Chapter 29
Chapter 29: Sick
Truth kept me from falling to the sea. But Life ended my grasp and you collided with me.
"Good morning, dear. How's your sleep? I saw you last night, huh? With Magnus? God! You are so cute! I can hear the wedding bells already!"
Napailing na lamang ako sa kakulitan ni Mom. Talagang binubugaw niya na ako kay Magnus. Palibhasa nakita niyang hinatid ako kagabi at pasado raw sa panlasa niya. Naka-jackpot daw ako pero pakiramdam ko ay siya pa ang tumama sa lotto.
"Good morning, too, Mom. My sleep's just fine," sagot ko kahit hindi talaga ako nakatulog nang maayos kagabi.
Palaging sumasagi as isipan ko ang nangyari sa interview namin. Parang ayaw ko nang ilagay sa blog ko iyon. Pakiramdam ko ay walang may karapatang makaalam niyon kundi ako. I am literally becoming selfish of it and I don't care. It is really for me, anyway.
Kumuha ako ng toasted bread at nagpalaman ng cheese. Kinagatan ko muna iyon bago umupo sa harap ni Mom. Nagbabasa siya ng diyaryo at nakasuot pa ng reading glasses. Tumunganga ako sa kaniya.
"We will go to the hospital today, Red. Na-schedule na ni Walter ang operation mo. Kadadating niya lang kahapon. We will have the preparations this morning," Mom informed me while she is sipping her coffee.
Hindi ko inaasahan iyon. May parte sa aking masaya dahil matutuloy na ang aking operasyon at may pag-asang gagaling pa ako pero may namuong kaba rin doon dahil baka hindi iyon magtagumpay. I don't want to be pessimistic so I tried to smile and drown the uneasiness I'm feeling.
"Natanong mo na ba, Mom, kung kailan ako ooperahan?"
Binaba niya ang hawak na diyaryo at tinanggal ang kaniyang reading glasses. "Bukas pa raw nang sa ganoon ay makapaghanda ka pa," she answered with a worried smile.
We were both tensed as the deafening silence stretched. Pinilit kong ngumiti kahit bumabaon ang sakit sa aking dibdib. Gusto kong gumaling pero ayaw kong paasahin sila... pati ang sarili ko...
"Kaya mo ito, Red," pagpapalakas ni Mom sa aking loob.
Pagkatapos ng ilang paalala, gumayak na kami papunta sa Saint Joseph Medical Center. Nadatnan kong nasa reception area si Doc Walter at talagang naghihintay sa pagdating ko. Kaagad ko siyang niyakap na kaniya namang sinuklian. Tinapik ko ang kalbo niyang ulo kaya kumalas siya, naiirita sa aking ginawa.
"Nothing change, Red. Tss. Kailan mo ba titigilan ang pagpapaalala sa akin na kalbo ako? Ikaw talagang bata ka! Naku!" histerya niya habang sinasangga ang mga braso laban sa akin.
Mahina akong natawa dahil pinagtitinginan na kami ng mga nurse. Napagtanto naman niya iyon kaya nahihiya niyang binaba ang mga kamay at kunwaring pormal na tumikhim.
Humalukipkip siya habang tinitignan akong nagpipigil na tumawa dahil sa pagkapahiya niya. "Okay, Ms. Salvador. We will now proceed to the testing area. Please kindly follow me."
Ngumuso ako at sumunod sa kaniya, kasama pa rin si Mom. She wandered around the hallway of the hospital with her Gucci dress and Louis Vuitton limited edition bag. Hindi siya mukhang bankrupt na, samatalang ako ay mukhang basahan sa suot na ripped jeans at halter top.
"We will gather accurate information about your brain and arteries using Magnetic Resonance Angiography, which uses a powerful magnet. Then, a computer uses this information to produce high-resolution images. An MRA can often detect even small strokes in the brain," Doc Walter explained.
Hindi ito katulad ng Doppler dahil gumagamit naman ito ng magnet. Dahil matagal na nga mula noong huling test ko, kailangan ng panibago para malaman kung gaano na-clogged ang left artery ko. The last time we scanned it, it was 75 percent blocked. Ilang taon na rin ang lumipas mula noon kaya imposibleng hindi iyon tumaas. Kaya mukhang mahihirapan kami kung ooperahan nga ako.
Pagkatapos ng test ay dumiretso kami sa canteen nitong ospital. Hihintayin namin ang results para malaman kung ano ang gagawin namin. Tahimik kaming kumakain ni Mom. Pareho kaming nalulunod sa malalim na pag-iisip.
"You inherited this, Red," pagbasag niya sa katahimikan.
Doon ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Tila may napagtanto siya mula sa katahimikan. "My grandparents had Coronary Artery Disease while your Dad's mother had the same case with you, Carotid Artery Stenosis," she lowly uttered, enlightened why did I acquire such illness knowing that I have a healthy lifestyle.
Nanlambot ako. Nagtaka rin ako noon kung bakit ako nagkaganito. Iyon pala ay namana ko ito sa mga grandparents ko. Hindi ako nakakibo. Yumuko lamang ako at sinapo ang ulo, naliwanagan na rin tungkol sa kondisyon.
"Red, Chalondra..."
Napatayo ako nang dumating si Doc Walter. May hawak siyang envelope at hindi maipinta ang mukha. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib. Hindi rin mapakali si Mom kaya hinawakan niya ang kamay ko.
"Tignan mo..." Seryoso ang tono ni Doc Walter nang sabihin niya iyon. I saw how worry and pain flickered in his eyes. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang envelope. Nakayakap sa akin si Mom at umiiyak kahit hindi pa naman namin alam ang resulta.
Tinitigan ko ang mga litrato pero wala akong naintindihan doon. Kunot-noo kong tinignan si Doc Walter, naghihintay na sabihin niya ang nangyari. Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Be strong, Red..." Saglit siyang huminto kaya nagbigay iyon sa akin ng takot. "You are diagnosed with bilateral carotid artery stenosis, which means... both of your carotid arteries are affected," malungkot niyang sabi habang hinihigpitan ang hawak sa mga kamay ko.
"Oh, God! No!"
Humagulgol si Mom sa aking balikat. Hindi ako umiyak at sa halip ay ngumiti ako. Tinitigan ako nang mabuti ni Doc Walter, nagtataka sa naging reaksyon ko.
"M-ma... mamamatay na po ba ako?"
Lalong lumakas ang mga hikbi ni Mom at nanlaki ang mga mata ni Doc nang madinig ang tanong ko. Nahabag ako sa sarili. Lumubog ang puso ko sa sakit na nag-aabang. I even saw how Death grinned at me. Nalukot na ang hawak kong envelope dahil sa higpit na kapit ko roon.
"Your left artery is already 96 percent blocked while the other one is 42 percent blocked. But we can conduct a carotid artery endarterectomy. Don't worry," paliwanag ni Doc Walter para maibsan ang pangamba lumulukob na sa buong pagkatao ko.
Hindi kumalas sa akin si Mom hanggang sa pag-uwi namin. Siguro at natatakot na baka sa isang saglit lamang ay mawala ako sa kaniya. Sa totoo lang ay natatakot rin ako katulad nila pero ayaw kong ipakita iyon dahil baka lalo silang panghinaan ng loob at kaawaan ako.
Gusto kong umakto lamang na normal at walang nangyari. Ayokong maramdaman na malapit ko na silang iwan. Kahit sa kaunting panahon lang, gusto kong mamuhay nang walang sakit na inaalala.
Nakatulog na si Mom sa kakaiyak. Ngayon lamang siya tumigil mula pa noong pagdating namin. Tinuyo ko ang kaniyang pisnging basa mula sa mga luha. Nanginginig ang mga kamay ko at nangangatal ang labi habang pinagmamasdan si Mom. Bumaon sa akin ang sakit na hindi dulot ng kalagayan ko.
Natigil lamang ako nang may narinig akong kumakatok sa pinto. Tumayo ako at agad na dinaluhan iyon. Pagbukas ko niyon ay bumungad sa akin si Aling Toring, ang landlord.
"Uh. Magandang gabi po. Ano po iyon?" tanong ko.
Bahagya niyang inayos ang buhok niyang may mga rollers at sumilip sa loob. Napaatras ako dahil doon.
"May binata rito kanina, ineng. Kanina pang umaga kaso ay nagkasalisi kayo."
Napaayos ako nang tayo nang madinig ko iyon. Sigurado akong iisa lamang ang lalaking tinutukoy niya at nasa
isip ko ngayon.
"Talaga po?" paninigurado ko.
Tumango-tango siya at pinaypayan ang sarili. "Oo. Nandoon sa labas. Sa kotse niya. Nakatulog yata."
Wala na akong inaksayang panahon at agad na tumakbo. Nadatnan ko ang Mustang niya na nakaparada sa 'di kalayuan. Lumapit ako doon at kinatok ang bintana sa driver's seat.
Bumaba iyon at inaantok na tumingin sa akin si Magnus. Magulo ang buhok at halatang kagigising lamang. My heart sank in pain when I saw him. Hindi ko akalaing maghihintay talaga siya sa pagbalik ko. Kinusot niya ang mata at naniningkit na tinignan ako. Nakilala yata ako dahil napaigtad at tumama pa ang ulo sa bubong ng kaniyang kotse. Napangiwi ako dahil ramdam kong mahilab-hilab ang sakit niyon.
Tinitigan ko siyang umiinda sa sakit. Mas sumama ang pakiramdam ko nang maalalang siya rin pala ay baka maiwan ko. Suminghap ako at kinalabit siya.
"Malamig dito. Pumasok ka roon sa loob," utos ko at sinubukang papuntahin siya sa apartment.
Umiling si Magnus at inabot sa akin ang mga bulaklak na nasa shotgun seat. Red roses pa rin ang ibinigay niya. Nagtaka ako kung bakit ayaw niyang pumasok.
Napansin kong suot niya iyong black hoodie na suot niya rin noong una kaming magkita. Ngayon ko lang nakita na may naka-print pala roon. Sa maliliit na letra, nakasulat ang katagang 'Let me your freedom. Let me be your lifeline". Natulala ako roon at hindi kikibo kundi siya kumaway sa aking harap.
Pumikit-pikit ako at tumikhim. Natauhan na. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na, a?" tanong ko habang nakapamaywang.
"Wanna gaze upon the stars with this stranger?" tanong niya na nagpabuntong-hininga sa akin.
"Sandali lang. Hintayin mo ako rito."
Bumalik ako sa bahay at kinuha ang cardigan na nakatupi sa ibabaw ng wooden cabinet. Wala na roon si Aling Toring, marahil ay natulog na at hindi na nag-abalang hintayin ako. Tinignan ko muna si Mom bago ni-lock ang pinto.
Nang binalikan ko si Magnus ay nakasandal na siya sa hood ng kotse niya. Umayos siya ng tayo nang makita ako. Iginiya niya ako sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kapag siya na, buong puso akong sasama.
Bahala na kung malaman ito ni Mom at mapaglitan ako. Gusto ko lamang ngayon ay makasama siya.
Doon ulit kami pupunta sa bangin na naging tambayan na namin. Lalong gumanda iyon dahil madami ang mga bituin ngayon. Nakangiti kong pinagmasdan iyon.
"Akala ko... 'di ka na babalik... Naghintay ako..." he murmured, breaking the comforting silence between us.
Bumaling ako sa kaniya at makungkot na ngumiti. Nalungkot ako bigla nang sumagi sa aking isipan ang ginawa niyang paghihintay. Tinupad niya ang pangako niya na kahit walang kasiguraduhan ang pagbalik ko, maghihintay pa rin siya.
Ayokong saktan siya pero kailangan niyang malaman na posibleng dumating ang araw na hindi na ako makakabalik. Kailangan niyang tanggapin na sa pagmamahal niya sa akin ay ang walang kasiguraduhan kong pananatili sa kaniyang tabi. Na maging ako, nangangapa sa dilim kung kaya ko pang bumalik... nang hindi na hinahabol ng katapusan.
Suminghap ako at sinandal ang ulo sa kaniyang balkat. Naramdaman kong pumulupot ang kaniyang braso sa aking baywang. Hinalikan niya ang noo ko.
"Magnus..." Pumikit ako at binulong ang katotohanang humahadlang sa aming dalawa. "I'm sick..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro