Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Halea

INIISIP ko kung ano ba talaga ang mas maganda?

Ang malaman mo kung kailan ka mamamatay? O ang mabuhay na alam mong wala kang hinihintay na oras? The question really didn't mean a lot to me before. Hindi ko siya masyadong pinagtuonan ng pansin. Sino ba naman ang gustong mamatay? Sino ba naman ang gustong isipin kung kailan siya mamamatay? It would feel like you're plotting your own death bago mo pa natutunan kung ano nga ba ang kahalagahan ng buhay.

"Halea!" napasinghap ako, rinig na rinig ko pa mula sa lumang wine cellar ang boses ni Kuya Makisig pati na rin ang papalapit na yabag ng kabayo niyang si Gaspar. "Halea lumabas ka na riyan!"

Mabilis na iniligpit ko ang mga gamit ko at pumanhik sa itaas mula sa lumang spiral stairs. Sa pagbukas ko ng pinto ay halos ngumudmod na ang mukha ko sa damohan sa sobra kong pagmamadali. Gosh!

"Mahaleah,"

Kagat-labing naingat ko ang mukha sa kuya ko. Napangiwi naman ako nang makita ang seryosong ekpresyon ng mukha niya kaya mabilis na ibinalik ko ang tingin sa damohan. Lalo lamang akong napangiwi. Patay!

Bumaba si Kuya Makisig mula sa kabayo at lumapit sa akin. Tumingkayad siya ng upo sa harap ko at sinilip ang mukha ko nang hindi ko siya matignan sa mukha.

"Umalis ka na naman ng bahay nang hindi nagpapaalam kina Mama."

"Saglit lang naman ako kuya e. Sa totoo nga ay pabalik na ako sa casa kaso naunahan mo lang ako." Tinulungan niya akong makatayo. "Salamat."

"Alam mo naman na mawala ka lang sa paningin ni Mama ay halos ikamatay na niya 'yon. Pero makulit ka pa rin." Inilalayan niya ako pasampa sa kabayo. "Umuwi na tayo." Sumampa na rin si kuya sa kabayo at pumwesto sa likod ko. Hinawakan nito ang renda at hinaplos ang leeg ni Gaspar. He then pulled the reign. "Yaa!"

"Kuya nam –" napayakap ako sa katawan ni Gaspar nang mabilis na tumakbo ito. "Tubuan ka naman ng pakiramdam na hindi lahat ng tao ay professional horse back riders!"

Hinila ni kuya ang tag ng damit ko sa likod para paayusin ako ng upo.

"Ilang beses ba kitang pagsasabihan na kapag nakasakay ka kay Gaspar ay huwag kang maglilikot. The horse will feel your distress and it will make them disoriented. Relax."

"Sorry naman, 'di lang talaga ako sanay."

"Humawak ka sa renda." Tumalima naman agad ako. "Now, hold still." Oh no! Mukhang alam ko na ang susunod na gagawin ni kuya. "Yaa!" on cue na naipikit ko ang mga mata at itinikom ang bibig para pigilan ang mapasigaw nang lalong bumilis ang takbo ni Gasper. Dios ko po! Ayoko talagang sumakay ng kabayo kapag si Kuya Mak ang kasama. Aatakihin yata ako sa puso lagi.




KINAGABIHAN ay naabutan ko ang mga magulang ko at si Kuya Makisig na seryosong nag-uusap sa library namin sa bahay. Mukhang hindi yata namalayan ng tatlo na bahagyang nakabukas ang pinto dahilan para marinig ko ang lahat ng pinag-uusapan nila.

"Dalaga na ang anak natin Franco. At ilang taon na lamang ay tutuntong na siya ng bente tres. Kailangan na natin silang makumbinsi." Dama ko ang matinding kalungkutan sa boses ng aking ina. "Hindi ako papayag na mamatay si Halea gaya ng mga bunsong kapatid na babae ng 'yong pamilya. Our daughter deserves to live."

Napabuntong-hininga ang aking ama. "Kung sana ganoon lamang kadali ang lahat Cattleya." Gaya ng aking ina ay dama ko rin ang lungkot at pag-aalala sa boses niya. "Ayaw ko rin namang mawala sa atin si Halea."

"Wala na po ba tayong magagawa Papa?"

Nagpasya na lamang akong umalis at huwag nang makinig pa. Tahimik na dumiretso ako sa sala. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Sampung taong gulang pa lamang ako ay alam ko na ang lahat tungkol sa sumpang dala-dala ng pamilya Salvatierre. Ang sumpang nagdulot nang matinding sakit sa bawat pamilya ng henerasyon namin.

Naingat ko ang tingin sa mga lumang larawan ng mga bunsong anak ng pamilya Salvatierre na nakadikit sa pader. Si Lola Kristina, Lola Yasmin, kapatid ni Lolo Frederiko na si Lola Rossita at si Tita Regina na kapatid ng aking ama ay pare-parehong namatay sa edad na bente tres. Isang tingin mo pa lamang sa mga larawan ay kapansin-pansin na ang kagandahan ng kabataan na maagang binawi ng panahon sa kanila.

Ang pamilya Salvatierre ay nababalot sa sumpa na ipinatong ng pamilya Fidalgo, isang daan at dalawamput anim na taon na ang nakalilipas. Sumpang hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ng pamilya namin.

Isang lalaki at isang babae lamang ang nagiging anak ng pamilya namin at lahat ng kaisa-isang anak na babae ng Salvatierre ay mamamatay sa araw ng kaarawan nila kung hindi ito magkakaroon ng anak bago ito tumuntong sa edad na bente tres. 'Yon ang sumpa na ipinataw sa kanila nang patayin ng great-great-great-abuelo ko ang mahal niyang si Ysabella Fidalgo nang mas piliin ni Ysabella ang nobyo nito. Hindi 'yon matanggap ni Lolo Jaime kaya pinatay niya na lamang si Ysabella na ilang buwan nang buntis sa mga panahon na 'yon.

Dahil sa ginawa niya ay napuno ng puot at paghihiganti ang puso ng matriarka ng mga Fidalgo na si Donya Maria dahilan para ipataw sa kanila ang sumpa. Sumpang hindi pa tiyak ang lunas dahil base lamang ang lahat sa kuwento na naipagpasa-pasa lamang sa mga sumunod na henerasyon.

Si Lola Kristina ay tahimik na hinintay ang kamatayan nito dahil sa galit nito kay Lolo Jaime na siyang ama niya. Pilit siyang ipinakasal sa lalaking hindi naman niya mahal para mabuntis siya nang mas maaga pero hindi naging maganda ang pagsasama niya sa naging asawa dahil iba ang mahal ni Lola Kristina.

Si Lola Yasmin naman ay nagpakamatay bago paman tumuntong sa edad na bente tres sa sobrang depresyon.

Kuwento naman ni Lolo Fredericko ay masaya naman daw si Lola Rossita bago ito namatay kapiling ng asawa niya. Kaya lamang hindi rin nagkaroon ng anak ang dalawa.

Natuon ang buong atensyon ko sa nakangiting larawan ng kapatid ng aking ama na si Tita Regina. Kapansin-pansin ang pagkakahawig ko sa kanya. Kahit ako ay 'di makapaniwala. Mas mabait nga lang tignan si tita kaysa sa akin. Kaya siguro sobrang mahal ako ni Lolo Fredericko dahil nakikita niya sa akin ang anak niyang maagang nawala sa kanya.

Nagpasyang pumasok sa pagma-madre si Tita Regina at namatay sa araw ng ika bente tres na kaarawan niya sa loob ng silid niya sa kumbento. Wala ako gaanong maalala tungkol sa kanya dahil isang taong gulang pa lamang ako nang mamatay siya.

Kaya aasa pa kaya ako na mabubuhay pa rin ako?

Napabuntong-hininga ako at pumunta na lamang sa terasa sa second floor para magpahangin. Nangulambaba ako sa matigas at malamig na barandilya. Inangat ko ang tingin sa madilim na kalingatan na sa mga oras na 'yon ay napapalamutian ng mga bituin. Ayokong mawalan ng pag-asa. Gusto ko rin namang mabuhay kaya lamang 'yong percent na mabubuhay ako ay one percent lang. 'Yong ninety-nine percent ay nga-nga.

Twenty two na ako sa susunod na buwan. Ilang buwan na lang ulit ang hihintayin ko at susunduin na ako ni kamatayan. Kung mabubuntis ako bukas, aabot pa kaya ako sa nine months? Pasok pa kaya ako sa deadline? Pero ang imposible naman ng idea na 'yon. Ako? Mabubuntis bukas? Abnormal ba uterus ko at ang bilis ng development? May lakad? Dios ko!

Muli akong napabuntong-hininga.

Ang hirap mag-isip kapag may deadline. Ang hirap mag-cramming. Wala pang cheat day. Okay lang naman sa'kin ang mamatay. Matagal ko na 'yong tanggap... nang slight.

Pero sa totoo lang natatakot pa rin ako.

Nagsimula namang manikip ang dibdib ko. Naramdaman ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata ko. Gusto ko sanang lumaban. Gusto ko sanang gumawa ng paraan pero paano ko naman gagawin 'yon? Para akong susuong sa giyera na sarili lang ang dala. Walang armas at walang kasama.

Naramdaman ko ang paglandas ng mga luha mula sa aking mga mata. Napangiti ako nang mapait. Masakit talaga kapag wala ka man lang magawa para sagipin ang sarili mo. Mag-iiwan ka pa ng sakit sa mga taong nagmamahal sa'yo. Ang saya!



Psalm

"NO! I'm not gonna marry Halea."

"Psalmuel, listen to me. Your marriage with the daughter of the Salvatierre would be an asset to us. Lalawak ang mga ari-arian at lupain natin kapag pinakasalan mo si Halea."

Nagtagis ang mga panga ko sa pagpipigil ng galit. Sinikap kong maging kalmado. Damn, I didn't expect this one. Ang buong akala ko ay hindi na niya pakikialaman ang buhay ko. Kilala ko ang ama, my father would do everything for power and money. Alam ko na matagal nang mainit ang mata niya sa malawak na lupain ng mga Salvatierre.

Malakas ang kutob kong 'yon din ang isa sa mga dahilan niya kung bakit bumalik kami sa San Antonio. The Salvatierre are sworn enemy of the Fidalgo. Malaki ang sigalot ng dalawang pamilya dahil sa ginawang pagpaslang ni Jaime Salvatierre sa aking Lola Ysabella noon. Inangkin ni Don Jaime ang halos kalahati ng lupain ng mga Fidalgo hanggang sa mapilitan silang umalis ng San Antonio.

Hindi ko alam ang buong kwento ng alitan ng dalawang pamilya at wala rin akong pakialam. Hindi naman 'yon laging binabanggit ng ama ko. Sumpa para sa akin ang maging isang Fidalgo. I'm not close with my father. There is a big wall between us. And it works better for me. Tama nang ama ko siya sa papel at dugo. Hindi na namin kailangang umaktong mag-ama sa isip at gawa. That's already bullshit!

"You can't make me, Pa. Hindi ako katulad mo na kayang gawin ang lahat para sa kayamanan. Hindi ko masisikmura 'yon."

"Psalmuel, ama mo pa rin ako. Alam ko ang mas makabubuti sa'yo."

"No," iling ko. "You don't know what's best for me. Ang alam mo lang ay kung anong makabubuti sa'yo. You're a selfish man. You only care about yourself. At hinding-hindi ko maintindihan kung bakit minahal ka nang sobra ni Mama. You don't deserved all her tears and love."

"You will do as I say, Psalmuel."

"You can't run my life. May sarili akong isip. I can decide on my own. Kung magpapakasal man ako ay hinding-hindi kay Halea. Si Alyana lang ang mahal ko at siya lang ang ihaharap ko sa altar at hindi sa babaeng magbibigay sa'yo ng lupaing gusto mo. I will marry Alyana with our without your consent."

Tinalikuran ko ang ama at dire-diretsong naglakad papunta sa pinto.

"May sarili rin akong isip, Psalmuel." Napahinto ako sa paglalakad. "I can do anything I want, with our without your consent." Naikuyom ko ang mga kamay. "Ikaw na nga ang nagsabi na kilala mo ako. Bueno, hindi ko na kailangang isa-isahan sa'yo ang pwede kong gawin. Isa kang Fidalgo, alam mo kung paano ako mag-isip at gumalaw."

Marahas na nilingon ko ang ama.

"Think about it, son."



Halea

IPINARADA ko ang bisiklita sa harap ng flower shop nila Alyana. Isa ang Calle Antonio sa pinakalumang calle sa Pilipinas. Halos mga tindihan lamang nakahilara doon at hindi pa nagagalaw ng mga modernong esktrakura. May mangilan-ngilan pang mga kalesa at halos mga motor at bisikleta lamang ang nakakasalubong ko sa daan.

Simple lang ang pamumuhay sa San Antonio. Malayo sa polusyon ng Maynila at nabubuhay lamang ang mga tao sa pagsasaka, paglalako ng gulay, pangingisda at pagtitinda sa Calle Antonio. Mangilan-ngilan pa lamang ang mga commercialized buildings and establishments sa lugar namin. Dahil importante sa bayan namin ang ma preserved ang culture at heritage ay hinahikayat ang lahat na iayon ang desinyo ng mga tindahan at establisyemento sa esktratura ng mga gusali sa panahon pa ng mga espanyol.

Not totally, as long as may touch of culture pa rin. 'Yon din kasi ang panghatak ng bayan para sa mga turista.

"Nandito na ako!" Mula sa harapang basket ng bisiklita ko ay kinuha ko ang special biko na gawa ni mama. Nakasilid 'yon sa isang transparent tupperware. "May dala nga pala ako para kay Nanay Belen."

"Halea!" bating yakap naman ni Alyana sa'kin nang makalabas siya sa tindahan. "Buti naman pinayagan kang makalabas." Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin.

Ngumiti ako. "Syempre naman. Palalampasin ko ba naman ang unang nobena ni San Antonio?" lumapit ako sa kanya at bumulong. "Kung 'di ko pa sinabi kina Mama at Papa na magsisimba ako sure akong 'di ako papayagan lumabas ng mga 'yon."

Napangiwi naman ako nang tampalin ni Alyana ang isang braso ko. "Ikaw talaga!" pinandilatan niya ako ng mata. "Ginamit mo pa si San Antonio. Tamaan ka pa ng kidlat sa pagsisinungaling mo."

"Oy 'di naman. Lagi naman talaga akong nagsisimba." Pero may kakaiba akong napansin kay Alyana ngayon. Ayos na ayos siya at parang naglagay pa ng make up sa mukha. Medyo nanibago ako. "Teka nga lang," hinawakan ko ang mukha niya at sinipat 'yon. "Sasali ka ba sa Ms. Gay mamaya at naka make up ka pa?"

Tinampal niya ang mga kamay ko. Natawa lang ako.

"Ay grabe siya. Hindi ah."

"E bakit mukha kang tao?"

Bigla siyang bumulong sa'kin. "Umuwi na si Psalmuel."

Natigilan naman ako nang marinig ang pangalan ni Psalm. Naramdaman ko na naman 'yong sakit na akala ko ay wala na at nakalimutan ko na. Pilit akong ngumiti kay Alyana. "Ay kaya naman pala ang ganda natin kasi nandito na si baby boy mo." Tukso ko pa kahit na sa loob-loob ko gusto ko nang maiyak.

Namula naman si Alyana. "Ano ba! Huwag ka ngang ano."

"Kinikilig ka naman e."

Hindi alam ni Alyana na gusto ko rin si Psalm. Wala naman akong pinagsabihan. Kahit na super close kami ni Alyana madami pa rin akong inililihim sa kanya. Okay lang din 'yon, at least wala gaanong maalala si Alyana kapag nawala na lang ako bigla.

As for Psalm, wala... wala na talaga akong pag-asa sa kanya. 'Di rin naman kami close. Kilala niya lang ako bilang best friend ni Alyana.

At sino ba naman ako para sirain ang pagmamahalan ng dalawang taong pinakamamahal ko? Their happiness is something that I couldn't take away from them. That would be too cruel.

Napangiti ako nang mapait.

Dadalhin ko na lamang hanggang sa kamatayan ang lihim na pag-ibig ko para kay Psalm.




MAGKASAMA kami ni Alyana na pumunta sa simbahan ng San Antonio. Natigilan naman ako nang makita ko agad si Psalmuel na naghihintay sa 'di kalayuan. Mukhang nakita niya naman agad kami at napangiti. Napalunok ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa ngiti niya. Kumaway siya sa amin at nagsimulang maglakad palapit.

Matangkad si Psalm. Moreno at makisig. Halatang-halata ang dugong Kastila niya kahit pa moreno siya. Matangos ang ilong, maamo ang mukha at gwapo. Sa bayan ng San Antonio kung mag-po-poll man ay dalawa lang ang maglalaban sa kagwapohan at kakisigan. Ang Kuya Makisig ko at si Psalmuel. Pero nga taksil ang puso, matimbang pa rin sa puso ko si Psalmuel kaya mas gwapo siya kaysa kay kuya. Haha!

"I missed you." Niyakap ni Psalmuel si Alyana. Para yatang dinurog at pinagpipiraso ang puso ko sa mga oras na 'yon. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Psalm.

"Na miss din kita Muel." Bating yakap ni Alyana sa nobyo.

Pilit akong ngumingiti para sa kanila pero hindi ko kailanman maloloko ang tunay na nararamdaman ko. Iginala ko na lamang ang tingin sa paligid. Hindi na yata ako aabot sa bente tres kong edad kung hindi pa ako aalis. Naninikip na nang husto ang dibdib ko. Nagbabanta ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

Humugot ako nang malalim na hininga at lakas loob na binalingan ang dalawa.

"Alyana," aniya. "Mauna na ako. Hanapin ko muna si Kuya Maki. Sabi niya kasi magsisimba rin siya."

Kumalas sa pagkakayakap si Alyana kay Psalm. Titingin sana ako kay Psalm kaso seryoso 'yong tingin niya sa'kin. Kaya 'di ko na lang itinuloy.

"Akala ko ba sasabay ka sa amin?"

"Naku 'di na," ngumiti ako. "Nakalimutan ko kasi sabihin sa'yo na pupunta rin sila kuya at ang mga magulang ko." Hindi ako mapakali kasi 'di ko talaga maintindihan kung bakit iba ang tingin sa'kin ni Psalm. Imposible namang may malisya 'yon, diba? Kakapagod kayang umasa. "Sige alis na ako."

Tinalikuran ko na sila at naunang naglakad papasok sa simbahan ng San Atonio. Napahawak ako sa pendant na krus ng kwentas ko na para bang mababawasan 'yong sakit na nararamdaman ko sa mga oras na 'yon.

Halea, okay lang 'yan. Mamatay ka rin. Magiging abo at maglalaho sa mundo. Huwag ka nang umasang magka-love life.

Humugot ako nang malalim na hininga.

"Halea," nagulantang ako nang biglang may umakbay sa akin. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Kuya Makisig. Hindi naman nakaligtas sa akin ang mga babaeng kinikilig sa isang tabi habang nakatingin sa amin. "Hindi ba sinabi kong huwag na huwag kang aalis na hindi ako kasama."

"K-Kuya," pumiyok pa ako.

"Hay naku," hindi nakaligtas sa akin ang mapang-asar na ngiti niya dahil siguro sa pagpiyok ko. "Kahit kailan napakakulit mong bata."

Napasimangot ako. "Hindi na ako bata. Bente uno na ako."

"Bata ka pa rin."

"Kuya ipagdasal mo sa Dios na magka-love life na ako."

"Bakit Niya naman uunahin ang love life mo?"

"Kasi wala na akong oras."

"Then I will ask Him to give you forever to wait for that love life."

Napangiti ako. Sobra akong na touch sa sinabi ni Kuya Maki. Kung may award man para sa isang ulirang kuya ay ino-nominate ko si Makisig Salvatierre. Strikto pero sweet ang kuya ko. Hindi nga lang halata. Madami nang naisakripisyo ang kuya ko dahil sa akin. Pati ang babaeng mahal na mahal niya ay nawala sa kanya dahil sa akin.

Makisig Salvatierre is no doubt a real makisig. Matangkad, gwapo at mistisong-mistiso. Siya ang namamahala sa hacienda at mga sakahan namin kaya madalas siyang naka puting t shirt, kupas na pantalon, tsinelas, at may suot na salakot sa ulo. Minsan, nagmumukha pa siyang kasapi ng KKK kaysa haciendero. Cute!

"Thank you," may ngiting sagot ko sa kanya.

Mabibilang man sa kamay ang pag-ngiti niya at madalas man siyang walang emosyon. Nakatago naman ang isang uliran at magpagmahal na kapatid. Kaya mahal na mahal ko ang kuya ko. Sobra!

ISINARA ko na ang diary at inihilig ang likod sa upuan. Napatingala ako sa kisame. Wala namang maganda roon maliban sa mga anay na ilang taon na yatang nagtatago at nabubuhay sa mansion namin. Ibinaling ko ang tingin sa buong paligid. Nakakalat ang mga hindi pa tapos na paintings sa isang tabi.

Hindi ako matalino kagaya ni Alyana. Puro ako kalokohan. Puro kakulitan. Pero seryoso talaga akong tao. Hindi lang halata. Natawa ako sa na isip. Okay, stop it Halea. Lumipat ako sa four poster bed ko na kama at padapang nahiga.

Ipinikit ko ang mga mata pero larawan naman nila Alyana at Psalm ang laging bumabalik sa isipan ko. 'Yong eksena kanina. Naiinggit ako pero sino ba naman ako, diba? Kilala nga siguro ako ni Psalm pero wala naman 'yong pakialam sa'kin.

Bumuntong-hininga ako.

Nakakapagod.

Naramdaman ko naman ang antok. Itutulog ko na lang ang lahat. Tutal hindi naman na magtatagal ay 'di ko na rin mararamdaman 'yong sakit.



IKALAWANG ARAW ng nobena at nagsimba ulit kami. Hinihintay namin si kuya sa labas ng simbahan dahil kinuha niya ang sasakyan. May kausap naman sila Mama at Papa kaya lumapit na muna ako sa wishing fountain sa harap ng simbahan. Kumuha ako ng five peso coin sa bulsa ng dress kong suot. Pinagdaop ko ang mga kamay malapit sa bibig ko at ipinikit ang mga mata.

Lord, world peace na lang ang hihilingin ko Sa'yo. Alam ko kasing imposible kung long life. Ayoko rin umasa sa papansit. 'Di naman ako Chinese e.

"Tabi!" naimulat ko ang mga mata nang marinig kong may sumigaw. "Halea!" narinig ko pang sigaw ni Mama na siyang nagpalingon sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may papalapit na batang lalaki na nagbibisiklita sa direksyon ko. Dios ko! Tatamaan ako.

Na istatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi ko maigalaw ang katawan ko. Naipikit ko na lamang ang mga mata ko at hinintay na mabangga ako nung nagbibisiklita. Naman Lord, turning 22 pa lang ako. Bakit tayo napaaga?

Napasinghap ako nang biglang may bumuhat sa'kin at sa isang iglap ay naramdaman ko ang pagyakap ng malamig na tubig sa buong katawan ko pero wala naman akong naramdaman na kahit anong sakit o tama ng matigas na bagay. Naitaas ko ang dalawang kamay dahil feeling ko nalulunod ako. Nakainom ako ng tubig.

"Halea!" narinig kong tawag sa'kin ni Mama. "Dios ko, anak. Makisig tulungan mo ang kapatid mo."

"Are you okay?" tanong sa'kin ng isang pamilyar na boses.

Pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki dahil nanlalabo ang mga paningin ko. Inihit pa ako ng ubo dahil sa tubig na nainom ko. Ilang beses ko pang ikinurap-kurap ang mga mata bago naging malinaw ang mukha ng lalaki.

Psalmuel?

Patay na ba ako? Bakit si Psalmuel na ang nakikita ko?

Nakita ko naman ang mukha ng kuya ko.

"K-Kuya," nanghihinang tawag ko sa kanya pero hindi rin nagtagal ay nawalan na rin ako ng malay nang magdilim na ng tuluyan ang paningin ko.

PAGMULAT ko ay nasa sariling silid na ako. Napangiwi ako nang biglang gumihit ang sakit sa sentido ko. Hindi ko na lang pinilit ang sarili na lubusang bumangon. Narinig ko namang nag-uusap ang mga magulang ko sa labas. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya naririnig ko sila.

"Wala na tayong oras Franco. Kailangan na nating maikasal si Halea."

"Pumayag na ang ama ni Psalmuel."

Sinong ikakasal? Bakit nasama ang ama ni Psalmuel?

"Pero anong problema?"

"Ayaw ni Psalmuel."

Nasapo ni Mama ang noo. Kitang-kita ko mula sa higaan ko ang pagod at hirap sa mukha ng aking ina. Hindi ko maiwasang masaktan para sa kanya.

"Isang taon lang naman ang kailangan natin Franco." Garalgal na sabi ni mama. Niyakap siya ni Papa. "Isang taon lang." Iyak na ni Mama. "A-Ayoko lang mawala ang anak natin Franco. H-Hindi ko kakayanin."

Mabilis na pinahid ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Tumagilid ako ng higa pero patuloy pa rin ang paglandas ng mga luha sa mga mata ko. Simula nang ipanganak ako lagi na lang nag-aalala sa'kin si Mama. Ginagawa niya ang lahat para 'di ako mapahamak. Ayoko na silang makitang nasasaktan at nahihirapan dahil sa'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro