, you'll get better soon. If you have any questions, you can ask me now."
Bahagya akong nablangko. Hindi ko alam kung ano ang itatanong sa kanya dahil wala naman akong maalala. Ang alam ko lang na naiintindihan ko ngayon ay... mamamatay na ako.
"Ah, if I would get a surgery, would I be fine after?" tanong ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti. "After we know about your case right now, I can't say you will totally be fine after the surgery, Niah. Your case is hard to cure. No one knows what might happen after the surgery, so I can't assure you something."
Bumagsak ang balikat ko. Baka ito ang rason kaya hindi ako nagpa-opera. Kasi wala naman palang kasiguruhan na gagaling ako.
"Kailan po ako makakaalala?" tanong ko sa kanya.
"Well, thank you for asking me that. Since you currently have transient global amnesia as a symptom of the tumor, your memory loss will only last for less than 24 to 72 hours. You will remember soon," sabi niya sabay ngiti sa akin.
Agad naman akong napatango. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng tuwa dahil alam kong makakaalala pa ako.
I don't care about the surgery. I just want to remember.
Marahan akong tumango. Tipid ko siyang nginitian. "Thank you po, Doktora."
She nodded. "You're welcome. Do you have any more questions?" tanong niya.
"After the surgery... if ever I would perform a surgery... would my memories stay?" tanong ko.
I think the worse part of living is forgetting all your memories, especially the good ones. Ayokong kalimutan ang mga iyon. Ngayon pa nga lang na temporary lang ang amnesia ko, nahihirapan na ako. Nangangapa ako.
She sighed. "I cannot assure you that, Niah. One of the side effects of the surgery is losing your memory permanently. Especially because of the location of your tumor. But we don't know for sure. Let's just hope for the better, Niah."
Marahan akong tumango. Nalulungkot ako. Pati ba naman ang memories ko, at stake rin.
"Thank you, doc. Iyon lang ang tanong ko," sabi ko.
She nodded. She looked at Dad. "How about you, Mr. Teatreko? Do you have any questions?"
Umiling si Daddy. "No more, Doc. Thank you."
She nodded. Tumingin siya sa akin. "Just take a rest, Niah. Don't force yourself to remember, okay? You'll remember immediately. Just be patient."
Tumango ako. "Opo."
"Alright. I'll get going now. If you ever have more questions, just visit me on my clinic," sabi niya.
"Yes, Doc. Thank you," sabi ni Dad.
Tumango siya saka agad na naglakad na palabas ng kwarto. Kaya naiwan kami ni Dad na tahimik at walang masabi.
Dad sighed and looked at me. His eyes are sad. He look so down.
Hinaplos niya ang buhok ko. Pansin ko ang iilang luhang bumubuo sa mga mata niya.
"I'm sorry if I can't do anything about your tumor, anak," he whispered. "Kung pwede ko lang tanggalin iyan, tatanggalin ko, ililipat ko sa akin. But I can't. I'm sorry, anak."
Kumirot ang puso ko. Seeing him teary-eyed makes me weak. Habang pinapanood ko siya, ramdam kong isa siyang mabuting ama sa akin kahit pa hindi ko siya maalala.
How could I not remember him?!
"Huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo, Dad. You don't have to say sorry. I may not remember anything but I can feel how much of a good person you are," sabi ko. "Hindi mo kasalanan na may tumor ako. Hindi mo kasalanan na may sakit ako. Kaya huwag mong isisi sa sarili mo ang nangyayari sa akin."
Slowly he sniffed. Unti-unting tumulo ang mga luha sa pisngi niya. Mahigpit ang hawak niya sa kanan kong kamay.
"Sana kasi sa akin na lang iyang tumor, anak. S-Sana kasi hindi na lang sayo. You were not even able to have fun because of that tumor. You were not able to study. You were not able to do the things a kid should do," he cried. "Hindi dapat sayo iyan, eh. Bakit sayo pa?"
Parang pinipiga ang puso ko habang pinapanood siya. Wala akong maalala tungkol sa kanya bilang ama, pero nasasaktan ako. Sobra.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Walang may kasalanan, Dad. Tsaka... who knows why I have this tumor? Baka challenge ito sa akin, diba? Magiging maayos lang naman siguro ako. Hindi ako susuko, Dad. Magiging maayos ako. Tiwala ka lang sa akin."
Marahan siyang tumango pero may mga munting hikbi na lumalabas sa bibig niya.
"Tama ka, anak. You are a strong girl. This tumor will never defeat you. Hinding-hindi ka matatalo ng tumor lang," he said.
But it sounds like he is telling that to himself. Reassuring himself that I will be fine.
I smiled a bit. "Yes, Dad. Malakas ako. Hinding-hindi ako matatalo ng tumor lang."
But would I?
...
Another one <3.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro