Epilogue
SIMULA nang mabalitaan niya ang tungkol kay Felix ay hindi na niya ito nagawang lubayan pa. Hangga't maaari ay gusto niya sa tabi nito mamalagi. Umaasa na magigising na ito.
Araw-araw, katulad ng ginawa ni Felix sa kaniya. Walang araw na hindi niya ito pinupuntahan. Umaasa na isa sa mga araw na iyon ay gumising na ang binata.
Ngunit, lumipas ang ilang linggo at buwan. Na-discharged na siya sa hospital. Hindi pa rin nagigising si Felix sa pagkakatulog nito.
At sa ilang linggo at ilang buwan na iyon. She tried very hard to live for herself and for Felix because she wanted to be there when he wakes up.
Felix presence helped her every day. Sa tuwing naiisipan niya ang bagay na pinangako niyang hindi na niya gagawin.
Palagi niya ito kinakausap. Hindi naman siya pinagbawalan ng magulang nito. Bagkus ay natuwa pa sila na hindi na lamang sila ang kumakausap sa kanilang anak.
Sa makalipas na buwan. Natutunan niya mamuhay na may dala-dalang pag-asa sa kaniyang puso. Walang araw na umaasa siya na magigising na rin ang binata.
Hindi man perpekto ang kaniyang pamilya. Hindi man niya ulit pa magawang makausap ang ina. Umaasa siya na balang araw ay hihilom din ang lahat ng sugat na kaniyang natamo. Kahit pa, hindi na ulit mabuo ang kanilang pamilya.
"Rain," tawag sa kaniya ng step-brother na si Alexander.
Lumingon siya rito. Kakauwi niya lang galing sa school kani-kanina lang. Lalabas lang siya ulit para bisitahin si Felix sa hospital. Tinaasan niya ng kilay si Alexander nang nakatingin lang ito sa kaniya at walang sinasabi na kasunod.
"Bakit?" tanong niya rito. Hindi na niya kinaya ang kuryusidad. Ngunit, mas lalo siya kinabahan habang tinitingnan ito. Parang may sobrang importante kasi itong sasabihin sa kaniya.
"Are you going to Felix?"
Mas lalo kumunot ang kaniyang noo. Kilala na ng pamilya niya kung sino si Felix. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa binata.
He was the reason why she was still holding on to life.
Saglit niyang kinuha ang jacket nakasabit sa rack pagkatapos ay binalik ang tingin sa step-brother niya.
"Because of some circumstances, which you don't need to know. I went to hospital awhile ago. Balak ko sana bisitahin 'yang si Felix." Saglit na huminto si Alexander sa pag sasalita at mas pinatitigan siya.
Muntikan na siya mag papadyak sa pa-suspense ng kapatid. "And?" she eagerly asked.
"I heard something about..."
"About what kuya? Bakit kailangan mo pa bitinin? Kinakabahan na ako sa'yo," naiinis na niyang saad dito. Bumuntong hininga naman si Alexander.
"Sa tingin ko puputulin na nila ang machine nakakabit—" Hindi na niya hinayaan matapos ito sa sasabihin nito at agad niya binagsak ng malakas ang pintuan sa kaniyang likuran.
Mabilis siyang pumara ng taxi at sumakay dito. Kung ano-ano na ang kaniyang iniisip sa bawat segundo at minuto niya sa loob ng sasakyan. Nasabihan na rin niya ang taxi driver kung pwede nito bilisan ang pagpapatakbo.
Sobrang bilis ng kaniyang puso. Takot na takot siya kung totoo ang narinig ni Alexander. Nang makarating siya sa hospital. Agad siya nag bayad at nag tungo sa silid ni Felix.
Hinihingal nang makarating siya sa tapat ng silid nito. Kinakabahan na may malaman siyang hindi niya gusto marinig.
"Rainbow."
Mahahalata ang takot at pangamba sa kaniya nang lingunin niya ang ina ni Felix na tumawag sa kaniya. Namumula at namamaga ang mga mata nito. Mas lalo siya natakot at kinabahan.
"T-tita, si Felix po?" Parang may bumara sa kaniyang lalamunan nang bigkasin niya ang pangalan ng binata. Hindi sumagot ang ina ni Felix bagkus ay niyakap siya nito nang mahigpit.
Ang kabang nararamdaman niya ay mas lalong dumoble. Paulit-ulit niya naririnig ang sinabi sa kaniya ni Alexander bago niya ito iniwan sa kanilang tahanan.
"He's awake, Rainbow."
NANG marinig niya ang mga katagang iyon. Hindi niya alam ang gagawin. Para siyang natuod sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung paano kakausapin at titingnan sa mata ang binata.
Hindi niya rin alam kung kilala ba siya nito. Lalo na at hindi naman talaga sila totoong nagkakilala nito. Maliban na lang nasa iisang paaralan silang dalawa.
Nawala lang siya sa kaniyang pagkabigla nang papasukin siya ng ina ni Felix sa silid nito. Nang titigan niya ang pintuan. Doon niya lang napagtanto na hindi pa siya handa kausapin ang binata.
Kung kaya ay tumakbo siya palayo sa silid nito. Takbo siya nang takbo. Natatakot siya sa magiging reaksyon nito kapag nakita siya. Hindi niya alam kung kakayanin niya ba na malaman na hindi siya nito kilala man lang.
Mabilis ang tibok ng puso niya nang sumandal siya sa dingding. Namalayan na lang niya kung nasaan siya. Pinatitigan niya ang mga bagong sanggol sa malaking glass window.
Dahan-dahan na lumapit siya rito at tinapat ang kanan niyang kamay habang nakatingin sa mga sanggol. Naalala niya ang tagpong magkasama sila ni Felix sa mismong kinatatayuan niya.
He was persistent to make her smile. Without knowing, he already touched her heart.
Pinunasan niya ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata at sa huling pagkakataon na iyon ay pinatitigan niya ang mga sanggol bago nag desisyon na bumalik sa silid ni Felix.
MABIGAT ang bawat hakbang ng kaniyang mga paa papalapit sa silid ni Felix. Hindi rin mag maliw ang bilis ng tibok ng kaniyang puso.
Hindi niya mapaliwanag ang kaniyang nararamdaman. She was happy but at the same time, she was anxious.
After so many months have passed. Makakausap na niya ulit ang binata.
Saglit na tumigil siya sa harapan ng silid nito. Huminga siya ng malalim bago marahan pinakawalan ito. Nanginginig ang kamay na kumatok siya sa pinto.
"Pasok!" rinig niyang saad galing sa loob. Mas lalo siya kinabahan. Sa mga oras na iyon ay gusto niya tumakas pero nilakasan niya ang loob.
Katulad ni Felix. She needed to be brave as well. And she did. Binuksan niya ang pinto at buong katahimikan ang namayani sa apat na sandigan ng silid.
Titig na titig si Felix sa kaniya sa mga oras na iyon habang may ngiti naman sa labi ang ina nito sa gilid.
Gusto niya umatras nang makita ito. Ibang-iba ang mata nitong nakatingin sa kaniya. Mas lalo siya natakot. Paniguradong hindi siya nito naaalala.
Aalis na sana siya. Unti na lang until he smiled. Ito ang pinakamalaking ngiti na pinakita nito sa kaniya. She wanted to cry.
He was finally awake.
"Rainbow."
Ang katahimikan namayani sa paligid ay mas lalong dumoble. Ang bilis ng takbo ng puso niya. Parang may nag hahabulan na mga kabayo rito.
Ngumiti ulit ito sa kaniya. Mas lalo siya napaiyak at tinawid ang distansiya nilang dalawa. Niyakap niya ito ng sobrang higpit habang umiiyak nang umiiyak.
She heard him chuckled. "Do you miss me that much?"
"I hate you! Sabi mo pupuntahan natin si Timothy. Sabi mo mananatili ka sa tabi ko. I hate you! I.. I really thought you would forget about me!"
"It's okay. I'm awake na. Hindi na ulit kita iiwan. Sinabi ko rin sa'yo na gusto pa kita makilala, hindi ba?" Inalis siya ni Felix sa pagkakayakap at tinitigan siya nito sa mata. Pinunasan din nito ang kaniyang mga luha.
"Hindi ako bumabale ng pangako, Rain. Gagawin ko 'yon. Natin."
Umiiyak na ngumiti siya rito. Tumango-tango siya sa sinabi nito at niyakap ulit ito ng mahigpit.
"I like you, Felix," mahina niyang bulong dito at mas niyakap ito.
Marahan naman na tinapik ng binata ang kaniyang likuran. Until he answered her, "so am I. I like you, too, Rainbow."
— THE END —
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro