Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Tula Ni Halea

Narinig kong ikakasal ka na
Nawala ang ngiti ko bigla
Ang saya-saya ko sana nang makita kita
Pero tila tutol si tadhana sa kasiyahan ng aking puso
Dahil ipanarinig niya sa'ken ang pinaka ayaw ko
'Yon ay ikaw ay pag-aari na ng iba, mahal ko

Maghapon akong nakatulala
Ilang minutong hindi nakapagsalita
Lahat ng pag-asang inipon ko sa aking puso ay nawala na lang bigla
Sandali pa ay ay nagsimula nang tumulo ang aking mga luha
Paano ko ba matatanggap na ikaw ay may mahal ng iba?

Ilang taon kung itinago ang sakit, ang saya at ang kilig
Sa tuwing magtatama ang ating mga mata ay para akong inaangat sa himpapawid
Alam kong ang iyong ngiti ay isa lamang pagbati
Pero para sa isang pusong labis mong nabighani
Ito ay regalo, na lagi kong inihiling sa Poon sa langit

Mahal ko, alam kong siya ang kasiyahan mo
Ipapaubaya na kita kahit na sobrang sakit nitong gagawin ko
Hindi na ako lumaban dahil alam kong simula pa lamang ay talo na ako
Lihim kong binigay ang puso ko sa'yo
Umasa akong mapapansin mo
Ngunit tila, mas malalim ang pagmamahal mo sa taong mahal mo
Marahil ay tayo ay pinagtagpo lamang Ngunit hindi talaga itinadhana

Pangarap ko sana ang mahalin mo
Pero kung ang kasiyahan mo ay hindi mo makita sa piling ko
Hayaan mong mabigo ako sa pangarap ko
Hayaan mong masaktan ako nang dahil sa'yo
Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo
Maging tapat ka sa itinitibok ng puso mo

Masakit man, Mahal ko
Kaya kong ngumiti sa araw ng kasal mo
At sa paghawak mo sa kanyang mga kamay
Sa pagtitig mo sa kanyang mga mata
At sa bawat Oo na inyong bibigkasin
Ngingiti ako
Oo, ngingiti ako

Mahal ko,
Hindi ko man mabuo ulit ang puso ko
Okay lang, dahil minahal naman kita nang buong-buo
At sa iyong pagbaling ng tingin
Nakahanda ang ngiti ko

Dahil Mahal ko ...

Oras na para lumayo
Palayo sa Mahal ko

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro