01 | Necklace
Malawak ang ngiting pinapanood ko ang mga estudyante kong customers rito sa lib-cafe. May hindi kalayuan rin kasi ito mula sa isang unibersidad rito sa Sagittarion kaya dinudumog kami palagi. Mapa-bata man, kahit matatanda.
"Anong sayo, pogi?" Yelena, my only employee here in my lib-cafe asked a school boy.
Nakatayo sa harap ng counter ang binata. Sa tingin ko ay nasa seventeen years old na siya. May mga kasama rin siyang kapwa mga binata na tingin ko ay mga kaibigan niya.
"Uhm... milk tea po, Ate Yels. Lima po. Tapos french fries lima rin, tsaka samahan niyo na po ng dalawang box ng pizza po. Iyong cheese po, ah," sabi niya sabay ngiti.
I am standing next to Yelena smiling as I watch this cute boy talk to Yelena comfortably. Unang bagay na sinasabi ko kay Yelena ay ang iparamdam sa mga customers, ma-bata man o matanda, ang pagiging komportable sa amin.
"Iyon lang, pogi?" Yelena asked.
"Opo, Ate Yels. Doon na lang po ako maghihintay sa table namin, ah. Tawagin niyo na lang po ako kapag tapos ka na," sabi niya.
Yelena nodded and smiled. "Oo, sige. Mabilis lang ito."
Agad na pumasok si Yelena sa pintuan patungo sa kusina na nasa likod lang ng counter. Saglit na sumulyap sa akin ang binata saka tipid na ngumiti at yumukod.
Ngumiti ako sa kanya. "Pabalik-balik kayo rito sa cafe, ah? Iyong uniform ninyo hindi naman pang-SU," wika ko sa kanya, tinutukoy ko ay ang Sagittarion University.
Isang simpleng white polo ang suot niya na may logo sa kaliwang dibdib. At isang itim na pants.
Imbes na babalik na siya sa table nila ay mabilis na tuloy siyang napalingon sa akin.
"Po, Ate?" tanong niya.
"Sabi ko, taga-saan kayo ng mga kaibigan mo? Hindi kayo taga-SU," sabi ko ulit.
"Ah, iyon po ba?" He giggled. "Hindi po talaga kami taga-rito. Dayo lang po."
Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay. "Dayo lang pero madalas?"
Humagikhik siya. "May sasakyan po kasi ang kaibigan ko kaya mabilis lang kaming nakakapunta rito. May short cut rin naman po kasi galing La Seriah."
La Seriah? Ang layo ng lugar na iyan mula dito. Kung tutuusin kahit sa short cut mga ilang oras din ang biyahe patungo rito.
Tumango-tango ako. "Hm... Alam naman ba iyan ng mga magulang ninyo? Teka, ano nga pala ang name mo? Para kapag biglang may naghanap na parent rito sa inyo, alam ko. Makakapagsumbong ako agad."
He smiled shyly and scratched the back of his head. "Lenan po, Ate."
I nodded. "Eh, iyong mga friends mo?" I asked.
Nilingon niya ang mga kaibigan niya saka muling bumaling sa akin. "Sina Reymart, Bobbie, Kevin, at Parkie po, Ate."
Ngumiti ako saka tinanguan siya. "Noted. Oh siya, balik ka na doon sa table ninyo. Tatawagin na lang kita kapag nandito na ang order mo."
Tumango siya. "Okay po, Ate." Tsaka mabilis na patakbong bumalik sa table nila ng mga kaibigan niya.
May ngiting tumingin ako sa paligid ng cafe na pagmamay-ari ko. Puno palagi ang lib-cafe sa tuwing tanghalian. Kaya kahit sa labas ng cafe ay nilalagyan namin ng mga mesa para doon maupo ang iba.
Makita ko lang na masayang nagtatawanan ang mga tao sa loob ng cafe ko, nabubuhay na ako.
"Hi, pa-order po ng isang dark coffee. No sugar po sana," wika ng isang babaeng naka-corporate attire. May mga bitbit siyang folders na tingin ko ay mahahalagang papeles. She looks tired.
I smiled at her. "Iyon lang po ba ang order niyo, Ma'am?"
She looked above me. Nandoon nakalagay ang mga pagkain at iba't ibang klaseng inumin na pwede nilang bilhin.
"Uhm... I'll have strawberry cake na lang po," sagot niya.
Tumango ako. "Okay, Ma'am. May I know your name po para matawag po kita kapag tapos ko nang ihanda ang order niyo?" tanong ko.
"Just Lea," sagot niya.
I smiled and nodded. "Okay po, Ma'am. Maupo po muna kayo."
Tinanguan niya lang ako saka mabilis na naghanap ng bakanteng mesa. Agad naman akong pumasok sa kusina saka deretsong lumapit sa coffee maker. Nagtimpla ako ng isang dark coffee, tapos ay kumuha ng isang slice ng strawberry cake. Inilagay ko ang mga ito sa tray saka bumalik sa counter.
Nilapag ko ang wooden tray sa counter saka may ngiting tinawag si Miss Lea. "Miss Lea, here's your order."
Agad naman siyang lumingon sa gawi ko at tumayo. Kumuha siya ng peso bill sa wallet niya saka nilapag sa counter tapos ay kinuha ang tray na may lamang cake at kape.
"Thank you, Ma'am. I hope our coffee will take the tiredness in you and you may have a good day as you eat our strawberry cake," I said and bowed to her.
She stared at me for a second. Her eyes look gloomy but somehow she managed to smile and nod at me. Tapos ay bumalik na siya sa kung saan siya nakaupo kanina. Ako naman ay kinuha ang perang binayad niya.
Pampadagdag motivation pa naman ang pera.
Sakto namang lumabas si Yelena. "Pogi? Andito na ang order ninyo!" she called Lenan.
Agad na tumayo si Lenan saka lumapit sa amin rito sa counter. Nakangiting kinuha niya ang tray, sa likod niya ay isa niyang kaibigan na tinulungan siya sa pagbibit sa mga pagkain.
"Salamat po, Ate," anila.
"You're welcome," sagot ni Yelena. "Uy teka, bayad niyo." Sabay pakita ng palad niya.
"Ay sorry, Ate. Muntik nang makalimutan." Tumatawang sabi ng kaibigan niya saka nilapag ang bayad nila sa counter. "Thank you po."
"Thank you rin," sagot ni Yelena saka pinulot ang pera at nilagay sa cash box.
Yelena took a seat, so I did the same. "Hay, ang saya talaga maging bata. Iyong pagala-gala ka lang kahit saan. Allowance lang problema mo tapos aral lang, gano'n," aniya.
Natawa ako sa sinabi niya saka tumango. "Oo nga! Nakakamiss maging student!"
"Psh! Kung tinalo mo lang kasi iyang tumor mo baka may natapos ka na ngayon," aniya.
Tumawa ako. Sa tagal naming magkasama ni Yelena, ginagawa na lang naming biruan ang tungkol sa tumor ko sa utak.
Hindi kasi ako nakapag-aral sa highschool at college dahil nga rito. Hanggang elementary lang ako. Noong highschool kasi unang nakita ng doctor ang tumor sa utak ko, marami nang treatment na ginawa pero pabalik-balik ito.
"Ang sama mo talaga sa tumor ko! Friendship ko na nga ito, eh! Eh, ikaw, wala ka namang tumor sa utak pero bakit hindi mo tinapos pag-aaral mo?" banat ko pa kahit na alam ko naman ang rason.
"Para parehas tayo!" sagot niya tsaka sabay kaming nagtawanan at nag-high-five.
Nagtatawanan pa kami nang biglang tumunog ang karaoke sa kabilang gilid ng cafe. May sofa doon kung saan pwedeng umupo kung sino ang gustong kumanta. Iyon nga lang ay nakatalikod sa gawi namin rito sa counter.
"Hello?" wika ng isang buo at baritonong boses ng lalaki sa mikropono.
Sabay kaming napalingon ni Yelena sa gawi niya. Nakaupo siya sa sofa, patalikod sa gawi namin kaya hindi namin kita ang mukha. Suot niya ay isang puting t-shirt. At malinis ang haircut niya.
Tumikhim siya kasabay ang pagtunog ng isang kilalang musika.
"You know I want you
It's not a secret I try to hide..."
Napaawang ang labi ko sa ganda ng boses niya. Sobrang lamig na para bang dinuduyan ako. Para bang kaya niyang tanggalin lahat ng sakit na mayroon ako.
"You know you want me
So don't keep saying our hands are tied..." Pagpatuloy niya.
Hindi lang kami ni Yelena ang nanonood at nakikinig sa kanya ngayon, pati na ang mga customers. Ang kaninang nagtatawanan at nag-uusap ay nasa kanya na ang atensyon. Ang iba pa nga ay kinukuhanan siya ng litrato at video.
"You claim it's not in the cards
And fate is pulling you miles away
And out of a reach from me
But you're here in my heart
So who can stop me if I decide that you're my destiny?"
"Whoah..." Wala sa sariling wika ni Yelena.
"What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine?
Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find..."
I could feel goosebumps all over my body as I listened to his soothing voice. I stared at the back of his head and I don't know why I feel like smiling even though I couldn't see his face.
Pinikit ko ang mga mata upang namnamin ang lamig ng boses niya.
"It's up to you, and it's up to me
No one could say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
And maybe the world could be ours tonight..."
Rewrite the Stars is a top tier song. Siguro iyong iba iniisip na patungkol lang ito sa isang pag-ibig, pero para sa akin, patungkol ito sa buhay kong oras ang kalaban.
"You think it's easy
You think I don't wanna run to you, yeah
But there are mountains
And there are doors that we can't walk through..."
What does life mean to you? Merely breathing? Inhaling and exhaling? Merely waking up every morning? Doing the things you usually do everyday? Is that life?
Others define it as a gift and others see it as a curse, depending upon each person's perspective. Gift for those who treasures it, curse for those who surrendered.
"I know you're wondering why
Because we're able to be just you and me within these walls
But when we go outside
You're gonna wake up and see that it was hopeless after all..."
Mas hinigpitan ko ang pikit sa aking mga mata. Ninanamnam bawat bigkas ng lalaki sa musikang kinakanta niya. Ngunit, sa pagpikit ko ay hindi kadiliman ang nakikita ko. Kundi mga bagay sa nakaraan na sa tingin ko ay hindi ko na magagawa pa.
"No one can rewrite the stars
How can you say you'll be mine?
Everything keeps us apart
And I'm not the one you were meant to find
It's not up to you, it's not up to me, yeah
When everyone tells us what we can be
And how can we rewrite the stars?
Say that the world can be ours tonight..."
"Ate? Ate, pahiram nga po nitong libro."
Mabilis akong napamulat nang may nagsalita sa labas ng counter.
Patuloy pa rin ang pagkanta ng lalaki.
"Ha? Ah, sige. Ito ang logbook," wika ko saka nilapag sa harap niya ang logbook. "Within three days lang iyan pwedeng hiramin, ah. Before mag-four days dapat nasauli na iyan rito."
She nodded and smiled. "Opo, Ate," aniya habang sinusulat ang pangalan niya sa logbook.
Nang matapos siya ay agad na siyang umalis bitbit ang libro.
"Ate, pa-order po ng chocolate frappe," wika ng bagong customer na kakarating lang.
"Okay po, ano po ang name mo?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Maghihintay na lang po ako rito," sagot niya.
Tumango ako saka ngumiti. "Okay."
Patuloy pa rin ang pagkanta ng lalaki kahit pa sa pagpasok ko sa kusina. Agad akong gumawa ng chocolate frappe habang pinakikinggan ang boses ng lalaki. Halos magmadali pa ako sa paggawa para lang maabutan siya.
Pero nang matapos ako at lumabas na mula sa kusina, isang masigabong palakpakan na lang ang narinig ko. Kasabay ang likod ng lalaking papalabas ng cafe ko.
Bumagsak ang balikat ko saka hindi napigilang mapanguso. "Sayang naman," bulong ko.
Binigay ko na lang sa customer ang chocolate frappe niya. "Ito na ang order mo. I hope your day will brighten as you drink our sweet chocolate frappe!"
She smiled and placed a paper bill on the counter. "Thank you." Saka tumalikod na siya.
Agad kong pinulot ang pera saka nilagay sa cash box. Tapos ay tumingin sa nakasarang pinto na tumutunog pa ang chimes dahil sa paglabas ng lalaki.
"Grabe! Ang ganda ng boses niya, Niah! Narinig mo ba? Para siyang nagpa-free concert rito sa loob ng cafe!" Yelena exclaimed.
Kahit pa nanghihinayang ay ngumiti ako saka mabilis na tumango. "Oo nga, eh! Nakita mo ba iyong mukha niya?" tanong ko.
"Oo! Ang pogi niya, Niah!" she exclaimed and even jumped in tiny.
Napanguso ako. "Sayang, hindi ko nakita."
"Ihh! Bakit? Crush mo na agad? Boses pa lang narinig mo, crush mo na agad?" Pang-aasar niya sa akin.
"Hindi, ah! Ina-admire ko lang ang boses niya. Hindi lahat binibigyan ng ganoong talento ni Lord," sabi ko.
Tinusok niya ang tagiliran ko. "Sus! Kunwari ka pa."
Humagikhik ako saka umiwas sa kanya. "Oo nga!"
"Talaga lang, ha?" aniya.
"Oo nga! Anyway, Yels, pwede ba akong lumabas ngayon? Pwedeng ikaw lang muna rito?" tanong ko sabay yapos ng mga braso ko sa braso niya.
Yelena is a tall woman. She is taller than me, probably 163 cm. Eh, 155 lang ako. Morena rin siya na may maiksi at kulot na buhok, saka sobrang haba ng pilikmata niya. Sobrang ganda ni Yelena, pilipinang-pilipina.
Hindi gaya ko na parang dayuhan ang itsura. Siguro ay dahil one-fourth British ang Mommy ko.
"Aba, at saan ka na naman lalayas? Baka mapagalitan na naman ako ng Daddy mo," sabi niya.
Nginitian ko siya ng sobrang tamis. "Promise, hindi ako magpapa-get caught kay Daddy. Kaya hindi ka niya mapapagalitan. So, payag ka ba?"
"Tsk. Dinadamay mo talaga ako sa kalokohan mo. Siya sige-"
Agad akong napatalon.
"Mag-ingat ka, ah. Tsaka e-text mo ako kahit saan ka magpunta," sabi niya.
Mabilis akong tumango. "Okay! Promise!"
Agad kong tinanggal ang suot kong brown na apron kaya mas kita na ang green na dress na suot ko. Mabilis akong lumabas ng counter saka tumakbo palabas ng cafe.
May fiesta sa kalapit na barangay at may mga pa-raffle sila. Sumali ako kaya ine-expect ko na manalo ako sa raffle.
Napapagitnaan ng dalawang barangay ang cafe ko kaya pwedeng-pwede akong maglakad-lakad sa kahit saang barangay kahit kailan ko gusto.
Mabilis akong tumakbo patungo sa kung saan dinarayo ang fiesta. Maraming mga tao sa paligid. May mga nagbebenta ng balloons, ng ice cream, ng street foods. Natatakam tuloy ako.
Kitang-kita ko ang mga pamilyang masayang kumukuha ng picture. Ang mga batang naglalaro sa tabi ng kalsada.
Malawak akong napangiti saka tumigil sa harap ng gym rito sa barangay. Naririnig ko na mula sa loob ang announcement tungkol sa raffle draw.
Mabilis akong pumasok at nakipagsiksikan sa mga tao upang makinig ng maayos. Sobrang daming tao sa loob ng gym. Mabuti na lang at naka-aircon kaya hindi mainit.
Lumapit ako sa pinakaharap. Kahit pa masikip ay nakipagsiksikan pa rin ako.
"Here's our third raffle draw for today," wika ng lalaking MC. "There will still be second and 1st raffle draws, so watch out!"
Lumapit siya sa chairwoman ng barangay habang bitbit ang isang malaking box kung saan naroroon lahat ng pangalan sa mga sumali sa raffle.
"Si Kapitana ang bubunot para sure na wagi kayo sa puso niya," biro ng MC na kinatawa naman ng lahat. "Okay, Kapitana, let's start the raffle draw!"
Agad na bumunot si Kapitana. Tapos at binigay sa MC. Dumagundong ang puso ko. Magkalapat ang mga kamay na nakangiting tumingin ako sa kanila.
"Alright, so here's our winner for the third raffle draw!" wika ng MC. "Our winner is..."
Malakas na dagundong ng drum ang mas nagpakaba sa akin.
"Miss Inniah Feej Teatreko! Congratulations!" aniya.
Napasinghap ako saka napatakip sa bibig.
"Miss Teatreko, are you around? If you are, you may come on stage," wika ng MC.
Agad akong tumakbo paakyat ng stage.
"Oh, here's Miss Teatreko. Congratulations!" wika ng MC at nagpalakpakan naman ang mga tao.
May bitbit nang isang puting gitara at isang box ang chairwoman.
"How do you feel, Miss Teatreko?" tanong sa akin ng MC.
Ngumiti ako. "I'm so happy po!"
Malawak na ngumiti pabalik ang MC at ang chairwoman. "Congratulations! You won a guitar and a black box from an anonymous sender."
"Thank you po," wika ko.
Mabilis kaming kinuhanan ng picture ng photographer saka muli akong ni-congratulate saka ako bumaba ng stage.
Maraming tao ang malawak ang ngiting pinapanood ako habang yakap ang gitara at bitbit ang box palabas ng gym. Paulit-ulit rin nila akong binabati sa pagkapanalo.
Masayang naupo ako sa bench sa gilid ng gym. Nilapag ko ang gitara at ang box. Tapos ay binuksan ko ang box upang alamin kung ano ang laman.
Namangha ako nang makitang ang laman ay iba't ibang klase ng tsokolate at punong-puno ang box na ang laki ay nayayakap ko lang.
Nang makakita ng isang bata ay agad akong kumuha ng limang piraso ng tsokolate saka lumapit sa kanya.
"Hi, may gift ako sayo," sabi ko sabay bigay sa kanya ng chocolate.
Nag-aalinlangan siyang tumanggap at tumingala sa Nanay niya. Ang Nanay niya ang nakangiti sa akin tapos ay tinanguan ang anak niya.
"Tanggapin mo na, mabait iyan si Ate Niah," aniya.
Napangiti ako. Agad naman itong tinanggap ng bata. Agad kong ginulo ang buhok niya saka bumalik sa bench, tinakpan ang box at naghanap pa ng ibang batang mabibigyan.
Buong araw iyon ang ginawa ko. Mamigay ng chocolate, habang bitbit ang gitara sa likod ko.
Hanggang sa napagod ako ay naisipan kong umakyat sa Sagittarion botanical garden. Tumungo ako sa upuan na kaharap ang bangin saka doon naupo at nagpalipas ng oras.
Dumidilim na. Unti-unti nang nagliliwanag ang mga ilaw mula sa mga bahay sa baba. Kitang-kita kasi mula rito sa kinauupuan ko ang buong barangay.
Habang nakatingin sa puntik-puntik na liwanag mula sa mga bahay, hindi ko mapigilang mapaisip.
Lahat ng mga taong nasa loob ng mga bahay na iyan, may iba-ibang kirot ang nararanasan. Iba-iba kung mag-isip at magdesisyon. Iba-iba kung magmahal at masaktan. Lahat kami, iba-iba.
I inhaled and exhaled as I looked at the guitar lying on the ground. Beside it is the empty box of chocolate.
"Ano namang gagawin ko sa gitara? Hindi naman ako marunong," bulong ko sa sarili.
But maybe there is a reason behind that guitar. There are always a reason behind everything.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha saka tiningnan ang message nag-pop-up.
"Hala, si Daddy!" bulalas ko saka mabilis na tumayo.
Nandoon na siya sa cafe ko at kanina pa na naghihintay sa akin. Sigurado akong nag-aalala na iyon.
Agad kong isinuot sa likod ko ang gitara at binitbit ang box saka mabilis na tumakbo pababa ng botanical garden. Pero nang paliko ako patungo na sana sa pinakababa ay nakabunggo ako ng isang tao.
Napatili ako kasabay ng pagbagsak ko. "Aray!" Nasapo ko ang pang-upo ko sa sakit.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na nadaganan ko ang gitara.
"Hala, ang gitara!" I panicked. Mabilis ko itong sinuri.
"Miss? Ayos ka lang?" tanong ng kabungguan ko.
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya nang maalalang nandito pa pala siya.
Nakatukod ang isa niyang tuhod at sinusuri ako. Nagsalubong ang mga mata namin. At sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng lamig na mga mata na parang dinuduyan at nilulunod ako.
He waved his hand in front of my face making me gasp. "Miss, are you okay?" tanong niya sa malalim at baritonong boses.
Kumurap ako saka mabilis na tumango at mabilis na tumayo. "Yes, thank you. And sorry."
"May masakit ba--"
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Mabilis na akong tumakbo pababa habang bitbit ang walang laman na box at ang gitara sa likod ko.
Hanggang sa nakarating na nga ako sa cafe ko. Malayo pa lang kita ko na ang sasakyan ni Daddy na nakaparada sa harap.
I inhaled and slowly walked towards the car. The car's door on the driver seat immediately opened, revealing my Dad with his grayish hair.
He fixed his glasses as he looked at me. "Where have you been, Inniah Feej? I have been waiting for almost two hours here. Saan ka galing at bakit ngayon ka lang? Hindi ka man lang nag-reply sa mga text messages ko."
I bit my lower lip and slowly walked towards him. Pinakita ko sa kanya ang box na bitbit ko.
"Doon ako kanina sa raffle draw. I won as third placer sa raffle. Ito iyong mga napanalunan ko, Dad," I said and turned around to show him the guitar on my back.
"Dad? Is Inniah already there?" My older sister went out of the cafe's door. She stopped when she saw me. "Oh, you're here."
I smiled at her and then ran towards her. "Ate, nanalo ako sa raffle draw kanina! A guitar and a box of chocolate!" Masigla kong wika sa kanya.
Agad na nagliwanag ang mga mata niya. "Chocolate?!" Mabilis niyang kinuha ang box sa akin saka binuksan. Her smile faded when she saw that it is already empty. "Nasaan ang chocolate, Niah?"
Humagikhik ako. "Naubos na! I gave some to the kids!"
Marahas siyang bumuntong-hininga saka muling tinakpan ang box. "Hindi man lang ako nakinabang sa napanalunan mo. Anyways, where have you been? Dad was so worried about you!" saka kinurot ang tagiliran ko.
Napatili ako saka tumatawang umiwas sa kanya. "I told you, sa raffle draw nga, Ate!"
"Raffle draw? Kanina pa natapos iyon? Saan ka pumunta pagkatapos?" she asked and widened her eyes.
I giggled. "Sa botanical garden!"
Mabilis siyang umabante sa akin at akma na naman akong kukurutin kaya panay iwas ako at panay tawa.
Sobrang lapit namin ng Ate ko. She is five years older than me. Unlike me, she got to finish school. Kaya noon, sa tuwing sinusumpong ako ng tumor, kumukuha na lang siya ng maraming picture sa school nila, may event man o wala para ipakita sa akin. Tsaka kinekwento niya lahat ng nangyayari.
I am so lucky to have her. I was not able to see my Mom because she died when I was two. Still because of brain tumor. So, my Ate became my Mom, my sister, and my best friend.
"Matigas talaga ang ulo mo, Inniah Feej! Hindi ka man lang na-text sa amin ni Dad!" she tried reaching for my waist para makurot niya.
Panay layo ako sa kanya. "I'm sorry, okay? I won't do it again, Ate!"
"Last time, iyan din ang sinabi mong babae ka. Nanggigigil ako sayo!" sabi niya at panay habol sa akin.
"Vevica Renee, Inniah Feej, get in the car. We're going home," Dad spoke.
Agad naman na tumigil si Ate pero pinaningkitan niya pa ako. "I'll just lock the door, Dad," wika ni Ate saka lumapit sa pinto ng cafe.
I sighed and looked at Dad. Lumapit ako sa kanya. "I'm sorry, Dad."
He sighed and looked at me with eyes that resembles Ate Renee's. He held my back and pulled me closer to him into a light hug.
"Next time, if you wanna go out, just text me or your Ate Renee, okay? You have to inform us para hindi kami mag-alala. Naiintindihan mo ba, hm?" he said softly.
I smiled and nodded. "Yes po, Daddy."
"Good. Now, what do you want for dinner?" he asked.
"I want--"
"Barbecued baboy, Dad!" sabad ni Ate.
"Barbecued baboy it is," ani Daddy.
"Yes!" Ate exclaimed.
Umungot ako. Whenever Dad asks about the dinner we want, kailangang paunahan kami ni Ate. Ang mauuna, iyong ang masusunod. And she won today.
Agad kaming pumasok sa backseat, kami ni Ate. Si Dad naman ay sa driver seat saka agad na pinaandar ang sasakyan patungo sa e-market rito sa barangay.
Nang makarating kami sa bahay agad akong pumunta sa kwarto ko. I want to help them cook so I immediately took a shower.
I looked at the mirror the moment I finished bathing. I smiled and looked at my reflection.
I look exactly like my Mom. I saw a lot of pictures of her and this is what she really looks like. I am her carbon copy indeed.
But my eyes stopped at my empty neck.
Nanlaki ang mga mata ko saka mabilis na napahawak sa leeg ko. "Ang kwentas ko!"
That necklace was given by my Mom to me since I was little. Hindi ko iyon hinuhubad.
Nasapo ko ang ulo ko sa pag-aalala. Naiiyak ako. Hindi ko maalala kung saan ko iyon naiwan o nahulog sa dami ng lugar na pinuntahan ko.
"Inniah, ang tanga mo!" bulong ko sa sarili habang tumutulo ang luha ko at pilit hinahalughog ang buong bathroom para hanapin ito.
...
Hello, hello!
I was too overwhelmed that I wrote a whole chapter for Savino's. Have fun knowing Inniah!
Inniah Feej ( E-na-ya Fee )
Vevica Renee (Ve-vi-ca Re-ney)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro