Chapter 18
Chapter 18: Fears and Tears
Overcome your fear and dry up your tear. With me, you'll be safe here.
Quickly, I went back to my room. Naabutan ko pang parang timang na nakangiti roon si Dew. Kagat-kagat ang pang-ibabang labi at nakatulala. Kumunot ang noo ko pero sa huli ay binalewala siya.
Ang kailangan ko lang ngayon ay makauwi at puntahan si Mom. Siguro ay babalik na lamang ako kapag maayos na siya. Hindi naman pwedeng mag-isa lamang siya doon lalo na at ganito ang sitwasyon. I don't have a single idea on what's happening but based from her voice, something bad came up.
"Hey! Where are you going?" Dew asked when he saw me, packing my things.
Hindi ako kumibo at pinagpatuloy ang pagi-impake. I will inform Grandpa before I leave. Kahit pa pigilan niya ako ay hindi ako magpapatinag. Ilang beses na akong umalis dito nang walang nagyayari at kaya kong iwan ito ulit para kay Mom.
Napahinto ako nang tinulungan ako ni Dew na mag-ayos ng gamit. Maayos niyang isinilid sa aking bag ang aking mga damit.
Bumuntong-hininga ako at napaupo.
"Hindi mo ko pipigilan?" What a question, Red! Ano ba sa tingin mo? Pipigilan ka niya? Parang affected ka pa? God!
Seriously, he shifted his gaze into me. "Nope. It's your choice. Nobody could stop you from leaving," he said with a hint of concern.
"S-sa tingin mo... ayos lang na... u-umalis ako?"
His lips pursed into a thin line. "As long as it is what your heart wants..."
Napalunok at yumuko, nag-iisip kung tama ang desisyon. Kung aalis ako, hindi na naman matutuloy ang operation ko. When I underwent a Carotid Ultrasound including Doppler ultrasound, where I saw real-time pictures of the blockage in the arteries in each side of my neck that delivers blood to my head, face and brain, Doc Walter suggested for surgery since it's only 75% blocked. Recovery is possible. But since it has been years after that, I don't know what is the latest status of my health.
Nanlamig ako at nakaramdam ng takot para sa sarili. I know that death is inevitable but do I have to experience the side effects of it this early? Why does it have to be me? Why...
Lumuhod si Dew at hinuli ang aking tingin. Tinangka kong umiwas pero hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinarap sa kaniya.
Suminghap siya at sinserong ngumiti.
"Hindi nawawala ang takot, Red. But you can overcome it. Always remember that nothing is permanent in this world. Kung sa tingin mo ay nahihirapan ka ngayon, dadating ang panahon na mababago ang ikot ng mundo. All of your pain and fears will subside, trust Him," he explained, trying to chase away my doubts and holding back.
"T-thank you..."
Prente siyang tumayo at tumalikod na sa aking direksiyon. Nanatili ang tingin ko sa kaniya hanggang sa pihitin niya ang seradura ng pinto at tuluyan nang makaalis.
Napaigik ako sa sakit nang biglang sumakit ang ulo ko. Pinatili ko ang pagiging kalmado habang minamasahe ang magkabilang sintido. Pumikit ako ng mariin at lumipat ng puwesto.
"A-ah. Ang sakit..." Impit akong umungol at pinigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha.
Struggling, I reached for my meds on the table. Mas sumakit ang ulo ko na parang binibiyak iyon kaya tumayo na ako. Nagmamadali kong dinampot ang medicine box at kinuha ang gamot.
Dumulas pa iyon sa aking kamay at nahulog. Naiirita na, bumuga ako ng hangin. Yumuko ako para abutin ang nahulog. Nahinto lamang nang naramdamang may tumutulo mula sa aking ilong. Idinampi ko aking daliri roon at nakita ang sariling dugo.
Tired from all of it, I leaned my back against the bed and cried, not minding the excruciating pain that still attacking my head.
Humikbi ako at pinunasan ang ilong. 'Di nagtagal ay nawala na rin ang pananakit ng aking ulo. Para mahimasmasan, sumampa ako sa kama at humiga doon.
Sobrang bigat ng dibdib ko sa mga oras na ito. Parang bumalik sa akin iyong unang beses na nakitaan ako ng sintomas. I suffered from a Transient Ischemic Attack when a small blood clot formed in the vessel that is affected. Namanhid ang kalahati ng katawan ko at noon ko nakilala si Doc Fuentabella. He was a guest speaker for a medicine forum at the university where I am studying. Mag-isa ako sa library noon at saktong umalis ang librarian para mag-report sa Student Affairs ng mga estudyanteng hindi nagbalik ng libro.
Naabutan ako ni Doc Walter na nasa hindi magandang sitwasyon. Tinulungan niya ako at dinala sa ospital. Kung hindi siya dumating noon ay baka wala na ako ngayon.
Isinandal ko ang aking ulo sa headboard ng kama at ipinikit ang mga mata. Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ako gumalaw.
"You're leaving... again..." he stated, not surprised anymore.
Lumundo ang gilid ng aking kama tanda ng kaniyang pagkakaupo doon. Ang paulit-ulit niyang pagbuntong-hininga ang pumuno sa buong silid.
"Pain attacked you again, I see."
Doon ko dinilat ang aking mga mata at pagod siyang tinignan. Nakita ko ang pag-aalala at takot sa kaniyang mata pero mabilis din iyong nawala.
"What's the reason this time? Hmm? Red?" he asked, confused.
Bumangon ako. "Mom... called me, asking me to... come back," I muttered weakly.
"Kailan ka babalik? Kapag..."
Hindi niya itinuloy ang sasabihin pero naintindihan ko ang gusto niyang iparating. Kapag huli na ang lahat? Kapag... wala nang magagawa ang medisina at siyensya?
I gasped and shook my head. "I-I... don't k-know."
Mataman siyang tumango. "You are always welcome here. Come back when you are ready. This is long overdue, Red."
I smiled bitterly. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Salamat sa lahat, Grandpa." I chuckled. "Babalik ako.
Promise. Gagaling pa ako, 'di ba?" Suminghap ako nang mag-init ang gilid ng mga mata.
Hinaplos niya ang aking likod at hindi na napigilan ang pagluha. "Of course, brat. Gagaling ka..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro