06 | Bucket List
"Bye, Dad!" sabi ko kay Dad sabay halik sa pisngi niya.
Dad parked the car just in front of the cafe.
He smiled at me. "Huwag mong pagurin ang sarili mo, okay? And eat a lot. And make sure you won't suddenly leave the cafe without Yelena knowing, okay?"
I nodded and smiled at him. "Opo, Dad!"
He smiled. "Alright. Take care."
Agad kong binuksan ang pinto ng backseat saka agad na lumabas. Hindi namin kasama si Ate Renee ngayon dahil may business trip siya.
Tumayo ako sa harap ng sasakyan saka nag-wave kay Daddy. Agad naman niyang minaneho ang sasakyan paalis ng cafe.
I immediately went inside of the cafe and saw Yelena wiping the counter. She is already wearing an apron.
"Yels!" Agad ko siyang tinawag.
Mabilis siyang tumingin sa akin. "Oh? Ba't parang ang saya mo naman? Masarap ba ulam niyo?" she asked chuckling.
Humagikhik ako saka lumapit sa counter pero hindi ako pumasok. Agad kong nilagay sa itaas ng counter ang hand bag na dala ko.
"May pupuntahan ako," sabi ko sa kanya saka malawak na ngumiti.
Agad na nawala ang ngiti niya saka sinamaan ako ng tingin. "Ayan ka. Diyan ka magaling. Kaya pala ang lawak-lawak ng ngiti mo dahil plano mo palang lumayas na naman." Sabay hawak sa bewang niya.
Tumawa ako. "Saglit lang ako. Babalik rin ako agad during lunch. Sabay tayong kakain."
"Tapos? Paano kung biglang dumating rito iyong daddy mo tas makita niyang wala ka rito? Lagot ako, 'te!" aniya saka pinandilatan ako.
"Hindi iyon. Busy siya ngayon sa office niya kaya hindi iyon pupunta rito. Promise," saad ko pa. "Tsaka babalik naman ako agad."
Tumaas ang kilay niya saka malakas na bumuntong-hininga. "Kahit naman pigilan kita wala rin naman akong magagawa, eh. Kulang na lang talaga isusumbong na kita sa Daddy mo."
"Babalik nga ako agad. Hindi ako magtatagal," sabi ko.
"Bakit? Saan ka ba pupunta?" tanong niya.
"Sa botanical garden lang ako. Magpapahangin. Tsaka hahanapin ko rin iyong kwentas ko baka nandoon lang iyon," sabi ko sabay nguso.
She sighed. "Ilang buwan na iyong nawawala, Niah. Talaga bang hahanapin mo iyon doon? Baka mapagod ka lang niyan," sabi niya.
I smiled at her. "Don't worry, hindi ko naman papagurin iyong sarili ko. Kapag talagang hindi ko mahanap doon, hindi ko na pipilitin."
"Okay. Ikaw bahala. Basta, ha? Bumalik ka rito agad," sabi niya sa akin.
Tumango ako agad. "Yes! Babalik ako agad. Bye!"
Mabilis kong niyakap ang white notebook na dala ko. Agad akong tumakbo palabas ng cafe kaya tumunog muli ang chime ng pinto.
Masayang naglakad lang ako. Wala akong planong sumakay ng taxi dahil malapit lang naman. Tsaka plano kong e-enjoy ang paglalakad ko habang buhay pa ako.
Nang makarating ako sa botanical garden, agad akong tumungo sa may bangin saka naupo sa nakatumbang puno roon.
Sumagap ako ng hangin nang makita ang mga building mula sa kinaroroonan ko.
"Mommy, tingin mo po gagaling pa ako?" I asked as I looked unknowingly at the buildings in front.
Itong lugar na ito ang paboritong lugar ni Mommy. Sabi ni Dad, madalas raw sila rito ni Mommy noon. Itong spot na ito, malapit sa bangin, ito iyong madalas inuupuan ni Mommy.
Kaya madalas akong bumabalik rito. Kapag nandito ako, gumagaan ang pakiramdam ko. Feeling ko, malapit lang si Mommy sa akin.
Bumuntong-hininga ako. "I want to stay positive, Mom. Pero iyong katawan ko na mismo ang sumusuko sa akin."
I do not want to tell Dad or Ate Renee because I don't want to worry them. I know that they have the right to know about my condition but it hurts me to see that they are losing focus on their works because of me.
"Dad and Ate Renee are expecting a lot from me, Mom. Naniniwala sila na gagaling ako. Naniniwala sila na magiging maayos ako after surgery." I pursed my lips. "What if the surgery would fail, Mom? Anong mangyayari kay Ate at Dad?"
At hindi ko pa alam hanggang ngayon kung talagang gagawin ko ang surgery. Natatakot rin kasi ako, eh. Palagi ko man na pinapagaan ang loob ni Daddy at Ate pero, ako mismo, natatakot na rin.
Oo, wala akong ine-expect tungkol sa case ko, pero, sino ba namang may ayaw na mabuhay pa ng mahaba, diba?
"Should I do the surgery, Mom? Gawin ko ba para kay Dad at Ate? O gawin ko ba kung anong gusto ko?"
Napabuntong-hininga ako.
Hindi ko na alam ang gagawin. If the surgery would be successful, then it would be better. But what if the surgery would fail, sigurado akong magsisisi na naman sina Ate Renee at Dad.
Iyon ang iniiwasan ko.
I clicked my tongue and looked at the buildings again.
"Inside those buildings, there must have been one person who has the same case as mine," wika ko. "But are we feeling the same way? Parehas ba kaming takot?"
Hinawakan ko ang white notebook na nasa hita ko. Hinaplos ko ang cover nito.
I smiled a bit. "I made a bucket list, Mom. Hindi ko kasi sure kung talaga bang mag-s-surgery ako, kaya habang hindi ko pa alam ang gagawin, gagawin ko muna lahat ng gusto kong gawin."
I opened my notebook and smiled I read my lists. Twenty items ang nilagay ko rito. Iyong mga pinakagusto kong gawin.
"I think I should do all of this without telling Dad, Mom. Kasi may part dito na sasakay ako sa roller coaster, sure ako na hindi papayag si Daddy," sabi ko saka mahinang natawa.
I felt the breeze of the wind dancing my hair. Somehow I felt light. Pakiramdam ko ay kasama ko talaga si Mommy at nakikinig sa akin.
I chuckled. "Bakit kasi sa dami ng pwede mong ipagmana sa akin ay iyong tumor pa sa utak, Mom?"
I then stretched my arms and my legs as the wind blew my cheeks.
I then looked at my wristwatch and learned that it is still 10:00 in the morning. Plano ko pa naman na bumalik sa cafe ng 11:00. Pero okay sige, ngayon na lang.
Tatayo na sana ako nang may biglang naupo sa tabi ko. Napasinghap ako saka napatayo at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kung sino ang tumabi sa akin.
"S-Savino?" I gasped.
Naniningkit ang mga matang tumingala siya sa akin. "Oh, ikaw pala, Niah? Anong ginagawa mo rito?"
Ako pa dapat ang tinatanong niyan? Hindi ba dapat siya?
"Uhm... nagpapahangin lang," sagot ko. "Ikaw? Bakit ka nandito?"
"Bakit? Bawal ba?" he asked back.
I blinked and shook my head. "Hindi naman. Nagtatanong lang."
"Okay." He nodded. He tapped the space beside him. "Upo ka ulit."
Kumurap ulit ako. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
"No need, uuwi na ako," sabi ko sa kanya.
He raised his brows at me. "Agad? Kakarating ko pa lang, ah."
Ikaw iyon. Ako kanina pa.
Tumango ako. "Oo, pero kanina pa ako rito. I'm going back."
He suddenly stood up. "Sige. Saan ka?" tanong niya.
Napakurap ako. Bakit ba siya nagtatanong?
"Sa cafe," sagot ko.
Tumango siya. "Sige, samahan na kita."
Napakurap ulit ako saka mabilis na umiling. "H-Hindi na. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Thank you na lang."
"Hindi, sasamahan na kita," aniya.
Umiling ulit ako. "Hindi na. Kaya ko na. Uuwi na ako mag-isa."
Umiling rin siya sa akin. "Hindi, sasamahan na talaga kita."
Umiling ako ulit. "H-Hindi talaga. Kaya ko na talaga sarili ko."
Umiling na naman siya. "Hindi, samahan na kita. Huwag ka nang mahiya sa akin."
I waved my hand in front of me and shook my head. "No, no. No need. Kaya ko na talaga."
"Hindi, ihatid na talaga kita," sabi niya.
"Hindi na nga sabi!" asik ko sa kanya na kahit ako ay kinagulat ko.
Kumurap siya. "Okay, edi umuwi ka mag-isa."
Nanlaki bahagya ang mga mata niya samantalang ako ay nasapo ang bibig habang nanlalaki rin ang matang nakatingin sa kanya.
Napabuntong-hininga ako. "S-Sorry."
"Ayos lang," sagot niya. "So, pahahatid ka na?"
I stared at him for awhile and sighed hard. Ang tigas naman ng ulo niya.
"Ang tigas naman ng ulo mo," bulong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. He leaned forward towards me to hear me properly.
"Matigas ang?" tanong niya.
Napakurap ako saka umiling. "W-Wala—"
"Aling ulo tinutukoy mo?" he asked with a smirk.
Tinitigan ko siya, pilit pinoproseso ang sinasabi niya. It took me awhile before I understood what he said.
Agad na namula ang pisngi ko. "Bastos ka!" I yelled at him and was about to punch him but I was quick to stop myself.
He smirked at me. "Anong bastos doon?"
Marahas akong umiling saka inis na naglakad palayo sa kanya.
"Bye, Inniah!" wika niya.
Namumulang tumakbo ako palayo. Rinig ko ang mahinang tawa niya kahit pa malayo na ako.
My gosh, Savino! Gago ka!
Nagmamadaling bumalik na lang ako sa cafe. Kahit pa umabot na ako sa cafe ay ramdam ko pa rin ang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko makalimutan iyong sinasabi niya.
Hinihingal na binuksan ko ang pinto ng cafe at pumasok. Rinig ko ang pagtunog ng chime. Lumingon agad si Yelena sa gawi ko.
Mabilis akong lumapit saka pumasok sa counter. Isinuot ko agad ang apron saka padabog na naupo sa sofa.
Sinilip ni Yelena ang mukha ko. "Anong nangyari sa mukha mo, 'te? Pulang-pula ka."
Mabilis kong nasapo ang magkabilang pisngi ko. Ramdam ko ang init no'n.
"W-Wala," sabi ko sabay iling.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi ako naniniwala. Anong nangyari sayo doon? Sabihin mo sa akin."
Umiling ulit ako. "W-Wala talaga. Sa init lang siguro itong pisngi ko."
Naningkit siya saka dahan-dahang tumango. "Okay, sabi mo, eh."
Kaya bumalik na lang siya sa trabaho. Tumulong na lang din ako paminsan-minsan sa kanya.
Pero nang magtanghalian ay hindi ko napigilan ang sarili na tanungin si Yelena sa pinaka-random na bagay na itatanong ko.
"Yelena, diba nagka-boyfriend ka na dati?" tanong ko sa kanya.
Parehas kaming kumakain. Magkaharap kami sa mesa na nasa loob ng counter.
"Oo. Bakit?" aniya.
I licked my lower lip. "Ano iyong nararamdaman mo kapag magkasama kayo palagi?" tanong ko.
Hindi ko kasi naranasan magkaroon ng boyfriend buong buhay ko. Maliban sa palagi akong nasa loob ng hospital, hindi rin ako masyadong nakakasalamuha ng ibang tao. Ngayon, may nanliligaw naman pero... ayaw ko.
Kumurap siya saka ngumuya. Tapos ay tumingin siya sa kisame. "Ano nga ba? Ang tagal na no'n, eh. Uhm..." Nag-isip siya. "Ano... pakiramdam ko palagi akong masaya. Maganda palagi iyong araw ko. Inspired akong gumising tuwing umaga. Tapos palagi akong kinikilig."
Tumango ako. "Ano ba iyong feeling ng kinikilig?"
"Uhm..." Muli siyang nag-isip. Tapos ay tumingin siya sa akin. "Bakit mo tinatanong? Kinikilig ka na ba? May nagpapakilig na sayo?"
Agad akong napakurap saka mabilis na umiling. "Hindi, ah! Wala!"
"Oh, ba't defensive ka? Nagtatanong lang naman ako," sabi niya sabay ngisi. "Pero bakit gusto mong malaman?"
Ngumuso ako saka sumubo ng pagkain. "Wala lang. Curious lang ako."
Dahan-dahan siyang tumango pero pansin kong may pagdududa sa mga mata niya.
"Okay. Sige, explain ko sayo," sabi niya. "Una, malalaman mo kapag kinikilig ka kapag may gumagalaw sa tiyan mo—"
Nanlaki ang mga mata ko. "Bata?!"
"Tanga naman ito! Kapag may gumalaw sa tiyan, bata agad? Hindi ba pwedeng may kabuti lang?" sabi niya. "Anyway, so iyon nga. May butterflies sa tiyan mo."
Butterflies?
Palagi ko iyong nararamdaman kapag tinitingnan ako ni Savino.
"Tapos?" tanong ko pa.
"Tapos, palaging nag-iinit iyong pisngi mo," sabi niya.
Dahan-dahan akong tumango.
Nararamdaman ko rin iyon kapag kasama ko si Savino at kapag nakikipag-usap siya sa akin. Lalo na kapag iyong mga sinasabi niya ay mga random na bagay na hindi ko naiintindihan.
"Tapos?" tanong ko ulit.
"Tapos madalas kapag nakikita mo iyong taong dahilan ng kilig mo, nag-s-slow-motion ang lahat. Parang tumitigil ang lahat maliban sa kanya. Siya lang iyong nakikita mo," sabi niya.
Napakurap ako. Napakagat-labi ako.
"Ganoon pala iyon?" tanong ko.
She nodded. "Oo! Bakit? Sino ba iyang nagpapakilig sayo?"
Umiling ako. "Wala. Nagtatanong lang ako."
"Hindi ka naman magtatanong kung hindi mo naranasan," sabi niya. Pinaningkitan niya ako. "Sabihin mo sa akin. Sino iyan?"
Umiling ako. "Wala nga, Yels. May nakita lang akong movie kaya ko natanong."
"Sus! Sabi mo, eh," sabi niya saka nagpatuloy na lang sa pagkain.
Nang matapos kaming kumain ay muli kaming bumalik sa counter. May mga bagong dating na naman na customers kaya kailangan talaga namin na magmadali sa pagkain. Kahit nga noong kumakain kami, may mga customers na, eh.
As the clock strikes 2:00, biglang dumating si Ate Renee. Agad na nanlaki ang mga mata ko saka masaya siyang winagaywayan.
"Ate!" tawag ko sa kanya.
Agad na lumawak ang ngiti niya nang makita ako. May bitbit siyang shopping bag at ang hand bag niya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko agad sa kanya nang makalapit siya.
Nilapag niya ang paper bag sa counter. "May binili ako sayo galing sa business trip ko. Check mo."
I smiled wide and immediately opened the paper bag. I gasped when I saw five thick books inside.
Agad kong nilabas lahat ang mga aklat. "Wow! Ang dami!"
She chuckled. "May bago na namang ilalagay sa library mo."
I smiled wide at her. "Thank you, Ate!"
"You're always welcome. Iyan lang ang hinatid ko rito dahil marami pa akong gagawin sa office. Magkita na lang tayo mamaya sa bahay," sabi niya.
Tumango ako. "Okay po! Ingat ka!"
She nodded. "Ingat ka rin dito, ah."
She immediately went out of the cafe making the chime sound.
Malawak ang ngiting binasa ko ang titles ng mga librong dinala ni Ate para sa akin.
Since I was little, my hobby had always been reading books. Hindi ako nakakalabas ng hospital kapag hindi sinasabi ng doctor, hindi ako nakapag-aral, kaya madalas naiinggit ako kay Ate Renee kapag nakikita ko siyang sinasagutan ang assignments niya.
So, madalas si Ate nanghihiram ng books sa library para sa akin. O kaya bumibili siya para habang nasa hospital ako, nakakapagbasa ako.
Iyan rin ang dahilan kaya nagkaroon ako ng lib-cafe ngayon.
"Uy, ano iyan?" tanong ni Yelena sa akin.
I smiled wide at her. "Binilhan ako ng hooks ni Ate Renee! Bagong babasahin na naman!"
She shrieked and jumped, looking so happy for me. "Yey! Bagong asawa na naman!"
Humagalpak ako ng tawa. "Hiram ka nito. Para sabay tayong magbasa nito lahat," sabi ko.
Nanlalaki ang mga mata niya. "Sure?! Okay! Thank you! Wait, pipili ako kung anong una kong babasahin."
Humahagikhik na tumabi siya sa akin. Natatawa rin akong namili ng aklat.
"Ito ang gusto ko!" sabi niya sabay kuha sa aklat na nagustuhan niya.
"Okay! Ito naman iyong uunahin ko," saka pinulot rin iyong aklat.
Pero bigla akong napatigil nang may maalala. Nasapo ko agad ang ulo ko.
"Oh my God! Iyong notebook ko!" Singhap ko.
Mabilis na napatingin sa akin si Yelena. "Anong notebook?"
Tumingin ako sa kanya. "Iyong white na notebook. Bitbit ko iyon no'ng pumunta ako sa botanical garden pero pagbalik ko sure ako na hindi ko na dala."
Luminga-linga siya sa loob ng counter. "Wala naman akong nakitang white notebook rito habang naglilinis tayo kanina, ah."
"Argh! Naiwan ko na naman sa botanical garden iyon!" saad ko.
"Naku naman! Tumatanda ka na talaga, malilimutin ka na," sabi niya saka napailing. "Samahan na lang kita mamaya. Hanapin natin."
Ngumuso ako saka tumango. "Sige. Thank you, Yels. Baka may nakapulot na no'n."
"Edi, mag-poster ulit tayo," sabi niya na kinatawa ko na lang.
Mahina na lang akong natawa sa sinabi niya. Pero totoo naman. Wala na talaga akong magagawa maliban doon.
"Wala na talaga akong magagawa," sabi ko saka bumuntong-hininga.
"Magbasa na lang tayo," sabi niya saka naupo sa sofa sabay buklat sa aklat na hawak niya.
I pursed my lips and sat beside her. "Tama." Saka binuklat na lang din ang aklat na hawak ko.
Pero kakabuklat ko pa lang nang may kumatok sa counter. Agad kong binaba ulit ang aklat sa hita ko.
Napakurap ako nang makitang si Savino iyong nandoon. Nakangiti siya sa akin habang nakataas ang mga kilay.
Ba't parang nang-aasar siya?
"Yes?" tanong ko.
"Can I have two cups of coffee please?" aniya sa akin.
Mabilis akong tumango saka tumayo. Nilapag ko ang aklat sa sofa.
"Can you tell me your name please, so I can call you once your order is ready?" saad ko.
He raised one of his brows. May mapanuksong ngiti sa mukha niya. "My name?" tanong niya.
I nodded and looked away. "Yes, Sir."
"Uh... Niah, pahinga ka muna. Baka pagod ka na, ako na lang diyan." Sabad bigla ni Yelena.
Mabilis ko siyang nilingon. "Ah... ayos lang. I can manage."
"Tama, kaya na niya iyan, Miss. Malaki naman na siya," sabi naman ni Savino.
Nilingon ko siya. May mapanuksong ngiti sa mukha niya.
"Ah? Sure?" tanong naman ni Yelena. Nilingon ko siya at may mapanuksong ngiti rin nakaguhit sa mukha niya. "Sure ka?" tanong niya sa akin.
Tumango ako. "Oo."
"Oo raw, Miss. Siya na ang bahala sa order ko," saad naman ni Savino. "Mabalik tayo, tinatanong mo ba pangalan ko, Miss?"
Muli kong nilingon ko si Savino. May ngisi sa mukha niya.
Napakurap ako. "Ah, yes, Sir. Kindly tell me your name—"
"Eh, ikaw? Anong pangalan mo?" tanong niya naman sa akin.
Napakurap ako saka tiningnan siya ng may pagtataka. "Uhm... Inniah Feej—"
"Basaltta," pagpuputol niya sa akin.
"Ha?" tanong ko.
"Savino Basaltta. Iyan ang pangalan ko. Savino na lang," sabi niya.
Dahan-dahan akong tumango. "Okay po, Sir. Please look for an empty seat and wait for your order."
He nodded with a smirk. "Alright, Miss."
Agad akong pumasok sa kusina saka kumuha ng dalawang cup ng coffee. Tapos ay muli akong bumalik sa counter.
"Sir Savino, here are your black coffee. Two cups," saad ko.
Nakita ko siyang nakaupo sa isang bakanteng mesa. Mabilis siyang lumingon sa akin nang marinig ako saka tumayo.
Tapos ay naglakad siya palapit sa akin. Kinuha niya ang wallet niya pagdating sa harap ng counter, tapos ay tumingin sa cups.
"I don't remember telling you to bring me two cups of coffee, Miss," sabi niya.
Napakurap ako. "No, Sir. You told me to bring you two cups of black coffee."
He shook his head. "Wala akong maalala. Can I get a refund for the other cup?"
Napakurap ako pero agad na lang din akong tumango. "Alright, Sir. What do you want for a refund?" tanong ko.
He looked at the posters of food on top of the counter while pursing his lips. Then he looked at me.
"Ano ba iyong masarap?" tanong niya.
"Uhm... I don't know. Maybe, hot chocolate?" saad ko.
He nodded. "Alright. I'll have the hot chocolate. Isang cup lang ang hihingan ko ng refund."
"Okay, Sir."
I quickly turned my back at him. Yelena is raising her brows as she watched us talk.
Then I entered the kitchen and took a hot chocolate. I then went back to him and placed it in front of him.
"Here is your refund, Sir. I do hope you'll enjoy your day like how sweet these hot chocolate is," sabi ko.
He nodded and smiled. He took the cup of coffee after he payed me.
"Thanks for the black coffee, Miss. I don't really drink hot chocolate. You can have it," sabi niyang may munting ngisi saka mabilis na naglakad palabas ng cafe.
Leaving me blinking with the cup of hot chocolate on the counter.
...
Para-paraan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro