Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22: Worn Out

The familiar feeling of being left behind chased me down. Little did I know, I am the one who's gonna leave you soon.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Wala ako sa sarili at namumugto ang mga mata. Parang lumulutang ako habang naglalakad sa gitna ng daan. Nagpasalamat na lamang ako at walang nangyaring masama sa akin.

I remembered that on my way here, I bumped into Ate Isme. She was one of our house helps. Nagpasalamat siya sa tulong ko na makahanap ng bagong trabaho. Wala naman sa akin iyon. I am responsible for that since we can't pay them anymore.

To give back for their loyalty to our family all these years, I doubled their salary for the last month except for the separation pay. Inirekomenda ko rin sila sa mga Amigas ni Mama. Sa kay Tita Pearl din ay nagsabi ako. Tinanggap naman nila ang mga iyon dahil kulang din sila sa tao.

Pinaabot din sa akin ni Ate Isme ang pasasalamat ng iba niyang kasamahan katulad ni Kuya Gerry. Malaking tulong daw iyon lalo na't na-aksidente ang kapatid niya sa pabrika kung saan ito nagtatrabaho.

Bago siya umalis ay kinamusta niya ang kalagayan ni Mama. Lahat daw sila ay nag-aalala dahil nasaksihan nila kung gaano naapektuhan ng pangyayari si Mama. Minsan daw ay dadalawin nila kami, kasama si Inang. Natuwa ako roon. Kahit hindi na kami ang amo nila ay hindi pa rin nila kami nalilimutan. Nakakataba ng puso.

Binigay ko sa kaniya ang bago naming address para makabisita sila. Bago siya umalis ay kinuha niya rin ang number ko para raw makatawag na lamang kung hindi makakadating.

Saglit kong nalimutan ang nangyari pero pagkatapos ng usapan namin ni Ate Isme ay bumalik agad iyon sa akin. Hanggang ngayon ay manhid pa rin ako pero nasa sistema ko 'yong sakit. Hindi mawala. Tinutusok ang puso ko. Lalo pa't nanaig sa akin ang kaisipang kasama ni Magnus si Jazz. Silang dalawa lang. Paano kung mag-usap sila tungkol sa nakaraan nila? At mapagtanto nilang mahal pa rin nila ang isa't isa? E 'di, talo na naman ako? The ghost of the past haunted me. Ang pamilyar na takot ay sumibol sa puso ko at naghatid ng pait.

Pilit kong iniwan ang iniisip na iyon dahil ayokong dagdagan ang pagod na nararamdaman. Lumiko ako sa eskinita at natanaw ang apartment. Napansin kong nakasindi ang ilaw mula sa bago naming tinitirhan kaya siguro ay nandiyan si Mom. Nalungkot siguro roon dahil mag-isa lamang siya. Iniwan na ang mansiyong pinakamamahal niya.

And I was right. Naabutan ko siyang tulalang nakaupo sa sofa. Wala na ang mga kahon. Inaayos na siguro niya. Nandoon na rin ang TV at pati ang iba pang mga gamit.

I went to her and kissed her cheeks. Wala siyang naging kibo. "What's wrong, Mom? May nangyari ba?" I asked, confused about her preoccupied state.

She stared at me blankly. Hindi niya ako sinagot. Then, my eyes dropped to the thing she is holding. Nanlamig ako at tinakasan ng kaluluwa. Nakakuyom ang kaniyang mga kamao habang hawak-hawak ang reseta at mga gamot ko.

"M-mom..." basag at mahina kong tawag sa kaniya. Natatakot ako sa maaari niyang sabihin. Pero higit aking natatakot sa kung ano ang pwede kong kahinatnan.

Bumaling sa akin ang mga mata niya. I saw how pain and fear flickered in her weary eyes. Ngumisi ako kahit nahihirapan nang huminga sa sobrang bigat ng dibdib.

Nilapag niya ang mga gamot sa center table at mabagal na naglakad papunta sa akin. Ngumiti siya ng tipid at hinaplos ang balikat ko. Nagbara ang lalamunan ko kakapigil na lumuha ulit. I don't want her to think that I'm fragile and vulnerable. I want to fight these tears. But they keep on falling from my eyes.

Bumukas ang kaniyang bibig pero sinarado ulit. Tila may gustong sabihin pero nag-aalinlangan. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin niya. Gusto kong mangibabaw 'yong sakit para masanay na.

Pinilit kong ngumiti. "S-sorry, ah? M-mom? Matagal ko nang tinanggap 'yon na m-mawawala din ako pero ngayon gusto kong... l-lumaban ulit." Yumuko ako, ayaw salubungin ang nasasaktan niyang nga mata.

Inaangat niya ang baba ko at hinarap ako sa kaniya. "G-gagaling ka, anak. Shh. Gagaling ka," Humikbi siya.

Lalong nanikip ang dibdib ko aa tunog ng pag-iyak niya. Parang tinambol ang puso ko. Hindi ko kaya. This is what I've feared. Ang malaman nila ang sitwasyon ko. If I can keep it to myself, I will. Because I don't want to inflict pain to them.

Kasi may napagtanto ako. Pain can change a person's heart no matter how strong it is. Katulad na lamang nang mawala si Dad, lumala ang trato sa akin ni Mama. Lalo siyang nasubsob sa trabaho. Thinking that it could somehow lessen the pain.

That's why I don't want to tell anyone about this especially to my mother. Ayokong magkaroon na naman siya ng sariling mundo na hindi ko maaaring pasukin. Ayokong pagsarahan niya na naman ako ng pinto. Ayoko na. Nakakadala.

Sumulyap ako kay Mom at nakitang tulala pa rin siya. Tanging sa mga gamot ko lang nakapako ang mga paningin niya. Hindi ko iyon natagalan at umiwas ng tingin.

Ang dami na naming problema tapos dumagdag pa ito. Mabuti na lamang at may tumutulong sa amin. Wala na akong iisipin pa tungkol sa mga kaso at sa mga empleyado. I already found a new job for our house helps.

Kung tutuusin ay pwede ko nang ituloy ang operasyon pero ayaw kong iwan si Mom. Sariwa pa rin sa kaniya ang mga nangyari at ayokong dalhin niya iyon nang mag-isa.

I prepared the table for our dinner. Baguhan ako sa pagluluto kaya simpleng putahe lamang ang nakayanan ko. Nakakanibago dahil sanay akong may nagluluto ng kakainin namin pero ayos na rin. Gusto ko ring maranasan ang mga bagay na ito at maging independent.

Nagpunas ako ng kamay at sinilip si Mom. Kaunti lang ang pagitan ng kusina at sala kaya kitang-kita ko siya. Gano'n pa din ang ayos, tulala at wala sa sarili.

I sighed and went to her. "Mom, dinner's ready. Let's eat..."

She turned to me with those swollen eyes. Nahabag ako. Bumundol na naman sa aking puso ang sakit.

She nodded. Nauna akong tumalikod para punasan ang namuong mga luha. I inhaled a shallow breath and struggled for another one. I wearily sat in one of the chairs. Umupo siya doon sa harap ko.

Dead silence. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Gusto kong magsalita ngunit hindi alam kung saan magsisimula. Pinapangunahan ako ng kaba.

Nag-angat ako ng tingin nang ibaba ni Mom ang mga kubyertos niyang hawak. Yumuko siya at sinapo ang noo. My eyes widened when I heard her sobbed! Nadurog ang puso ko doon.

Nanghihina akong tumayo. Lalong lumakas ang mga hikbi niya nang lumapit ako. I caressed her back, making her feel warm.

"I d-don't know what to do anymore, Red... Natatakot ako. Nawala na si Dad mo sa atin at a-ayokong..." Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil humagulgol na siya.

Naiyak ako sa nadinig. Alam ko 'yong pakiramdam na iyon. Being dead inside even though you're still alive and breathing. Pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Iyong kahit gusto mong umiyak ay wala ka nang mailuha. It felt like the world took away my life.

I hugged my mother tightly. Ibinuhos ko lahat ng pagmamahal sa yakap na iyon. Gusto kong maramdaman niya nandito pa rin ako at kung mawawala man ay mananatili pa rin sa puso niya.

"D-don't leave me, okay? You are all that I have. Nawala na ang lahat at kung pati ikaw ay ikamamatay ko na," iyak niya.

Tumango ako at tinahan siya. Kahit hindi siguradong mapagbibigyan ang hiling niya. Nagpatuloy kami sa pagkain haggang sa mahimasmasan na pareho. I washed the dishes first before checking on Mom.

Pumasok ako sa kwarto at nakitang gising pa rin siya. Nakatitig lamang sa kisame habang may tuyong luha sa pisngi. Umupo ako sa tabi niya kaya napabaling siya sa akin.

"You will not sleep yet? It's already late," she uttered with a low voice. Paos siya dahil sa kakaiyak.

I nodded, smiling. "I'll sleep. Will take a half-bath first. You should sleep now," I whispered.

Bumuntong-hininga siya at saglit na pumikit. "I called Walter a while ago. He already told me about your illness. Kailangan mo palang operahan?"

"Y-yes. Pero ayos lang naman kung ipagpapaliban muna-"

She cut me off and stared at me darkly. Hindi nagustuhan ang sinabi ko. "No. You will have your operation immediately. First thing tomorrow morning, we will go to the hospital and schedule it. I will let Walter handle everything," she insisted.

I bit my lower lip out of frustration. "A-alright. Just rest for now, okay?"

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. "Nag-aalala lang ako sa iyo, Red. Sana maintindihan mo ako. Natatakot ako. Ayokong may mangyaring masama sa iyo. Kaya hangga't maaari ay maagapan na ito."

"I'm scared, too. But I promise, Mom, I will fight. I will live longer. Promise."

I kissed her forehead and watched as she closes her worn-out eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro