Kabanata 3
Psalm
HALEA'S lying.
'Yon ang unang-unang pumasok sa isipan ko.
Dumiretso ako sa opisina ng ama ko. Bahagyang naka awang ang pinto ng opisina niya tanda na may lumabas nga roon at nakalimutang isara ulit 'yon. Mula sa kinatatayuan ay nakita ko ang ama ko na mukhang may malalim na iniisip habang nakaupo ito sa likod ng mesa niya.
Bumalik sa isipan ko ang gulat na mukha ni Halea nang makita ako. Kahit na itanggi pa 'yon ni Halea alam ko na kung ano ang ipinunta niya. At malakas din ang kutob ko na 'yon din ang iniisip ng ama ko nang mga oras na 'yon.
Kumatok ako sa pinto. Seryoso ang mukha na pumasok ako nang hindi hinihintay ang pahintulot niya.
"Psalmuel," agad naman akong napansin ng ama.
"Anong ginagawa ni Halea dito?" diretso kong tanong sa kanya.
"Kahit na hindi ko sabihin ay alam kong may ideya ka naman na. I know you're not that kind of stupid, anak."
"If it's still about the marriage then it is still a no." At marahil 'yon din ang pinunta ni Halea kanina. Ang kausapin ang ama ko na huwag na lamang ituloy ang kasunduan. Matalik na kaibigan ni Halea si Alyana. Hindi naman siguro niya magagawang pagtaksilan ang sariling kaibigan. "Sigurado akong 'yon din ang sinabi sa'yo ni Halea."
"Well, as much as I really want to agree with you son." Kumunot ang noo ko. "Hindi tutol si Halea sa kasal n'yo." Nanlaki ang mga mata ko. "And I suggest that you should do the same."
Lalo lamang kumunot ang noo ko. Bakit hindi tutol si Halea? Maaring nagsisinungaling lang ang ama ko pero sa uri ng tingin at ngiti na ibinibigay niya sa'kin mukhang nagsasabi nga siya ng totoo. I can't believe this! How can she betray her own best friend? Naisip ba niya kung anong mararamdaman ni Alyana sa pagpayag niya sa kasunduan?
Nagtagis ang mga panga ko. Hindi ko maiwasang magalit sa naging desisyon ni Halea. Paano niya nagawang kalimutan ang ilang taon na pagkakaibigan nang ganoon na lamang?
"Hindi pa rin ako papayag." Mariin kong sabi.
"Alam ko namang sasabihin mo 'yan kaya," he trailed off. "Bibigyan kita ng dalawang pagpipilian."
"Subukan mo lang na idamay si Alyana at ang pamilya niya ay sisiguraduhin kong hinding-hindi mo makukuha ang lupain ng mga Salvatierre."
"Hindi naman madadamay ang nobya mo at ang pamilya niya kung hindi ka magmamatigas Psalmuel. It's either you marry Halea or make Alyana's family suffer."
"Wala ka talagang kwentang ama, Pancho Fidalgo. Pati sarili mong anak ipagkakanulo mo para lang diyan sa lupain na gusto mo."
"Just give it a try, Psalm. Hindi naman kita itatali sa panghabang-buhay na kasal. A Salvatierre will always be a Salvatierre. The marriage will be good for a year. If it won't work out, then you can file for an annulment. Simple as that."
"This doesn't make sense at all. Makukuha mo ang lupain nila and what do they get in return? Hindi ko maintindihan kung bakit gusto ng mga Salvatierre na maikasal ang anak nila sa isang Fidalgo."
"Noon paman ay malaki na ang pagkaka-utang ng mga Salvatierre sa atin. Hindi lamang pera at lupain na ninakaw nila ang nawala sa atin kundi pati na rin buhay ng yumao mong Lola Ysabella na pinatay ng abuelo nila. Matagal na nanahimik ang pamilya natin. Kaya tayo umalis ng San Antonio ay para kalimutan ang lahat ng mga masasakit na alaalala na idinulot nila sa pamilya natin."
"Marahil nagtataka ka kung bakit pagkalipas nang maraming taon ay bumalik ulit tayo sa San Antonio." Sampung taong gulang ako nang bumalik kami sa San Antonio. Isang taon pagkatapos mamatay ni Mama sa sakit na colon cancer. "Gamit ang natitirang ari-arian at lupain ng mga Fidalgo sa San Antonio ay bumalik ako para kunin ang lahat ng mga kinuha nila sa atin."
"This is purely business intention, Psalm. If they thought that I've totally forgotten about the past, then they're wrong. There is no such thing as mutual benefits in my dictionary. It's either I win or I win. Get my point?"
"You're unbelievable."
"Pag-isipan mo nang mabuti, Psalm. Halea o Alyana?"
Halea
HINDI maaring malaman ng binatang Fidalgo ang tungkol sa sumpa. Dahil kapag ito ay nalaman niya ... magiging araw ang mga buwan. Magiging segundo ang oras. Kaya dapat mo itong itago sa kanya at dapat walang makapagsabi sa kanya ng totoo.
Lutang pa rin ang isip ko sa mga oras na 'yon. Palabas na ako ng ospital nang makasalubong ko si Alyana. Gulat na napahinto ako sa paglalakad. Ilang araw na akong hindi nagpapakita sa kanya. Ang kapal ko naman para umaktong kaibigan pa kay Alyana kung ako mismo may ginagawang masama sa likuran niya.
"Halea," malungkot na niyakap niya ako. "Bakit 'di ka man lang tumawag sa'kin? Nag-alala ako sa'yo. Kung hindi ko pa narinig 'yong mga chismisan doon sa labas ng simbahan 'di ko pa malalaman na na ospital si Tita Leya." Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin.
Tipid na ngumiti ako. "Sorry, naging busy lang talaga kami."
Inabot niya ang isang kamay ko at masuyong pinisil 'yon. "Okay na ba si tita?" tumabi kami at naupo sa pinaka malapit na upuan sa pasilyong 'yon.
Malungkot na umiling ako. "Kailangan namin ilipat si Mama sa ospital sa Maynila."
"Malala ba ang kondisyon ni tita?"
"Kahit hindi sabihin ng doctor alam kong hindi maganda ang kondisyon ni Mama. Kulang din ang kagamitan sa ospital kaya kailangan daw naming ilipat si Mama sa isang ospital sa Maynila."
Napabuntong-hininga si Alyana. "Dasal ko na sana bumilis ang paggaling ni Tita Leya." Pinagdaop niya ang mga kamay namin at binigyan ako ng ngiti. "Halea, mabait ang Dios. Gagaling si tita. Naniniwala ako doon."
Lalo lang bumigat ang kalooban ko. Kung alam mo lang Alyana kung anong nagawa namin sa'yo. Baka hilingin mo na lang na mawala kaming lahat. Na sana hindi mo na lang ako nakilala at naging kaibigan.
Ngumiti ako sa kanya kahit sobra na ang paninikip ng dibdib ko. Gusto kong mag-sorry. Alam kong hinding-hindi ako mapapatawad ni Alyana. Marahil ay isumpa niya ako. Hindi ako nakatiis at niyakap ko siya nang sobrang higpit. Naramdaman ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko.
"H-Halea?"
"S-Sorry," halos pabulong kong sabi.
"Bakit? Para saan?"
"Sorry," kasi nagawa ko 'yon sa'yo. "Kasi 'di ko agad nasabi sa'yo ang nangyari kay Mama. Sorry," kasi 'di ako naging tapat na kaibigan sa'yo. "Kasi pinag-alala kita."
Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko. "Ano ka ba, okay lang 'yon. Ang importante ay ang gumaling na ang mama mo."
Tatanggapin ko kung hindi mo na ako mapatawad Alyana. Patawad, kailangan ko munang unahin ang pamilya at sarili ko.
Psalm
"LIHIM kayong ikakasal ni Mahaleah. Aalis kayo ng San Antonio at doon na muna kayo sa hacienda ng mama mo sa Consolacion. Tandaan mo, Psalm. Hindi pwedeng malaman ni Halea ang mga pinag-usapan natin. At kahit na sinabi kong isang taon lang kayong magiging asawa ay kailangan mo pa ring iwan si Alyana. At least be faithful to your wife for a year."
He gave me a stern look. Isang nagbabantang tingin na dapat kong paniwalaan at seryosohin.
"Kilala mo ako Psalmuel. There is nothing I can't do if I want to. Don't do stupid things while you're married. Ayokong mag-explain sa mga magulang ni Halea."
Inihinto ko ang sasakyan sa harap ng bahay nila Alyana. I sighed. If there is only something I can do to stop my father kaso kilala ko ang ama ko. Saksi ako sa mga bagay na kaya niyang gawin na kailanman hindi ko maipapahintulot na mangyari rin sa pamilya ni Alyana.
Kung tutuosin ay pwede kong kumbisihin si Alyana na sumama na lang siya at ang pamilya niya sa akin sa Maynila pero kilala ko siya. Mahal na mahal niya ang San Antonio. Nandito rin ang bumubuhay sa pamilya niya. Dito na siya lumaki. Dito rin nagkakilala ang mga magulang niya. At baka magtanong lang siya kung bakit. How can I say to her that I'm going to marry her bestfriend and Halea agreed to it without telling her?
Isa 'yong sampal para sa kanya.
Nakita kong dumungaw sa bintana ng bahay nila si Alyana. Ibinaba ko ang salamin ng sasakyan at kumaway sa kanya. Napangiti ako nang makita ang masayang ngiti niya. Tila nawala ang alalahanin ko sa mga oras na 'yon. Damn, how can I live without her? Ilang buwan pa lang nga na 'di ko siya nakikita parang mababaliw na ako. Kung pwede sanang ilipat ko na lang ang opisina ko sa San Antonio para hindi na kami magkahiwalay pa.
And now I have this dilemma, magpapakasal ako sa taong hindi ko naman mahal. Magsasama kami sa iisang bahay ng isang taon. Isang taon na walang kasiguraduhan. Isang taong pwede sana akong maging masaya kasama si Alyana. Isang taon! Damn, one year of bullshit!
"Labas ka na riyan." Sumilip ang ulo ni Alyana sa hamba ng bintana ng sasakyan. Natawa lang ako. Lumayo siya at binuksan ko na ang pinto at lumabas. Mabilis na inabot ko ang kamay niya at hinila siya palapit sa'kin para sana halikan sa labi nang itulak niya ako sa dibdib. "Hon, ano ka ba. Nasa harap tayo ng bahay."
Napatingin siya sa likod.
"Ano naman?" pinihit ko pa siya palapit sa'kin. "Alam naman na ng mga magulang mo."
She pouted her lips at natawa lang ako sa pagiging cute niya. Ganda talaga niya. "Kahit na, noh? Dalagang Filipina pa rin ako." Inabot niya ang isa kong kamay. She laced her fingers to mine. "Halika, maglakad-lakad muna tayo."
Hinila na niya ako.
"Ano ba sasabihin mo?" basag niya.
I was taken aback. Nakalimutan ko na may sasabihin pala ako kay Alyana. I was silent for a moment. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula o kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. I had my own spur of the moment chance to take back everything I said to my father.
But that would be stupidity!
Gagawin ko ito hindi dahil gusto ko. Gagawin ko ito para kay Alyana. Isang taon. Isang taon lang Psalmuel. Mabilis lang 'yon.
"Hon," tumigil ako sa paglalakad at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Hinuli ko ang tingin niya. She look confused. "Isang taon."
"Isang taon na ano?"
"I just have to take care of something. Alam ko nasabi na natin kina nanay na magpapakasal na tayo next month pero kailangan ko lang talagang umalis." Parang dinaganan ng sasakyan ang puso ko nang makita ang pagkadismaya sa mga mata ni Alyana. Damn it! "Sorry, biglaan lang. Nagka-problema kasi ang factory namin sa Thailand. Hindi ko naman pwedeng pabayaan lang. Kailangan ko munang i-take over 'yon for a year para makabawi kami at malaman ko kung ano pang magagawa namin to save the business."
"Ang layo naman ng Thailand."
"Sorry," niyakap ko siya. "Mabilis lang naman ang isang taon. Besides, tatawag naman ako lagi at mag-vi-video call. Kapag kaya ng schedule ko ay uuwi ako ng San Antonio."
Napabuntong-hininga siya. "Ano pa bang magagawa ko?"
"Promise I'll make it up to you." Bahagya akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at masuyo siyang ginawaran ng halik sa noo. "We will make this work."
"Ayokong maiyak." She buried her face on my chest and hug me tighter. "Naiisip ko pa lang, nami-miss na kita. Okay lang sana kung sa Maynila pero ang layo na ng Thailand."
"Promise me, Alyana. Kahit anong mangyari," kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. I cupped her face saka ko hinuli ang mga mata niya. "You'll trust me."
"Muel?"
"Trust me, Alyana."
She nodded with a smile. "I trust you."
"Thank you," niyakap ko siya. "I love you Alyana."
"Mahal na mahal din kita Muel."
Halea
NAPAUPO ako sa kama nang mabasa ko ang text ni Alyana.
Ngyn ang alis ni Psalm. Tas kw nmn bkas. Kylngn tlga iwan nyo ko ng sbay? :( -Alyana
Naibaling ko ang tingin sa sariling repleksyon mula sa full length mirror ko sa kwarto. Suot ko ang white off shoulder dress na hanggang sa tuhod ko ang haba. Dinama ko ang lambot ng tela sa kamay ko. Maganda 'yong damit. Simple pero elegante pa rin tignan. Pero mukhang hindi naman bagay ang magandang damit na 'to sa okasyon na 'yon. Sayang lang.
Isang simpleng civil wedding lang ang hiniling ko. Ayoko namang humarap sa Dios sa ganitong sitwasyon. Tama lang na sa papel lang kami ikasal ni Psalmuel. At mukha tama lang din ang desisyon ko, dahil wala pa lang balak si Psalm na sabihin kay Alyana ang totoo.
I sighed.
Naupo siya sa gilid ng kama.
At marahil, isang taon mula ngayon ay makikipaghiwalay rin siya.
"Alam mo bang bawal isuot ang damit pangkasal bago ang kasal?" napalingon ako sa may pintuan. Si Kuya Makisig pala. Walang ka ngiti-ngiting pumasok siya nang tuluyan at naupo sa tabi ko. "Noong sinuot mo ang uniform mo bago ang pasukan, natuloy pa rin ang klase mo."
"Matutuloy pa rin naman kuya ang kasal. Wala naman akong ibang choice e."
"I wish we have other choices." Napatingin ako kay kuya. Malungkot ang mukha niya. "Ayokong ibigay ka sa lalaking wala namang balak na mahalin ka."
"Kuya?"
"Alam ko, simula pa lang." Naingat niya ang tangin sa'kin. "Na umiibig ka sa kanya. Iba ka kung makatingin sa lalaking 'yon. Malagkit pa sa glue. Kulang na lang idikit kita sa likod niya."
"Kuya naman e," naitakip ko ang mga kamay sa mukha. Nakakahiya. Napansin pala niya. Sabagay, medyo chismoso din kasi 'tong si kuya.
Inalis niya ang mga kamay ko. "Kilig na kilig ka naman."
"Paano naman ako kikiligin sa lalaking hindi naman magiging akin – aray!" napahawak ako sa noo nang pitikin 'yon ni kuya. "Nanakit, ha?!"
Natawa lang siya. "Baka nga puro ka-bitteran lang ang mababasa ko sa mga diary mo."
"Hindi ako bitter. Masaya ako. Full of positive thoughts ang diary ko." Kaila ko pa. Sa isip ko binibilang ko na ang mga pahina na may inspirational message ako sa sarili. Takte! Wala akong matandaan ni isang page. Kaiyak! "Basta, all about self worth ang isinusulat ko."
"Talaga lang, ha? Pabasa nga ng isa." Dumiretso ang tingin niya sa shelves ng diary ko.
"Hoy, hindi pwede! Kaya nga diary kasi private owned 'yon." Inakbayan naman niya ako bigla sabay gulo ng buhok ko. Sinusubukan ko siyang itulak pero 'di ko matibag. Ano ba 'yan! "Kuya!" hinuli ko na lang ang kamay niya kasi magmumukha na akong bruha sa paggugulo niya sa buhok ko.
"Dadalo sana si Papa sa kasal mo kaso kailangan niyang samahan si Mama." Natigilan ako. "Kaya okay lang ba kung si kuya lang muna ang dadalo sa kasal ng bunso namin?" naibaba ko ang mga kamay at napatingin sa ibang direksyon.
Bigla akong naiyak sa sinabi ni kuya. Naninikip ang dibdib ko na maalala ang mga magulang namin.
"O, 'di ka na nakapagsalita riyan?" sinilip niya ang mukha ko. "Ayaw mo ba? Choosy mo, ha?"
"Kainis ka kasi e," mabilis na pinahid ko ang namumuo pa lang ng mga luha sa gilid ng mga mata ko. "Pinapaiyak mo ako."
"Bakit inaaway ba kita? Sabi ko lang ako dadalo sa kasal mo. Na touch ka ba masyado?" Pagtingin ko sa mukha niya halatang nang-aasar pa ang loko. Bwesit! "Masyado bang maganda 'yong pagkabitaw ko ng linya?"
"Kuya!" inis na tawag ko sa kanya.
Natawa lang siya. "Ikaw talaga," ginulo niya muli ang buhok ko. "Hindi ka na mabiro." Sumeryoso naman agad ang mukha niya. "Ikaw, huwag ka masyadong kiligin doon, ha? Bawal ang ma fall. Walang hagdan. At lalong-lalo na at walang sasalo."
"Kuya nimimersonal ka masyado."
"Sinasabi ko lang naman," he chuckled. "Paalala lang naman 'yon."
Napabuntong-hininga ako. "Alam ko naman kuya." Naingat ko muli ang tingin sa kanya at napangiti. "Salamat." Inilahad ko agad ang kamay sa kanya. "'Yong wedding gift ko, ha? Ten million cash."
Natawa naman ako sa reaksyon niya. Parang isasako niya ako at ipapahatak na lang kay Gaspar. But, nah, he wouldn't do that. Mahal na mahal ako ng kuya ko. I'll claim that.
"I will give you anything you want if you live longer. Deal?"
"I'll try –"
"Don't just try. Do it."
"Sige araw-araw akong maghuhubad para makabuo kam –"
"Halea!"
Itinaas ko ang dalawang kamay at nag-peace sign. "Joke lang po. Joke lang –" Pinitik ulit niya ang noo ko. "Aw!"
Napasimangot lang ako.
Pero 'di nga? Paano kami makakabuo kung ganoon nga? Dios ko, gawin n'yo na lang akong Our Lady of Immaculate Conception pero dapat si Psalmuel pa rin ang ama, ha?
Pwede kaya 'yon?
ARAW ng kasal namin sa munisipyo sa Consolacion.
Sobra akong kinakabahan. Makailang ulit kong inayos ang damit kong suot. Nanlalamig ang mga kamay ko. Simula kasi nang magkasundo ang mga pamilya namin ay hindi na nagpakita sa'kin si Psalmuel. Kahit wala siyang sabihin sa'kin nakikita ko naman ang galit niya sa'kin.
Inhale. Exhale. Paulit-ulit kong ginagawa. Kunot na kunot naman ang noo ni Kuya Makisig dahil mag-iisang oras nang late si Psalmuel. Ang sabi ni Don Pancho ay papunta na raw si Psalmuel pero hanggang ngayon wala pa.
Tumayo na si kuya at kinausap si Don Pancho.
Hindi naman ako mapakali at lumabas ako ng silid na 'yon para mag-banyo. Paglabas ko ay nakita ko si Psalmuel. Sobra akong natigilan. Lumakas ang kabog ng puso ko. Napaka-gwapo niya sa suot na simpleng white long sleeve polo na lalong nagpalitaw sa magandang dibdib at balikat niya.
Naka itim na pantalon siya at black sneakers. He was folding the sleeves up to his elbows habang naglalakad sa direksyon ko.
"Psalm -" tawag ko.
Pero nilagpasan niya lang ako.
Na para bang wala siyang taong nakita. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Napakurap-kurap ako ng ilang segundo bago ko nagawang lingunin si Psalmuel sa loob ng silid.
"Dios ko naman Psalmuel!" Narinig kong sigaw ni Don Pancho sa anak. "Ikakasal ka hindi ka gagala sa kung saan. Bakit ganyan ang ayos mong bata ka?!" Sermon niya sa anak. "Magpalit ka nga."
Tahimik na pumasok ulit ako sa silid.
"Magpapalit pa ako? Aksaya lang sa oras. C'mon, let's just start."
Naramdaman ko si kuya sa tabi ko. "Okay ka lang ba?"
Ibinaling ko ang tingin sa kanya at ngumiti. "Okay lang kuya."
Seryosong-seryoso ang mukha niya. Nakikita ko ang dismaya sa mukha niya pero kinokontrol niya ang sarili na huwag makagawa ng eksena na pagsisihan lang din niya.
Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamay. Bumaba ang tingin niya sa akin. Masuyo ko 'yong pinisil para pakalmahin siya. "I will be okay."
Binitiwan ko ang kamay niya at lumapit kay Psalmuel. Nasa harap na namin ang judge at mukhang hinihintay na lamang niya na sabihin namin na okay na kami at pwede na niyang simulan ang seremonya.
Lakas loob na tinignan ko siya sa mga mata. Napalunok ako nang wala akong makitang emosyon sa mukha ni Psalmuel. Pakiramdam ko sa mga oras na 'yon ay para akong isang bagay na hinding-hindi kailanman mapapansin o makikita ng isang Psalmuel Fidalgo.
Nanikip ang dibdib ko sa katotohanan na 'yon.
Ano pa bang aasahan ko sa kanya? Isang tao lang ang mahal ni Psalmuel. Kailanman ay hinding-hindi niya mapapansin ang isang katulad ko? Lalong-lalo na ang mahalin ang isang taksil na kaibigang katulad ko.
"Let's start," anunsyo ni Psalmuel.
Pilit akong ngumiti sa kanila kahit na sobrang hirap 'yon para sa'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro