02 | Chime
The next morning, I was up early. Dad was even surprised because I usually do not wake up at exactly five in the morning. Pero dahil nga sa pagkawala ng kwentas ko, hindi ako nakatulog ng maayos, at naggising ako ng sobrang aga.
Si Ate Renee ay naabutan kong nagluluto sa kusina. Every morning, she is the one who prepares breakfast. Like what I said, she is like a mother to me. Taking care of me, cooking my meals, and looking after me.
Sometimes it made me feel like I am a burden at some point. I feel like Ate Renee should not spend all her time looking after me. Parang gusto kong piliin naman niya ang sarili niya, magka-boyfriend, magmahal, mag-asawa, at magkaanak.
Minsan, sinasabi niya sa akin na ayaw niya pa dahil hindi pa siya handa. Pero, ang nasa isip ko ay siguro kaya ayaw niya pa ay dahil may sakit ako. She feels obligated on taking care of me.
Nang makita niya ako agad napataas ang kilay niya saka biglang kumanta.
"Uy! Sino siya, ang agang gumising, ang agang gumising, ang agang gumising! Sino siya, ang agang gumising-"
"Ate, ang ingay mo!" Natatawang sabi ko sabay upo sa chair na nasa harap ng counter.
May hawak siyang sandok. Namaywang siya. "Bakit ba kasi ang aga mo? Hindi ka ba nakatulog, ha?" tanong niya.
Bumuntong-hininga ako. "Maaga nga akong nakatulog kagabi kaya ang aga kong nagising, eh."
"Sure ka? Hindi naman ba sumasakit ang ulo mo?" she asked as she faced whatever she is cooking.
Tumango ako. "Yes, Ate. Hindi naman."
"That's good to hear. Wala pa namang six months, hindi pa tayo makakapagpa-check-up," sabi niya.
Every six months ay talagang pumupunta kami sa doctor para magpa-check-up. I had so many treatments done like MRI, neurological exam, imaging tests, and so many more. Kaya maghihintay pa kami ng six months para e-check kung may progress ba ang treatment.
My case is a malignant brain tumor under grade II. Unlike any other types of cancer, a brain tumor is usually classified in grade. Iyong akin, low-grade tumor pa pero kailangan na ng surgery dahil kumakalat ito habang tumatagal.
Gusto ng Daddy ko na magpa-opera na ako pero ayoko pa. Hindi pa ako handa.
Who knows what might happen after the surgery?
"Kapagod rin naman laging pumupuntang hospital for check-ups, eh," sabi ko habang hawak ang baba ko.
"Hush..." sabi ni Ate sa akin. "Don't say that, Niah! Dapat thankful ka na nakakapag-check-up ka everytime. Because that means may pera tayong panggastos for that."
I smiled a bit. Her back is on me. Amoy na amoy ko na ang asim ng niluluto niya para sa agahan.
"Okay po," sagot ko na lang.
Kapag ganiyan kasi, ayoko nang nakikipagbangayan pa kay Ate. Alam ko kasing tama siya, at ayaw niyang pag-usapan ang mga ganoong bagay.
One reason why I don't want to have a surgery is because I don't want to fail them. What if the surgery fails? Anong mangyayari sa Ate at Daddy ko? Sila pa naman ang umaasa. Ako, hindi na.
"Anyways, hulaan mo kung ano ang niluluto ko para sa agahan," sabi ni Ate sabay lingon sa akin sabay ngiti ng malawak.
Ngumiti ako pabalik. "Sinigang na manok!"
Humagikhik siya. "Tumpak! Galing mo talaga! Halatang matakaw!"
Ngumuso ako sa sinamaan ko siya ng tingin. "Ang sama mo sa akin!"
Humagikhik siya. "Siya nga pala, baka next month pupunta akong ibang bansa for business meeting. Gusto mo sumama?" she wiggled her brows at me.
"Talaga? Kasama mo si Dad doon or ikaw lang mag-isa?" tanong ko.
Hindi na bago sa akin na palaging umaalis papuntang ibang bansa si Ate or si Dad. Palagi silang nandoon para sa mga business meetings nila. Ako palagi ang walang ginagawa dahil ayaw nilang mapagod ako.
But I don't like it. Ayoko na isipin nilang mahina ako. Dahil ayoko rin na isipin iyon sa sarili ko.
"Nope. May aasikasuhin rin kasi si Dad here, so, talagang ako lang. Kaya nga tinatanong kita kung sasama ka ba?" aniya habang nakasandal ang likod sa sink.
Bitbit niya pa rin ang sandok habang nakahakulipkip siya.
"Oh... I'll see, Ate. Kung papayag si Daddy," sabi ko.
Pero may iba kasi akong plano, eh. Una ay hanapin ang kwentas ni Mommy.
"Ay sus! Ayan ka na naman sa 'I'll see' mo. For sure hindi ka na naman niyan sasama," sabi niya sabay irap sa akin.
Humagikhik ako. "Kaya nga 'I'll see' ang sabi ko para hindi ka ma-disappoint kapag ayokong sumama, eh. Tsaka, maaga nga pala akong aalis ngayon, 'Te."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Alam ko, ang aga mong gumising, eh. Bakit? Saan ka ba pupunta? Baka aalis ka na naman, pupunta ka na naman sa kabilang baryo o sa kabilang lugar nang walang paalam, tapos uuwi ka na naman ng sobrang late. Mag-aalala na naman si Dad sayo."
Tumawa ako. Si Ate Renee ay talagang sanay na sa tuwing umaalis ako ng bahay tapos pumupunta sa kabilang munisipyo, at madalas late pa akong umuwi. Madalas kasi kapag umaalis ako, pinapatay ko ang phone ko para hindi ako mag-alala sa iisipin ni Daddy. Kaya talagang kapag late akong umuuwi, galit siya sa akin. Lalo na dahil patakas akong umaalis.
"Hindi, ah! Sa cafe lang ako. May customers lang akong maaga today kaya maaga rin ang punta ko," sabi ko.
She nodded. "Sabi mo iyan, ah. Naku! Lagot ka talaga sa akin kapag aalis ka na naman! Saka huwag mong e-off ang phone mo para if tawagin ka namin, masasagot mo agad."
I slowly nodded. Paulit-ulit n si Ate Renee sa akin.
"Okay po. Noted," sabi ko.
But of course, hindi iyon nangyari. Dahil pagkatapos akong ihatid ni Daddy sa cafe ko, matapos kong buksan ang cafe at hintaying dumating si Yelena, agad akong umalis. Pumunta agad ako sa botanical garden, sa may bangin para tingnan kung nandoon ba ang kwentas ko.
Kahit saang parte ng botanical garden, hinalughog ko. Halos limang oras akong naghanap pero wala talaga. Naiiyak na ako.
Napaupo ako sa bench saka malungkot na kinapa ang leeg kong wala nang kwentas. Umaasang may mahawakan ako roon, pero wala talaga.
Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Bakit ba kasi hindi ako nag-iingat? Bakit ba kasi umalis pa ako sa cafe kahapon? Edi sana, hindi iyon nawala.
Iniyak ko na lang lahat. Ayoko rin naman na pigilan ang mga iyak ko dahil mas lalong bibigat lang ang loob ko. Because I believe that crying is one of the best therapy.
Mabigat ang loob na bumalik na lang ako sa cafe matapos kong maubos ang luha ko sa kakaiyak.
"Have fun in our cafe, Ma'am! May your day be as sweet as this vanilla frappe!" wika ni Yelena at malawak ang ngiti sa customer.
Kitang-kita ko na agad siya dito pa lang ako sa pinto. Rinig ko ang pagtunog ng chime sa pagbukas at pagsara ko sa pinto.
Lumapit ako sa kanya sa counter saka pumasok. Kinuha ko ang apron saka agad na sinuot.
Nang humarap ako kay Yelena, nakatingin siya sa akin, sinusuri ang mukha ko. Tapos ay bigla niyang hinawakan ang baba ko saka tinagilid sa magkabilang-gilid.
"Anong nangyari sayo, 'te? Bakit parang maga ang mga mata mo? May nangyari ba sa inyo sa bahay?" tanong niya agad saka binitawan ang baba ko.
Napanguso ako. Mabigat talaga ang loob ko.
"Wala, Yelena," mahinahon kong sagot kahit pa bumibigat na ang pakiramdam ko.
"Weh? Maga iyong mga mata mo, eh. May umaway ba sayo sa daan?" tanong niya.
Rinig ko ang pag-aalala sa boses niya.
Iyan talaga ang ayaw ko kapag nakikita nila akong umiiyak, eh. Iniisip nila na sinasaktan ako ng iba. Parang feeling nila hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Feeling nila mahina ako.
Umiling ako saka tipid na ngumiti. "Wala. Ano ka ba? Pinag-iisipan mo na naman ng masama iyong mga tao sa paligid. May iba akong problema."
Tinaasan niya ako ng kilay sabay halukipkip. "Oh sige, sabihin mo."
Bumuntong-hininga ako. Agad na sumakit iyong lalamunan ko sa emosyon.
"Iyong kwentas kong bigay ni Mommy sa akin, nawala ko," sabi ko sa kanya.
Agad siyang tumingin sa leeg ko. "Hala! Saan mo naiwala? Mahalaga pa naman sayo iyon!"
"Oo nga, eh! Hindi ko alam kung saan. Ang dami kong pinuntahan kahapon. Wala akong maalalang natanggal sa leeg ko iyong kwentas. Nalaman ko na lang no'ng nakauwi na ako," sabi ko saka mabigat ang loob na naupo sa loob ng counter.
Naramdaman ko ang pag-upo rin ni Yelena sa tabi ko. "Anong gagawin mo ngayon niyan? Alam ba ng daddy mo?"
Umiling ako. Iisipin ko pa lang na sasabihin ko sa daddy ko parang gusto ko nang umiyak. Sigurado akong magagalit siya sa akin lalo na at malalaman niya ang mga pinanggagawa ko.
"Ayokong sabihin sa kanya, Yels. Baka pagalitan niya ako," sabi ko sabay sapo sa mukha ko. "Hindi ko alam iyong gagawin ko."
Ramdam ko ang kamay niyang hinahaplos ang likod ko. "Okay lang iyan. Maraming paraan, Niah. Ganito, mag-print ka ng picture no'ng kwentas mo, tapos gawin mong poster, ilagay mo rito sa cafe, sa labas tsaka sa loob. Para kung may makakita sa kwentas alam nila kung saan isasauli."
Napasinghap ako. Agad akong napatingin sa kanya. Umaliwalas agad ang mukha ko.
"Oh my gosh, Yelena! Ang talino mo!" tili ko saka mabilis na tumayo sa inuupuan ko.
"Maliit na bagay," aniya sabay ipit ng buhok niya sa likod ng tenga niya.
Mabilis akong lumabas ng counter. Naglakad ako patungo sa mga computer na nasa loob lang din ng cafe. Iyong cafe ko kasi student-friendly kaya may mga aklat, may printer, may computers, at may wifi.
Agad akong naupo sa harap ng computer saka ni-print ang picture ng kwentas ko. Inayos ko na rin ang pag-edit para naman maging interested ang mga taong basahin ang poster ko.
Nang matapos kong e-print, agad akong tumakbo patungo kay Yelena bitbit ang mga posters.
"Yels, tulungan mo akong mag-attach ng mga ito sa cafe. Dito ka sa loob, ako sa labas, okay?" sabi ko sabay bigay sa kanya ng mga piraso.
Agad niyang tinanggap tsaka sinuri. "Ang kapal naman nito, 'te."
"Alam ko. Pero kailangan para mahanap ko agad ang kwentas ko. Totoo pa naman iyon, baka ibenta na iyon," sabi ko.
Bumalik tuloy ang pag-aalala ko.
"Okay, okay. Akong bahala rito sa loob," sabi niya habang binabasa ang content ng poster ko.
Tumango lang ako saka lumabas ng cafe. Suot ko pa rin ang brown na apron. Tapos ay nagsimula na akong idikit ang mga poster sa bintana, sa pinto, sa dingding, pati na sa mga street lights na malapit sa cafe.
Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa mga lugar na nilagyan ko ng poster. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang makita na ang kwentas ko.
Sa ngalan ni Lord, Amen.
Muli akong pumasok sa cafe. Tumunog na naman ang chime. Dumeretso ako sa counter. Pero unang pumukaw ng pansin ko ay ang mga posters kong nakakalat na sa dingding ng loob ng cafe.
Kahit papaano napangiti ako. Sobrang thankful ko talaga kay Yelena.
"Thank you, Yels!" sabi ko sa kanya nang makapasok na ulit ako sa counter.
Ngumisi siya sa akin. "Akala mo libre iyon, 'no? May kapalit iyon, hoy. A-advance ako ngayon." Sabay lahad ng palad niya sa harap ko.
Mahina akong natawa. "Okay, okay. Maya na after work. Bibigay ko sayo ang advance mo."
Agad siyang napatili saka napatalon sabay yakap sa akin. "Thank you, Niah! Ang bait-bait mo talaga! Sana kunin ka na ni Lord!"
Humagalpak ako ng tawa. "Hoy! Huwag kang ganyan baka agahan ni Lord pagkuha sa akin, may tumor pa naman ako sa utak."
Napatigil siya saka napabitaw sa akin. Itinikom niya ang bibig niya. "Ay shit! Oo nga pala!" Agad niyang pinaglapat ang mga palad niya. "Sorry, Lord. Huwag niyo po munang kunin ang boss ko, hindi pa ako nasuswelduhan nito, eh."
Napailing na lang ako habang tunatawa sa kanya. "Ewan ko sayo, Yelena. Balik ka na nga lang sa work."
"Oo na po, Ma'am. Ito na po," aniya na humahagikhik saka parehas kaming naupo sa upuan na nasa loob ng counter.
Sa kabila ng bigat ng loob ko, inayos ko pa rin ang trabaho ko. Iyon nga lang, sa tuwing tumutunog ang chime ay lumilingon ako sa pinto, iniisip na baka ang taong may mabuting loob na ang nagbubukas at isasauli na ang kwentas ko.
Pero sa daming pumasok at lumabas, wala talaga.
"Tanga ka! Kabit ka!"
Napatigil ako sa kakatingin sa pinto nang makarinig ako ng sigawan. Napatingin ako kung saan iyon nanggagaling.
"Hindi ko alam na may girlfriend na siya! Wala siyang sinabi sa akin! Kasi kung alam ko lang, hidni ko siya sasagutin!" sigaw ng isang babaeng estudyante.
Sa harap niya ay isang student rin na tingin ko'y ka-schoolmate niya dahil same sila ng uniform. Kita ko ang galit sa mga mata nila.
"Anong hindi?! Paanong hindi mo nalaman, eh, palagi niya akong mina-myday!" sagot ng isa pa.
"Anong palagi?! Wala akong nakikita. Araw-araw ko siyang kausap pero wala siyang ibang kausap maliban sa akin!" sagot naman ng isa.
"Bulag ka ba?! O baka nagbubulagan ka lang?!" singhal naman ng isa.
Napakurap ako. Parehas silang naka-college uniform. Wala naman akong makitang lalaki, silang dalawa lang ang magkaharap sa mesa.
"Hala siya," bulong ni Yelena sa tabi ko. "May cheater na naman."
"Shh... puntahan ko lang sila," sabi ko.
Akmang tatalikod na ako nang pigilan ako ni Yelena. "Ha? Anong gagawin mo doon? Buhay nila iyan, hayaan mo sila. Dito ka lang."
"Ayoko, Yels. Kailangan nilang malaman na hindi sa isang lalaki umiikot ang mundo nila. Bitawan mo ako, kakausapin ko lang sila," sabi ko ng mahinahon.
Pinandilatan niya ako. "Baka sabunutan ka pa doon, 'te! Iyong utak mo, 'te!"
Mahina akong natawa. "Okay sige, sumama ka sa akin para kapag naisipan nila akong sabunutan, pigilan mo agad sila. Tara."
Napakurap siya saka napaturo sa sarili. "Sasama ako? Bakit ako sasama?"
"Para dalawa tayo doon, tara na," sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng counter.
Wala siyang nagawa kundi sumama sa akin. Agad akong lumapit sa dalawang babae na nagsisigawan. Pinagtitinginan na rin sila ng ibang customers.
"Alam kong may alam ka! Wala ka lang plano na hiwalayan siya dahil gusto mo rin naman talaga! Hindi mo alam ang epekto ng ginawa niyong dalawa sa akin!" biglang umiyak iyong isang babae na tingin ko ay ang totoong girl friend.
"Wala nga akong alam! Ngayon ko lang nalaman na may gf pala siya maliban sa akin! Kung alam ko lang, hindi ko siya tatanggapin sa buhay ko! Bakit ba hindi mo maintindihan iyon?!" sigaw naman ng isa.
"Paano ko maiintindihan?! Kaibigan kita, eh! Sobrang lapit natin pero wala kang sinabi sa akin tungkol sa kanya!" iyak ng isa.
"Wala akong sinabi dahil wala ka rin namang sinabi sa akin! Kapag nagtatanong ako kung sino ang boyfriend mo, may sinasabi ka ba? Hindi ba, wala? Paano ko malalaman?" wika naman ng isa.
Humagulhol ang isa. "Alam mong itinatago ko sa mga magulang ko ang tungkol rito kaya ko tinatago, diba?! Edi sana, ikaw iyong umamin sa akin. Edi sana nalaman ko agad. Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon!"
"Niah, huwag na tayong tumuloy," bulong sa akin ni Yelena.
"Shh... kakausapin ko sila," bulong ko pabalik.
Nang makarating sa harap nila agad akong tumikhim.
"Excuse me, ladies? Pwede ba akong mag-interrupt saglit?" tanong ko.
Agad silang napatingin sa akin nang sabay. Mugto ang mata ng isa at ang isa ay malungkot.
Saka lang sila napatingin sa paligid nila. Iyong mga tao ay sila ang pinapanood.
"Uhm... I am Inniah, ako ang may-ari ng cafe. Gusto ko lang sanang humingi ng paumanhin kasi gusto ko sanang ipaalam sa inyo na hinaan ang boses o kontrolin niyo ang boses ninyo. Alam kong nasasaktan kayong dalawa, hindi ko man alam kung gaano kasakit, pero dapat marunong pa rin kayong magpalabas ng tunay na nararamdaman sa tamang paraan. At hindi tama ang sigawan," sabi ko na may munting ngiti sa labi para maintindihan nilang hindi ako nandito para pagsalitaan sila ng masama. "Kung talagang hindi niyo mapigilan ang mga sarili ninyo, baka pwedeng lumabas na lang kayo ng cafe? Nakakaapekto rin kasi kayo sa ibang customers rito. At bilang may-ari, ginagawa ko ito hindi para palayasin kayo sa cafe kundi para sa peace of mind ng mga customers na nandito. Obligation ko iyan bilang may-ari."
Napatigil silang dalawa. Napapatingin sila sa ibang mga tao.
"I'm sorry, Miss," wika ng isa, iyong hindi umiiyak. "Lalabas na lang kami. Pasensya na sa istorbo."
Humihikbing mabilis na tumalikod iyong babaeng umiiyak. Akmang aalis na siya nang muli akong magsalita.
"Hindi sa lalaki umiikot ang mundo, Miss," sabi ko. "Hahayaan niyo bang sirain ang pagkakaibigan niyo nang dahil lang sa isang lalaki? Kung totoong walang alam ang kaibigan mo, ibig sabihin kasalanan iyan ng lalaki. Dahil siya lang ang nakakaalam na niloloko niya kayong dalawa."
Saglit siyang tumigil pero agad na rin siyang naglakad palabas. Samantalang ang kaibigan niya ay bumuntong-hininga saka tumingin sa akin.
"Pasensya na po sa istorbo," sabi niya saka sumunod na rin sa kaibigan niya.
Nang makalabas sila ay nagsibalikan na ang ibang mga customers sa ginagawa nila. Samantalang si Yelena ay malakas na napabuntong-hininga sa tabi ko.
"Grabe, 'te! Ang tapang mo! Paano kung sinabunutan ka ng dalawang iyon?" sabi niya.
Mahina akong natawa saka tipid siyang nginitian. "Hindi naman nila ginawa. Sana lang ay magkaayos na silang dalawa, 'no? Silang dalawa pa naman ang niloloko."
Naglakad na kami pabalik sa loob ng counter.
"Oo nga, eh. Tsaka bakit ba kasi ang daming manloloko sa panahong ito?! Nakakaloka! Wala ba silang magawa?" Inis na saad ni Yelena.
"Iwan. Hindi natin alam kung ano ang rason kaya niya ginagawa iyan pero kahit saang banda tingnan, maling-mali ang ginawa niya," sabi ko saka nakangusong naupong muli sa upuan sa loob ng counter.
"Kung manloloko, manloloko talaga, 'no?" sabi ni Yelena na nakaupo na rin sa tabi ko.
Tumango ako. "Pero may iba naman na nagbabago, eh. Madalas lang talaga iyong iba, hindi."
Bumuntong-hininga si Yelena. "Nakakatalino ba iyang brain tumor na iyan, Niah? Masyado ka talagang malalim mag-isip."
Natawa ako sa sinabi niya. "Ewan ko sayo!"
Biglang tumunog ang chime ng pinto. Agad akong napatayo saka napalingon doon, pero napanguso ako sa disappointment nang mga highschool students ang pumasok.
Muli na lang akong naupo.
"Ayos lang iyan. May magsasauli niyang kwentas mo. Tiwala ka lang," sabi ni Yelena sa akin.
"Sana nga," sabi ko. "Iyon na lang ang alaala ko galing sa Mommy ko, eh. Ang tanga ko kasi! Hindi ako nag-ingat."
"Tumigil ka nga, sisisihin mo na naman iyang sarili mo. Buti pa, kumain ka na lang muna. Hindi ako sanay makita kang ganyan," sabi niya sa akin.
"Kaya talagang dapat mahanap ko na iyon para hindi ako araw-araw malungkot. Paano ko ma-s-share ang good vibes kung ako mismo malungkot?" sabi ko sa kanya.
"Oo nga. Mahahanap iyon. Tiwala lang kay Lord," sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
At syempre, nagtiwala ako.
Iyon naman ang essence ng buhay, eh. Kapag nagtiwala ka, mangyayari iyon. Parang kagaya lang ng kasabihang, 'magic will not happen unless you believe in it'.
Sa tuwing tumutunog ang chime ay napapatayo at napapalingon ako sa pinto. Tinitingnan ko kung sino ang pumapasok. Hinihintay kong makalapit sa counter.
Pero na-di-disappoint ako kapag umu-order lang sila at wala talaga silang alam tungkol sa kwentas.
Hanggang sa naghahalo na ang liwanag at ang dilim, wala pa rin na lumapit sa akin para ipaalam na nakita nila ang kwentas ko. Hanggang sa magsasara na nga kami.
Nag-aayos na kami ni Yelena sa mga pagkain. Nilalagay na namin sa ref iyong iba. Tas iyong iba, dadalhin namin sa bahay.
Tapos ay biglang tumunog ang chime.
Sabay kaming napatingin doon.
Isang lalaki ang pumasok. Nakasuot siya ng isang puting t-shirt at denim jeans na pinaresan ng puting sapatos. Sa dibdib niya nakasabit ang isang camera. At sobrang tangkad niya.
Biglang suminghap si Yelena sa tabi ko saka napahawak sa braso ko.
Nilingon ko si Yelena. "Bakit?" tanong ko sa kanya.
Napapakurap siya habang nakatingin sa lalaki.
"Can I order a macha cake and a dark coffee, Miss?"
Napalingon ako rito. Nakatayo na siya sa harap ng counter. Malalim at baritono ang boses niya.
Malinis ang gupit. Makapal ang kilay. Matangos ang ilong. Mapula ang mga labi. At iyong mga mata niya... nakakalunod.
"Uh... Miss?" Winagayway niya sa harap ng mukha ko ang kamay niya, may tipid na ngiti sa labi niya.
Napakurap ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natulala habang nakatingin sa kanya.
Ramdam ako ang pag-iinit ng pisngi ko sa hiya.
"Uh... I-I'm sorry, we're closing," sabi ko na lang sa kanya.
"Ah, ganoon ba? Open pa iyong nakalagay doon sa pinto, ah," sabi niya sabay turo sa pinto.
"Uh... magsasara na kami ngayon lang," sabi ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang tumango habang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Parang natutunaw ako sa klase ng tingin niya.
"Uh..." Sinulyapan ko siya. "Pwede ka nang umalis."
"Ha?" sabad bigla ni Yelena habang pinandidilitan ako.
Gulat na napatingin ako sa kanya. "H-Ha?" Agad akong bumaling sa lalaki. "A-Ang ibig kong sabihin, s-sarado na talaga kami. Hindi na kami tumatanggap ng customers! Sorry po!" sabi ko sabay yukod sa harap niya.
Mahina siyang tumawa. Dahan-dahan siyang tumango. "Okay. Balik na lang ako bukas. Thank you, Miss," aniya.
Mabilis akong tumango. "Y-Yes, Sir."
Sigurado akong pulang-pula na ng pisngi ko. Hiyang-hiya na ako.
He nodded with a tiny smile on his lips. Then he went out of the door making the chime sound again.
Napabuntong-hininga ako nang mawala na siya sa paningin ko. Nauubusan ng lakas na napaupo ako sa upuan.
"My gosh! Nakakahiya!" bulong ko.
Humagikhik si Yelena sa tabi ko. "Gwapo ba, 'te?"
Inis ko siyang tiningnan. "H-Hindi naman."
"Weh? Natulala ka sa kanya, eh!" aniya.
Mabilis akong umiling. "M-May iniisip lang ako no'n."
"Hala! Si Inniah may crush na! Parang dati naman, sa mga manliligaw mo, hindi ka naman natutula sa kanila. Sa kanya ka lang natulala!" tili ni Yelena.
"H-Hindi nga! Nagulat lang ako no'n!" sabi ko pa.
"Ay sus! Ikaw, ah? Lagot ka sa daddy mo! May crush ka na!" aniya. "Tsaka alam mo ba kung sino iyon?"
Ngumuso ako saka dahan-dahang lumingon sa kanya. Nakakainis! Bakit gusto kong malaman?
"Sino?" Maliit ang boses na tanong ko.
"Siya iyong gwapong kumanta rito kahapon! Finally, nakita mo na ang mukha niya! Yey!" tili ni Yelena saka napapalakpak pa.
Samantalang ako, palakas nang palakas iyong kabog ng puso na parang nakikisama sa ingay ng chime sa pinto.
...
Hello! Have fun reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro