Sun 3
IT was a busy Friday night. Wherever his eyes landed inside the hospital, all he could see was chaos. Maingay ang paligid. Puro sigawan at iyakan ang kaniyang naririnig. This is where he held his camera tightly.
Inangat niya ang camera at tinapat ito sa isang nurse nag gagamot ng isang pasyente na lalaki. The patient was groaning because of the pain. May isa itong malaking sugat sa braso. He couldn't blame him, though. Kahit siya ay masasaktan din.
He loved taking pictures especially when he could see someone emotions through his lenses. Like what people said, it is true that the eyes were the window to our soul. Kitang-kita niya ang bawat emosyon dala-dala ng bawat pasiyente at pamilya nakakasalamuha niya.
Katulad na lang ng isang matandang lalaki nasa edad na singkuwenta ang dumaan sa kaniyang harapan. Nasaksihan niya ang pag aalala nito sa dalagang nakahiga sa tinutulak na stretcher.
Dumapo ang kaniyang paningin sa kamay nitong may bandage sa pulsuhan. Makikita rito ang matsa ng nawalang dugo.
Kasunod ng matandang lalaki ay isang babae nasa edad na kuwarenta at isang binata. Mabilis ang mga ito na sumunod. Hindi niya nakita ang dalagang nakahiga but he felt sad for some reason.
Inangat niya ang camera ulit at tinutok sa pamilyang patungo sa ER.
He was strolling in the corridor while looking at the people. It was a Saturday morning. Nakailang kuha na rin siya ng shots sa mga ito until he saw the family yesterday evening.
This time, nakayakap ang matandang lalaki sa babae. Sa tingin niya ay mag asawa ito at anak nila ang binata at ang dalagang sinugod kanina.
The old man was crying habang mahinang tinatapik ng babae ang likuran ng asawa. Dumako ang paningin niya sa binata, may nakasalpak na AirPod sa magkabilaan nitong tainga habang ang dalawang kamay nito ay nakatago sa bulsa nito.
Pinatitigan niya ang mga nurses na may tulak na stretcher. Katulad kanina ay may dalaga nakahiga rito but this time, maayos na ito. Nakasuot ito ng hospital gown at ng oxygen mask.
Inangat niya ang hawak na camera at pinindot ito bago pinasok ng mga nurses sa silid ang dalaga ngunit bago ito makapasok ay napadaan ito sa kaniyang harapan kung saan nakita niya ang mukha ng dalagita.
Natigilan siya. He knows her. Madalas niya ito makita lalo na sa pinag aaralan niya. Nasa iisa silang paaralan.
Susundan niya sana ito nang huminto siya dahil sumunod ang pamilya ng dalaga sa loob ng silid nito.
"Thankfully, naagapan niyo siya. She is okay now. Hintayin na lang natin kung kailan siya magigising." He heard the doctor said.
Habang nasa gilid siya ng pintuan. Nakasandal sa dingding habang mariin niyang hawak ang camera.
KINABUKASAN. Bitbit ang camera sa kamay ay dinalaw niya si Rainbow ngunit hindi siya natuloy nang makita ang ama nito nakaupo sa gilid ng kama nito habang hawak-hawak ang kamay ng anak.
Umiiyak na naman ito. He sadly smiled pagkatapos ay umupo sa waiting shed sa gilid ng silid.
Marami at busy na naman ang tao sa loob ng hospital. It's weekend. Ibig sabihin ay marami na naman siyang makikita na dadalaw na mga pamilya sa mga pasiyente.
Sa sobrang busy ng mga tao ay ang weekend lang ang nagiging araw ng mga ito para dalawin ang kanilang mahal sa buhay.
Kumuha siya ulit ng ilang shots bago nabalik ang atensyon niya sa silid ni Rainbow. Lumabas dito ang ama nito. Kitang-kita niya ang kulay asul na usok na pumapalibot sa buong katawan nito.
The old man was hurting. Kahit siya ay malungkot din. Sa tutuusin, iba't ibang kulay ng usok ang nakikita niya sa buong paligid ng hospital. Bihira lang siya makakita ng kulay dilaw na usok.
May pitong kulay ng usok. Red was anger, orange was hope, yellow was happiness, green was trust, blue was sadness, purple was fear and white was pure kung saan sa mga sanggol niya lang nakikitaan.
Pumasok siya sa loob ng silid ni Rainbow. Payapa itong nakahiga sa kama. Inangat niya ang camera at kinuhaan ito bago siya dumiretso sa inupuan ng ama nito kanina sa gilid ng kama ni Rainbow.
He looked at her face. He sadly smiled. Payapa itong natutulog sa kaniyang harapan pero ang kulay ng usok na bumabalot dito ay paitim na dahil sa iba't ibang kulay ng nararamdaman nito. He knew there's something wrong whenever he saw her in the corridor at their school.
He cannot believe he was right.
Dumako ang paningin niya sa kamay nito nasa gilid. Nakita niya ang malinis ng bandage nakabalot sa pulsuhan nito. Marahan niya itong hinawakan. Bigla may pumasok na idea sa kaniya.
Lumabas siya ng silid at dumiretso sa desk receptionist. Ngitian niya ang nurse nakita rito bago siya nag paalam na hihiram ng ballpen. Kinuha niya ito sa gilid pagkatapos ay bumalik siya sa silid ni Rainbow.
Her dad still wasn't there. Bumalik siya sa inuupuan at ang kinuhang ballpen ay ginamit para guhitan ang bandage sa pulsuhan nito ng isang smiley face. He smiled.
"Smile, Rainbow," he said. Binalik niya ang ballpen sa bulsa pagkatapos ay kinuha ulit ang camera at pinicturan ang ginawa niyang masterpiece.
LIKE yesterday. Binalikan niya ulit si Rainbow sa silid nito. She's still there. Payapang nakahiga sa kama nito. This time ay hindi niya naabutan ang ama nito. Panigurado nasa trabaho ito. Katulad nagawa niyang conclusion, it's weekdays. Busy ang mga tao.
Napansin niya ang bowl ng fruits sa gilid ng kama nito. Lumapit siya rito at kumuha ng isa pero natigilan din nang dumako ang paningin niya kay Rainbow. He chuckled.
"Pahingi ako ng isa, ha?" Katulad ng inaasahan niya. Walang sumagot. "Ok, thanks."
Binalatan niya ang orange. Nakasabit ang camera sa kaniyang leeg habang binabalatan niya ang prutas. Sinubo niya ang dalawang piraso ng orange sa kaniyang bibig pero agad rin kumunot ang kaniyang noo.
"Ble, ang asim naman nito," reklamo niya pagkatapos ay tumingin siya ulit kay Rainbow tahimik nakahiga sa kama nito. "Sorry, ako na nga lang ng hihingi. Ako pa nag rereklamo, no?"
Kahit maasim ang orange ay kinain niya pa rin ito. Sa tutuusin ay inubos niya ito. Kumuha pa siya ng isang pirasong saging sa gilid at kinain ito. Para sa kaniya ay sayang naman kasi at walang kakain.
Tuesday. Kumuha siya ng shot ng langit sa gilid ng bintana sa silid ni Rainbow. Makulimlim din ang kalangitan at mukha itong malungkot. Ilang araw na pero hindi pa rin nagigising si Rainbow.
Nadagdagan na rin niya ng sad face ang ginuhit sa bandage nito dahil sa pagkakainip niya na magising ito.
Inukot niya ang buong paligid ng silid. The room was neat and simple but he thought may kulang dito. Hindi niya ulit naabutan ang ama nito maliban sa isang nurse nag chi-check ng vitals ni Rainbow.
Bumalik siya sa inuupuan niya. He decided na kwentuhan ito. Nakakuha siya ng isang libro do'n sa children's ward. The title is the moon is my friend. Actually, binigay ito sa kaniya nakausap niyang batang babae.
Binuklat niya ang manipis na libro at sinimulan na basahin ang laman nito.
PUMUNTA siya ulit sa silid ng dalaga. It's Wednesday. Nasa kalagitnaan na sila ng linggo but until now, Rainbow was still not waking up. Pinatitigan niya ang bandage nito sa pulsuhan. Maraming drawings na ang naguhit niya. Iba't ibang kulay din ito.
Humanap siya ng ilang color pentel sa children's ward. Madalas siyang mag tungo roon dahil sa ward lang na iyon ang nakikitaan niya ng kulay dilaw na usok. Marami rin kasi siyang kaibigan do'n.
Madalas kasi nakakausap niya ay ang mga bata dahil ang mga matatanda ay hindi siya pinapansin o sinusungitan siya.
"Rainbow, kailan ka magigising? Your dad misses you so much."
Kagabi ay nakita niya ang ama nito na dumalaw. Kaya pala hindi niya ito naabutan sa umaga ay dahil sa tuwing natatapos ito sa trabaho ay sa hospital ito dumidiretso. Specifically, sa silid ni Rainbow.
Napansin niya ang bulaklak nasa vase nakalagay sa side table ng kama ni Rainbow. Sariwa pa ito. Tumayo siya at inamoy ito pero agad niya rin pinagsisihan dahil naubo siya. Pumasok sa nostril niya ang amoy ng mga ito.
"Bulaklak ba talaga kayo? Bakit gano'n amoy niyo? Hindi mabango pero hindi rin naman mabaho."
Sumalampak siya ulit sa inuupuan niya. Pinatitigan niya ulit si Rainbow. Wala na itong suot na oxygen mask pero may nakasalpak naman sa ilong nito na nasal cannula oxygen.
"Pumunta ako kanina sa cafeteria. May bago silang drink recipe. I wanted to buy chocolate milk shake but hindi nila ako pinagbilhan."
Tinuloy niya ang pag guhit sa nakuha niyang papel at color sa children's ward while talking to Rainbow. "I waited there like a kid but they still didn't let me." Tumigil siya sa pag guhit at tinitigan ito. He chuckled nang makita kung ano ang naging itsura ng ginuguhit niya. Ang pangit pala.
"Gising ka na Rainbow tapos ibili mo ako ng milkshake. Libre ko pero shempre ikaw ang bibili."
Katulad ng kadalasan nangyayari. Wala siyang nakukuhang sagot pero kahit gano'n ay patuloy pa rin siya nag sasalita at nag kukwento rito. Para sa kaniya ay kailangan ito ng dalaga.
ARAW ng Thursday. He was about to enter to Rainbow's room nang marinig niya ang ilang boses sa loob ng silid. Sumilip siya rito at nakita ang pamilya nito. Andon ang ama nito at ang ina ng dalaga.
Umusog siya sa pintuan nang may binata ang pumasok sa loob. Ito 'yong binata na kasama ng mga ito no'ng nakaraan. Ang alam niya ay step-brother ito ni Rainbow at ang babae naman ay ang step-mother nito.
Hindi niya alam ang dahilan. Nakwento lang ito sa kaniya ng kaklase niya nang isang beses mag tanong siya kung sino ang dalagita.
"She needs psychiatrist," saad ng step-mother ni Rainbow. "No," mayriin na wika ng ama ng dalagita.
"Richard, your daughter is sick and she needs help."
"My daughter is not crazy!" sigaw ng ama ni Rainbow. Napaupo tuloy siya sa waiting shed sa gilid ng silid. They were shouting and sumasakit ang ulo niya.
Talagang sa harapan pa ng anak ng mga ito pinaguusapan ang gano'ng bagay. Sinandal niya ang ulo sa dingding. Nasa harapan dingding naka focus ang kaniyang atensyon. He doesn't want to hear them. Nasasaktan siya para kay Rainbow.
"Fucking shit!"
Nilingon niya kung saan nang galing ang boses. Lumabas sa silid ni Rainbow ang step-brother nito. Sinalpak nito ang AirPods sa magkabilaan na tainga pagkatapos ay umupo sa tabi niya.
Nangalikot ito sa cellphone habang siya ay naiinis na tinitigan ito. How come someone like him became Rainbow's step-brother? Hindi man lang ito nag papakita ng pag-aalala sa step-sister nito.
Kahit pa sabihin nito na hindi nito kadugo o tunay na kapatid ang dalaga. He must still feel sympathy.
"Asshole," he murmured.
"The fuck dude?! How many times do I have to tell you I can't go? I'm at the fucking hospital! Yes! My sis- I mean, my step-sister. Fuck you! She's not insane!"
Natigilan siya. Nabalik ang paningin niya sa step-brother ni Rainbow. May kausap pala ito sa cellphone. Nang mag end ang tawag ay tumayo ito at walang lingon-lingon na dumiretso sa kanan na corridor.
"Oh?" he said dumbfounded.
IT'S been one week since Rainbow was confined in the hospital and she's still not waking up. Kahit ang pamilya nito ay mahahalata na ang pag aalala.
He even heard some nurses asking why she's still not conscious. She has to wake up at kahit siya ay nag aalala na para sa dalagita.
Tinapat niya ang kamay sa glass wall ng nursery ward. Maraming mga bagong sanggol sa araw ng linggong iyon. He couldn't help it but to smile while looking at them. They were so cute. He wanted to squish them.
Inangat niya ang hawak na camera at kinuhanan ang mga ito. Ang isang sanggol nasa tapat niya ay nakatingin sa kaniya at tumatawa.
Kumaway siya rito. "Hello! Little one!" Kinuhanan niya rin ito ng litrato. Tuwang-tuwa siya ng ma-captured niya ang ngiti nito na puro gilagid.
Tumingin siya sa wall clock. Tanghali na pala. Hindi niya pa nadadalaw si Rainbow sa araw na iyon. Sa huling pagkakataon ay kumaway siya sa mga sanggol at nag paalam sa mga ito.
"Bye little ones!"
Patakbo siyang pumunta sa silid ni Rainbow. Kapag may nadadaan siya ay minsan ay tumitigil siya para kumuha ng litrato. May isa pang nurse ang sumaway sa kaniya dahil muntik na niya mabunggo ito.
He said his sorry at pinaalalahan siya nito na mag ingat.
Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi nang pumasok siya sa silid ni Rainbow but suddenly he froze. Nakataas ang kanan niyang kamay dahil he was swaying them while walking.
Kumurap ang mata niya. Iniisip niya kung totoo ba 'yong nakikita niya sa kaniyang harapan ngayon. He wanted to pinch himself but he couldn't do it dahil kitang-kita niya ang nakakunot na noo ng dalaga nakatingin sa kaniya.
At that moment, alam niyang tumatakbo na sa isipan nito na isa siyang siraulo na basta-basta na lang pumapasok sa ibang silid na matripan niya lang and at the back of his head, naririnig niya na sumasang-ayon ang sarili niya.
"Who the fuck are you?!" sigaw na tanong nito sa kaniya.
HE couldn't believe it. Ang unang nagawang sabihin ni Rainbow sa kaniya ay murahin siya. For some reason, hindi niya mapigilan ngumiti. Mukha na talaga siyang siraulo. Sino ba ang matinong tao ang ngi-ngiti kapag narinig na minura ng isang tao? Siya lang ata.
He smiled. 'Yong kita gilagid niya. Kinaway niya pa ang kamay dito pagkatapos ay nilapitan ito. "Hello, Rainbow!" bati niya.
Lumingon-lingon naman ito sa paligid pero silang dalawa lang ang nasa loob ng silid nito. "N-nurse!"
"Wait! Hindi ako masamang tao," nag pa-panic niyang saad rito.
"Really? that's what everyone else says if they ask them if they're bad people," she said with duh sound. Hindi niya tuloy mapigilan lumawak ang ngiti.
"You're creepy dude!"
"Oh! Fuck— I know. I'm sorry, Rainbow."
"And you even know my name, ha? Sino ka ba?" Napansin niya kumalma na ito dahil sa kulay purple na usok sa paligid nito. Though, hindi pa rin nawawala ang kulay black na usok pero may kaunting sumusulpot naman na purple sa gilid nito.
"We're schoolmates."
May irita na tumingin ito sa kaniya. Iba na ang itsura nito. Hindi na ito katulad nang una niyang kita. Mapapansin sa unti-unti nitong nawawalang eye-bags sa ilalim ng mata, nakatulog na ito nang maayos.
He was glad.
"You can get out now," she coldly said pagkatapos ay bumalik ulit ito sa pagkakahiga.
Hindi naman siya papayag dahil isang linggo siya nitong tinulugan. Hindi niya hahayaan na matutulog ulit ito.
"Kumain ka na ba?"
"Pake mo ba? Umalis ka na nga! Tatawag ako ng nurse—"
"Gusto mo mag laro?"
"The fuck you want?!" naiirita na nitong tanong sa kaniya. Alam niya dahil nawawala na ang purple na usok at napapalitan na ito ng kulay red.
Naiinis na ito sa kaniya but wala siyang plano na sumuko.
Lumapit siya sa side table nito at binuksan ang cabinet sa ilalim. Kinuha niya ang mga coloring pentel na ginamit niya sa bandage nito.
Nilapag niya ang mga ito sa ibabaw ng kama ni Rainbow. Nakataas naman ang kilay nito sa kaniya.
"Let's jock and point. Ang matalo ay guguhitan sa mukha."
Mas lalong kumunot ni Rainbow sa mga pinagsasabi niya. Sobra na itong naiinis sa kaniya.
"I don't want it and get the fuck out of my room!" she said then binagsak nito ang color pentel sa sahig.
"Get out please," mahina nitong saad sa huli.
Natigilan siya. Pinagmasdan niya ang pag taklob nito ng kumot. He can't do anything about it. Rainbow doesn't want it.
Kinuha niya isa-isa ang mga color pentel at tahimik na lumabas sa silid nito. Hindi nya pwede ipilit ang hindi nito gusto.
Maybe he could try it next time. We never know baka pumayag na si Rainbow.
"Sorry, I'll come back tomorrow."
BUMALIK siya kinabukasan. He won't budge just because she told him to get out and not to go to her room.
Yes. He's stubborn. Hard-headed. Whatever people might call it but he's persistent at ipapaalam niya iyon kay Rainbow.
Kakapasok niya pa lang sa silid nito ay agad siya nito tinalikuran ng higa. Lumapit siya rito at umupo sa kadalasan niya inuupuan no'ng hinahantay niya ito magising.
Umikot ang mata nito pagkatapos ay tumalikod naman ito sa kabilang banda. Hindi siya umalis sa kaniyang inuupuan. Pumitas siya ulit ng saging nasa side table at kinain ito.
"Do you like banana?"
She didn't answer. Well, sanay siya na hindi ito sumasagot. "Orange. Do you like orange?" Ito naman ang kinuha niya sa bowl of fruits.
"Matamis ngayon 'yong orange niyo, ha?" Hindi katulad last time na sobrang asim.
"I went to nursery room kanina. Ang daming bagong sanggol. Araw-araw ata ilang sanggol ang pinapanganak— anyway, ang cute nila. Do you wanna see them?"
Sinubo niya ang huling orange sa kaniyang bibig. "Tamis talaga nito. Pahingi ulit, ha?"
Sinilip niya si Rainbow. Hindi ito nag sasalita o lumilingon man lang sa kaniya.
Hindi na lang niya ito pinilit at hinayaan ito habang siya naman ay nag patuloy lang sa pag kukwento rito.
LIKE yesterday. He went to her room again but katulad ng kadalasan. Huminto siya dahil naabutan niya ang pamilya nito sa loob ng silid.
Ang pagkakaiba lang ngayong araw ay gising na si Rainbow.
He doesn't hear her say anything. Kahit ang step-brother nito ay wala siyang naririnig.
So, he decided not to ear-drops today. Sa tingin niya kasi ay seryoso ang araw na ito. Hindi na rin niya kasi gusto madagdagan ang pagkakainis ni Rainbow sa kaniya.
It's Sunday. He was currently sitting at the back of the chapel inside the hospital.
Kaunti lang ang tao sa loob. Tahimik nag dadasal ang mga ito. Katulad niya, tahimik siya nakatingin sa malaking cross nakalagay sa gitna.
Tinaas niya ang camera at tinutok sa kaniyang mata pagkatapos ay kinuhanan ng litrato ang tahimik na chapel.
Nang matapos siya ay may isang bata nasa edad na apat ang lumingon sa kaniya. Kinawayan niya ito at binigyan ng isang malaking ngiti pagkatapos ay tinuro niya ang camera.
Tinapat niya ito sa batang babae. Ngumiti ito sa kaniya pagkatapos ay kinuhanan ito ng litrato. Nag taas pa siya ng thumbs up para iparating nakuhanan niya ito.
After the encounter, lumabas siya ng chapel. Pupuntahan niya ulit si Rainbow. Naabutan niya ang dalaga na tahimik nakatingin sa labas ng bintana. Wala ang pamilya nito sa loob.
For some reason, he felt sad. Mas umitim kasi ang usok na bumabalot sa dalaga. He wanted to tell her he got her back, that he will listen to her, that he's not going anywhere, that she could lay her head to his shoulder to cry on, that—
"Ano na naman ginagawa mo rito?" she asked. Nawala siya bigla sa pag iisip. Titig na titig sa kaniya ang malamlam nitong mga mata.
Sa mga oras na iyon, gusto niya tawirin ang ilang metrong layo nila sa isa't isa at yakapin ito ng mahigpit ngunit hindi niya ito ginawa. Bagkus, ngumiti siya pagkatapos ay nilapitan ito.
"Hindi ka pa pumapayag makipaglaro sa 'kin." Umikot ang mata nito. "Ayoko nga sabi. Bakit ba ang kulit mo? At isa pa, trespassing ang ginagawa mo."
Hindi siya nakinig dito. Umupo lang siya sa kama nito na kinaurong nito palayo sa kaniya. Nilabas niya ang color pentels sa bulsa ng suot niyang checkered grey polo at inabot ito kay Rainbow.
"I told you I don't want it."
He hummed. Pinatong niya pa ang kamay sa baba niya na para bang nag iisip talaga siya. "Gusto mo sumama sa nursery room? Maraming bagong mga cute na babies this week."
"No. Ayoko." Tumalikod ito sa kaniya. "Do you like my drawings?" he asked. Hindi niya inaasahan na lilingon ito sa kaniya pagkatapos ay sinilip nito ang suot na bandage sa pulsuhan nito.
"D-did you drew these?" muffled nitong tanong sa kaniya. Hindi rin ito tumitingin sa kaniya. Umayos siya nang upo. Tumingin din siya sa nakabukas na pinto. May ilang dumadaan na mga nurses dito.
"Yes, ang cute, no?"
"Nope ang pangit." Hinantay niya ang sasabihin pa nito. He thought may sasabihin pa ito sa kaniya ngunit walang boses ang lumabas. Kaya, nilingon niya ito kung saan nakatingin pa rin sa ginawa niya sa bandage nito.
Sa totoo lang, hindi niya dapat ginawa iyon. Baka kasi nadali niya ang sugat nito. Hindi niya lang talaga mapigilan dahil nakita niya sa isang movie ang pag susulat o drawing sa bandage kapag napilayan ang mga ito. He wanted to try it ever since. Bakit ba?
"Rainbow?"
"Rain. Just Rain." Tumango siya. "Why?" he asked. Bakit ba gusto niya mag tanong? Sa natutuwa siya nang sinasagot siya ni Rainbow. Baka sagutin ulit siya.
Hindi naman siya nabigo kahit medyo matagal itong sumagot sa kaniya. "It just doesn't sit right to call me Rainbow. Hindi naman kasi ako gano'n," may pagkahina nitong saad sa huling sinabi. "Just call me Rain, mas appropriate," dagdag pa nito.
Tumango-tango siya. "Ok."
"And stop smiling. Ang sakit mo sa mata."
"What? Ang pogi ko nga raw kapag ngumingiti. Malabo siguro mata mo."
She scoffed, "Asa ka."
"Ang sakit mo naman mag salita, Rain."
"Tama lang 'yan sa 'yo. Trespasser ka naman. Stalker ba kita?"
Kung may kinakain siguro siya ay nabilaukan na siya sa biglaan nitong pag bibintang sa kaniya. "Asa ka rin. Feeling maganda ka naman, girl."
He froze. Tama ba 'yong pag kakarinig niya? Did she really laugh? Nilingon niya ito at nakita niya ang nakapaskil na ngiti sa mukha nito. His smile grew.
"You laughed and smiled."
Natigilan ito pagkatapos ay bumalik ito sa walang emosyon na mukha. Tinulak pa siya nito sa pagkakaupo niya sa ibabaw ng higaan nito. "Get out."
SUMISIGAW na pumasok siya sa silid ni Rainbow ngunit agad rin siya natigil sa track niya. Inis na bumaling ang dalaga sa kaniya. Tumingin siya sa nurse nag bibigay ng gamot dito.
Lumingon sa kaniya saglit ang nurse na babae bago binalik ang tingin sa pasiyente nito. "Kakausapin ka mamaya ni Dr. Eden," bilin nito kay Rainbow.
Hindi sumagot si Rainbow. Ininom lang nito ang binigay na gamot at kinuha ang baso ng tubig at ininom ito pagkatapos ay inabot sa nurse. Tahimik naman siyang lumapit sa tabi ni Rainbow.
Tumingin saglit ang nurse sa kaniyang gawi bago ito lumabas ng silid.
"Ayoko kausapin si Dr. Eden." Lumingon siya kay Rainbow ng mag salita ito. Hindi pa rin talaga siya sanay kapag kinakausap siya nito. Isang linggo ba naman kasi na walang sumasagot sa kaniya sa tuwing tinatanong niya ito.
"Hmm, do you want to go to the nursery room?"
"Sure, whatever."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro