
Chapter 19
Chapter 19: Fallen
Death is inevitable. So as you and I.
Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay nagisip-isip ako tungkol sa naging desisyon ko. Pilit sumasagi sa aking isipan na baka mas lumala lamang ang sakit ko kung ipapagpaliban ko na naman ang operasyon. Pero laging nagtatapos iyon sa isipin na kailangan ako ni Mom ngayon at wala siyang ibang masasandalan kundi ako lang.
"Please take care of yourself, Red. At sana ay hindi ka magtagal dito. Aalalahanin mo ang kalusugan mo," paalala ni Doc Walter sa akin bago siya umalis.
Magco-commute na lamang sana ako nang nagpumilit siyang ihatid ako. Hindi raw dapat ako mag-isang umuwi lalo na at gan'to ang sitwasyon ko. Mas inintindi niya pa ako kaysa sa birthday celebration ng anak niya. Hay, Grandpa. Ang tigas talaga ng bunbunan niya. Tsk, tsk.
Palapit sa mansyon namin ay dinumog ako ng media. Uhaw na uhaw sa aking pahayag, ginitgit nila ako kahit na nasasaktan na. Dagdag pa sa pagkairita ko ay ang pagkasilaw sa hindi matigil na pag-flash ng mga camera.
"Miss Salvador, ano pong masasabi niyo sa bankruptcy ng kompanya niyo?"
"May mga nagdemanda po sa pamilya niyo. Ano pong reaksyon niyo tungkol do'n?"
Sunod-sunod ang mga tanong nila na ang tanging naging malinaw sa akin ay ang pagkalugi ng aming kompanya. Is this the reason for Mom's sudden call? Bakit hindi ko alam ito? Noong huli naman naming pag-uusap ay maayos daw ang lagay ng kompanya.
Naipit ako sa bungad ng gate dahil sa nakapalibot na media. Hindi ako umimik at sinubukang kumawala sa kanila. Laking pasasalamat ko nang may dumalo sa aking bodyguard ni Mom at inalalayan ako papasok.
Naiwan doon ang mga reporters dahil hinarangan ng iba pang bodyguards. Kahit wala nang nakasunod sa akin ay hindi pa rin ako napapanatag. That was the first time that I felt offended because of the media. Alam naman kasi nilang hindi ako involved sa business namin kaya kung may issue ay labas ako. Ngayon lang talaga sila naging ganoong ka-agresibo sa akin.
Nakahinga lamang ako nang maluwag nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng mansyon. Nakahilera ang mga maleta sa aming sala at nakaupo naman si Mom sa sofa. Wearing her Prada and Balenciaga attire, she looks sophisticated even when crying and devastated.
Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi. Nang makita ako ay mas lalo lamang siyang napahagulgol, lubos na ikinalulungkot ang sitwasyon namin.
"Shh, I'm just here," I comforted her.
She clung into me until she was already calmed down. Gusto kong magtanong tungkol sa business pero ayaw kong palalain ang nararamdaman ni Mom. Hangga't maaari ay gusto kong siya ang kusang mag-kwento sa akin.
"Please have some rest, Mom. Ako na ang bahala rito," pakiusap ko habang inaalalayan siyang umakyat sa kaniyang silid.
She disappointedly shook her head. "I am sorry if we ended up in this situation, Red. Hindi ko akalaing dito hahantong lahat..." she trailed. Siguro ay alam nang may nalalaman na ako sa nangyayari.
I hushed and deposited her into her bed. Ilang sandali lamang ay naging pantay na ang kaniyang paghinga. She's that tired. Pagod siguro sa pagsagot sa media at ilang tawag mula sa mga kakilala.
"Ma'am, may mga dumating po rito kanina. Ang sabi po ay kukunin na itong mansyon," imporma sa akin ni Ate Isme habang inaabot ang isang brown envelope.
Binasa ko ang laman noon at mas lalo lamang nanlumo. Isinangla ito noon nila Mom nang magkasakit si Dad. Dahil sa hindi magandang estado ng kompanya, hindi na ito natubos. Ngayon, kinukuha na ito ng bagong may-ari.
"Babalik daw po bukas at sana daw po ay nakaalis na tayo," dagdag pa ni Ate Isme.
Napabuntong-hininga ako, hindi malaman kung anong magiging reaksyon. Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Matagal na palang may problema, wala man lang akong kaide-ideya.
Maging ang titulo ay sa iba na nakapangalan. Pirmado ito ni Mom at Dad kaya talagang wala kaming laban dito. We got nothing to do but to leave this mansion. It's not ours, anymore.
Ang inaalala ko ay ang mga trabahante rito. Wala na kaming pera para kailanganin pa ang kanilang serbisyo. Hindi na namin sila mabibigyan ng sahod. Kailangan na nilang maghanap ng ibang trabaho.
Sa totoo lamang ay nalulungkot ako. Napamahal na sila sa akin at ngayon ay mahihiwalay na sila. Marami na kaming napagsamahan at talagang nakapanghihinayang iyon. I will surely miss all of them especially Inang. Hindi ko kailanman makakalimutan lahat ng itinuro niya.
"M-ma'am, ano na pong mangyayari ngayon sa amin?"
I feel sorry for Ate Isme when she asked me that. Pakiramdam ko ay hindi nila deserve ito pero wala na akong magagawa pa.
"Don't worry. I will give all of you a separation pay. Pagkatapos ay ire-rekomenda ko kayo sa mga kaibigan ni Mom."
Tumango siya at iniwan na akong mag-isa roon. Baka magi-impake na ng mga gamit. Umupo ako at isinandal ang ulo sa sofa. Saan na kami pupulutin ngayon? Nadinig ko pa kanina na may nag-demanda sa amin. Siguradong hindi sila titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto.
Patay na ang mga grandparents ko both sides at sila Tita Pearl lang ang kilala kong kamag-anak namin. Sa kanila lang ako makahihingi ng tulong pero pinangungunahan ako ng hiya.
"Red, gusto kang makausap ni Evan."
Napabangon ako nang ilahad sa akin ni Inang ang telepono. They probably heard the news about what's going on with the company. That's why Kuya Evan is now calling me. I wonder kung ano ang sasabihin niya.
"Hello, Kuya," I murmured, trying not to be so obvious about my emotions.
"Red, we knew about your company... Is Tita alright? Kung kailangan niyo ng tulong, nandito lang kami, okay? Pupunta kami ni Mama diyan mamaya. Just don't entertain the media."
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Thank you, Kuya. We are in trouble right now and I don't know what to do. I-is it really okay if we will ask for some help?" I crumpled the end of my shirt, thinking of the embarrassment I'm feeling.
"Of course! There's no problem with that! Pamilya tayo, Red. Sinu-sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo lang din, 'di ba? Don't hesitate to call if you need anything. I'll hang up now. Take care."
"Thank you. Bye."
Inilapag ko ang telepono sa center table at pumikit. Siguro ay uunahin ko munang bigyan ng separation pay ang mga trabahante. Pagkatapos ay maghahanap ako ng murang matutuluyan. We need to cost-cut now that we lack resources. I will leave the cases filed against us to our family lawyer, Atty. Diego Buenavista.
Habang inaalala ang mga dapat gawin ay naramdaman ko ang pananakit ng aking ulo. Huminga ako nang malalim at kinuha ang gamot sa aking bag. Hindi tulad kanina, nakayanan ko ang sakit at matagumpay na naka-inom ng gamot.
"May sakit ka?"
Nagitla ako at nababahalang napatingin kay Inang nang magsalita siya. Hindi ko namalayang nandoon pa siya kaya hindi ko na inalala kung may makikita man. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at itinago ang gamot.
"W-wala 'to, 'Nay. Humihilab lang ang tiyan ko dahil naparami ang kain," pagdadahilan ko. Nagawa ko pang ngumisi na parang may nakakatuwa.
Mukha namang naniwala siya dahil lumambot ang kaniyang ekspresyon. "Gano'n ba? Mabuti pa ay magpahinga ka at ipaghahanda kita ng tsaa."
I smiled and nodded. Guilty ako sa pagsisinungaling sa kanila pero ayaw ko nang dumagdag pa sa problema na dinaranas namin ngayon. Tumalikod siya at pupunta na sana sa kusina ngunit bumalik sa akin at may inabot na papel.
"Siya nga pala. May nagdala niyan dito kanina. Para sa iyo raw. Lalaki, siguro ay kasing-edad ni Mama mo. Monreal ang apelyido," aniya.
Nanlaki ang mata ko at dali-daling tinanggap ang piraso ng papel. Habang binabasa ko ang nakasulat doon ay nakikinig ako sa sinasabi ni Inang
"Hinahanap ka. Sabi ay puntahan mo na lang daw siya kapag nakabalik ka na. Sino ba iyon, ha? Red?"
Umiling ako at tinandaan ang address. #18 Eros Street, Villa Monreal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro