Rain 6
HILA niya ang IV pole habang sinubukan niya hanapin ang binata. Nag tungo siya sa nursey room, sa children's wing kung saan gaganapin ang mini concert na pupuntahan nila. May mga upuan sa gitna kung saan nakaupo ang mga bata.
Habang ang ibang pasiyente na hindi bata at ilang nurses ay nakatayo lang sa gilid. Nakita niya rin ang isang poster sa gilid. May litrato ito ng isang lalaki na may gitara. Malaki ang pangalan nito sa pinaka baba ng poster. Timothy.
Malapit na mag simula ang sinabing mini concert ngunit hindi niya pa rin makita ang binata sa lugar na iyon. Mas lalo siya nag-alala. Hindi gano'ng tao ang pagkakakilala niya rito. He's always on time.
Binalik niya ang tingin sa unahan. May ngiti sa labi ang lalaking singer nang pumuwesto ito sa kanilang harapan. Hawak nito ang kulay brown na gitara kung saan may rainbow strap ito.
"Rainbow?"
Bigla niya naalala nang tawagin siya ng binata sa buo niyang pangalan sa unang pagkakataon kung saan pinagbawalan niya ito gamitin.
Where are you? She sadly asked to herself.
Aalis na sana siya para hanapin ulit ang binata nang marinig niya ang boses ng singer na lalaki.
"I wanna be with you and I wanna stay with you," he breathlessly sung the two verses of the song. Nang marinig niya ito ay parang may mainit na yumakap sa kaniyang puso. Naalala niya ang binata. Doon niya lang din napagtanto, she never got a chance to ask his name.
How was she supposed to find him? Kung hindi niya alam ang pangalan nito.
"Just like the stars shining bright, you're glowing once more~." She heard Timothy sung one more time. May maganda itong boses. Ramdam na ramdam niya ang gusto nitong ipahiwatig sa kanta.
It was beautiful. She hoped he was there with her.
Tumigil muna siya saglit para pakinggan ito. He wanted to listen to this music. Kung hindi ito magagawa ng binata ay siya na lang ang gagawa para dito.
"Right here beside you, I'm still walking wherever you go." Humigpit ang kapit niya sa IV pole nang marinig ang lyrics ng kanta.
Bigla niya naalala ang sinabi nito sa kaniya. "I'll be here by your side no matter what. Ipagtabuyan mo man ako paulit-ulit. I will always come back to you."
She heard her heart beating so fast. Ang isa niyang kamay na libre ay tinapat niya sa kaniyang dibdib habang hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang seryosong mukha ng binata habang sinasabi nito ang mga katagang ito sa kaniya.
"I have to find you," determinado niyang saad sa sarili.
Hindi pa tapos ang mini concert sa children's ward pero nauna na siya umalis dahil hahanapin niya pa ang binata. He never failed to find her. He always found her. Siya naman ang gagawa nito para sa binata.
Sinubukan niya kausapin ang isang nurse nasa reception desk. May sinusulat ito sa papel. Nang maramdaman siya nito ay umangat ang paningin nito sa kaniya. Bigla nanlaki ang mata nito habang pinagmamasdan siya.
"You're the girl."
Kumunot ang noo niya. "P-po?"
"N-nothing." Umiwas ito nang tingin sa kaniya pagkatapos ay sumilip ito sa monitor sa harapan nito bago binalik ang tingin sa kaniya. "May kailangan ka ba?" Bigla nag bago ang boses nito. Bigla naging mahinahon habang nakangiti sa kaniya.
She wanted to rolled her eyes. Naiinis siya sa mga taong nag papakitang tao lang. Lalo na kung sobrang halata ng mga ito.
"May hinahanap ako but I don't know his name," she said. Nakatingin lang ito sa kaniya na para bang malalim ang iniisip nito. Nawala rin ang pekeng ngiti nito sa kaniya.
Lumingon-lingon siya sa paligid. Mukhang mahihirapan pa siya hanapin ang binata. Binalik niya ang tingin sa nurse. Tinawag niya ito. Medyo nagulat pa ito bago bumalik ang ngiti nito sa kaniya.
"Could you describe him to me?"
"Sure." Inalala niya ang binata. Bigla niya ulit naalala ang sinabi nito sa kaniya at kung paano tumingin ito sa kaniya. Umiling-iling siya para mawala sa kaniyang isipan ang mga naiisip.
"Palagi siya may bitbit na camera. Palagi rin siya nasa nursery ward."
"Right. That must be him."
Kumunot ulit ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito sa kaniya.
"Who? Do you know him?" she asked.
Umiling ito sa kaniya. "No, but Nurse Cora might know him."
Nagkaroon siya ng pag-asa nang marinig ang sinabi nito. "Saan ko pwede mahanap si Nurse Cora?"
NATAGPUAN niya ang nurse sa ward ng mga matatanda. Nasa isa itong karaniwang silid kung saan may apat na kama at pasyente ang naka-assigned rito.
Bago siya pumunta kay Nurse Cora ay nag paalam siya kung pwede niyang alisin ang nakaturok sa kaniyang IV. Alanganin na pumayag ang nurse. Basta ipapangako niya na hindi siya mapapahamak.
"Excuse me?" tawag niya kay Nurse Cora nang lumabas na ito ng silid. May katandaan na si Nurse Cora. Kulay puti ang uniporme nito na may kulay asul na cardigan. May suot din itong salamin sa mata. Panigurado matagal na itong nag ta-trabaho bilang isang nurse.
Kung siguro sa normal na araw-araw niya lang ito ay hindi niya magagawa mag hanap ng isang tao, hindi naman niya talaga kilala ang binata. Maliban na lang sa nakakausap niya ito.
"May maitutulong ba ako sa 'yo, hija?" tanong nito sa kaniya habang pinatitigan siya nito. Mula ulo hanggang paa. Nag tataka siguro ito kung bakit may isang pasyente ang pagala-gala na walang kasamang nurse.
Nabalik siya sa tanong nito. Hindi niya mahanap ang gustong sabihin dito.
Until she proceeded to say, "do you perhaps know the camera guy?" she asked. Her gaze never leaves nurse Cora's eyes.
"You must be her."
"P-po?" Hindi na naman niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito.
"Ikaw ba si Rainbow?" Tumango siya bilang sagot. Mas lalong umusbong ang pag-asa niya na makita ang binata.
"Do you know him po? I've been looking for him. May usapan kami na mag kikita."
"Come with me." Nag gestured ito na sundan ito. Pumasok sila sa isang silid na walang pasyente. Tahimik ang buong paligid. Kinakabahan man ay hinintay niya ang sasabihin ng matanda sa kaniya.
"Ikaw lang ang tanging pinapakitaan niya," seryoso nitong ani sa kaniya.
Naguguluhan siya. Ano ang ibig nitong sabihin? Pinapakitaan? "Hindi ko po maintindihan."
Humawak ito sa kaniyang kamay pagkatapos ay pinatitigan siya sa mga mata. Mas lalo bumilis ang tibok ng puso niya. Mas lalo rin siya nag-alala para sa binata.
"Felix. That's his name."
Felix?
"What do you mean po ako lang ang tanging pinapakitaan niya? We've been to children's ward. We've been talking— I mean, nakakausap niya ang mga bata." Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapagtanto ang ibig nitong sinasabi sa kaniya ng Nurse.
"Yes. Usually children tend to see souls more than adults and since Felix is a good soul. Children love him."
"S-soul?" nanginginig ang boses na tanong niya rito. Kung sasabihin nitong patay na si Felix. Hindi siya maniniwala lalo na kung nahahawakan niya ito.
"He's still alive," dugtong ni Nurse Cora.
"B-but what do you mean—"
"He's been comatose for a year now." Nang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ni Nurse Cora ay bigla na lang niya nabitawan ang hawak na papel.
Lumipad ang papel pabagsak sa lupa kung saan parehas nilang pinagmasdan ni nurse Cora. Nag tataka siyang kinuha ito.
"Nasaan na 'yon?" naguguluhan niyang tanong sa sarili. Ito ang litrato niya na iniwan ni Felix sa kaniya.
Binalik niya ang tingin kay Nurse Cora. She's desperately wanted answers.
NANGINGINIG ang kamay niya nang kumatok sa silid ni Felix. She doesn't want to see him laying down on the hospital bed. She used to see him smiling brightly towards her.
Hindi niya alam kung kaya niya ba itong makita ngunit huli na nang mapagtanto niya ito. Bumukas ang pinto. Bumungad sa kaniya ang babaeng nasa edad na early fifty. Mapapansin sa mata nito ang pagod at puyat.
Mas lalo tuloy siya nag alangan kausapin ito. "May kailangan ka, hija?" marahan na tanong nito sa kaniya. Mahahalata na pagod na pagod ito lalo na no'ng marinig niya ang boses nito.
Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa. Napatingin tuloy siya sa sarili. Oo nga pala, nakasuot din siya ng hospital gown.
"G-good evening po!" kinakabahan niyang saad dito. Gusto niya kaltukan ang sarili kung bakit nasugod siya na walang plano.
Nang sabihin ni Nurse Cora kung saan ang silid ni Felix ay hindi siya nag sayang ng oras para puntahan ang binata.
Binalik niya ang atensyon sa babae. Nakatitig lang ito sa kaniya. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"I k-know your son," she said then smiled. Sinubukan niya ngumiti.
"Kaibigan ka rin ba niya, hija?" tanong nito sa kaniya.
Tumango-tango siya. "Yes po, Kaibigan niya po ako." Napansin niya na lumiwanag ang mga mata nito nang sabihin niya na kaibigan niya si Felix.
The lady smiled at her. Mas binuksan nito ng maluwag ang pinto. Pinapasok siya nito sa loob pero nakatigil lang ang mga paa niya kung nasaan siya.
Hindi niya maigalaw ito papasok sa loob lalo na kung nakikita niya ang isa pang silid sa loob kung saan nakikita niya si Felix mula sa malaking bintana sa kaniyang pwesto.
Mukha itong payapa natutulog sa kama. Kung hindi niya lang nakita ang mga machine nasa tabi nito nakadikit sa binata. Napansin niya nag babadyang luha na gustong lumabas sa kaniya. Agad siyang umiwas ng tingin kay Felix at binalik ang tingin sa babae.
Malungkot itong nakangiti sa kaniya. "Anong pangalan mo hija?"
"Rain-bow po." Hindi niya alam kung bakit sinabi niya ang buo niyang pangalan dito.
"Rainbow.. thank you for coming," sincere nito pasasalamat sa kaniya. Mabigat man ang pakiramdam niya ay pumasok siya sa loob ng silid. Nag tungo silang dalawa sa harapan ng malaking salamin.
Madilim ang silid ni Felix. Tanging ilaw nakabukas lang dito ay sa bandang higaan nito.
Umiwas ulit siya ng tingin dito. She couldn't see him. Every day, he went to her room to lift her up. Hindi niya alam na mas grabe pala ang kinalalagyan nito.
"Felix." Mabilis niya pinahiran ang luhang lumabas sa kaniya kanan na mata then she cleared her throat.
"Do you want to see him?" Gulat na lumingon siya rito. Hindi niya inaasahan na papayagan siya nito makita si Felix ng malapitan.
She must be really his mom. Kamukha-kamukha nito ang binata. Maliban na lang, may pagka-kulot ang buhok ng ina nito. Siguro sa tatay ni Felix ito nag mana.
Gabi na at alam niyang malapit na matapos ang visiting hours. "I.. I'll come back tomorrow."
Walang lingon-lingon na lumabas siya ng silid ni Felix. Patakbo siya lumayo hanggang hinihingal na tumigil siya. Hinawakan niya ang dibdib. Sobrang bilis ng tibok nito.
Sa tahimik na pasilyo ng hospital. Hindi na niya napigilan ang mga luhang nag babadya sa kaniyang lumabas. She cried and cried hanggang nang hihina siyang bumagsak sa sahig.
Naalala niya ang maaliwalas nitong mukha. Ang ngiti nitong hindi nawawala sa tuwing kinakausap siya nito hanggang nabalik ang alaala niya sa silid ni Felix. Wala itong malay at maraming aparato ang nakadikit sa katawan nito.
Wala man lang itong sinabi sa kaniya. She didn't know he's been fighting for his life while she tried to get out of this cruel world.
KINABUKASAN. She decided na puntahan ulit si Felix sa silid nito ngunit napahinto siya sa paglabas nang sumalubong ang kaniyang ina sa harapan ng silid niya.
"What are you doing here?"
"Anak, pwede ka ba makausap ni mama?" Hinawakan siya nito sa braso but she dodged it.
"We have nothing to talk about," she said. Lalagpasan na sana niya ito nang mag salita ulit ito. "Please, Rainbow."
Nanlilisik ang mata na nilingon niya ito. "You have no right to call me, Rainbow ever again."
"Ana—"
"Mauuna na ako." Tuluyan na niya ito nilagpasan. Nang makalayo siya nang kaunti ay nanginginig ang binti na tumigil siya. Humawak siya sa dingding para alalayan ang sarili.
Mabilis niya pinahiran ang luhang bumagsak sa kaniya at inayos ang sarili. Pupuntahan niya si Felix na hindi siya nag mumukhang kawawa.
Hindi kailangan ni Felix iyon ngayon. He needs someone to be there for him. The bravery one.
Nang makarating siya sa silid ni Felix ay wala ang ina nito. Naabutan lang siya ng isang nurse kung saan pinapasok siya pagkatapos siya tanungin kung kaano-ano niya si Felix.
Napansin din nito ang suot niyang hospital gown. Hindi siya papasukin sa loob kung sasabihin niyang pasyente rin siya. Sinabihan niya ito na bigay ito sa kaniya ng isang nurse para makapasok siya sa loob ng silid ni Felix.
Bago siya pumasok ay inaabutan siya ng mask at disposable head cover nito.
Napalingon siya sa likod ng pinto nang sumara ito at iwan siya ng nurse. Rinig na rinig na niya ngayon ang tunog ng mga aparato sa loob ng silid kasabay ng mabilis na tibok ng puso niya.
Nahihirapan man ay pinilit niya nilingon si Felix. Natigilan siya nang makita itong nakapikit habang may nakasalpak na tube sa bibig nito.
Binuhat niya ang sariling paa para makarating sa gilid ng binata. Titig na titig siya rito. Hindi niya magawang ialis ang mga mata sa mukha ng binata.
Ibang-iba ito sa kadalasan niyang nakikita. Ibang-iba rin ang pakiramdam niya. No'ng mga nakaraan na araw kapag kasama niya ito ay parang ang gaan sa pakiramdam. Parang lumulutang sa ere ang buong paligid ngunit habang tinititigan niya si Felix ngayon.
Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Ibang-iba ito. Kung 'yong mga nakaraang araw ay parang panaginip lang. Ngayon, it felt really real. Totoo na ito sa kaniyang harapan.
THE next day. She went to Felix again. Hindi niya nagawang kausapin ito kahapon. Hindi niya kasi alam ang sasabihin sa binata at isa pa, natatakot siya sa kaniyang mga nararamdaman.
Katulad, kahapon. Wala ulit ang ina nito. Naisip-isip niya na baka tuwing gabi lang ang magulang nito pumupunta sa hospital dahil busy sa trabaho ang mga nito.
Pinatitigan niya si Felix na mahimbing natutulog sa kaniyang harapan. May luha ulit na lumandas sa kaniyang mata na agad niyang pinahiran.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang dahilan kung bakit nag pakita at kinausap siya ni Felix. Hindi niya pa ulit nakakausap si Nurse Cora. Agad kasi siya umalis nang malaman kung saan silid namamalagi si Felix.
It's rude. Alam niya ngunit namalayan na lang niya ang sarili na tumatakbo papunta sa silid ni Felix na hindi nag iisip man lang.
Simula atakehin si Felix ay hindi na ulit nag pakita ang kaluluwa nito sa kaniya. She was sad knowing hindi niya ito nakakausap pero ayos na rin dahil hindi niya alam ang sasabihin dito.
Baka bigla na lang siya umiyak sa harapan nito na hinding-hindi niya gagawin.
Pinatitigan niya ulit si Felix. Dumako ang paningin niya sa kamay nito. Inabot niya ito at marahan na hinawakan. She smiled nang mapagtanto na mainit ito.
"Sa tingin ko paborito ko na rin local artist si Timothy," saad niya habang pinagmamasdan niya ang kamay niyang nakahawak sa malaking kamay nito.
"Hindi ko alam ang title ng kanta niya pero sa tingin ko alam ko na ang dahilan kung bakit mo siya paborito."
"Hindi lang kasi niya binibigkas ang mga lyrics sa kanta. He tells story."
She scoffed when she realized, she've been talking to herself. Binalik niya ang tingin sa mukha ni Felix.
"I miss your voice."
She painfully smiled ngunit agad rin nanlaki ang kaniyang mata nang maramdaman niya na may pumisil sa kaniyang kamay nakahawak sa kamay ni Felix.
"D-did you just squeeze me? Felix? Naririnig mo ako?"
Pabalik-balik ang tingin niya sa mukha ni Felix pati sa kaniyang kamay nakahawak sa binata. Nag hintay siya nang ilang minuto hanggang bumagsak ang balikat niya.
Hindi niya alam kung sa guni-guni niya lang iyon o totoo bang nangyari.
"It's okay. Let's talk tomorrow. I promise I'll come back to you."
SHE was busy cleaning her bed when she froze. Hindi niya inaasahan marinig ang boses nito in all of people.
"Where have you been these days, little sister?"
Nilingon niya ito. Nakasandal ito sa amba ng pintuan habang tinitigan siya nito.
"I'm not your little sister. I don't have a brother."
Humawak ito sa dibdib. Umakting na parang nasasaktan sa kaniyang sinabi. "Aww," saad nito pagkatapos ay unti-unti umangat ang labi nito. Ngumiti ito sa kaniya. She rolled her eyes.
"What do you want, Alexander?" mariin niyang saad rito. Binabalak niya ulit puntahan si Felix.
"Wala naman. Nag tataka lang ako kung saan ka pumupunta. Mabuti na lang hindi ko sinasabi sa tatay mo na umaalis ka sa silid mo."
"Fuck you!"
He chuckled again.
"What's his name?"
"What?"
"You've been sneaking out to meet this guy. How do you know him?"
"Stop asking me question. Hindi kita kapatid," nanggagalaiti niyang sigaw dito bago ito iwan mag-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro