Chapter 30
Chapter 30: Live
Live every moment. Life has to be well-spent.
Time.
That's what we lack. Masyadong mahirap kalabanin ang oras na kaya nitong pabilisin ang takbo ng panahon sa tuwing gusto mong bumagal ito. It is so powerful that it can end the happiness and contentment I am feeling. But not my love. Time can't defeat and outstand love. It will always find a way to make us feel safe even at the end of our time.
Kahit alam kong dehado, susugal ako. Walang kasiguraduhan ang buhay. Araw-araw kang bulag sa mangyayari sa iyo at wala kang magagawa kundi tanggapin ang hamon nito.
Hinanda ko muna ang sarili at suminghap. Bumundol ang sakit at kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya pero sana manatili pa rin siya sa akin kahit hindi namin hawak-hawak ang mangyayari sa buhay ng isa't isa.
Pumikit ako at bumulong. "Magnus... I'm sick..."
Naramdaman ko ang pagkatigil niya. Tila hindi inakalang pagkatapos ng pagiging buo ay mawawasak ulit ang lahat. Gusto kong lingunin siya pero natatakot ako na makita na naman ang sakit na babalot sa kaniya. Tinulungan ko siyang maging buo pero ako rin pala ang sisira sa kaniya sa bandang huli.
Nang hindi siya nagsalita ay hindi na ako nakatagal at umalis sa pagkakasandal sa kaniya. I stared at him. Nakataas ang isa niyang paa habang kagat ang pang-ibabang labi. Nakatitig lamang siya sa kawalan habang ako ay nagmamasid sa kaniya.
Lumunok ako para pigilan ang nagbabadyang pagbuhos ng mga luha. Ayokong makita niya na sa loob ko, matagal ko nang tanggap ang mangyayari sa akin. Gusto kong isipin niya na babalik ako... na lalaban ako ulit para sa aming dalawa.
Mapait siyang ngumiti sa akin. Nasulyapan ko kung paano kumuyom ang kaniyang mga kamao kaya itinago niya iyon. He chuckled. Pero hindi ko iyon makitaan ng saya. Para bang hindi siya makapaniwala na ang lupit ng mundo at kukuhanin na naman ang taong ayaw niyang mawala sa kaniya.
"I-I... already knew it, R-red. And it... hurts... now that I heard you finally said it to me... ending my hopes that... everything isn't true."
Hindi ako kumibo at tinakpan ang bibig dahil nagsimula na ang aking mga hikbi. Nasasaktan ako... na makita siyang ganiyan kahina. Sinaktan ko siya. I hate this feeling. I hate everything that is in between us.
Nagtaka ako kung paano niya nalaman pero naalala kong nasa kaniya pala ang notebook ko. Doon nakalagay ang mga drafts ko sa blog. At kasama roon ang tungkol sa sakit ko. Pero three years ago pa iyon.
"Your doctor knew about us... He contacted me at sinabi niya sa akin ang resulta ng test mo kanina..." sabi niya na sumagot sa aking tanong kung paano niya nalaman ang mga bagong impormasyon.
Kaya siguro ganito ang reaksyon niya. Masama ang lagay ko. Iyon ang totoo. At lalo akong nanlumo nang maalala ang resulta. I can't imagine how hurt he was when he knew about my worst situation.
Yumuko siya at sinapo ang ulo, hirap na hirap sa nangyayari sa amin. Bumaon ang sakit sa aking dibdib nang may tumakas na luha sa kaniyang mata. Natulala ako roon at nakita kung paano iyon bumagsak pababa. Hindi niya na kaya... pero kailangan naming tanggapin na kahit anong oras, maaaring tapusin ng sakit ko ang kung anumang namamagitan sa aming dalawa.
"Dati ko pa alam... pero... n-ngayon lang sumakit nang ganito... H-hindi ka pa tuluyang nagiging a-akin... binabawi ka n-na..."
Sinuntok niya ang kaniyang dibdib kaya lalo akong napahagulgol. Dinaluhan ko siya at pilit siyang inawat.
"T-tama na... Magnus! Tama na..."
Sunod-sunod na dumausdos ang mga luha sa kaniyang pisngi. Niyakap niya ako na parang takot na takot na akong pakawalan.
"Fuck life... Faith brought you to me... just for you to leave me... again and again..." bulong niya habang parang batang umiiyak.
Fear and pain flashed in his deep brown eyes. Alam ko iyon dahil gano'n din ang nararamdaman ko ngayon. Pumikit siya at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. Hinaplos ko ang buhok niya habang humihikbi.
Bumitaw siya sa yakap at tumingala sa langit. Humalakhak siya, may luha pa rin sa gilid ng mga mata niya. Wala akong naging imik nang humikbi siya. Nawalan ako ng lakas dahil doon. Pinanood ko kung paano siya natulala sa buwan.
"Sa d-dami ng pagkakataong i-iniwan ako... n-ngayon ko lang naramdamang wala nang b-babalik..."
Ilang sandali pa kaming nanatili roon hanggang sa mahimasmasan pareho. Hinatid niya na ako dahil lumalalim na ang gabi at kailangan na rin ng pahinga. Nakatayo siya sa aking harap at nakapamulsa. Hindi ako makatingin sa kaniya pero alam kong pinagmamasdan niya ako. Umawang ang bibig ko nang lumapit siya at binalot ako sa isang mainit na yakap.
"Kung papakawalan ba kita... makakaasa ba akong babalikan mo ako?" he whispered in my ear.
Natahimik ako dahil ayaw kong mangako sa kaniya. Pero kalaunan kusang bumukas ang bibig ko at tinugon siya.
"Hindi ko man kayang manatili... alam ko naman sa sarili kong babalik at babalik ako sa 'yo... Hadlangan man ng oras, makakahanap ako ng daan patungo sa mga bisig mo."
Tila kuntento na siya sa nadinig mula sa akin kaya lumuwag ang kaniyang yakap at kinintalan ng halik ang aking noo.
"I love you. Always."
Tumitig ako sa malalalim niyang mga mata at bumulong. "I love you, too. Always."
Kinagabihan ay inayos ko ang aking blog. Balak kong tapusin na ito ngayon. At the end of it, I expressed how a mere stranger made me feel safe amidst the greatest storm in my life. I smiled as I typed the words that will surely give him assurance.
Kinakabahan kong sinuot ang hospital dress. Tumitig ako sa salamin at bumuga ng hangin. I can see a girl who's afraid of life but striving to be alive. Pilit kong nilulunod ang kaba at takot pero ayaw magpatalo niyon. Ngumiti ako nang mapait at napagpasyahang lumabas na.
Sinalubong ako ni Mom at agad akong dinamba ng yakap. Umiiyak siya pero sinusubukang ngumiti. Hinalikan ko siya sa pisngi kahit hindi na mapokus ang atensyon niya sa akin dahil sa kakaiyak. Natanaw ko si Hera na nasa sulok at himihikbi. Tinatahan siya ni Vaughn. Ngitian ko sila pareho ngunit mas lumakas ang iyak ni Hera.
"C-come back, okay? Dadating si Pearl at Evan mamaya." Saglit na tumigil si Mom at pinunasan ang pisngi. "You got this, Red. Be strong."
Lumapit sa amin si Dew. Nakapamulsa siya at wala ang ngising palagi kong nakikita sa kaniya. Tinapik niya ang ulo ko at bumulong.
"Don't sleep too much. We'll wait for you."
Pinakawalan niya rin naman ako dahil dumating na si Doc Walter kasama ang ilang mga nurse.
"Did you follow all the preparations, Red?" bungad sa akin ni Doc.
Tumango ako. "Yes, Grandpa. I didn't drink or eat last night and I did not take the meds you gave to me."
"Good. We will now proceed to the operating room... You'll be okay..." Tinapik ako nito sa balikat at mahigpit akong niyakap. Sinukilan ko naman iyon.
I appreciate all of his efforts and kindness to me. I will never forget how he saved me from near death. And until now, he is still here with me, trying to save me again... for the last time.
"Thank you for everything..." I whispered to him.
Kumalas siya at ngumiti. "I will be more than happy if you will live... with no limitations. Live every moment, Red."
Nawala ang tingin sa akin ni Doc Walter at napunta iyon sa aking likod kaya lumingon ako. Nakita kong papalapit sa amin si Magnus. He is wearing a red and white checkered long sleeves with a black shirt, paired with a black tattered pants. His usual rugged-prince-look.
Ngumuso ako nang nasa harap ko na siya, nagpipigil ng ngiti. Suminghap siya at niyakap ako. "I have your heart. As long as I live, it will never stop beating. Don't you dare leave me, miss. This stranger will chase you down, no matter how far Life will bring you. Always," he uttered with a stoic face.
Nagpigil ako ng ngiti. Kahit seryoso siya ay ramdam ko pa rin ang takot na nananaig sa aming dalawa. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay ko ang flash drive na naglalaman ng blog ko. Kunot-noo niya iyong tinignan.
"It's for you... If I fail to come back... that is my heart. It will tell you how lucky I am when I found you." Tumulo na ang luha ko pero pinanatili ko ang aking ngiti. Pinanood niya ang pagbagsak ng aking mga luha.
"Kung hindi man ako makakabalik... gusto kong 'wag mo na akong h-hanapin... Tupurin mo ang mga pangarap mo... Bumuo ka ng mga alaalang hindi ako ang k-kasama mo... L-live every moment, Magnus... With your h-heart as my safe zone, I will be with you... Always..."
Iniwan ko na siya roon dahil hindi ko na kaya ang emosyong yumayakap sa akin. Kahit sa huling pagkakataon, gusto kong malaman niya ang tunay kong nararamdaman.
Habang itinutulak nila ang kinahihigan ko patungo sa operating room ay inalala ko ang lahat. Ang pagbabago ni Mom, ang paggabay ni Inang, pagkakaayos namin ni Ieana, Vaughn at ni Hera, ang suporta nina Tita Pearl at Kuya Evan, ang payo ni Dew, ang kabutihan ni Grandpa, at ang pagkakilala ko kay Magnus.
Inalala ko kung paanong minsan sa buhay ko ay natagpuan ko ang mga taong ito at kasama ko hanggang sa katapusan. Sila ang pinagkukunan ko ng lakas. At sana sapat iyon para balikan ko sila.
Nang dumating kami sa operating room ay wala akong madinig maliban sa tunog ng makina at mahihinang bulong. Naramdaman kong tinurukan ako ng anesthesia na nagpakalma sa sistema ko.
Naging malumanay ang pagtibok ng puso ko at bago tuluyang magsara ang talukap ng aking mga mata ay nakita ko ang pagbalot sa akin ng nakasisilaw na liwanag.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro