Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

08 | Sweet Lily

Saturday came and I decided to take a break from work. Nagpaalam rin ako kay Yelena na hindi muna ako papasok. My Dad and Ate Renee were both happy when they learned about my decision. Saying finally I made the rightest choice.

Wearing a white shirt underneath a pink denim overalls and a pair of white shoes, with hair bun twice, I walked slowly beside the trails of Sagittarion's river. The tranquility of the stream together with the chirping of the birds and the rattles of the leaves feel like pure bliss.

Sobrang gaan sa pakiramdam. Para akong dinuduyan.

Itong lugar na ito ay sobrang linis. Alagang-alaga ito dahil isa rin ito sa pinakamadalas bisitahin ng mga turista. Madalas may mga nangingisda rito. Pero bawal paliguan.

The secret for this clean and calm river is nothing else but the 3R's. Nope, not the most common 3R's that means Reduce, Reuse, and Recycle. But the Reduce, Respect, and Restore.

Reduce waste around the area including all types of chemicals like pesticides and insecticides. Respect the ecosystem. And restore through planting vegetation, putting animals like fish, and taking care of the water.

Sobrang galing ng munisipyo dahil naisipan nilang alagaan ng maayos ang ilog.

Bigla akong may narinig na kaluskos sa parteng puno ng damo. Naalerto ako agad. Kinakabahan ako baka ahas iyan o ano pang mga klase ng hayop na pwedeng umatake sa akin.

Huwag naman, Lord!

Nanlalaki ang mga matang dahan-dahan akong umatras palayo. Mas lalong lumakas ang pagkaluskos.

"Lord," naiiyak kong bulong.

Napatili ako nang makitang may lumabas mula doon sa damo saka mabilis na tinakpan ang mga mata ko sa takot at sa kaba.

"Oh my God! Lord!" tili ko.

Nagtitili ako pero hindi ko magawang igalaw ang katawan ko para tumakbo. Totoo pala talaga na kapag nasa bingit ka na ng kamatayan, hihintayin mo na lang na mamatay ka.

"Inniah? What's going on?"

Napatigil ako sa pagtili.

Pamilyar ang boses na iyon, ah.

Dahan-dahan kong inalis ang mga palad ko sa mga mata ko. Pero napaigtad ako nang hawakan niya agad ang braso ko tapos ay sinuri ang buong katawan ko.

"What happened? Why are you shouting? May kumagat ba sayo?" tanong ni Savino sa akin.

I looked at his face. Magkasalubong ang mga kilay niyang sinusuri ako. Pinapatalikod niya pa ako para tingnan ang likod ko.

Tapos ay muli niya akong pinaharap. Tumingin siya sa akin. I can't help but notice the glint of worry written on his eyes.

"Inniah, talk to me. May kumagat ba sayo? I will immediately bring you to the hospital," saad niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.

Pero sa halip na sumagot ay ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko habang nakatingin sa mukha niyang... gwapo.

Ayan na naman iyong mga mata niyang nilulunod ako. Iyong matangos niyang ilong. Ang makapal niyang kilay. Ang mahahaba niyang pilikmata. Ang mapupula niyang mga labi. Ang malinis niyang buhok. Ang maamo niyang mukha.

"Inniah? Talk to me please? Why aren't you speaking?" aniya.

Napakurap ako saka napatikhim saka bahagyang napaatras.

Ano ba, Niah? Nag-aalala na nga ang tao sayo, tapos ikaw diyan iba ang iniisip!

"Ah... A-Ayos lang ako," wika ko na lang, ramdam pa rin ang pamumula ng pisngi ko.

Tumingin siyang muli sa katawan ko para suriin ako. "Sigurado ka? Hindi ka kinagat ng kung ano diyan?" he asked.

Mabilis akong umiling. "Hindi. Natakot lang ako sa kaluskos diyan sa damo. Tsaka bakit ka ba kasi nandiyan sa damuhan?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

His face slowly lifted. From worry to mischief.

"Ah, iyon ba?" he asked with a smirk. "May kinukuhanan ako ng picture."

"Ano naman ang kinukuhanan mo diyan? Puros lang naman damo iyong nandiyan," saad ko sa kanya.

He puckered his lips. "Iyong mga langgam, syempre. Bakit? Tao lang ba ang pwedeng maging subject sa photography?"

Natameme ako. Tama naman siya.

Ngumuso ako saka tumango. "Okay."

Agad akong tumalikod sa kanya. Nasira na tuloy ang me-time ko dahil dumating siya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin. "Alam ba ito ng Daddy mo?"

Mabilis ko siyang nilingon. "Oo. Sinabi ko sa kanya na pupunta ako rito," I answered confidently at him.

His brows raised with a smirk on his face. "Weh? Totoo? Marunong ka nang magpaalam ngayon?"

Sumama ang mukha ko. "Oo naman, 'no!"

His smirk grew wider. Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Parang... hindi totoo."

I rolled my eyes. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Itanong mo pa sa Dad ko. Bahala ka nga diyan."

Agad na akong tumalikod at akmang aalis nang muli na naman siyang magsalita.

"Aalis ka agad?" tanong niya.

"Oo," sagot ko saka hindi siya nilingon.

I suddenly heard a flash from a camera. Mabilis ko siyang nilingon.

Nakatutok ang camera niya sa akin. Nakapikit ang isa niyang mata habang nakaharap sa akin.

Bahagya akong napapikit nang muli niya akong kunan ng picture. Napakurap ako saka pinanood siyang binaba ang camera na hawak niya. Tumingin siya roon nang may munting ngiti sa labi.

"Why do you keep on stealing photos?" tanong ko sa kanya.

Ngumuso siya, nasa camera pa rin ang tingin. "The stolen photos are the most genuine," sagot niya sa akin.

"Hindi ba bawal iyon? Paano kung ayaw pala ng tao na magpa-picture?" tanong ko.

"I'll keep the photos and won't be posting it anywhere. Ako lang ang makakaalam no'n," sagot niya. Ngumiti siya habang nakatingin sa camera. "You look innocent."

Napakurap ako. "Is that a compliment? Because why do it sound like you're saying na mukha akong ignorante?"

Tumingin siya sa akin. May munting ngiti sa labi niya. I just realized that he is wearing a gray hoodie.

"No. You are innocent. Innocent is different from ignorant, Inniah. Innocence implies no harm, ignorance implies lacking of knowledge. And you are just pure innocent," aniya sabay ngiti sa akin.

Biglang dumagundong ang puso ko. Ramdam ko ang mga paru-paro sa tiyan ko na nagkakagulo. Iyong pisngi ko ay nag-iinit.

Kumurap ako. "Okay. Thank you." Agad akong tumalikod para umalis.

"Aalis ka na?" tanong niya hindi pa man ako nakapaglalakad paalis.

"Oo," sagot ko.

"Bakit ka aalis agad? Hindi mo ba e-enjoy-yin itong lugar samantalang wala pang masyadong tao? Kapag marami nang turista rito, sobrang ingay na," sabi niya.

Napanguso ako.

Actually, medyo kakarating ko pa lang. Sinadya ko talaga na pumunta rito ng maaga dahil alam kong wala pang katao-tao. Pero kasi medyo naiilang ako kapag kasama ko si Savino. Iyong puso ko kasi hindi matigil.

Ayoko pa sanang umalis.

Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Eh, ikaw? Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. "Pinapaalis mo na ako?"

Napakurap ako saka mabilis na umiling. "Ah, h-hindi ah! Wala akong sinabing ganoon. Tinatanong ko lang kung hindi ka pa ba aalis kasi b-baka may ginagawa ka. O baka busy ka."

Muling gumuhit ang ngisi sa mukha niya. "Bakit? Hindi naman ako busy so I can stay here whenever I want."

Nilingon niya ang punong nasa malapit lang sa kanya. Dalawang ibon ang naroroon. Agad niyang tinutok ang kanyang camera sa dalawang ibon saka mabilis itong kinuhanan.

I pursed my lips. Dahan-dahan na lang akong lumapit sa gilid ng ilog saka napagdesisyunang manatili.

Bakit nga ba ako aalis kung siya lang ang dahilan? I came here to feel the tranquility of the moving water in the first place.

I stepped on a flat huge stone on the river. Nasa likod ko ang dalawa kong mga braso. Dumungaw ako sa tubig at pansin ko ang mga isdang iba't iba ang klase at kulay.

Hindi ko mapigilang ngumiti.

Muli kong narinig ang flash ng camera ni Savino. Nilingon ko siya ulit. Nakatutok na ulit ang camera niya sa akin.

Ngumuso ako saka sinamaan siya ng tingin. "Why are you taking a lot of photos of me?"

Ngumiti siya sa akin. "My lenses like you."

Napakagat-labi ako. Ayan na naman ang puso ko.

"Well... thanks to your lenses," wika ko. Muli akong napatingin sa mga isda saka tinuro ito. "Bakit hindi mo kunan itong mga isda? They're pretty."

Agad siyang naglakad palapit sa kinaroroonan ko. He stepped on the stone I am on. Mabuti na lang at malaki ang bato kaya kasya kaming dalawa.

Sabay kaming dumungaw sa mga isda.

"Tsk. I should've brought a fishing rod with me," sabi niya.

Nilingon ko siya. "Bakit hindi ka nagdala? Dapat nagdala ka. I should have borrowed it from you."

Ayos lang kasi na mangisda ang mga bumibisita rito. Iyon nga lang kailangang magbayad depende sa kilo ng isdang makukuha. But anyways, it will help the river.

He squat and took photos of the fishes. Ang gaganda nila. May orange, green, blue, light blue, and so many more.

Nang tingnan niya ang camera niya, tinukod ko ang mga kamay sa tuhod ko saka bahagyang yumuko at lumapit sa kanya para tingnan ang mga kuha niya.

My mouth are a bit open as I looked at how pretty his taken photos are.

"Wow," bulong ko.

Nilingon niya ako. Agad akong tumingin sa kanya saka umayos ng tayo.

He smiled at me. "Gusto mong subukan?" he asked and extended his hand with a camera.

Napakurap ako saka tinuro ang sarili ko. "A-Ako?" tanong ko.

He nodded. "Oo. Subukan mo."

Tumayo siya. Hinubad niya sa leeg niya ang sling ng camera. Tapos ay sinuot niya sa leeg ko.

Ramdam ko ang lapit niya sa akin. Amoy na amoy ko ang dibdib niya.

Kinuha niya ang kamay ko saka pinahawak sa camera niya.

"Ayan. You just have to turn this circular part here for zooming. This one for the blur. Then this one for capturing," aniya sa mahinahong boses.

But I can't seem to focus with our position. He is beside me but he is too big for me that he looks like he is hugging me. Saktong-sakto lang ang liit ko sa braso niyang pinapagitnaan ako para turuan akong e-access ang camera niya.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Iyong mga paru-paro sa tiyan ko ay hindi makalma.

"You think you can do it on your own?" tanong niya sa akin.

Mabilis akong tumango. "Y-Yes, I can."

Binitawan niya ako. Agad akong yumuko saka tinutok ang camera sa mga isda. Nakapikit ang isang mata ko. Tapos ay kinuhanan ko na ito.

Malawak ang ngiting tiningnan ko agad ang resulta. "Whoah! Look at what I took, Savi!"

Mabilis kong pinakita sa kanya. Malawak ang ngiti ko sa kanya. Pero napatigil ako nang mapansing hindi siya gumagalaw.

Nilingon ko siya. He looks shock as he look at me.

Napakurap ako. "Bakit?" tanong ko.

"What did you just call me?" tanong niya sa akin.

I blinked. "Ah, Savi. Ayaw mo ba? Sorry, it should have been Savino, kaso ang haba, eh. Pero if you don't like it, I'll call you with your full name. Savino Basaltta."

"Savi... May naaalala lang ako sa Savi. But it sounds better from you," sabi niya. "Savi it is."

Napakurap ako. Dahan-dahan akong tumango. "Okay. Savi then."

Ngumiti siya saka tumango. "Let me see the photo you took then? Tingnan ko kung mas magaling ba sa akin."

Lumapit siya sa akin. Mas malapit. Amoy na amoy ko na naman siya.

Tapos ay tiningnan niya ang kuha ko. "Hm... hindi pa. Mas magaling pa rin ako."

Agad na sumama ang itsura ko. "Of course, mas magaling ka sa akin! Professional photographer ka, eh! Ako, ngayon lang."

He chuckled. His voice sounds good to my ears.

"Bakit ka galit? Galit ka ba sa akin?" he asked.

Umiling ako. "Hindi, ah. I am just pointing out."

Tumawa siya. "Magalit ka pa. Gusto ko iyan."

Inis ko siyang tiningnan. "Bakit gusto mong galit ako?!"

"Wala. Mahilig lang ako sa mga laging galit," he said and smirked.

I rolled my eyes at him. "Sorry ka. Ayaw ko sa mga laging galit."

"Hindi naman ako laging galit," he said and chuckled.

"Okay," saad ko na lang. "Anyway, why did you choose photography among the other professions?"

Humalukipkip siya. "Hm... bakit nga ba? Maybe because I want to capture all the moments in life? Baka kasi tumanda na ako tapos magka-alzheimers na. Baka hindi ko na maalala iyong mga magandang nangyari sa buhay ko."

"Oh... Dapat pala ginawa ko iyan noon pa," sabi ko.

"Bakit? Hindi ka ba mahilig mag-picture?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi. I am more of experiencing. Kasi I believe that the most memorable moment in life is the one that was not captured on camera."

"And is it proven true?" he asked.

I nodded. "Yes! Totoo iyon. Naniniwala akong totoo."

He nodded. "Alright. So, when are you gonna plant rice then?" tanong niya bigla.

Napasinghap ako saka mabilis na nilingon siya. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya.

"How did you know about that? Binasa mo ang journal ko, 'no? Binasa mo ang bucket list ko?" tanong ko sa kanya.

He raised his brows and puckered his lips. "It just happened. So, kailan mo sisimulan?"

"Bakit mo tinatanong?" tanong ko sa kanya.

"Curious lang ako," wika niya.

Napanguso ako. "Well... hindi ko pa nasisimulan. Hindi ko rin alam kung kailan ko sisimulan."

"Why don't you start it now?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya. "Ngayon? Bakit ngayon?"

"Bakit hindi ngayon? Kailan mo pala planong simulan? Kung plano mo iyang tapusin, bakit hindi mo ngayon simulan?" aniya.

I stopped as I thought about what he said.

"But... I'm not ready yet," wika ko.

"Bakit naman?" tanong niya.

Ngumuso ako.

Kasi paano kung masimulan ko nga pero hindi ko naman matatapos? Sino ang tatapos?

Gusto ko munang pag-isipan bago ko simulan talaga. Tsaka halos lahat pa naman ng nasa bucket list ko ay medyo delikado. Kaya ayokong sabihin kay daddy dahil alam kong hindi niya ako papayagan.

"Pag-iisipan ko muna," sabi ko sa kanya.

He nodded. "That's right. You should think about everything you do before doing it. Why don't you just take photos of the place?" aniya.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Masaya akong hindi niya ako kinulit tungkol doon.

I smiled a bit and nodded. Hinawakan ko agad ang camera saka nagsimulang manguha ng picture sa mga nasa paligid ko.

The trees. The rays of the sun passing on the leaves of the trees. The fishes. The bushes. The river. My reflection on the water. And Savino.

He is just patiently sitting on the wooden bench under a tree as I carried his camera on every corner of the river. Hinahayaan niya lang akong gawin ang gusto ko.

I took another picture of him again. He looks really dashing on whatever he is wearing. Tsaka mukha siyang mabait. Bakit kaya?

Bakit ang bait niya sa akin? Alam niya ba na may tumor ako sa utak kaya naaawa siya sa akin?

While I was taking photos, he suddenly asked. "Bakit ka nga pala palaging tumatakas mula sa Daddy mo?" he asked.

Hindi ko siya nilingon. Patuloy lang ako sa pagkuha ng pictures.

"Because he won't let me," sagot ko.

"Kung ganoon, dapat nakikinig ka sa kanya. I'm sure he just want what's best for you," aniya.

Ngumuso ako. "I know. Pero sometimes kasi gusto kong makawala minsan. Gusto kong gawin iyong magpapasaya sa akin bago pa mahuli ang lahat. Life is too short for me to listen to all his 'no's', you know? Ayokong may pagsisihan ako kapag nawala ako."

He chuckled. "You're talking like you're about to die. Stop that. Hindi matutuwa ang Daddy mo kapag narinig ka niyang ganyan."

If only you know, Savi.

I chuckled back. "Kaya sa iba ko sinasabi kasi ayokong marinig niya. Magagalit siya sa akin kapag narinig niya akong super nega."

I am taking photos of the snail on the stone.

He chuckled as well. "Why do you wanna plant rice, anyway? Sa dami ng pwede mong isulat sa bucket list mo, ang pagtatanim pa talaga ng palay?"

"Bakit? Wala namang rules sa bucket list na dapat iyong travelling lang ang ilalagay, ah," wika ko. "I just want to do it that's why I wrote it on my bucket list."

I want to experience life. I want to learn more about life through these things. These are not that common to people, but I know I will learn a lot from it.

Gusto kong mawala na maraming natutunan.

"Alright. Aside from planting rice, what else do you want to do?" tanong niya.

I pursed my lips and looked above. I took photos of the trees.

"Riding a roller coaster," sagot ko.

"Now, that's what a bucket list should be," aniya sabay tawa.

Nilingon ko siya. "Hey! Don't you ever laugh about me planting rice, Savi! Hindi madali ang magtanim ng palay!"

May ngiti siya sa labi habang nakatingin sa akin. "Alam ko."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paanong alam mo? You look rich. Sigurado akong wala kang alam sa mga mahihirap na bagay."

Ngumisi siya sa akin. "Thanks for the compliment, Miss Inniah. But trust me when I say I planted rice before. Kasama ko ang kapatid ko."

"Kapatid? Is it a boy or a girl?" tanong ko.

"Lalaki," sagot naman niya.

"Oh... mas matanda ka?" tanong ko.

I realized I don't know anything about him yet. Pero siya kilala ang Daddy ko at ang Ate ko. Even Yelena.

"Mas bata ako ng isang taon," sagot niya.

"Whoah. May Kuya ka?" saad ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ba't mukha kang masayang may Kuya ako? Oo, may Kuya ako, tapos?"

Kumurap ako. "Wala. I'm just happy to know na may Kuya ka. Gusto ko rin na may Kuya ako. Anong pangalan niya?"

Tinitigan niya ako saglit. Tapos ay nagsalita na siya. "Bakit mo natanong?"

Ngumuso ako. "Wala. Para kapag nagkabanggaan kami ng Kuya mo, at least alam ko na Kuya mo siya."

"At plano mo pa talagang makipagbanggaan sa Kuya ko, ah?" aniya.

"No! It's not that! Ang ibig kong sabihin, baka kasi makita ko siya in person. Edi, hindi na ako magugulat na siya ang Kuya mo," paliwanag ko. "So, ano ang pangalan niya?"

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Wala. Hindi ko sasabihin."

Nawala ang ngiti ko. "Bakit ayaw mo sabihin sa akin?"

Tumaas ulit ang kilay niya. "Bakit hindi ka masaya na hindi ko sasabihin sayo?"

"Kasi alam mo na ang tungkol sa Daddy at Ate ko. Pati kay Yelena, alam mo rin. Dapat may alam rin ako sayo," sabi ko.

Unti-unting sumilay ang ngisi sa mukha niya. "Oh, I see. You want to get to know me, Ms. Teatreko?"

Sumama ang tingin ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. "No! Nagtatanong lang ako."

"Interesado ka na sa akin, Ms. Inniah?" tanong niya habang may ngisi.

I glared at him. "Shut up, Savino!"

"Where's the 'Savi' now, Sweet Lily?" Ngisi niya.

"Sweet what?" tanong ko. "Who's that Sweet Lily?"

Bigla akong nakaramdam ng inis. Tinatawag niya ako sa pangalang hindi naman akin.

"Ikaw," sagot niya. "You're a sweet lily."

I felt blood running to my cheeks. Ang mga paru-paro sa tiyan ko ay ayaw magpahinga.
"H-How am I a sweet lily?" tanong ko.

He puckered his lips. Sumingkit ang mga mata niya sa pagngiti niya.

"You're pure, innocent, and... beautiful," he said as he stared at me.

And even from a distance, I could feel his intense stares that makes my heart go wild.

"A sweet lily," he whispered.

He looks like a memory I don't want to forget.

...

Okay. Here's one for you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro