Chapter 5
Chapter 5: Brother
Show them your pure beauty. Make them kneel, your majesty.
Bagot akong nakatingin sa mga kamay ng orasan habang hinihintay ang pagtatapos ng klase. Taimtim na nakikinig sa lecture ng prof ang iba habang ako ay nangangawit na sa kakaupo rito. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito, ah?
I shook my head and focused my attention on my notebook. Dito nakasulat ang mga activities na kailangan kong gawin para sa aking blog. I stayed up all night because of this.
Kinagat-kagat ko pa ang ballpen ko habang tinititigan ito. Kumunot ang aking noo nang mapansing mahirap gawin ang mga iyon.
"Ms. Salvador, is there a problem?"
Napaitlag ako nang banggitin ni Prof. Fernandez ang aking pangalan. His death glares sent shivers to my spine. I showed him my million dollar-worth smile that earned a frown from him.
"Nothing, sir," I uttered.
Tumango naman siya at bumalik sa kaniyang lamesa. I let a heavy sigh as I wrote down the notes.
I need to find the cool stranger. He can help with this. Hindi niya naman siguro ako tatanggihan.
Dali-dali akong tumayo nang i-dismiss na kami ng prof. Kinuha ko ang aking phone at nagtipa ng mensahe para sa kaniya.
Ako:
Where are you?
I am heading to the garden when a girl with weird glasses blocked my way. Naasiwa ako sa butterfly style ng kaniyang salamin. Too childish. Mukhang napansin niya naman iyon kaya mahinhin siyang natawa.
"It's just a dare. Anyway, would you like to try out for the Photography Club?" she asked with hopeful eyes.
Today until tomorrow is our 'Club Hunting'. The students are allowed to find their desired organization. The clubs are determined to earn members because if they will not have the target number of members, they will be terminated.
Nahihiya akong tumango. "Uh... Sure!" Sakto at plano ko talagang magtry-out. Mabuti na lamang at nakasalubong ko siya. Dala ko rin naman palagi ang camera ko kaya walang problema.
Iginiya niya ako sa field kung saan may mga nakaayos na upuan. Sa harap nito ay may mahabang lamesa na siguro ay para sa mga orihinal na miyembro ng club.
"By the way, I'm Glyde. You are?" tanong niya habang pinapaupo ako.
"I'm Red. Nice to meet you." I extended my hand for a shake. She reached for it and chuckled.
"You are too formal, Red," she commented.
Nangiti ako at pinayagan na siyang makaalis dahil kailangan na siya sa harapan. I noticed that there are only 5 members in this club.
"Good day, students. I'm Sky, the founder of this club. Thank you for choosing our club but unfortunately, among all of you, we will pick only 5 entries that will pass our standards. Ang mga mapipili ay makakasama namin sa Photography Club. Here's Glyde to explain to you the mechanics."
So, lima lang ang pipiliin sa amin. Sa bilang ko ay labing-tatlo kaming sumali rito. Walo ang matatanggal, anong mangyayari sa kanila? They don't have a choice but to search for another organization? That's awful. Ito ang gusto mong piliin dahil nandito ang puso mo pero kung hindi ka mapipili ay mapipilitan kang sumali sa iba. Paano kung hindi mo gusto roon?
I shrugged and listened to Glyde instead of having internal turmoils.
"Here is the mechanics. We will give you 60 minutes to take shots around the campus. After an hour, you must go back here for us to evaluate your chosen shot. Your entry must have a title. Again, you only have an hour so, please maximize your time. You may start now," she explained.
Agad naman akong umalis doon at naglakad-lakad. Napurnada pa ang panghingi ko ng tulong kay Magnus. 'Di bale, may susunod pa naman.
At dahil nga 'Club Hunting' ngayon, maraming estudayante ang nagkalat. Hindi naman kami mamamarkahan ng absent dahil nga kasama ito sa school requirements.
Pumunta ako sa greenhouse at sinilip ang loob nito. Namataan ko ang isang paru-parong nasa kulungan kaya lumapit ako.
Naghahalo ang mga kulay na puti at itim sa mga pakpak nito. Nakakamangha ang pagkaka-blend ng kulay. Napaka-espesyal siguro nito kaya nakakulong.
Pero, gano'n ba talaga iyon? Kapag mahalaga, tinatago at kinululong? Hindi kaya nakakasakal ito? If it is truly special to you, you will let it fly and wander. Walang rason para pigilan mo ang mga ito na maranasan ang buhay. Hindi tayo Diyos para ipagkait sa kanila ang kanilang kalayaan.
Tinapat ko rito ang lente ng camera at kinuhanan ito ng litrato sa iba't ibang anggulo. When I felt satisfied, I went back to the field.
There are only five minutes remaining and it is enough for me to think of a title. This is the hardest part. I stared at my best shot.
"Are you done?" tanong sa akin ni Glyde na may hawak-hawak na clipboard.
Umiling ako. " Not yet. Wala pa akong title."
She nodded and walked away.
Unti-unti na ring bumabalik ang iba. Tumingin ako sa aking relo at nakitang malapit na matapos ang isang oras na nilaan nila para sa amin.
"Because all of you are already here, you have to pass your entries. For everyone's convenience, just send it to our email address. Of course, don't forget your title. Thank you," Glyde said, still wearing her weird glasses.
I composed a message and pinned my entry. I tightly closed my eyes as I think of an appropriate title.
"Need help?" Minulat ko ang aking mata pagkarinig ng pamilyar na boses. Nakaupo ito sa gilid ko at may kagat-kagat na ubas.
Habang nakatingin sa estranghero na ito, biglang pumasok sa aking isipan ang isang ideya. Agad ko naman itong tinipa bago i-send.
'A Convicted Majesty'
"No need. I'm already done. Let's go," pag-aanyaya ko sa kaniya
"Saan tayo pupunta?"
Hindi ko siya sinagot hanggang sa harangin kami ng isang matipunong lalaki. Halos magkasing-tangkad lang sila ni Magnus. Makikita mo rin ang pagkakaparehas ng kulay ng kanilang mga mata.
"Excuse me, miss. You forgot to write your name here." He lent me the registration form and a pen.
Sinulat ko ang aking pangalan pagkatapos ay nagmamadaling hinatak si Magnus palayo sa lugar na iyon. Hindi pa kami tuluyang nakakalayo ay nagsalita muli ang lalaki.
"So, you are my brother's new prospect, huh?"
I stopped on my track and turned to Magnus. Confusion is visible in my face while he is emotionless. I frowned at him.
Hinarap niya ang lalaki at matalim itong tinignan. Umangat naman ang gilid ng labi nito. Hindi ko maiwasang maipagkumpara ang dalawa. Hindi maitatanggi ang pagkakahawig nila.
Magnus held my hand tightly. " Fuck off," he growled.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro