Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03 | Escape

Days went by and my dad's birthday came. One month already passed and yet I still did not find the necklace. Buti na lang at hindi napapansin nina Dad at ni Ate Renee. Hindi rin naman sila nagtanong.

Suot ang isang puting silk na damit, isang puting headband, at isang transparent strapped sandals, tahimik akong nakangiti habang pinapakilala ni Dad sa mga kaibigan niyang business man. Katabi ko rin si Ate Renee na nakikipag-usap sa mga tao.

Si Ate Renee kasi, sanay na sa mga ganito. Business woman rin kasi siya kaya mas nagkakaintindihan sila palagi ni Dad. Siguro ako lang ang may social anxiety sa aming tatlo.

"This is my youngest daughter, Inniah Feej Teatreko. Inniah, this is your Uncle Jim. He is a good friend of mine," sabi ni Dad.

Hindi ko alam kung pang-ilang tao na ba itong pinakilala ni Dad sa akin. Basta tango na lang ako nang tango.

The old man looked at me. "Wow! The last time I saw you was when you were two, Inniah. Now look at you! You are a lady now!"

Ngumiti ako pabalik sa kanya. "It's nice meeting you po, Uncle Jim."

"It's good to see you again, sweetie," aniya. "If you ever need my help, just tell me. I'll definitely help you immediately since your dad had always been a helping hand to me and my wife."

Somehow, he looks trustworthy and kind-hearted. Pero ika nga nila huwag agad magtiwala.

"By the way, this is my son, Job, Inniah. He is also a business man. He followed my footsteps. I am sure he is older than you so you can ask for help from him as well," sabi niya.

I nodded and smiled as I looked at his son. "It's nice meeting you po."

He smiled back. "It's good to meet you as well, Inniah."

"I do hope you'll get to work together someday. What do you do for a living again, Inniah?" tanong ng matanda.

"I own a lib-cafe po. It is very student-friendly since it has books, a wifi, and computers inside. It also has a mini-karaoke there just in case there are students who wants to celebrate. All in all, it is a nice place for students," sagot ko.

Tumango-tango siya. "Wow! You're also business minded. Nagmana ka talaga sa Dad mo."

My Dad beside me chuckled. "Saan pa ba magmamana iyan kung hindi sa akin?"

"Tama nga naman," ani ng matanda. Tapos ay tumingin siya sa anak niya. "So, you, Job. You should be like Inniah who's heart is for business."

"Yes, dad," sagot na lang ng lalaki.

Ngumiti na lang rin ako dahil wala naman na akong gustong sabihin.

Sa dami ng mga pinakilala sa akin ni daddy, wala na akong maalala. Nang makipag-usap na si daddy sa iba at sinabihan kami ni ate na maupo na, naupo ako agad saka kumain.

Parehas kaming nakaupo ni Ate Renee sa isang table at tahimik na kumakain. Ako naman ay bored na bored nang manood sa mga taong wala akong ibang marinig na pinag-uusapan kundi negosyo.

Pansin ko pa ang mga photographers sa venue na kinukuhanan ng picture si Dad at ang mga business partners niya.

At dahil katatapos ko lang, pinunasan ko ang bibig ko ng napkin na masa mesa saka tumingin kay Ate.

"Ate, banyo lang ako." Paalam ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin. "Okay sige. Balik ka kaagad."

I nodded and smiled. "Opo!"

Agad akong tumayo saka halos patakbong tumungo sa banyo. Totoo naman na magbabanyo ako pero nang matapos akong magbanyo, wala na akong planong bumalik sa venue.

And since ang venue ay nasa bahay lang namin, agad akong nakahanap ng daan palabas para tumakas.

Pumunta ako sa glass door ng bahay namin patungo sa likod ng bahay. Halos magtago ako sa bawat vases na nadadaanan ko dahil matatangkad naman ang mga ito, mas matangkad pa sa akin.

Pero akmang bubuksan ko na ang pinto nang may pumigil rito. Nanlalaki ang mga matang napalingon ako.

"Ate?!" Gulat kong sabi.

She is looking at me with straight face and raised brows. Hawak niya ang doorknob. "Saan ka sa tingin mo pupunta, hm, Niah?" tanong niya.

Kinakabahang ngumiti ako ng malawak sa kanya. "Magpapahangin lang po sana ako."

"Magpapahangin nga ba o tatakas ka na naman?" tanong niya sa kalmadong boses.

Napanguso ako saka humagikhik. "Uh... both?"

Bumuntong-hininga siya. "Kapag ikaw nakita ni Daddy, Niah, sinasabi ko sayo, lagot ka na naman. Bakit ba kasi tumatakas ka? Alam mong mag-aalala si Daddy sayo."

"Alam ko po, Ate. Pero kasi iyang mga taong iyan, hindi ko naman kilala lahat, eh. Ayokong makipag-usap sa kanila," sabi ko. "Tsaka, uuwi ako ng maaga. This time."

Tinaasan niya ako ng kilay. "At bakit naman ako maniniwala sayo, aber?"

Ngumuso ako ulit saka hinawakan ang braso niya sabay yakap. "Sige na, Ate! Promise uuwi ako ng super aga mamaya. E-te-text rin kita basta huwag mo lang sabihin kay daddy na tatakas na naman ako. Please?"

Tinitigan niya ako. Alam kong stress na siya sa akin.

Tapos ay bumuntong-hininga siya na para bang wala na siyang magagawa.

"Siya sige. Basta ba, mag-text ka sa akin, Niah, ha? Huwag mo akong pag-aalalahanin kung ayaw mong isumbong kita kay Dad. Makikita mo," sabi niya sa akin.

Agad akong tumango saka napapalakpak sa tuwa. "Yes po! Thank you, Ate! Promise, magte-text ako sayo!"

Walang nagawang tumango siya sa akin. "Siya, sige na. Umalis ka na. Mag-ingat ka sa pagtakas, ah? Baka kung saan-saan ka na naman magsususuot."

Tumango ako saka malawak na ngumiti. "Opo, Ate! Promise mag-ta-taxi ako!"

"Oo na, oo na. May magagawa pa ba ako. Sige, ingat ka, ah, Niah?" aniya.

Tumango ako. "Opo!"

Agad kong binuksan ang pinto. Tapos ay malawak na ngumiti sa kanya sabay takbo palabas.

Nang makalabas, saka ko lang na-realize na madilim na pala. Ang nagbibigay liwanag lang sa backyard namin ay ang mga alitaptap at ang maliit na ilaw na nagmumula sa kahoy sa backyard namin, tapos ang mga ilaw na nasa tabi ng bahay.

Agad na pumunta ang mga mata ko sa barricade ng bahay. Tumakbo agad patungo roon. Iyong backyard kasi namin, ang lote na nasa labas na ng barricade ay may daan patungo sa highway. Sakto rin na may gate sa likod ng bahay namin, iyon nga lang naka-lock kaya kailangan kong akyatin.

My smile widened as I went through the plants and then walked towards the gate. Agad kong pinatong ang isang paa ko sa gate tsaka akmang ipapatong ko na ang isang paa nang biglang lumiwanag na parang kidlat.

Napasinghap ako saka impit na napatili. Agad akong bumaba sa gate saka yumukod sabay takip sa tenga ko sa gulat.

"And I just witnessed a crime," wika ng isang baritono at malalim na boses.

Pero napakurap ako nang makitang hindi naman pala kidlat iyon, kundi galing sa camera ng lalaking nasa harap ko lang. Nakatutok ang camera niya sa akin.

Napasinghap ako nang kuhanan niya ulit ako larawan.

"S-Sino ka?" tanong ko.

Binaba niya ang camera. His face is finally revealed.

Siya iyong customer ko sa cafe isang buwan na ang nakararaan. Medyo makapal na ang buhok niya pero ganoon pa rin ang tikas niya. Suot niya ay isang puting long sleeved polo na bukas ang isang butones sa itaas at nakarolyo ang sleeves hanggang sa siko niya. Tapos ay brown na pants saka puting sapatos.

"S-Sino ka sabi ko?" tanong ko ulit sa kanya, hawak ko pa rin ang tenga ko.

He lifted his head and looked at me. Andiyan na naman ang nakakalunod niyang mga mata.

Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Why are you trying to escape the party, Miss? May ninakaw ka, 'no?" tanong niya sa akin.

Napasinghap ako saka mabilis na napatingin ulit sa kanya.

"M-Me? No, ha! Hindi ako magnanakaw!" saad ko.

Tumaas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin. May munting ngisi sa labi niya.

"Kung ganoon, sumama ka sa akin. Isasama kita sa birthday celebrant at nang mapatunayan mong hindi ka nagnakaw," sabi niya sa akin na para bang hinahamon ako.

Kumurap ako sabay iling. "Ayoko! I'm leaving the party."

Agad akong tumalikod sa kanya saka akmang itataas ang paa ko sa gate nang muli niya akong kinuhanan.

"Ipapakita ko ito sa birthday celebrant. Let's see if you're really not guilty of stealing something," rinig kong sabi niya.

Agad akong napalingon sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko.

Nakatalikod na siya sa akin at naglalakad na sa brick path patungo sa glass door ng bahay.

Agad akong nataranta. Mabilis ko siyang hinabol.

"Hindi na kailangan! Anak niya ako! I am his daughter!" sabi ko saka halos patakbong sinasabayan ang lakad niya.

Sobrang tangkad niya pala talaga sa malapitan. Hanggang dibdib niya lang ako. At ang hahaba ng binti niya.

Tumigil siya sa paglalakad saka nilingon ako. Tumitig siya sa akin, mula sa mga mata ko, sa ilong, pababa sa labi ko.

Napakurap ako. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa pagkailang.

Tinaasan niya ako ng kilay. "You look nothing like him," aniya. "Nagsisinungaling ka, 'no? Para makatakas ka."

Umiling ako ng paulit-ulit sa kanya. "No, ha! Hindi. Totoong anak niya ako!"

"Hindi totoong anak ka niya?" May ngising tanong niya sa akin.

Hinahangin ang buhok niya. Kahit madilim ay nakikita ko ang gwapo niyang mukha.

What, Inniah? Gwapo?

"I don't care kung ayaw mong maniwala, just don't tell dad," sabi ko.

Tumaas muli ang kilay niya. "Ayoko. Sasabihin ko sa kanya." Tapos ay muli siyang naglakad.

Umiling ako saka hinabol siya. Agad kong hinawakan ang braso niya.

Napatigil siya. Tumigil siya sa paglalakad saka napatingin sa kamay kong nasa braso niya.

Agad akong napabitaw. Ramdam ko ang pagkahiya saka ang pamumula ng pisngi ko.

"S-Sorry," sabi ko.

Hindi siya nagsalita saka muling naglakad. Muli akong napasinghap. Sumunod na lang ako sa kanya.

Ayokong malaman ni Daddy. Lagot ako. Dati noong nalaman niyang tumakas ako, nilagyan niya ako ng bodyguard. Ayoko nang maulit iyon. Para kasing lahat ng galaw ko may tumitingin.

"Please don't tell my dad. My Ate Renee knew about this. Nakipag-usap ako sa kanya before ako umalis. Please, Kuya!" sabi ko habang naglalakad pasunod sa kanya.

Tumigil siya saka nilingon ako. Nakataas ang isang kilay niya. "Kuya?" Nakataas ang kabilang gilid ng labi niya.

Dahan-dahan akong tumango. Magkahawak ang sarili kong mga palad dahil sa kaba. Baka tutuhanin niya ang sinasabi niya.

"O-Opo. Kuya," sabi ko.

He chuckled. His voice sounds deep and baritone. It fits his size.

Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. A smirk is on his face.

"Are you in highschool, Miss? Sa pagkakaalala ko ikaw iyong nasa counter sa isang cafe, ah? Working student?" tanong niya.

Napakurap ako saka umiling. "No. Ako iyong owner ng cafe."

Mas lalong tumaas ang kilay niya. "And you're what? Sixteen?"

Nagsalubong ang kilay ko. "I am twenty-five!"

He chuckled in amusement. "Okay? Hindi halata. Sumama ka sa akin, dadalhin kita sa birthday celebrant whom your claiming as your dad."

Umiling ako. "No. Magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang tatakas ako. Baka mag-hire na naman siya ng bodyguard sa akin--"

"I don't care, Miss. Sumama ka sa akin," sabi niya.

"No, Kuya, please? Hindi na ako aalis. Babalik na ako sa party, just don't tell my dad," I asked.

"I'm just twenty-eight, Miss. I'm not that old to be called as your 'Kuya'," sabi niya sa akin.

Sumulyap ako sa kanya. "I don't care, you're three years older than me meaning you can be called as 'kuya' already."

And I don't know why I am explaining to him.

"We'll see when we get there, Miss," aniya.

Napabuga na lang ako ng hangin saka sumunod sa kanya. Binuksan niya ang glass door saka pinauna ako sa pagpasok.

In fairness, even with him accusing me as a thief, he is still a gentleman.

Napanguso ako nang maglakad siya patungo sa kay Dad. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko.

Paano kung sasabihin niya talaga sa dad ko? Paano kung hindi talaga siya naniniwala sa akin?

Nang makalapit kami kay dad na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Nagsalita agad si kuya.

"Excuse me, Mr. Teatreko? Can I have a minute?" aniya.

Agad na lumingon si dad sa kanya. Dad's eyes went to me.

I bit my lower lip.

"Sure, Mr. Basaltta," wika ni Dad.

Naglakad silang dalawa sa medyo may kalayuan sa mga kaibigan ni dad. Sumunod na lang din ako.

"How may I help you, hijo?" tanong ni dad.

Ngumiti siya ng tipid kay dad. "This lady here is claiming that you're her father. I would like to know if it's real po, Sir. Natagpuan ko po kasi siyang tumatakas sa gate sa likod."

Napakagat-labi ako.

Oh no!

Dad's brows raised. Tumingin siya sa akin. "Is it true, Inniah Feej?" tanong ni Dad.

Ngumuso ako. "Y-Yes po, dad."

Bumuntong-hininga si dad saka tumingin kay Mr. Basaltta. "Thank you for informing me about this, hijo. Yes, she is my youngest daughter, Inniah Feej. And thank you for bringing her here. Kung hindi mo ginawa, baka ay tumakas na nga siya."

"Uuwi naman po ako ng maaga, dad," sabi ko sa kanya.

"Why would you wanna escape in the first place, Inniah?" tanong ni Daddy.

"Kasi ang boring na, eh," wika ko sa kanya. "Hindi naman po ako nakaka-relate sa pinag-uusapan niyo. Kaya naisipan ko na lang umalis. Pero uuwi naman ako tsaka mag-me-message naman ako sayo at kay Ate."

Dad sighed and shook his head. "Don't make me hire a bodyguard again, Inniah. Alam kong ayaw mo kaya magpakabait ka. You already know the reason why I never want to let you stroll alone, so behave, okay?"

Ngumuso ako. "Opo, dad."

"Anyway. Hijo, this is my youngest daughter, Inniah Feej. Inniah, this is Savino Basaltta. He is a photographer and owns a studio in La Seriah and here in Sagittarion. Come on and shake hands," wika ni Daddy.

Dahan-dahan akong tumingin kay Kuya? Mr. Basaltta? Savino? Ay whatever.

May tipid na ngiti na nilahad niya ang palad sa harap ko. I looked down at his hands.

It is so veiny and looks really calloused. I have never seen a guy as manly as he is.

Dahan-dahan kong tinanggap ang palad niya, feeling his warm hand on mine. Making me feel electricity run up to my body.

"It's nice meeting you, Ms. Inniah," sabi niya.

Dahan-dahan akong tumango. How is it so nice meeting him? He just told my dad that I am trying to escape.

"It's nice meeting you, Kuya," sabi ko.

"Just Savino," wika niya sa akin.

Alinlangan akong tumango sabay sulyap kay dad na pinapanood lang kami.

"O-Okay po, S-Savino," sabi ko.

"I think you better know Savino well, Inniah. He is a good guy. He can teach you a lot of things. And he is well-behaved," wika ni Dad sa akin.

Tipid na ngumiti si Savino sa akin. Parang sobrang proud niya sa sinabi ni daddy.

Ayoko na agad sa kanya. Parang mayabang.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya saka tipid na ngumiti kay dad.

"Okay po, dad," wika ko.

"Sit with him while the party is going so you won't get bored, Inniah," wika ni Dad. Nilingon niya si Savino. "Kindly accompany my daughter, hijo. Baka tatakas na naman kasi."

Mabilis na tumango si Savino. He smiled at dad.

"Sure, Sir," aniya.

Dad nodded and smiled a bit. "Thank you." He then tapped Savino's shoulder and went back to his friends.

Tahimik lang akong nakatayo sa tabi ni Savino. Si Savino rin ay pinanood si Dad.

Nang kami na lang dalawa ang naiwan, tiningnan niya ako. I hate that his eyes looks so soft whenever it reaches my eyes. His jaw is well-built like his nose. At ang haba ng pilikmata niya.

"Sorry, Ms. Inniah. I have to tell your dad so you won't escape. Who knows what might happen to you out there," aniya.

Ngumuso ako saka bumuntong-hininga. "Ayos lang. I'm happy that he is not mad at me though."

Tumango siya saka tipid akong nginitian. "Let's take a seat, shall we?" tanong niya saka tinuro ang mesa malapit sa amin.

I just sighed and nodded. "Okay po."

"And don't 'po' me. I'm not that old," aniya saka mahinang natawa.

Agad na lang akong naupo. Siya rin ay naupo sa upuang nasa tabi ko. Paminsan-minsan siyang kumukuha ng pictures sa mga naroroon. Minsan ay sa mga pagkaing nasa mesa namin.

Ako naman ay tahimik lang siyang pinapanood. Madalas rin siyang nilalapitan ng ibang photographers na tingin ko ay mga employees niya dahil 'sir' ang tawag sa kanya.

The MC suddenly mentioned his name saying he is going to present a song for us. May ngiting tumayo siya sa inuupuan saka tumingin sa akin.

"Babalik ako," wika niya sa akin.

Nakangiti siyang naglakad sa harap. Suot niya pa rin sa leeg ang camera niya.

He cleared his throat when he is already in front of the microphone. The music started playing which sounds familiar.

Then he started singing.

"Oh, maybe I came on too strong
Maybe I waited too long
Maybe I played my cards wrong
Oh, just a little bit wrong..." he sang.

Dive by Ed Sheeran.

I blinked.

My heart beat rapidly as I looked at him. His eyes are closed as he sang. His voice sounds so calm and cold.

Parehas na parehas sa unang beses na narinig ko siyang kumanta. Walang pinagbago.

"Baby I apologize for it
I could fall or I could fly
Here in your aeroplane
And I could live, I could die
Hanging on the words you say
And I've been known to give my all
And jumping in harder than
Ten thousand rocks on the lake..."

Rinig ko ang palakpakan ng mga taong naroroon. Pansin ko rin ang tila ba pagsasayawan ng mga empleyado niya habang ni-ch-cheer siya sa harapan.

"So don't call me baby
Unless you mean it
Don't tell me you need me
If you don't believe it
So let me know the truth
Before I dive right into you..."

Napakagat-labi ako. Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko. Ngayon, wala na akong makita kundi pawang dilim lang. Pero dahil sa lamig at ganda ng tinig niya, tila ba nakikita ko siya kahit pa nakapikit ang mga mata ko.

"You're a mystery
I have traveled the world, there's no other girl like you
No one, what's your history?
Do you have a tendency to lead some people on?
'Cause I heard you do, hmm..."

Sinasabayan na ng iba ang pagkanta niya. Pero nanatili pa rin akong nakapikit. Ninanamnam bawat bigkas niya sa mga salita. Pinapakiramdaman ang sarili ko.

Ang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing naririnig ko ang boses niya. Para niya akong dinuduyan. Parang gusto kong manatili sa panaginip na boses niya ang bumubulong sa akin.

"I could fall or I could fly
Here in your aeroplane
And I could live, I could die
Hanging on the words you say
And I've been known to give my all
And lie awake, every day
Don't know how much I can take..."

Rinig ko naman ang tilian ng mga tao. Maging matanda o bata na naroroon. Nakikisabay.

"So don't call me baby
Unless you mean it
Don't tell me you need me
If you don't believe it
So let me know the truth
Before I dive right into you..."

Someone suddenly poked me on my waist. Napasinghap ako sa gulat saka napamulat.

Si Ate Renee ang naabutan kong nakaupo na sa kanina ay inuupuan ni Savino. Nakangisi siya sa akin.

I blinked as I looked at her. "Bakit, Ate?" I asked.

She smirked. "Maypa-pikit-pikit ka, ah? Pogi ba?"

Kumurap ulit ako. "Si Savino po?"

"Wow! First name basis!" aniya.

Kumunot ang noo ko. "Dad introduced him to me, Ate."

Tumaas ang kilay niya. Ang mga mata niya ay nanunukso.

She then looked at Savino who is in front of everyone. "Gwapo niya, 'no, Niah?" she asked.

I pursed my lips and nodded as I looked at Savino as well.

"Opo, Ate," sabi ko.

She smiled widely. "I knew him since then. Sobrang workaholic niya. Sobrang bait rin. His studio is very famous in all places dahil na rin siguro magaling siya sa photography. And he looks like someone who won't break hearts."

Napanguso ako saka dahan-dahang tumango. Tama naman si Ate. Savino Basaltta is really handsome and looks like a walking green flag. Parang hindi nananakit ng babae.

Ate looked at me with a smile. "He is definitely my type."

Napakurap ako saka dahan-dahang tumango saka nginitian siya. "You would look good together."

She giggled. "Talaga?! Tingin mo?"

I nodded. "Yes."

But I do not know why I could feel bitterness on my tongue.

My eyes went to Savino again. He is already holding the microphone and the microphone stand, smiling wide as he sang with the people.

He looks like a star. Bright and sparkly.

Unreachable.

...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro