05 | Farm
"Ang ganda mo naman, Miss Inniah." Puri sa akin ng make up artist na nag-aayos sa akin.
Nilalagyan niya ako ng make-up pati na si Ate Renee na nakaupo sa stool na nasa tabi ko. Sa harap naman ay ang malawak na salamin ng rest house namin rito sa living room. Sa desk ay ang mga kagamitan ng make-up artists.
Nandito kami ngayon sa vintage rest house namin sa dulo ng Sagittarion. Ang rest house namin ay siyang tinitirhan ng mga trabahante ni Daddy para sa farm namin. Kaya kami narito ay dahil may interview at visit ang media kay Dad tungkol sa farm.
Syempre, kasali kami ni Ate Renee. Ayoko nga sana dahil ayokong nakikita sa TV.
Suot ko ngayon ay isang loose white t-shirt at denim overall outer. Nakatali pa ang buhok ko dahil sabi ng make-up artists na nandito, mamaya na aayusin ang buhok ko kapag tapos na ang make-up ko.
Ngumiti ako sa make-up artist. "Thank you po, Ate."
Nilalagyan niya ako ng blush-on. "Sa Mommy mo siguro ikaw nagmana, 'no?" tanong niya.
"Yes po. Si Ate Renee naman kay Daddy," sagot ko.
"Grabe iyong genes ninyong pamilya, ah! Si Ma'am Renee rin sobrang ganda!" bulong niya sa akin dahil magkatabi lang naman kami ni Ate.
I chuckled. "Bakit? Hindi mo pa ba kami nakita dati? Hindi ka ba taga-rito?"
She nodded. "Oo, eh. Taga-ibang town ako, Miss. Hindi ako taga-rito. Nandito lang ako dahil natawagan kaming may visit raw ang media sa farm ninyo. Kaibigan ko kasi ang hahawak sa media."
"Oh... kaya pala," sagot ko.
"Oo, Miss! Ang ganda niyo pala talaga sa personal! Nakikita ko naman kayo ng Ate niyo at ng Daddy niyo sa mga magazines pero hindi pa sa personal. Ang ganda niyo sa personal! Parang may lahi kayo. May lahi ba kayo, Miss?" aniya habang inaayos ang kilay ko.
"Oh... thank you po, 'te! Pero wala po kaming lahi. Pure pinay po kami," sagot ko.
"Talaga? Grabe! Ang ganda siguro ng Mommy niyo, 'no? Kasi ang gwapo rin ng Daddy niyo, eh!" aniya.
I smiled and chuckled. "Super ganda po talaga ni Mommy. Ako po iyong nagmana sa kanya. Sabi ni Daddy ako iyong mini version ni Mommy."
"Kaya pala ang ganda-ganda mo rin, Ma'am!" aniya.
"Carline, tanong ni Sir kung tapos ka na raw ba diyan?" Biglang may lumapit na isang babae.
Nakasuot siya ng parang headset na may microphone. Tapos may yakap siyang folder sa dibdib niya. I think she is part of the media team.
"Hindi pa, pero malapit na ito." Lumingon si Ate Carline sa katabi niyang make-up artist. "Ikaw Jane, tapos ka na ba kay Ma'am?"
Umiling ang make-up artist. "Hindi pa. Aayusin ko pa ang buhok ni Ma'am Renee after nito."
Tumango si Ate Carline tapos ay nilingon ang babae. "Hindi pa. Pero malapit na ito. Bakit? Sasalang na ba agad sila?"
"Oo raw sabi ni Sir. Pero inform ko na lang siya," sabi ng babae.
"Okay sige. Pupunta na lang ako sa labas kapag tapos na sila Ma'am," wika ni Ate Carline.
"Okay sige," sagot naman ng babae saka lumabas na.
Nasa labas na kasi naghihintay ang media team. Pati si Daddy ay nandoon na rin. Ang una kasing e-film ay ang farm muna bago ang rest house.
"Hay naku! Nagmamadali na ang media team. Kailangan na nating tapusin itong make-up niyo, Ma'am," aniya sa akin saka pinagpatuloy ang pag-make-up sa akin.
Ngumiti ako. "Sige po."
Matapos akong lagyan ng make-up ni Ate Carline ay agad niyang inayos ang buhok ko saka kinulot. Nilagyan niya ng hair spray pagkatapos.
"Ayan!" Inayos niya ang buhok ko sa balikat ko. "Ang ganda mo talaga, Ma'am!"
I smiled cheekily and chuckled. "Thank you po!"
"Pwede ka nang pumunta doon sa kanila, Ma'am," aniya.
Tumango ako. "Okay po, thank you."
Tumingin si Ate Carline kay Ate Jane. "Tapos na ba si Ma'am Renee, Jane?"
Tumango si Ate Jane. Nakakulot na rin ang buhok ni Ate Renee.
"Okay na. Tapos na si Ma'am Renee. Pwede na sila isalang," ani Ate Jane.
Tumango si Ate Carline. "Okay. Sabihan ko na sila."
Agad siyang naglakad palabas ng bahay. Kaya kami na lang tatlo ang naiwan.
Tumingin ako kay Ate Renee. Hinahaplos niya ang buhok niya habang nakatingin sa salamin. "Ate, CR po muna ako."
Nakangusong lumingon siya sa akin. "CR? Sure ka na sa CR ka pupunta, Niah?" Pinaningkitan niya ako.
Humagikhik ako. "Oo, promise! Sa CR talaga ako pupunta! Babalik ako agad."
Hindi nagbago ang expression niya sa mukha habang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagdududa niya sa mukha. Naniningkit pa rin ang mga mata niya.
"Hindi ako naniniwala, Niah. Baka tatakas ka na naman. Naka-make-up ka na, huwag mo nang subukan," aniya.
Ngumuso ako. "Hindi talaga. Sa CR talaga ako."
"Samahan na lang kaya kita?" aniya.
Tinawanan ko siya. "Ate naman! Iihi lang talaga ako!"
"Sabi mo iyan, ah? Oh sige, mag-CR ka doon, tapos bumalik ka agad," sabi niya.
"Okay!"
Agad akong tumakbo patungo sa CR ng rest house. Pero tama naman talaga si Ate, hindi ako pumunta sa CR para mag-CR kundi para tumakas.
Pinakaayaw ko talaga sa lahat ay iyong lumalabas iyong mukha ko sa TV o sa YouTube. Ayaw ko talaga. Kahit ma-post sa Facebook or Instagram ayaw ko rin.
Maliban doon, nakakapagod humarap sa camera. Palagi kang nakangiti. Kailangan lahat ng sasabihin mo, maganda at tama. Kapag hindi, bash ka agad.
Kaya bago pa ako makarating sa CR. Mabilis akong lumiko saka lumabas gamit ang pinto sa likod ng kusina.
Unang bumungad sa akin ang preskong ihip ng hangin at ang nagsasayawan at naglalakihang mga puno ng iba't ibang klaseng prutas, gaya ng mangga, avocado, santol, mansanas, orange, pati na lansones, at iba pa. Maayos na naka-arrange ang mga kahoy sa farm.
Hindi mainit ang farm dahil sa lawak at sa laki ng mga punong-kahoy. Sobrang presko pa ng hangin.
Agad kong sinara ang pinto sa likod ng kusina. Malawak ang ngiting tumakbo na ako sa likod. Dahan-dahan pa ako dahil baka may makakita sa akin na media team, lagot ako kay Daddy.
Sumilip ako sa harap ng bahay mula kung nasaan ako. I could already see the wooden gate from where I am. Dahan-dahan akong naglakad sa tabi ng bahay.
Nang makarating ako sa dulo ng bahay, agad akong sumilip sa harap para tingnan kung may tao ba.
I giggled when I noticed that there is no one in front of the house.
I was about to run towards the gate when whispered beside me.
"Sinong hinahanap mo diyan?" Bulong ng baritonong boses sa tenga ko.
I gasped. Nanlalaki ang mga matang napalingon ako agad rito.
His face is really close to me. Our nose almost bump on each other. His eyes are looking in front of the house but his face is facing me.
Hindi ko alam kung anong naisip ko pero agad kong naitulak ang mukha niya palayo.
"Aray!" Singhap niya sabay lingon sa akin.
"B-Ba't ang lapit mo?" asik ko habang nanlalaki ang mga mata.
Sinapo niya ang pisngi niya saka tumitig sa akin. "Ba't ka nandito? Tatakas ka na naman, 'no?"
Mabilis akong umiling. "No! M-May tinitingnan lang ako."
Tumingin siya sa harap namin habang naka-cross ang mga braso. "Sinong tinitingnan mo diyan?"
Umiling ako. "Wala! M-May ano..."
Tumingin siya sa akin sabay taas ng isang kilay niya. May munting ngisi sa labi niya.
"Ano?"
I blinked and looked away as I felt my cheeks reddened. Iyong klase ng tingin niya sa akin ay para akong nilulunod.
"W-Wala! I'm going," sabi ko saka agad na naglakad paalis.
Pero napatigil ako nang bigla akong nakarinig ng camera flash. Mabilis akong napalingon sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.
Nang makaharap ako ay kinuhanan na naman niya ako.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
Muli niya akong kinuhanan ng picture bago niya binaba ang camera saka ngumisi sa akin.
He raised his camera as if showing it to me. "May maipapakita na naman ako sa Daddy mo nito. Sinusubukan mo na namang tumakas."
Umiling ako. "Hindi, ah! Hindi ako tatakas. Babalik ako sa bahay."
Tumaas ang kilay niya. "Kanina pa kita sinusundan, Miss Inniah, simula doon sa likod ng bahay. Papunta ka sa gate, 'no?"
I shook my head again. "Hindi, hindi talaga, Kuya. Don't tell, Dad. Papasok na ako sa bahay—"
"Sino iyan si Kuya?" tanong niya.
"I-Ikaw po—"
"Savino ang pangalan ko, Miss Inniah. Hindi Kuya," sabi niya, may ngisi pa rin sa mukha niya.
Napanguso ako saka dahan-dahang tumango. "O-Okay, Savino. So, hindi mo na sasabihin kay Daddy?"
"So, tatakas ka nga?" aniya.
I blinked. Ay, ang tanga, Inniah!
I opened my mouth to answer him but no words are coming out of my mouth.
Walang nagawang bumuntong-hininga na lang ako. "Okay, tatakas sana ako. At plano ko pa rin talagang tumakas. Just don't tell him kasi mag-aalala iyon sa akin."
Humalukipkip siya. "Alam mong mag-aalala siya sayo pero bakit ka pa rin tatakas?"
Ngumuso ako saka nilaro ang mga kamay ko. "Kasi hindi niya ako hahayaang umalis kapag magpapaalam ako."
He tsked and clicked his tongue. He then motioned me to come closer. "Bumalik ka na doon. Magsisimula na ang filming," aniya.
Umiling ako. "Ayokong sumama, Savino. Ayokong ma-film ako. Hindi naman needed na nandoon ako, eh. Si Dad lang naman ang needed."
"Your Dad probably has a reason why he wants you to be a part of the film. Sige na, halika na," aniya.
I sighed hard. "Pwede namang huwag mo na lang sabihin kay Daddy, eh!"
"Halika na, Inniah," he said, he sounds dead serious.
Kumabog ang dibdib ko nang marinig na wala nang 'Miss' ang pangalan ko.
I sighed. "Bakit hindi na lang ikaw ang bumalik doon? Tsaka bakit ka nga pala nandito? Ikaw ang cameraman?"
"Bakit curious ka?" tanong niya pabalik.
I blinked. "Nagtatanong lang ako. I'm leaving, just go back if you're part of the media team."
I quickly turned my back at him but I immediately stopped when the same girl who called Ate Carline awhile ago is in front of me.
"Uh..." Tumingin siya kay Savino. "Uh... Sir, hindi pa ba tayo magsisimula?"
"We'll start now. Susunod na lang ako," sagot ni Savino.
Tumango ang babae. "Okay, Sir." Then she looked at me. "Ma'am Inniah, punta na rin po kayo doon."
I smiled and nodded at her. "Okay po."
Agad na siyang tumalikod saka naglakad paalis.
Naglakad naman si Savino saka hinawakan ang palapusuhan ko. Hindi siya lumingon sa akin pero muli siyang nagsalita.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. The warmth of his hand makes me feel things in my stomach.
"Let's go, Inniah," aniya.
Bumuntong-hininga ako saka nagpahila na lang. Wala na rin naman akong magagawa. Nakita na ako ng taga-media, sigurado akong magsusumbong iyon kay Dad.
Nakangusong sumunod na lang ako sa kanya. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kamay niyang nakahawak sa palapusuhan ko.
I can't help but notice the size difference of our hands. I could see how manly his arms look like with those veins. Mine looks so small beside him.
The size of our hands makes me feel things in my stomach. I want to pull my hand but my hand itself doesn't want to.
Nang makarating na kami sa entrance ng farm, naroroon na ang media team. Si Dad ay nakaupo na sa wooden bench na nasa ilalim ng punong acacia kung saan sila sumisilong. Pati si Ate Renee ay naroroon na rin.
When I realized that Savino is still holding my wrist, I immediately pulled it away. Napatingin pa siya sa akin pero hindi siya nagsalita.
"Inniah, come here," Dad called.
Agad akong lumapit sa kanya. He tapped the space on his left side.
"Take a seat. Where have you been?" tanong niya.
I pursed my lips and glanced at Savino who is also looking at me.
"Uhm... doon sa CR po," sagot ko.
He nodded. "Okay." He looked at Savino. "Should we start, hijo?"
Savino smiled and nodded. "Yes, Sir." He looked at the media. "Let's start, everyone. In position."
Agad naman na nagsikilusan ang mga kasama niya. Sinabihan kami ni Savino kung saan kami pe-pwesto.
Nang magsimula na ang filming, maraming sinasabi si Dad para e-introduce ang farm namin. Pati kami ni Ate ay nagsasalita rin dahil binigyan kami ng script.
I was just doing what they are telling me to do. Sobrang nakakapagod dahil paulit-ulit kami. Minsan kasi ay natatawa si Ate Renee kaya tumatawa rin ako. May parts kasi na kapag kami iyong nagsasalita, hindi kami pwedeng tumawa, saka na kapag si Dad na.
Nang naisipan naming magpahinga, pumasok kami ulit sa rest house. Nakahanda na sa kusina ang mga pagkain para sa media team.
Habang kumakain ay magkatabi kami ni Ate. Si Dad naman ay nasa dulo at si Savino ay nasa harap ko. Nag-uusap sila ni Daddy.
"Sa tingin mo bukas matatapos itong filming, hijo?" Dad asked.
Savino replied, "Hindi pa po ako sigurado, Sir. Filming really takes awhile po. Pero if gusto niyo po na matapos bukas dahil busy po ang schedule ninyo, then I guess we should make the filming faster po."
Dad nodded. "Alright. But if it won't be finished tomorrow, then I guess I don't have a choice. I'll just move my schedule, hijo."
Savino nodded. "Yes, Sir."
Dad looked at Ate Renee. "How about you, Vevica Renee? Are you busy tomorrow?"
Ate looked at her. "Yes, Dad. I have a lot of things to do tomorrow. Is it alright if I would not attend the filming?"
"Well, if you're really busy, then just don't attend. Ayos lang naman siguro kung kami ni Inniah rito," wika ni Dad.
I lifted my head and looked at him. My eyes are widened a bit and my mouth is filled with food. Nakaumbok pa ang bibig ko.
"Ako po?" I asked.
Dad looked at me and nodded. I glanced at Savino and he is already looking at me as well.
Dad nodded at me. "Yes, Inniah. You have to attend tomorrow. Pwede mo namang iwan na lang muna ang cafe kay Yelena. Just make sure you tell her."
I opened my mouth to answer him but words are not coming out of my mouth. I don't want to come. Parang ayoko nang bumalik.
Ngumuso na lang ako. "Okay po, Dad." Saka bumalik na lang ako sa pagkain.
Pero biglang nagsalita si Savino. "Parang ayaw po sigurong bumalik rito ni Miss Inniah, Sir."
Napaangat agad ang ulo ko para tingnan siya. Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin, ang mukha niya ay nasa kay Dad.
"Don't you want to come, anak?" Dad asked me.
I looked at him and blinked. I immediately shook my head. "Hindi po, Dad. Babalik po ako tomorrow. Sasamahan po kita."
"Ayos lang naman kung hindi ka pupunta, Miss Inniah. Kung talagang ayaw mo, hindi ka naman namin mapipilit," wika ni Savino kaya napalingon ako ulit sa kanya.
Naiinis ako. Naiinis ako sa kanya.
"Wala akong sinabing ganoon. Pupunta ako bukas rito." I looked at Dad. "Pupunta ako, Dad. Sasamahan kita."
"Pero ayos lang talaga kung hindi ka pupunta, Miss. Baka napipilitan ka lang. O baka pagod ka, pahinga ka muna," ani Savino, kaya napatingin ako ulit sa kanya.
I glared at him. Bakit ba siya pakialamero?
I shook my head. "Hindi. Hindi naman ako pagod. Babalik ako bukas. Sasamahan ko si Daddy."
"Bakit ka babalik bigla? May babalikan ka ba rito?" Biglang tanong ni Ate Renee sa tabi ko.
Napatingin ako sa kanya saka napakurap ako. "W-What?"
"The last time I heard, you really don't want to be here because you only want to stay at your cafe and inside the house. Bakit biglang gusto mong sumama kay Dad?" tanong ni Ate.
I blinked.
Totoo naman. Even though sobrang ganda rito sa farm ni Dad, ayaw ko talaga rito. Mas gusto ko roon sa bahay at sa cafe ko. Dito kasi sa farm masyadong excluded, wala akong nakikitang iba maliban sa mga punong-kahoy.
"Well, for Dad of course. Kaya nga babalik ako kasi walang kasama si Daddy rito," sabi ko sa kanya.
Dad looked at me. "It's alright, Inniah. If you don't want to attend, you can rest. I'll understand, anak."
I shook my head. "Hindi, Dad. Sasama ako sayo bukas. Promise!" I even smiled at him.
Dad smiled at me. "Mas mabuti."
After naming kumain, nagpahinga muna kami. Ang media team ay nasa loob ng bahay, nag-uusap. Nakikipag-usap sila kay Daddy at kay Ate Renee.
Ako naman ay lumabas. Even thought I want to talk with people, but I just can't relate with their topic so I went out.
Pumunta ako sa bench sa ilalim ng acacia saka naupo roon. Sobrang lakas ng hangin at sobrang presko. Hindi pa mainit.
This place is too quiet for me to live. I have been inside a hospital room my whole life and I am isolated to everyone. Parang naging trauma na sa akin tumira sa lugar na excluded. Kasi pakiramdam ko, hindi na ulit ako makakasalamuha ng ibang tao.
"You really don't have to come tomorrow if you don't want to."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
It's Savino. His hands are on his pocket. His eyes are on me.
He looks good on his yellow t-shirt and blue faded pants paired with white shoes. A camera is still on his nape hanging.
Sobrang gwapo niya talaga. Para siyang may lahi.
Pero bigla kong naalala na inis nga pala ako sa kanya.
"Pupunta nga ako para sa Daddy ko," sabi ko saka nag-iwas ng tingin sa kanya, magkasalubong ang kilay ko.
"Baka takasan mo lang ang Daddy mo, mag-alala pa sayo," wika niya.
I looked at him. Naglalakad na siya palapit sa akin.
Habang pinapanood siyang naglalakad palapit ay palakas naman nang palakas ang dagundong ng puso ko. I could feel the butterflies in my stomach.
He stopped beside me and sat on the bench beside me. Nanigas ako. Hindi ko alam kung lalayo ba ako o tatakbo? O magtatago?
Hindi naman siya gaanong malapit, pero hindi rin masyadong malayo. Pero ramdam na ramdam ko iyong init ng katawan niya.
"Ang ganda rito," he said after he seated.
I did not talk. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin.
Basta ang alam ko, sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa presensiya niya.
"Dito ka ba lumaki?" tanong niya bigla.
I glanced at him but immediately looked away. "Uhm... madalas kaming pumupunta rito pero hindi ako rito lumaki."
"In short, dito ka pa rin lumaki dahil madalas ka rito," sabi niya saka mahinang tumawa.
I could even feel the vibration of his laughter even if he is quite far.
Hindi makalma ang puso ko.
"Ang ganda talaga rito. The place is very peaceful and isolated from the city. Ito iyong lugar na gusto kong tirhan balang-araw," sabi niya.
How amazing. We are so contradicting. Kung gaano niya kagustong tumira sa ganitong lugar ay siya namang pagkaayaw ko.
I bit my lower lip and looked at my hands on my thighs.
I just listened to him. I don't know why I want to listen to him and I want to know him more.
"Mas maganda ito kung may piggery at manukan," saad niya pa. "Balang-araw bibili ako ng lupa para kay Nanay, tapos lalagyan ko ng piggery at manukan para pera na lang ang hawakan niya. Para hindi na marumihan ang kamay niya."
I felt my heart tug. He looks so happy telling me what he wants for his mother. Parang napakabuting anak niya yata. Tsaka mukhang mahal na mahal niya ang Nanay niya.
"Ikaw? Anong gusto mong gawin balang-araw?" he asked.
I looked at him. He is looking at me with those eyes that can melt me.
Ang lambot talaga ng mga mata niya. Nakakatunaw. Para akong dinuduyan.
I pursed my lips and blinked. I tried to process my mind.
Balang-araw?
I haven't thought about that.
Someday is a big word. Especially for someone like me who suffers with brain tumor. May taning na ang buhay.
I always do what makes me happy today, not for tomorrow. Hindi ko na iniisip iyong bukas kasi hindi naman talaga sigurado kung magkakaroon pa ako.
I sighed and glanced at him again. "Balang-araw... that's a big word." I chuckled.
"Bakit?" tanong niya.
I smiled a bit and looked at the rays of the sun passing through the leaves of the tree.
"Maybe because we don't know what the future holds? And I haven't really thought about the future yet. Hindi ko pa masyadong iniisip," sagot ko.
"Hm..." He nodded. "Bata ka pa rin naman. Marami pang panahon para mag-isip ka."
Hindi ka sigurado.
I nodded and smiled. "True."
"Kailan mo planong mag-asawa?" Bigla niyang tanong sa akin.
Napalingon ako sa kanya. He is looking above as well. I can see his well-sculpted jaw and nose. His long lashes and his protruding Adam's apple.
When he was about to turn his head to me, I quickly looked away and cleared my throat.
Baka isipin niyang sinusuri ko siya.
"Uhm... wala pa sa isip ko," sagot ko.
"Bakit wala? Dapat by twenty-seven or twenty-eight, kasado ka na," aniya.
Ngumuso ako saka naglakas loob na lingunin siya. "Bakit naman? I can get married even if I'm at thirty."
And I don't think I can. My life is too short.
"Iyon ba ang plano niyo ng boyfriend mo?" he asked and looked at me.
I blinked. Now, we are looking at each other, eye to eye.
I swallowed and blinked then looked away. "Wala akong boyfriend."
And I don't think I'll ever have one.
"Wala? Sa ganda mong iyan?" he asked.
I instantly looked at him. He is looking at me as well. A tiny smile is pasted on his face.
I felt my cheeks reddened and I could feel something in my stomach making trouble.
"I-I'm not that pretty," sabi ko saka nag-iwas ng tingin.
Though, I always hear that from so many people but hearing it from him feels different.
"You are," sabi niya sa seryosong boses. "So, wala kang boyfriend?"
I glanced at him then looked at my hands on my thighs. "Oo."
He tsked. "Tama iyan. Iyong mga lalaki sa panahong ito, hindi matitino. Baka paiiyakin ka lang."
"And you're not part of those species?" I asked and slowly looked at him.
He is looking at me with raises brows. "Ako? Iyong Kuya ko siguro."
Kumurap ako. "May Kuya ka?"
Tinitigan niya ako. Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Ba't mo natanong?"
Kumurap ulit ako. "Wala lang. Anong pangalan niya?"
Kumurap siya habang nakatitig sa akin. Tapos ay bumuntong-hininga at nag-iwasang tingin.
"Basta mas gwapo ako. Mas matino rin," sabi niya.
"Ano nga ang pangalan niya?" tanong ko ulit.
He looked at me. His brows slowly crossed. "Hindi siya gwapo, Inniah. Hindi mo siya magugustuhan."
I blinked. "Wala naman akong sinabing magugustuhan ko siya, ah. Nagtatanong lang ako."
"Mukha kasing interesado ka sa kanya, eh," sabi niya.
"What if interesado nga ako?" tanong ko.
He stared at me for awhile. His brows are crossed. But he still looks so handsome.
"Tumigil ka, Inniah. May asawa na iyon. Ako wala pa," sabi niya sabay tayo.
W-What?
He then started walking away. "Pasok ka na. Magsisimula na tayong mag-film ngayon," sabi niya habang nakapamulsang naglakad papasok sa bahay.
...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro