Rain 1
WHEN she was a kid. Madalas na gumagala sila ng magulang niya sa zoo. She remembered how happy she was by just looking at those animals. At the age of five years old, some of the animals were scary and some weren't for her.
The first time she saw the tiger. She cried a lot. She was only three years old that time. She wanted to go home immediately. Hindi nila natapos ang pag iikot sa zoo dahil hindi siya mag tigil sa pag iyak.
And ever since she cried. The next year, hindi niya mabilang kung ilang beses silang dumalaw ng zoo sa tuwing may free time ang kaniyang magulang. Isa sa pinupuntahan nila ay ang zoo hanggang masanay siya na hindi umiyak sa tuwing nakikita ang tigre.
For a kid like her, it may be torturing. Imagine, she doesn't like someone but they are persistent until she starts to like them. Tinuruan siya ng magulang niya na harapin ang problema. They taught her to try and try until she succeeds.
"Mama, I didn't cry," she told her mom. Ngumiti ang ina niya sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Very good, honey."
Being a kid, she was excited to tell her dad as well. Binuhat siya nito at hinalikan sa pisngi. Tuwang-tuwa siya dahil nakakuha siya ng halik sa kaniyang magulang.
She promised to herself that she will be brave from that day on.
FIRST day of school. Nasa grade one na siya. Ibig sabihin, kailangan na niya iwanan mag isa. Hindi katulad no'ng nasa day care pa lang siya. Her mama always with her. Iiyak lang siya ay pupuntahan na siya agad ng kaniyang ina.
But this time, her mama told her. "You're big na, Rainbow. You're going to school na rin sa big school. You'll make new friends but mama won't be there with you, is that okay, honey?" Shempre, hindi. She was only six years old.
Hinatid siya ng kaniyang ina sa unang araw. Hindi niya pa sana gusto mag paiwan. Nakikita niya rin kasi sa ibang mga bata na hindi rin gusto ng mga ito mag paiwan. Some of them were crying pero siya ay hindi umiyak. She promised to be brave.
And her mama told her, she's a big girl na. Hindi man niya gusto maiwan ay nag paiwan siya and her mama didn't lie when she told her magkakaroon siya ng kaibigan dahil sa unang araw pa lang ay nagkaroon na siya ng mga kaibigan.
SA unang pagkakataon. Hindi lang pamilya niya ang bisita niya sa kaarawan niya. She invited her new friends to her birthday. The whole day, hindi tumigil ang pagtawa nila at kasayahan nila.
She was happy. She was with her family and new friends. Sa araw na rin iyon nakakuha siya ng maraming regalo at maraming halik sa pisngi. Just the way she loved.
No'ng gabing iyon ay binuksan niya ang mga regalo na binigay sa kaniya. Hindi rin siya nakalimot magpasalamat. Tuwang-tuwa siya habang binubuksan ang mga ito. Ang ama niya ay kinukuhanan siya ng video habang ang ina naman niya ay tinutulungan siya na buksan ang mga regalo.
Maraming teddy bears at new clothes ang nakuha niya. Binigyan pa siya ng kaniyang ina ng ice cream. Kadalasan ay hindi siya pinapayagan kumain ng ice cream lalo na kapag gabi pero dahil that night was special.
Kumain siya ng ice cream. Iba't ibang flavors. She loved them when the ice cream was mixed.
GRADE three. Ito na 'yong taon nag sisimula na siya mag karoon ng crush sa opposite sex niya. Typical little kid, may isa siyang kaklase na matalino at pogi. 'Yong bata na kapag unang kita pa lang alam nang mabango ito. Amoy jonhson.
Kapag may pagkakataon. Gustong-gusto niya nakakausap at nakakatabi ito. Sa totoo lang marami ang nagkakagusto rito. Lahat ata ng kaklase niyang babae ay crush din ito. Kaya minsan, kapag napapansin siya nito ay natutuwa siya. Hindi niya mapigilan na kiligin.
"Eli, gusto mo share tayo ng cupcake? My mama baked it." Lumingon si Eli sa kaniya nang tawagin niya ito. Hawak-hawak niya rin ang tupperware na may cupcake sa kaniyang kamay.
Tiningnan ito ni Eli. He smiled at her. "Sige, Rain-rain tapos sa 'yo na lang yakult ko." She couldn't stop smiling nang kunin niya ang yakult sa kamay nito. She was happy.
Nang makauwi siya ay kinuwento niya ito sa kaniyang ina. Inasar siya nito at sinabing mag bi-bake ulit ito but this time, pwede niya rin bigyan ang iba niyang kaklase. Sobrang tuwang-tuwa siya. Hindi niya mapigilan na tumalon-talon dahil sa kasiyahan nadarama.
NANG sumapit ang grade four. Ito rin ang una niyang heart break. Masaya pa siyang pumasok para sa kanilang unang araw ngunit ang ngiti niya ay nabura nang hindi niya natagpuan si Eli.
Lumingon-lingon siya sa buong silid ngunit hindi niya nakita ito. Nag hintay din siya kahit nag simula na ang klase. Umaasa siya na papasok si Eli sa pinto katulad nang kadalasan nitong ginagawa.
Bitbit ang bag na may nakapaskil na ngiti sa labi. Hindi rin nito makakalimutan ang bumati sa kanilang guro at ibang kaklase. Babatiin din siya nito sa tuwing nakikita siya nito.
Madalas kasi siyang lumapit dito. Kaya, napapansin talaga siya nito. Hindi naman niya pinag sisihan iyon dahil masaya siyang kasama ito.
Nang mag recess. Her teacher told the class na hindi na nila magiging kaklase si Eli dahil nadestino ang ama nito sa probinsiya kung saan ito lumipat ng paaralan. She was sad for a little while but napunan din iyon ng kasiyahan dahil sa mga kaibigan niya.
IT was a shiny morning on Friday. Grade five na siya. Her class decided to surprise their homeroom teacher dahil buwan na ng mga guro.
Naging busy ang paaralan nila. Kung saan maraming mga kabataan ang nakikita niya na may bitbit na mga bulaklak, tsokolate, sulat at mga lobo.
Nag plano silang magkaklase. Gumawa sila ng banner na may sulat nila. Nag ambagan din sila para sa pag bili ng bulaklak at maliit na cake para sa kanilang guro. Hindi magmaliw ang kasiyahan nila habang nag aasikaso.
Puro tawanan at asaran ang buong silid. May isa pang kaklase nila na niloko sila kung saan parating na raw ang kanilang homeroom teacher. Ang kaba naramdaman nila ay sobra-sobra dahil hindi pa nila natatapos ang ginagawa.
Nang malaman nila niloloko lang sila nito ay nakakuha ito ng mura sa ilan nilang kaklase. Kahit bawal sila mag mura pero dahil walang matanda ang nakamasid ay nagawa pa rin nila.
Everything was chaos but it was worth it nang matapos sila at dumating ang guro nila. Her teacher cried at niyakap silang lahat. Masaya sila napasaya nila ito. Mabait naman kasi ito sa kanila.
Hindi ito nag kulang sa pag papaalala at pagturo sa kanila ng kabutihan. Kahit pa na hindi nila gusto ang subject nito dahil math ito at sa umaga ang oras nito.
Minsan, nag dadahilan siya sa ina na may sakit para hindi pumasok. Sumasakit kasi ang ulo niya. Maaga itong nagagamit but despite of those, marami silang natutunan dito.
MASAYA siyang umuwi na may bitbit na tsokolate. Binigyan sila ng teacher nila kahit ito dapat ang bigyan nila. At isa iyon, sa katangian nagustuhan nila sa rito dahil sinasama talaga sila nito kapag nabibiyaan ito.
Mag-isa na lang siya umuuwi dahil may school bus naman para ihatid at sundo sila. No'ng una ay hindi siya pumapayag dahil gusto niya ang magulang niya ang mag sundo at hatid sa kaniya.
Ngunit nang mapagtanto niya na busy ang mga ito dahil sa trabaho ay hindi na niya inabala ang mga ito dahil nakakasama naman niya ang mga ito kapag umuuwi siya galing sa paaralan.
Madalas na ginagabi ng uwi ang magulang niya at naiiwan lang siya sa Nana niya. Bata pa lang siya ay nakakasama na niya ito. Kapag wala ang magulang niya ay ito ang nag aalaga sa kaniya.
Hindi naman siya naiinis, kaunting nalulungkot pero normal lang naman iyon at isa pa, she loved her so much.
She was doing her homework sa terrace nila dahil natutuwa siya sa magandang tanawin at sa malamig na simoy ng hangin tumatama sa kaniyang balat. Nang makarinig siya ng sasakyan sa ibaba.
Dumungaw siya rito, umaasa na magulang niya ito ngunit hindi familiar sa kaniya ang sasakyan at isa pa medyo malayo nakaparada ang sasakyan sa tapat ng bahay nila.
Aalis na sana siya sa railing at babalik na sa pwesto niya kanina nang maaninag niya ang ina na bumaba sa sasakyan. Nagtataka na tumingin siya rito. That wasn't her dad's car or maybe, it was from her mom's work.
Hindi niya sana ito bibigyan pansin pa nang mapansin na may humawak sa kamay ng nanay niya bago ito bumaba ng sasakyan. Hindi niya naaninag kung sino ito. She was curious.
Nang matapos siya sa ginagawang homework. Bumaba siya ng kwarto kung saan naabutan niya ang ina at ang ama na kakarating lang sa trabaho.
"Rainbow, nandiyan ka pala," her mom said. Lumapit siya rito at binigyan ito ng halik sa pisngi. "Yes po, ma. Maaga nag pauwi po sa school because its teacher's day."
Nilapitan naman niya ang ama para halikan ito sa pisngi. Tinulungan niya pa ito na mag bitbit ng bag. "Oh, gano'n ba?"
"Yes po. I told you po that kanina." Binaba naman niya ang bitbit na bag sa sofa. "Sorry, nakalimutan ko. Masyadong busy lang sa work."
Tumango siya. Pinanood niya na humalik ang ama niya sa labi ng ina. Do'n naman siya may naalala. "Ma, kaninong sasakyan po 'yong nag hatid sa 'yo? I saw you po kasi kanina."
"What?!" She jumped a little nang bigla sumigaw ang ina niya. May pagkairita naman na tumingin ang ama niya sa kaniyang ina. Humiwalay pa ito. "Louisa, what is it this time?" her dad asked her mother. Natakot pa siya dahil mukhang galit ang ama niya.
"Sean, it's not what you think."
"If it isn't then what it is?" Hahawak pa sana ang ina niya sa braso ng ama niya when he dodged her hand.
"H-he just—" pagpapaliwag ng ina niya ngunit pinatigil ito ng ama niya. Naguguluhan siya. Nag aaway na ba ang magulang niya? Bakit sila nagagalit? Sa tingin pa nga niya ay hindi na siya napansin ng mga ito.
"Ma? Dad?" nang tawagin niya ang mga ito ay do'n lang bumaling ang atensyon ng mga ito sa kaniya. Parehas nagulat ang mga ito nang makita nando'n pa rin siya nakatayo.
"Nana! Paki hatid nga muna si Rainbow sa kwarto nito," utos ng kaniyang ama. Nag mamadali na lumapit si Nana sa kaniya. Humawak ito sa kamay niya at sinabihan siya na ayos lang ang lahat.
But that day, everything changed.
SINALPAK niya ang headset sa tainga nang marinig na naman ang magulang nag tatalo sa kabilang silid. Second year high school na siya at may dalawang taon na rin nag bago ang lahat.
Ang masaya nilang pamilya at puno ng pag mamahalan ay napalitan ng sigawan gabi-gabi. Madalas din na hindi umuuwi ang kaniyang ama. Nag papaka-busy ito sa trabaho habang ang ina naman niya ay madalang na siyang kausapin.
Kahit hindi nito sabihin ay alam niyang nagalit ito sa kaniya nang mag salita siya no'ng araw na iyon kung saan pinagsisihan niya. No'ng unang taon ay gabi-gabi siya umiiyak dahil sa takot nangyayari sa kanilang pamilya.
Madalas din na ang Nana niya ang nag aasikaso na sa kaniya dahil mas lalong naging busy ang magulang niya. Ang kadalasan nilang pag punta sa zoo ay hindi natupad. Every time nagyaya siya o kapag nakakakuha siya ng slots ay palaging walang dumadating.
Maliban na lang sa kaniyang Nana kung saan mas madalas niyang nakakasama simula mag bago ang lahat.
"Minsan ka na nga lang umuuwi, nag lalasing ka pa! Napapabayan mo na ang anak mo!"
"Anak mo rin naman siya. Bakit hindi ikaw ang mag alaga sa kaniya?!"
Natigil siya sa pag co-compute nang marinig niya pa rin ang mga ito. Kinuha niya ang cellphone at mas nilakasan ang volume rito. That's how her life has become ever since that day.
SHE was already in second year of high school. Madalas na siyang hindi umuuwi agad sa tahanan nila. Palagi siya tumatambay sa school o sa malapit na comics house. Tumatagal siya mag basa roon.
Hindi na rin siya gano'n sumama sa mga kaibigan niya. No'ng una tinatanong siya kung ano ang problema niya pero nang mag sawa ang mga ito dahil patuloy niya tinataboy ang mga ito ay lumayo na rin sila sa isa't isa.
Nag iba-iba na rin kasi ang mga kaklase niya dahil bumaba ang grades niya. Kung dati nasa star section siya, ngayon ay mas bumaba na siya. Isa na rin ay mas humirap ang pag aaral at mas lalo siya nawalan ng gana.
Sinilip niya ang cellphone. Kanina pa kasi itong nag va-vibrate sa bulsa ng palda niya habang nag babasa siya ng comics. She saw her Nana's calling her. She sighed bago ito sinagot.
"Rainbow, nasaan ka na naman? Tumawag ang school niyo. Hindi ka na naman raw pumasok. Umuwi ka na. Pauwi na ang mommy mo."
Umikot ang mata niya nang marinig ang tungkol sa ina. "Opo, Nana. Uuwi na rin ako," she answered. Pinagsisihan niya na umuwi siya ng araw na iyon dahil naabutan niya ang ina na may bitbit na malaking maleta nang papasok siya sa loob.
Halo-halong emosyon ang naramdaman niya nang araw na iyon pero mas matindi ang pag sisi sa kaniyang sarili. Kung sana hindi niya nakita ang ina sa araw na iyon, hindi ito mangyayari lahat. Kung sana hindi niya sinabi ang mga salitang iyon, hindi sana nangyari ang lahat.
Nang magtagpo ang kanilang mga mata ng ina ay unti-unti rin nabasag ang pinaghahawakan niyang pag asa. Ang pag asa na magkaayos pa ang pamilya nila.
"M-ma," she called her. Nanginginig ang boses. Nag babadya ang mga luha na tumulo sa kaniyang mata. Nilapitan siya nito at hinalikan sa noo. Hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyan na bumagsak ang mga luha.
She was crying loudly. There were no words to utter but her crying to let her heart out. She was begging. She wanted to stop the pain. She wanted to let her know she was hurting badly and she didn't know if it would go away.
"I'm so sorry, anak." Mahigpit siyang kumapit sa kamay nito at niyakap ito ng mahigpit. Hindi niya ito gusto pakawalan pero pilit siya nito binitawan.
Tumingin ito sa kaniyang mga mata. "Tandaan mo na mahal ka ni mama." Alam niya. Alam niya. Pilit na sinisigaw ng kaniyang utak pero walang boses ang lumalabas sa kaniya. Alam niya, kaya please huwag na sila nito iwan.
Napanganga siya nang tuluyan na bumitaw ang ina sa kaniya. Kinuha nito ang dalang maleta at dumiretso palabas sa pinto. Pabagsak niyang pinagmasdan ang likuran ng kaniyang ina na unti-unti lumalayo sa kaniya. No, please.
"Smile, Rainbow," she heard someone says but it was very unclear and the voice was mostly like fading. Mapait siyang ngumiti. Patuloy pa rin na bumabagsak ang luha. Hindi niya alam kung makakaya niya pa rin ngumiti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro