Sun 5
HE couldn't help it when his smile started to grow by just looking at Rainbow. Pumayag kasi ito na samahan siya manood ng mini concert bukas kung saan gaganapin sa children's ward.
Titig na titig siya sa likuran nito nang ibalik niya ang dalaga sa silid nang makita niya ito sa taas ng terrace na hindi tumitigil sa pag-iyak. She was hurting so bad. He felt it lalo na when her colors were getting darker and darker.
Hindi ito magandang panoorin. Mas lalo siya nasasaktan para rito. Ang malawak na ngiti niya ay bumagsak ng maalala ito. He wanted to ease her pain.
"Bye," she said nang lumingon ulit ito sa kaniya. Bigla tuloy siya napa-ngiti agad. Nag paalam din siya bago tuluyan na ito pumasok sa loob ng silid nito.
KINAGABIHAN. Tahimik siyang nag lalakad sa corridor ng hospital. Kanina pa siya nag hahanap ng pwedeng pag print-an ng litrato niya sa camera.
Ibang-iba ang hospital sa gabi. Busy ang tao pero tahimik ang buong paligid. Minsanan lang umingay ang pasilyo kapag may unexpected accidents ang nangyayari kapag gabi.
Huminto siya sa paglalakad nang makita ang computer na may printer sa counter. Lumapit siya rito at tinitigan ang printer. Pwede na 'yon upang pag print-an niya ng litrato. Binalik niya ang tingin sa counter. Walang empleyado.
Luminga-linga muna siya sa magkabilaan daan bago siya pumasok sa loob ng counter at nag mamadali na sinaksak niya ang camera. Madali niyang pi-ni-rint ang litrato ni Rainbow. Tumatapik ang sapatos niya sa sahig habang hinahantay lumabas ang papel sa printer.
Nang lumabas ito ay agad niya ito kinuha at hinugot ang camera sa CPU. Bago pa makalapit ang isang nurse sa counter ay nakalabas na siya.
Takbo-lakad niyang tinungo ang silid ni Rainbow habang hawak niya ang camera at isang pirasong papel na may mukha ng dalagita. Marahan siyang nag lakad patungo sa pinto nito. Sinilip niya ito sa maliit na bintana sa pintuan.
Madilim ang silid nito at tanging ilaw lang ay lampshade sa gilid ng kama nasa side table. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at lumapit sa kama nito. Tiningnan niya ito saglit bago nilapag ang litrato sa side table nito.
Inipit niya pa ito para hindi liparin ng hangin kapag may pumasok na hangin sa silid ng dalaga.
"Good night, Rain," saad niya bago siya tahimik ulit na lumabas ng silid nito.
Maglalakad na sana siya paalis nang bigla siya napahinto. Nabitawan niya ang bitbit na camera sa kamay. Mabuti na lang ay naka sabit ito sa kaniyang leeg. Kaya hindi ito nahulog.
Nanginig ang kaniyang kamay nang bumagsak ang tuhod niya sa sahig at mahigpit siyang kumapit sa kaniyang dibdib. Para itong pinipiga. Kahit ang isa niyang kamay ay napakapit na sa sahig. Nahihirapan siya huminga. Para siyang hinihigop paalis sa kaniyang katawan.
Kahit nahihirapan ay saglit siyang lumingon sa silid ni Rainbow hanggang binalot na siya ng kadiliman.
IT was a breezy morning. Nag lalakad siya sa gilid ng hardin habang bitbit niya ang camera sa kaniyang kamay. Maaga siyang pumasok dahil unang araw iyon ng klase. Kasali siya sa Journalism at miyembro siya ng docu team.
Kailangan ng paaralan nila ng documentary for their first day of school. Inatasan siya na kumuha ng litrato. He was taking some pictures of their school mates nang dumako ang paningin niya sa isang babaeng naka backpack na may hawak na headset.
Titig na titig siya rito nang humangin at liparin ang mahaba nitong buhok. Pinagmasdan niya kung paano nag salubong ang dalawang maiitim nitong kilay. Bumaba ang tingin niya sa matangos nitong ilong hanggang sa maninipis at mapupula nitong labi.
For some reason ay hindi siya nag sayang ng oras at tinutok ang lense sa mukha nito kung saan lumingon ito sa kaniya. Nagulat siya nang taasan siya nito ng middle finger bago nito sinuot ang hawak na headset.
Napatingin siya sa hawak na camera. Naka on ito ngunit hindi niya nakuhanan ang dalaga dahil sa gulat. He scoffed then shook his head.
THE next day, nakita niya ulit ang dalaga. Mag-isa lang ito and this time ay nakasalpak ang headset nito sa tainga. He was eating his lunch with his docu team. Nasa iisa silang mahabang lamesa.
Kumagat siya sa sandwich na lunch niya pagkatapos ay napadako ulit ang tingin niya sa dalaga. Nasa dulo ito and she was eating alone.
"Felix, are you here with us?"
"Y-yes, I'm here." Lumingon siya sa mga ito nakatingin sa kaniya nag tataka. Wala sa sarili, he rubbed his neck while avoiding their gazes.
"Dude, we saw you looking at Rainbow."
Bumalik ang paningin niya sa mga ito nang makarinig siya ng bagong pangalan. Kumunot ang noo niya. "Who?" nag tataka niyang tanong.
Lumingon ang kasamahan niyang lalaki sa gawi ng dalaga kanina niya pa tinitingnan. "That's Rainbow, but everyone calls her Gloomy."
"Ha?" he said dumbfounded.
"Felix, hindi mo ba nakikita? Every time you look at her, parang pasan-pasan niya ang buong mundo. Kaya, walang lumalapit sa kaniya dahil takot na baka madamay sa kamalasan niya."
"What?! that's bullshit. Sino naman nag pasimuno niyan?"
"I don't know. Everyone?" saad nito with duh sound. Pinatitigan din siya nito na para bang tinubuan siya ng dalawang ulo. "Can't you see?" tanong pa nito sa kaniya.
Umiling naman siya. "She looks fine to me. Actually, she's beautiful."
He heard them laughed then stopped nang hindi siya nakitawa sa mga ito.
"Fuck, you're serious."
NAGSIMULA siya kumuha ng mga litrato no'ng lumipat sila sa probinsiya no'ng grade four siya. Pulis ang kaniyang ama at nadestino ito sa probinsya. Buong pamilya nila ay lumipat ng bahay. Ang nakasanayan niya ay biglang bula nawala.
Maraming magandang tanawin sa probinsya. He fell in love with the scenery. Hanggang unti-unti ay nag aral siya matuto kumuha ng mga litrato.
His mom always told him na magaganda ang mga kuha niya. May emosyon at kwento. Sa tuwing naririnig niya ito ay mas lalo siya ginaganahan and mostly, ang kaniyang muse ay ang ina.
Dumako ang paningin niya sa hardin. Pumasok siya sa loob at kumuha ng ilang shots nang mahinto siya. Nakarinig siya ng ilang hikbi sa hindi kalayuan.
Hinanap niya kung saan nang gagaling ito. Muntik na sana siya matakot kung hindi lang tirik na tirik ang araw sa mga oras na iyon.
Sa likod ng malaking puno ay may nakaupo. Kalahating uniporme lang ang kita niya rito at black converse nitong sapatos. It was a girl.
Marahan siyang lumapit dito. Napansin niya na may suot itong headset. Kulay asul. May ilang stickers din ang nakadikit sa headset nito. Nang humikbi ulit ito ay parang dinurog ang kaniyang puso. Gusto niya itong puntahan ngunit mas pinili niyang hindi na muna.
Sa tabi ng malaking puno ay may hindi kalakihan na puno. Marahan siyang umupo sa paanan nito habang tahimik niyang pinagmasdan si Rainbow.
KUNG saan man tumapat ang kaniyang paningin ay purong puti lang ang kaniyang nakikita. May puting usok din nang gagaling sa unahan kung saan sinundan niya. Nag lakad siya nang nag lakad ngunit parang hindi natatapos ang kahabaan.
Bumaba ang paningin niya sa kaniyang talampakan. Hindi niya namalayan na wala pala siyang sapin sa paa. Tumaas ang paningin niya sa kaniyang kasuotan. Purong kaputian ang kaniyang kasuotan.
Kumunot ang kaniyang noo nang mapansin ang kamay na unti-unti nawawala. Pinagmasdan niya ito habang hinaharap at tinatalikod ang mga ito. "What on earth is happening?"
"Felix, anak!"
Agad siyang napalinga nang marinig ang boses ng ina ngunit tanging mahabang puting kalsada lang ang kaniyang natatanaw. Walang ni isang tao kundi siya lang. Where is he?
Hagulgol. Bigla siya nakarinig ng mahinang iyak hanggang palakas ito nang malakas. Pabagsak siyang mahigpit hinawakan ang dalawang tainga. "S-stop!" kinakapusan niyang saad. Nasaan ba siya at bakit hindi niya nakikita kung nasaan ang mga ito?
"Misis, please. You need to get out of this room."
Parang awa, stop.
"That's my son!"
Sumigaw siya at tuluyan nang napahiga sa puting kalsada. Ang kaniyang katawan ay parang bigla pinasukan ng buong kuryente. Hindi pa rin mag tigil ang mga boses na kaniyang naririnig kung saan nadagdagan pa ng ilang tunog na hindi niya malaman.
Para itong isang machine kung saan tumatama sa isang katawan. "Come on, buddy! For your mom!"
"Ma? Nasaan ka?" sigaw niya sa malawak na kahabaan ng kalsada ngunit nag echo lang ito sa pabalik sa kaniya.
"Felix, we've been like this for a while now, buddy. You can do this again."
Mariin siyang pumikit at sinubukan pakalmahin ang sarili. Paulit-ulit bumabalik sa kaniya ang tinig ng kaniyang ina. Tinapat niya ang kamay sa dibdib at pinakiramdaman ito. Mabilis ang tibok ng puso niya.
Bigla siya bumalik sa araw nang makita si Rainbow sa hardin. Rinig na rinig niya ang tahimik nitong mga iyak. Tahimik lang ito pero ang bawat iyak nito ay rinig na rinig niyang nasasaktan ito. She was hurting but she's still walking in the school like it never happened. She was brave.
"Thank you, buddy," rinig niyang saad ng kung sino man na lalaki. With that, unti-unti niya rin narinig humina ang isang makina sa kalayuan hanggang umayos ang pakiramdam niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro