04 | Check Up
"I hope you have cleared up your schedule today, Inniah, we will go to your doctor for your check-up," wika ni Daddy habang kumakain kami ng agahan.
Sa malawak naming glass table, nakaupo kaming tatlo. Si Daddy sa dulo, tapos magkaharap naman kami ni Ate Renee. Sa mesa ay mga pagkaing niluto ni Ate Renee para sa agahan namin, sunny side up eggs, toasted bread, cheese and tomatoes, mayonnaise, bacon, butter, and a cup of coffee.
Napadila ako sa labi ko saka napatitig sa bread na hawak ko.
"Uhm... sasabihan ko pa po si Yelena, Dad," sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain.
"I'm coming, Dad. I want to hear kung ano po iyong sasabihin ng doctor," saad ni Ate Renee.
Tumango si Dad. "Let's just hope for a better condition this time. Let's pray for a better news today."
Nalulungkot ako. Silang dalawa kasi talaga ang umaasang magiging magaling ako. Ako? Wala na sa isip ko iyon. Yes, my tumor is treatable but almost impossible. Maraming cases na kahit pagkatapos ng treatment, bumabalik pa rin. Iyon ang nangyari sa akin.
Nakakapagod ang treatments. Maraming pinapagawa sa akin, maraming tests ang sinusubukan ko. Gumagaling naman pagkatapos ng ilang buwan, tapos babalik ulit. Kaya siguro, until now, grade II pa rin ang tumor ko sa utak.
"Inniah, sabihan mo agad si Yelena after nitong breakfast, okay? Magpaalam ka sa kanya para hindi siya mag-alala na hindi ka pumasok," wika ni Ate Renee.
Tipid akong ngumiti saka tumango. "Opo, Ate."
"At magbihis ka na after kumain. Maaga tayong pupunta sa doctor para sa check-up. Para maaga rin tayong makauwi," aniya na may malambot na ngiti sa akin.
Her brown hair is on a messy bun and she is wearing a corporate office attire. Ready to go to her office. While my Dad is wearing his glasses, his hair is clean and slick back, while he is also wearing his office attire.
I am the only one wearing a casual baby blue dress and a baby blue headband.
Tumango na lang ako saka ngumiti pabalik kahit pa mabigat ang pakiramdam ko. "Opo, Ate."
"I am really hoping that we'll get a good news today. Kapag nangyari iyon, ibig sabihin mas madali ang treatments sayo," ani Dad sa akin habang pinapahiran niya ng butter ang toasted bread na hawak niya.
Gusto kong bumuntong-hininga pero pinigilan ko dahil nasa harapan kami ng hapag-kainan.
Kagat-labing tinitigan ko ang toasted bread na nasa kamay kong nangangalahati na.
"Dad, what if ayoko pong magpa-treatment?" Mahinahon at dahan-dahan kong tanong sa kanya.
Binalot ng katahimikan ang hapag. Dahan-dahan kong tiningnan si Dad. Nakatingin siya sa akin pero hindi ko mabasa ang isip niya. Samantalang si Ate Renee ay tila ba gulat at nagtataka sa tanong ko.
Ramdam ko ang pagbangon ng kaba sa dibdib ko. Ayokong pagalitan ako ni Dad dahil in the first place, ayokong ma-stress na naman siya sa akin. Pero gusto ko lang subukang tanungin siya sa bagay na iyon, kung ano ang isasagot niya.
Dahil sa totoo lang, pagod na ako.
He continued eating as if he did not hear what I asked. "What kind of question is that, Inniah Feej? Of course, you're getting a treatment. That's the only way to kill that tumor."
Ate Renee nodded to agree with Dad. "Tama si Dad, Niah. Your case is actually a bit dangerous dahil patuloy na kumakalat iyong tumor mo. Kailangan talaga ng masinsinang treatments. Hindi pwedeng hindi. Para lang din naman sayo iyan, Niah. Darating iyong araw na tuluyan nang mawawala iyang tumor mo at magagawa mo na lahat ng gusto mo."
Malawak ang ngiti ni Ate Renee sa akin. Malambot ang boses niyang kinakausap ako.
Alam kong nahihirapan na rin siya, pati si Daddy, pero ayaw nila akong sukuan.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "But aren't you tired? Palagi namang ganito iyong nangyayari, eh. Nagpapa-treatment ako, tapos after ilang months, bumabalik na naman. Kaya nga po hindi ako nakapag-aral, diba? Kasi suki ako ng hospital. Pabalik-balik ako. Parang ginawa ko nang bahay iyong hospital. Kaya... hindi ba kayo napapagod?"
Kasi ako napapagod na. Nahihirapan na.
Dad placed his bread on his plate then he drank on his glass of water. He then looked at me.
"Inniah Feej, as long as I have money to get you treated, I will not give up. Kahit pa maubos ang pera ko sa pagpapagaling mo, wala akong pakialam. Buhay mo ang nakasalalay rito, anak. Kaya hinding-hindi kita susukuan gaya ng ginawa ko sa Mommy mo noon. Hinding-hindi mangyayari sayo ang nangyari sa Mommy mo. Naiintindihan mo ba, ha, anak?" he said.
I felt my heart constricted in pain. As I look straight to his eyes, I can see how determined he is to fight this tumor. Kitang-kita ko ang pag-asa sa mga mata niya. Wala siyang planong sumuko.
I slowly nodded. Wala akong choice. Kung susuko ako, paano si Daddy at si Ate Renee?
That is the reason why I am hesitant on getting a surgery. Nakikita ko kasi kung gaano ka-willing si Ate at Dad na pagalingin ako. Pero natatakot ako na baka hindi maging maganda ang resulta ng surgery. Anong mangyayari sa kanila kapag dumating ang araw na iyon?
They would blame themselves for not trying too hard. And I don't want that.
"Stop blaming yourself for what happened to Mom, Dad," wika ko sa kanya. "It was Mom's choice, remember? Sumunod ka lang sa gusto niya dahil mahal mo siya. Pero deep inside, hindi mo siya sinukuan. So, don't keep reviving the bad memories from your past. Don't let those memories haunt you. Tapos na po iyon, Dad."
He slowly nodded and smiled a bit at me. "Kaya nga hindi kita susukuan. Dahil ayokong palagi akong hinahabol ng nakaraan."
I smiled and nodded although my heart is aching. "Opo, Daddy. We'll have a check-up today tapos let's hope for a better result!"
"Yes, anak. We will!" aniya saka may matapang na ngiti.
"Yes! That's the spirit, people!" ani Ate Renee. "Walang susuko sa pamilyang ito, ha? Magiging maayos ang lahat! God will always be with us. Hindi niya tayo pababayaan."
Ngumiti ako saka tumango sa kanya. "Yes, Ate! Hindi niya tayo pababayaan."
Hindi niya kayo pababayaan.
So, after breakfast, I immediately called Yelena on the phone. Kailangan kong sabihin sa kanya na hindi ako papasok ngayon ng maaga dahil baka mag-alala iyon, bigla-bigla pa namang dumarating iyon dito sa bahay namin.
Yelena is like a sister to me already. Kaya kapag nawawala ako tapos hindi niya alam, pumupunta siya bahay para hanapin ako. Kaya talagang nagpapaalam ako sa kanya.
Isn't it ironic how I would tell Yelena about my whereabouts but not my Dad? Maybe because Yelena will understand me, but Dad will only want what's best for me.
"Kumusta ka naman? Iyong puso mo?" tanong ni Yelena sa akin habang kinakausap ko siya sa phone.
Bumuntong-hininga ako. Nakaupo ako sa desk ko, nakatingin sa glass window sa harap ko.
"Ito, walang magagawa. Ayokong biguin si Dad at si Ate, eh. Sila iyong mas matapang, kaya ayokong saktan sila," sabi ko.
I heard her sighed on the other line. "Eh, ikaw? Paano ka?" she asked.
I sighed sadly as I looked at the barricade on our backyard. "Ako? I just don't want to fail my Dad. Nahihirapan na ako pero ayaw niyang sumuko kaya I have to fight for him too. Ayoko siyang biguin. Ang iksi na nga lang ng buhay ko tapos bibiguin ko pa si dad."
"Iyon na nga, eh! Ang iksi na lang ng buhay mo tapos hindi mo pa magagawa ang gusto mo? Paano ka? Paano iyong mga natitirang araw sa buhay mo?" aniya.
Siguro ito ang dahilan kaya love na love ko si Yelena, eh. Siya ang nakakaalam sa lahat ng hinanakit ko sa buhay. Nandiyan naman si Ate Renee pero ayoko siyang pag-aalahanin sa akin.
I smiled a bit as I rested my back on my chair. "Iyon na nga. Kaya I have to balance everything. Susundin ko ang gusto nina Dad at Ate, tapos susundin ko rin ang gusto ko. Ayokong may pagsisihan ako kapag nawala na ako. At ayoko rin na may pagsisihan sina Dad at Ate."
"Tama iyan! Iyan ang gusto ko sayo! Fighting! Iyong tipong wala sa vocabulary iyong word na 'sumuko'! Iyon dapat iyon! Positive lang palagi!" aniya.
I smiled and nodded. "Tama! Dapat positive tayo palagi para palagi tayong maganda. Oh siya, sige na. I have to end the call. Aalis na kami ngayon."
"Okay sige. Ingat ka, ah? Message mo ako sa results ng check-up mo, ah?" aniya.
I nodded even though she can not see it. "Yes na yes!"
"Okay, sige! Babye!"
I smiled and ended the call. I immediately went outside of my bedroom. Agad akong pumunta sa sala kung saan naghihintay si Dad at Ate.
I smiled at them. "Let's go na?" saad ko.
Ate Renee smiled wide. "Let's go na!"
Agad kaming sumakay sa kotse ni Dad. Marami kaming pinag-usapan ni Ate habang nasa biyahe. Kahit si Dad ay napapatawa sa pinag-uusapan namin.
Nang dumating kami sa doctor, sinalubong niya kami ng ngiti. She is on her 40's already.
"I was waiting for you," ani Doc. Yssa. "I was so sure you're gonna come today since it's been six months since we last saw each other."
I smiled back at her. "Andito na naman kami, Doc! Pabalik-balik na lang!"
She laughed at me. "Ikaw talagang bata ka. Halika na at nang masimulan na natin ang check-up mo."
"Doc, sana good news naman ngayon," wika ni Ate Renee na nakaupo sa tabi ko.
Ngumiti si Doktora. "Let's hope for a better news, Renee. Sa ngayon pwede bang dito na lang muna kayo maghintay na dalawa? Papasok lang kami sa imaging suite for the tests."
Ate Renee and Dad nodded. I gave them a reassuring smile.
"Babalik kami agad," sabi ko sa kanila.
"Fighting, Niah!" Ate Renee cheered for me.
Doktora chuckled. "Ang sweet niyo talagang magkapatid."
"Ganoon po talaga dahil dalawa lang kami," sagot ko saka malawak siyang nginitian.
"Alright, are you ready, Inniah?" tanong ni Doktora.
I nodded and smiled at her. "Yes po, Doc."
Agad kaming pumasok sa imaging suite. Ramdam ko ang lamig ng kwarto. Kita ko agad ang mga equipment gaya ng MRI, CT scanner, pati na PET scanner.
Parang naging best friend ko na ang mga ito. Buong buhay ko ba naman silang nakakasama.
"Change your clothes first, Inniah," ani Doktora saka binigyan ako ng hospital gown.
I nodded. "Okay po." Saka tinanggap ito.
Agad akong pumunta sa CR na nasa loob ng room. Nagbihis ako saka muling lumabas para sa mga tests.
Doktora immediately started the tests. There a lot of things she asked about me within the past six months. Sagot lang ako nang sagot.
Sobrang tagal naming natapos. Pagkatapos kasi ng MRI test, pupunta naman ako sa CT scan, tapos sa PET scan pa after. Kailangan kong subukan lahat dahil sa MRI test, ito iyong magbibigay ng detailed images sa tumor ko. Ang CT scan naman ay para sa location at sa size ng tumor ko. Samantalang ang PET scan ay para malaman kung kumakalat ba ang tumor ko o nananatili lang itong same size gaya ng dati.
Sa dami no'n, hindi ko na namalayan ang oras.
At nang matapos nga kami, muli akong pinagbihis ni Doktora Yssa, tapos ay lumabas na kami ng kwarto.
Natagpuan ko sina Dad at Ate Renee na tahimik na naghihintay sa akin. Nang makita nilang nakalabas na ako, agad umaliwalas ang mukha nila.
I smiled at them. "Doktora will now tell us what she saw on the tests."
Dad nodded.
Doktora sat on her swivel chair. Then she looked at us.
"Come on, have a seat here in front so we can have a clear conversation," aniya sabay ngiti.
I love how she radiates positive vibes towards us. Siguro ay nasanay na lang siya sa dami ng pasyente niyang may cancer. Kailangan niyang pakitaan ng positive vibes lahat.
Agad namang naupo sina Dad at Ate sa harap ng desk. Pati na ako. Magkatabi kami ni Ate, at si Daddy ay sa harap namin.
Doktora then looked at the folder she is holding. "Okay, let's see what I saw during the check-up." She read on her folder. "Inniah, I would like to start with a good news." She smiled.
I smiled back at her as I nodded.
"Your tumor is still under grade II as of moment. Meaning, you are lucky enough to have your tumor spreading slowly. Iyong ibang cases na nahawakan ko, even before six months without treatment, mabilis na ang pagkalat ng tumor, to the point that it became a grade III tumor," she said. "And yours is slowly spreading."
Kahit papaano at nakaramdam ako ng ginhawa. Sino ba namang hindi? Ako ang may gusto na hindi na muna magpa-treatment, at ang malaman na hindi masyadong mabilis ang pagkalat ng tumor ko ay malaking bagay na para sa akin.
"However, the bad news is that it is almost becoming a grade III tumor. Without any treatments or without performing a surgery, tiyak akong mas lalala ang tumor mo," she said. "Your tumor is starting to spread all throughout your frontal lobe and left temporal lobe. Parami nang parami. Without treatment, lalala ang symptoms na mararanasan mo. And since it is spreading nga on your frontal lobe and left temporal lobe, it may affect your language, movement, decision-making, hearing, and even your memory."
Muling bumigat ang dibdib ko. Iyong madalas ko pa lang maranasan ay iyong pagkahilo, headaches, minsan nasusuka ako, tapos minsan rin ay nanghihina ako.
Pero ngayong naririnig ko mula kay doktora na pwede pa palang madagdagan, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
I looked at my Dad. His face looks so down. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"So, Inniah, I am highly suggesting you to have a surgery before it would even become a grade III tumor. Kapag nangyari iyon, alam mong mas mahihirapan kang pagalingin ang tumor mo. Mas mahirap na rin tanggalin. You have to decide as soon as possible. Even you, Sir and Ma'am," ani Doktora kina Dad at Ate.
Dad slowly looked at me. His eyes are sad.
I smiled a bit at him. Then I looked at doktora. "Doc, uhm... how much time is left for me?" I asked.
She looked at me straight to my eyes. "With your case right now, you might only have approximately five to ten years, Inniah. But out of 100 people, only 20 survived."
I nodded understandingly. Sumisikip ang dibdib ko pero matagal ko na rin naman kasing tanggap ito. Kaya kahit pa masakit, tinatawanan ko na lang lahat.
I looked at Dad and smiled at him. "I'll be fine, Dad."
Dad looked at me. "We should perform a surgery, anak. That is the only way to defeat your tumor."
I smiled at him. A reassuring smile. Hoping that it will take away his worries.
"We will. Pero pag-usapan po muna natin ng maayos ang lahat, Dad," I said.
He sighed.
I looked at Doktora. "Doc, after the surgery, a hundred percent po ba na gagaling na ako?"
"Well, if your case will remain as grade II, there is a chance for you to be cured after the surgery. But if it will become grade III, then it would already be life threatening. Unfortunately, within a hundred percent of survival rate, only twenty to fifty percent have survived," aniya.
I nodded. I smiled at her even though my chest is getting heavier.
"Thank you po, doc," sabi ko na lang.
"We will call you immediately, doc, if we want a surgery for Inniah," wika ni Ate Renee na kanina pang tahimik sa tabi ko.
Doktora Yssa smiled and nodded. "I am surely hoping that the three of you would talk this out clearly. And just call me immediately if something happens."
I nodded at her. "Thank you po, doc."
After the check-up, we are all silent inside the car. Hinahatid na nila ako sa cafe ko. Of course, I always tried to lift up the mood because the both of them looks so down.
When we arrived at the cafe, I kissed Dad's cheek and bid goodbye.
"Bye, Dad! Huwag mong masyadong isipin iyong sinabi ni Doc kanina, ah? Please smile for me para hindi ako worried mamaya sa work," sabi ko habang nakasilip sa kanya sa binatana.
He sighed. He slowly nodded and smiled at me, but I can see how his eyes say otherwise.
"Alright. Mag-ingat ka, okay? Huwag mong pagurin ang sarili mo. Let Yelena do the heavy chores, okay?" aniya.
I nodded and smiled. "Opo, Dad! Ingat kayo sa biyahe!" I said and even waved my hand.
He nodded. "I love you, anak."
I smiled and did a flying kiss. "I love you too, Daddy! Ate, I love you!"
Ate Renee whose are gloomy still smiled at me and waved her hand then responded to my flying kiss. "I love you. Huwag kang magpapagod."
I nodded. "Opo."
Dad then closed the window and drove the car away from the cafe. And I kept my smile as I waited for them to leave, to make them feel that I am okay.
Nang wala na sila ay bumuntong-hininga ako. Saka lang nawala ang ngiti ko.
Now, what am I going to do? I am torn between having a surgery or not. Kasi wala pa rin namang assurance na magiging maayos ako pagkatapos.
I sighed hard again. Then I went inside of the cafe, making the chime sound.
Agad na napatingin si Yelena sa gawi ko. Nagliwanag ang mga mata niya nang makita niya ako.
"Niah!" she chirped.
I smiled and walked towards her. "Ang saya mo naman. Nagkita pa tayo kahapon."
She laughed. "Gano'n lang. Na-miss agad kita, 'te! So, kumusta ang check-up?"
Pumasok ako sa counter saka sinuot ang apron. "Ayos lang naman. Sabi ng doctor, mabuti na lang at slow pa ang pagkalat ng tumor ko. Pero malapit nang mag-grade III kung hindi agad maagapan."
I faced her.
Her eyes looked surprised and worried. "Oh, edi, anong gagawin mo? Magpa-treatment ka na ulit."
I smiled at her. "Pag-uusapan pa namin nina Dad at Ate and tungkol doon, Yels. Alam mo naman na sobrang nakakapagod ang treatment processes."
She sighed. "Kahit pa, 'te. Para sayo lang din naman iyan. Sinabi ko sayo kanina no'ng tumawag ka na piliin mo kung anong gusto mo, pero hindi ko pa naman kasi alam na malala na pala. Magpa-surgery ka na lang."
"I told you, pag-uusapan pa namin nina Dad at Ate," sabi ko ulit sa kanya. Nginitian ko siya. "Huwag kang mag-alala. Magiging maayos lang ako. I had been fighting with this tumor my whole life, kaya kayang-kaya ko ito this time."
Dahan-dahan siyang tumango. "Sabi mo iyan, ah. Basta gawin mo na lang kung anong sabi ng doctor. Huwag nang matigas ang ulo."
I nodded. "Oo na, oo na." I chuckled. "Anyways, wala pa bang nagsauli ng kwentas ko rito, Yels?"
Umiling siya. "Wala pa, eh. Siguro wala pa talagang nakakakita sa kwentas mo. Pero sigurado akong may magsasauli no'n. Malapit na."
Tumango ako. "Tama! Positive lang tayo dapat. Baka bukas may magsauli na."
"Hello po, pabili po ng vanilla cake, Ate. Isa po. Tapos isang dark coffee po," wika ng isang babaeng customer. Siguro ay student siya, kakarating lang.
I smiled. "Anong name mo-"
"Ako na, Niah. Maupo ka na lang diyan. Magpahinga ka. Galing ka pa sa hospital sigurado akong pagod ka. Ako na bahala rito," sabi niya saka pinaupo ako sa sofa.
Tapos siya ay lumapit sa customer. "May I know your name, Miss? Para tawagin na lang kita kapag nakuha ko na ang order mo. Maghanap ka na lang muna ng mauupuan."
The student smiled. "Alpa po, Ate."
Yelena nodded and smiled. "Okay, Miss Alpa. Maupo ka na lang muna doon, ha? Kunin ko lang ang order mo."
Tumango ito. "Okay po, Ate." Tsaka naghanap ng mauupuan.
Yelena smiled then looked at me. "Upo ka lang diyan, ah? Ako na Ang bahala rito."
I nodded and smiled. "Oo na."
So, the whole day, kahit pa may ginagawa naman ako, paminsan-minsan nga lang. Hindi kasi ako hinahayaan ni Yelena na kumilos masyado. Iyong ginawa ko lang ay tumanggap ng orders tapos siya ang kumukuha.
This is the reason why sometimes I want to fight the tumor. Marami kasi ang umaasang magiging maayos ako sa bandang huli. Pero ako na nakakaramdam kung ano ang pwedeng mangyari sa akin, parang... ako mismo iyong nalulungkot para sa mga taong lumalaban para sa akin, eh. Kasi nararamdaman ko kung anong pwedeng mangyari.
Just like before, everytime the chime sounded, lumilingon agad ako. Umaasa na naman na baka may magsasauli na ng kwentas ko.
So, when the chime sounded again, napatayo ako sabay lingon. But I instantly forgot about my necklace when I saw the person who just entered.
His hair looks clean again. He is wearing a pastel blue long sleeved polo with sleeves rolled up to his elbows. He is wearing a black pants and a white pair of shoes. And on his neck is a camera hanging.
"Hala, si gwapo," Yelena whispered beside me.
Napakurap ako saka napatingin sa kanya. I could feel my heart beating hard.
"H-Ha?" Bulong ko pabalik.
Ngumisi siya sa akin tapos ay lumayo ng kaunti sa akin sabay nguso sa harap namin.
"Hi, Miss. Can I have a box of chocolate rolls and a cup of black coffee, please?"
Napasinghap ako saka napatingin sa harap ng counter. Nakatayo na siya roon, sa harap ko mismo.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
"U-Uhm..." I looked at Yelena. "May um-order."
Yelena looked at me innocently. "Ah, masakit ang tuhod ko, eh. Wait lang, uupo lang ako. Ikaw na muna, ha, 'te?"
Napakurap ako. Ano bang ginagawa niya?
Alinlangang tumingin ako kay Savino. He is waiting for us patiently. He looks like a total good boy.
"Ah... Can I have your name so I can call you once your order is ready?" wika ko.
Malakas ang kabog ng dibdib ko.
He suddenly playfully raised his other brow. The corner of his mouth rose as well and formed into a smirk.
He stared at me making me feel like melting. I could feel my cheeks heating.
"Savino," sagot niya gamit ang malalim niyang boses.
I quickly nodded. "Alright, Sir, kindly look for an empty seat and I'll get your order."
Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya saka mabilis na tumalikod. Nagmamadaling pumasok ako sa kusina para kunin ang order niya. Pero napatigil ako nang nasa loob na ako at hindi ko maalala ang order niya.
Napasinghap ako saka napatampal sa noo ko. "Oh my god, Inniah! Ang tanga mo!"
I faced the door again. Pero bago pa ako lumabas ay kagat-labi akong sumagap ng hangin.
Nakakahiya!
"Okay. Kaya mo ito, Inniah. Let's go," bulong ko sa sarili ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka muling lumabas nang walang dala. Nakatayo pa rin sa harap ng counter si Savino at tinitingnan ang paligid.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa loob ng counter, tapos at kagat-labing lumapit sa kanya. Si Yelena naman ay nagtatakang pinapanood ako.
"Ah... excuse me, Sir?" wika ko sa mahinang boses.
Ramdam ko na ang hiya sa buong pagkatao ko.
Nilingon niya agad ako. His red lips are pursed as he looked at me with his thick brows raised.
"Yes?" sagot niya.
I swallowed. "Uhm... what was your order again?" Halos gusto ko nang kainin na lang ako ng lupa.
Nakakahiya, Inniah!
He stared at me. Slowly, his face lifted in amusement.
Ramdam kong pinagtatawanan niya na ako. Naiinis ako sa kanya kahit wala siyang ginagawa!
He slowly nodded then licked his lower lip. Humarap siya ng maayos sa akin saka pinatong ang mga braso niya sa counter.
"A box of chocolate rolls and a cup of black coffee, Miss," sabi niya habang may naaaliw na ngiti.
I blinked and nodded quickly. "Alright, Sir!"
Akmang tatalikod na ako nang bigla niya akong tawagin ulit.
"Wait, Miss," aniya.
Agad akong lumingon sa kanya. "Yes, Sir?"
He motioned me to come closer with his fingers. Ako naman ay dahan-dahan lumapit sa kanya. He acted like he is about to whisper something to me so I neared my ear to him.
Then he whispered, "Ba't mukha kang natatae?"
I blinked. My blood rose up to my head.
See?! Ayoko sa kanya!
...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro