11 | Headaches
Tumutugtog ang musika sa loob ng kwarto ko gamit ang spotify sa smart TV ko. On the screen, Iris by Natalie Taylor is playing. Nakaupo ako sa puti kong swivel chair habang may aklat sa kamay ko.
My hair is down. The curly tip is dancing freely as I keep on turning the chair. Isang puting bestida ang suot ko na pantulog. Nakapaa lang ako.
Sa harap ng puti kong desk na naka-on ang desk lamp, nakabukas ang glass window ko. Pumapasok doon ang mahinahong hangin, sinasayaw ang puti kong kurtina. At sa kalangitan, kitang-kita ko ang malaking buwan.
Only the desk lamp and the light from the moon are the things that light up my bedroom.
"Hmm-hmn..." I hummed as I listened to the music. I kept on slowly turning the chair side by side.
Isang munting ngiti ang nakaukit sa mga labi ko habang nagbabasa.
I wonder why it is easy to find true love in books? Sa totoong buhay kasi parang wala nang matino. Kung mayroon man hindi mapapasayo.
"Niah? Kakain na!" rinig kong tawag ni Ate sa akin.
Rinig ko ang mga yabag niya patungo rito sa kwarto ko. Agad kong nilagyan ang librong hawak ng bookmark. Tapos ay nilagay ko sa desk ko tsaka tumayo.
Sakto maglalakad na sana ako patungo sa pinto ng kwarto ko nang bumukas ito. Hawak ni Ate Renee ang doorknob.
"Tara na," sabi niya sa akin.
Ngumiti ako saka tumango. Naglakad ako patungo sa gawi niya.
"Anong ulam, Ate?" tanong ko.
"Letchon manok," sagot niya.
Sinara niya ang pinto ng kwarto tapos sabay kaming naglakad sa hallway.
Napapalakpak ako ng mahina. "Yey! May binili kang parsnips, Ate?"
"Oo, kami ni Dad bumili," sagot niya. "By the way, anong gusto mong pasalubong?"
"Pasalubong? Bakit? Aalis ka ulit?" tanong ko sa kanya.
She nodded. "Yep. Business trip. Pupunta ako sa Japan. So, anong gusto mong pasalubong?"
Napanguso ako. "Gusto kong pumunta rin sa Japan."
Nagliwanag ang mga mata ni Ate. "Sasama ka? Sige, sama ka sa akin!"
Mahina akong tumawa. "May gagawin ako, eh. Importante."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Gaano ka-importante at kailangan mo talagang pabayaan akong bumiyahe mag-isa?"
Sobrang importante. Ang dami ko pang gustong tapusin sa bucket list ko. Kaunti pa lang ang nabawas doon.
"Sus! Dapat kasi sumasama-sama ka rin sa akin para nakakapunta ka naman sa ibang bansa. Last time na nakapunta tayo ng ibang bansa ay no'ng nagpa-treatment ka," sabi niya.
Napanguso ako. Totoo naman. Nakakapunta lang ako dati ng ibang bansa dahil kailangan kong magpa-treatment. Tapos noong nagkaroon na ng cancer treatment facility rito sa Sagittarion, tumigil na kami sa pagpabalik-balik sa ibang bansa.
"Saka na lang ako pupunta ng ibang bansa kapag magaling na ako," sabi ko sa kanya.
Bahagya siyang natahimik, pero agad rin naman niyang inalis ang awkward na hanging bumabalot sa amin.
"So, ano nga ang gusto mong pasalubong galing sa Japan? Dadalhan kita," tanong niya sa akin.
Ngumiti ako. "Gusto ko lang ng mga pagkain galing sa Japan, Ate. Iyong mga cakes nila. Dalhan mo ako ng marami. Iba't ibang flavor."
Mabilis siyang tumang. "Oo ba. Dadalhan ko rin si Daddy kahit ayaw niya sa matamis para ma-stress ang tooth cavity niya."
Sabay kaming naghagikhikan nang mapag-usapan si Daddy. Siya talaga ang pinaka-KJ sa lahat.
"Bilhan mo rin siya ng flowers, Ate. Para ma-stress siya," sabi ko.
Tumawa siya saka tumango. "Plano ko nga rin siyang bilhan ng kimono, eh."
Saktong nakababa na kami sa sala. Naabutan agad namin si Dad sa kusina na nakaupo na at naghihintay sa amin dalawa.
I wonder how my Mom fell in love with him? Dad is too stiff. Base from what he keeps on telling us, Mom is a softy. Kaya paano kaya sila nagkahulugan ng loob?
"Daddy! Let's eat!" wika ko saka patakbong naupo sa hapag-kainan.
Si Ate ay nakaupo sa harap ko. Si Daddy sa dulo.
"What were you two talking about? Natagalan kayo sa pagbaba. Kanina pa ako rito," sabi niya agad.
I smiled at him. "Sinabihan ako ni Ate na aalis siya patungo sa Japan. So, I asked her to buy me japanese cakes. Ikaw, Dad? Anong gusto mong pasalubong."
"Masyado na akong matanda para sa mga pasalubong-pasalubong na ganiyan, anak. Ikaw na lang ang magpadala sa Ate mo," sabi niya.
Ngumiti si Ate. "Dadalhan na lang kita ng bulaklak, Dad. Cherry blossoms, gusto mo? Para naman hindi ka ma-left out."
Dad just shook his head. "Let's just pray and eat, shall we? Your old man is starving."
"Alright!" saad ko. "I'll pray!"
"Okay," saad nilang dalawa ni Ate.
"In the name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit. Lord, thank you for the foods. Thank you for the blessings that you always provide us. Thank you for the good health and the guidance. Thank you for the making impossible things possible. Thank you for the miracles. All of this we pray in the name of Jesus. Amen," I said.
"Amen!" saad nina Ate at Daddy.
"Let's eat!" Malawak ang ngiting sabi ko.
Agad na kaming nagsimulang kumain. Ate and I were already having fun eating but we noticed that Dad did not eat yet. Pinapanood niya kami habang may tipid na ngiti sa labi niya.
Nakalobo ang mga pisnging tumingin ako sa kanya. "Anong problema, Dad? Bakit hindi ka pa kumakain?"
Napatingin na rin si Ate Renee sa kanya. Nakalobo rin ang pisngi niya habang nakatingin kay Dad.
"Hindi ka pa kumakain, Daddy? May problema ka?" tanong niya kay Dad.
He smiled a bit. "Just eat. Don't mind me," he said softly.
Ate raised her brows. "Why? You look emotional. May problema ba?" tanong niya ulit kay Dad.
He sighed a bit. "I just can't help but feel emotional while watching you both. Nami-miss ko ang Mommy niyo. Kaming dalawa palagi ang nagpapakain sa inyong dalawa when you were little. Maingay palagi ang hapag-kainan dati."
Lumambot ang puso ko sa sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Hindi ko alam kung gaano kasakit para kay Daddy ang pagkawala ni Mommy. Hindi ko alam dahil sobrang liit ko pa noong nawala siya. It would have been painful for him, raising me and Ate without Mommy beside him.
I smiled softly at him. "You're the best dad, Dad," sabi ko sa kanya.
I want to make him feel better. Alam kong minsan nami-miss niya si Mommy kapag mag-isa lang siya. Gaya ngayon.
"If you're feeling sad, just tell us, Dad," sabi ni Ate. "Huwag mong itago ang lungkot na nararamdaman mo kasi nandito naman kaming dalawa ni Niah. Pwede mo naman kaming makausap. Especially Niah, because she looks like Mom."
I smiled at reassuringly at him. Ngumiti rin siya pabalik saka marahang tumango-tango.
"I'm alright. Don't think about me that much. You two should enjoy your life and do the things you love," sabi niya. "Medyo, nalulungkot lang ako dahil namimiss ko ang Mommy niyo. I miss her radiance and warmth. But I will be fine. Sige na. Kumain na tayo at nang makapagpahinga pagkatapos."
We both smiled and nodded at him. "Ikaw rin, Dad!"
After dinner, Ate and I washed the dishes. Tapos ay sabay kaming umakyat sa ikalawang palapag. Hinatid niya ako sa kwarto ko.
"Tomorrow, I'll be gone early. So, just text me whatever you want for pasalubong, okay? I'll make sure to buy for you," sabi niya.
Tumango ako saka malawak na ngumiti. "Yes po, Ate."
She nodded. "Siya sige. Matulog ka na."
I nodded. "Okay po."
She then closed the door before her. May munting ngiting humarap na ako sa kama. Akmang maglalakad na ako patungo sa kama nang biglang kumirot ang ulo ko.
Napasinghap ako saka mabilis na nasapo ang ulo ko. Napapikit ako ng mariin.
"A-Aray!" bulong ko.
Muling kumirot ang ulo ko na impit kong kinatili. Iyong tipo ng sakit na para bang binibiyak ang laman ng ulo ko.
Napaupo ako sa sahig habang sapo ang ulo ko. Unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko nang hindi sinasadya dahil sa sakit.
Halos sabunutan ko ang buhok ko. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang sakit. Kahit pa sobrang higpit na ng hawak ko sa buhok ko, hindi ko maramdaman ang sakit sa anit ko, dahil sa hapdi ng ulo ko.
"A-Aray ko..." Napaiyak na ako sa sakit.
Nangingitim na ang paningin ko. Napahikbi ako saka walang nagawang bumagsak sa sahig. Sabu-sabunot ko ang buhok ko.
"M-Mommy..." I cried.
All I could feel is the ache in my head. Para akong sinusunog doon sa ilalim. Sobrang sakit. Sobrang hapdi. Para akong pinapatay ng dahan-dahan.
"M-Mommy... h-help me..."
I can't stop but call my Mom whose the only one who knows what this ache feels like. Kung totoo man na may multo ang tao, sana yakapin ako ni Mommy. Sana tanggalin niya ang sakit sa ulo ko.
I sobbed. I started slapping my head. But because of the ache that is coming from inside, I could not even feel my slaps on my head.
"L-Lord... a-ayoko na. A-Ang sakit na. L-Lord, please... t-tanggalin mo ang sakit..." I begged Him.
Kung totoo man ang milagro, sana ay gawin niya sa akin. Tanggalin niya ang sakit ng ulo ko.
Buong buhay ko, inaalay ko sa kanya. Sabi ko, wala nang ibang makakaalam sa sakit na nararamdaman ko maliban kay Mommy at kay Lord. Siya lang ang kakampi ko sa tuwing sobrang sakit na dahil siya lang ang nakakaramdam ng nararamdaman ko.
Palagi akong umiiyak sa kanya. I kept on telling him how much it hurts. I kept on talking to him, telling him that my life is on him already. Siya na ang bahala sa akin.
Humagulhol ako. Mahigpit ko na namang hawak ang buhok ko. Pikit-pikit ang mga mata ko. Hapdi lang ang nararamdaman.
"L-Lord... s-spare me from this sickness. A-Ayoko na... pagod na ako... Lord, p-please..." I whispered, talking to him with all my heart.
I cried the whole night. Lying on the cold floor, grabbing my hair, feeling the ache in my head. I cried calling God and Mom, begging them to help me.
Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang sakit.
Kinabukasan, nagising akong nasa sahig pa rin. Ramdam ko ang lamig sa buong katawan ko. Halos hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi.
I looked at the ceiling and slowly held my head. Hindi ko na maramdaman ang sakit.
Sa wakas, wala na. Hindi na masakit.
I smiled sadly. "T-Thank you, Lord. Thank you, Mom," bulong ko.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa sahig. Bahagyang nanginginig ang buong katawan ko sa takot na baka bigla na namang bumalik ang sakit.
I was about to walk towards the bathroom when I took a glimpse of myself on the mirror. Sobrang maga ng mga mata ko. Kitang-kita ko ang eyebags ko at ang dark circles sa ilalim ng mata ko. Sirang-sira ang buhok ko.
I sighed hard. Mabilis na lang akong pumasok sa banyo saka naligo.
Matapos kong maligo ay pinulot ko ang cellphone ko sa desk ko. I dialled Yelena's number. After four rings, she answered.
"Hmm? Hello? Ang aga, ah. Napatawag ka?" saad niya.
I smiled a bit. I placed the phone on the desk and made sure it is on loud speaker.
Kinuha ko ang concealer mula sa desk ko. Agad kong nilagyan ang ilalim ng mga mata ko.
"Good morning, Yels!" Masigla kong bati sa kanya.
"Oh? Ang sigla mo naman sa umaga. Ang sarap ba ng tulog mo at ang ganda-ganda yata ng umaga mo," sabi niya.
Mahina akong natawa. Ang sakit-sakit nga ng tulog ko, eh. Ayoko lang sabihin dahil ayokong mag-alala siya.
"Oo nga, eh," sabi ko na lang. "Napatawag ako kasi hindi ako papasok ngayon."
"Oh? Bakit? May pupuntahan ka? Alam iyan ng Daddy mo? Paalam ka muna sa kanya," sabi niya.
Napangiti ako ng kaunti. "Oo. Magpapaalam ako sa kanya. Tumawag lang ako sayo para sabihing hindi ako papasok."
"Oh sige, sige. Ako na ang bahala sa cafe. Kung pagod ka, pahinga ka muna. Huwag kang kung saan-saan pumupunta. Okay?" aniya.
Dahan-dahan akong tumango at malungkot na tumingin sa reflection ko sa salamin. "Yes, Yels. Hindi ako aalis."
"Oh sige. Patayin mo na ang tawag. Maliligo pa ako," sabi niya.
"Okay. Bye!" Pilit kong pinasigla ang boses ko.
"Sige. Bye! Ingat ka!" sagot naman niya.
Tipid ang ngiting pinatay ko ang tawag. Tapos bumuntong-hininga at tuminging muli sa salamin para ayusin ang concealer sa ilalim ng mga mata ko.
Nang matapos ay lumabas ako ng kwarto. Isang baby blue puffy sleeved top ang suot ko. At puting fitted jeans. Pinaresan ko ito ng white doll shoes.
Pagbaba ko sa sala, naroroon na si Daddy. Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng TV.
I breathed in and readied myself to act bright towards him.
"Dad! Good morning!" Masigla ang boses na sabi ko.
Agad siyang lumingon sa akin. Ngumiti siya saka agad na tumayo sa sofa.
"Aalis na tayo?" he asked.
I nodded. "Kanina ka pa po ba?"
"Ngayon lang. I just finished eating breakfast. Sumabay ako sa Ate mo. You should eat breakfast first," sabi niya.
Ngumiti ako sa tumango. "Alright po, Dad. Hindi ka pa naman male-late?"
He nodded. "Hindi pa. Go on and eat."
I nodded. "Okay po. By the way, Dad. I'm not going to the cafe today."
"Bakit?" he asked.
"Ah... kasi I have somewhere else to go. Pupunta ako sa botanical garden," sabi ko sa kanya.
He slowly nodded. "Ikaw lang ba mag-isa ang pupunta doon?" tanong niya.
I nodded. "Opo. Pero don't worry, I will text you."
He slowly nodded. "Okay. Go on and eat. Ihahatid kita doon."
I smiled cheekily and clapped my hands. "Thanks, Dad!"
Agad akong pumunta sa kusina saka nagsimulang kumain ng breakfast. Nang matapos akong kumain ay agad na kaming umalis ni Daddy. Dumeretso kami sa botanical garden para ihatid ako.
"Bye, Dad!" sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
He smiled. "Take care, okay? Text me wherever you would go."
I nodded. "Opo. I will."
He nodded. "Okay."
Agad na niyang minaneho ang sasakyan paalis. I waved my hand as he maneuvered the car away.
Nang mawala na siya sa paningin ko, unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi. Bumalik ang lungkot na nararamdaman ko.
Napatingin ako sa maliit na camera na hawak ko. Hindi ko alam kung bakit dala ko ito. Siguro ay dahil gusto kong manguha ng picture sa mga lugar na pupuntahan ko.
Naglakad ako patungo sa cliff kung saan ako palaging umuupo. Walang tao nang makarating ako doon kaya mabilis akong naupo.
Slowly, I started capturing photos of the place, of the wood I used to sat on, the cliff itself, the view of the houses and buildings in front, the trees, and everything around me.
Slowly, my heart clenched in pain. Sumakit ang ilong ko at humapdi ang mga mata ko. Unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
Tahimik akong napaiyak at mahinang nilagay ang camera sa mga hita ko. Napatakip ako sa mukha ko habang umiiyak.
"M-Mommy... L-Lord..." bulong ko. "Hindi ko na sigurado kung aabot pa ng isang taon ang buhay ko. P-Parang habang patagal nang patagal, mas umiiksi ang chance na mabuhay ako ng matagal. P-Pakiramdam ko, anytime mawawala na ako sa mundong ito. S-Sinusukuan ako ng katawan ko."
Ang haba pa ng listahan sa bucket list ko. Pero mukhang malabo nang matapos. Mukhang hindi ko na matatapos. Mukhang dederetso na ako sa dulo ng listahan.
Napahagulhol ako saka napatingala sa kalangitan. "L-Lord, gusto ko pang mabuhay ng matagal. G-Gusto ko pang makasama ng mahaba si Daddy at si Ate. G-Gusto kong makitang tumandang masaya si Daddy. P-Pero paano ako makakasiguro na mabubuhay pa rin ako after ng surgery? Paano ako makakasiguro na magiging maayos nga ako? Na gagaling ako?"
I don't want to disappoint my Dad and Ate Renee. Sa aming tatlo, sila ang nag-e-expect na mabubuhay ako ng matagal. I don't want to fail them.
"L-Lord, just give me a sign that I will be okay after the surgery. K-Kapag nangyari iyon, I will immediately take the risk. Magpapa-surgery ako agad," sabi ko.
Napatigil ako sa paghagulhol nang may dumapong dilaw na paru-paro sa camera na nasa mga hita ko. Napatingin ako doon. Its wings is filled with black outlines making it look so pretty.
Isa lang ang naaalala ko sa paru-parong ito.
"Savino..." bulong ko. Napatingin ako sa kalangitan. "Sign mo ba ito, Lord? Si Savino ba? Should I finish my bucket list with him?"
Bahagya akong napangiti. Lumipad ang paru-paro palayo sa akin. Mabilis kong hinawakan ang camera saka tumayo.
I bravely wiped my wet cheeks. "I don't know if it was your sign. But I will do what my intuition tells me. Thank you, Lord."
Agad akong naglakad pababa ng botanical garden. Pupunta ako sa lib-cafe ko. I will wait there for Savino to arrive.
I will ask Savino to take a lot of photos of me while we are finishing the bucket list. It doesn't matter anymore kung ano ang mangyayari sa akin. I will just do this.
Kasi kung totoong maiksi na ang buhay ko, then that itself should be the reason for me to make more memories in this world. Even with a short lifetime.
Kahit pa medyo may kahabaan ang lalakarin patungo sa cafe, pinili ko pa rin na maglakad. Kinukuhanan ko ng picture bawat nadadaanan ko.
Pagdating ko sa cafe, naabutan ko si Yelena na nakaupo sa sofa at hawak ang cellphone niya.
Masiglang lumapit ako sa harap ng counter. "Yels! Good morning!"
Mabilis siyang napatingin sa akin. She looked at me from head to toe.
"Akala ko hindi ka papasok ngayon? Bakit nandito ka?" tanong niya.
Humagikhik ako. "It's a prank! Nandito na ako!" sabi ko.
Luminga-linga ako sa paligid. I was trying to see if Savino is here. Pero bahagya akong nalungkot nang makitang wala siya.
"May hinahanap ka? Iyong boyfriend mo?" tanong niya. May ngisi sa mukha niya.
Napakurap ako. Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako kapag sinasabi sa akin ni Yelena na boyfriend ko si Savino. Kasi hindi naman totoo.
"Ah... nakita mo ba siya?" tanong ko.
Ngumisi siya. "Hulog na hulog ka, ah. Hinahanap mo palagi, ah. Iba na iyan, ah."
Napakurap ako. Magpapa-picture lang ako, Yels. Walang iba.
"So, nakita mo nga siya?" tanong ko na lang.
"Oo. Pumunta iyon dito kanina. Sobrang aga. Pero umalis din agad. May iniwan siya para sayo. Ito," sabi niya sabay lapag ng isang puti na sobreng may nakalagay na bulaklak na lily sa opening.
"Ano ito?" tanong ko saka kinuha ito.
Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Buksan mo na lang."
Tumango ako. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitingnan ang lily doon.
It's cute how the design itself looks like a message for me already. And I don't have to know who it belongs. Kasi kaming dalawa lang ang nakakaalam ng tungkol rito.
Dahan-dahan kong binuksan ito. Making sure na hindi masira ang sobre. I want to keep it inside the box na nilagyan ni Savino sa notebook ko noong sinauli niya ito sa akin.
I peeked inside. A photo is inside.
Kinuha ko ito saka tiningnan. I smiled when I realized it is a photo of the creek of the botanical garden.
At the back is a handwritten letter.
The penmanship is clean. Audible. But you would immediately know that it belongs to a man.
Sweet Lily,
I won't be able to be with you this morning. I have something important to do because of my clients. You know, business things haha. But don't worry, I'll meet you in the afternoon.
What do you want for a flower? Whatever. I'll just pick a white lily for you haha.
Meet me at where the photo indicates. I'll be there.
Savi
Lumawak ang ngiti ko. Muli kong sinilid sa sobre ang picture. Tapos ay nakangiting tumingin ako sa kay Yelena.
"Yels, mamayang 1:00 aalis ulit ako, ah?" sabi ko.
Napakurap siya saka marahang tumango sa akin sabay ngisi. "Okay. Paalam ka sa Daddy mo, ah. Lumalablayp ka na."
...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro