Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15: Bravery

To be brave is one. To not surrender is another.

"Hello? Nandiyan po ba si Mr. Myrus Monreal?" saad ko sa telepono.

Pakiramdam ko ay hindi tuluyang maghihilom ang mga sugat ni Magnus kung hindi sila magkaka-ayos ng kaniyang ama. Naiintindihan kong malalim ang galit ni Magnus sa kaniya pero magulang niya pa rin iyon. The pain will subside if he will open his heart for forgiveness.

"Ako nga iyon. Sino ito?" sagot ng may-ari ng baritonong boses sa kabilang linya.

Suminghap ako para kumuha ng hangin. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko maayos ang hawak sa telepono.

"Uhm. Ako po si Red Salvador, kaibigan po ako ni Magnus..."

Nanaig ang panandaliang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napagtanto ko namang nabigla siya kaya tinuloy ko ang sasabihin.

"Gusto ko po sana kayong makausap nang personal tungkol po sa kaniya. Iyon ay kung papayag po kayo." Ma-drama akong pumikit habang hinihintay na magsalita ang Papa niya.

"Alright. I will message you the address. You can come here tomorrow."

Bumuntong-hininga ako at nag-paalam na. Pinlano ko ito kasama si Tita Germaine. She was thankful that I am willing to help his son. She's also the one who gave me the number of Tito Myrus.

"Biik! I miss you! Miss ko na bonding natin," nagtatampong histerya ni Hera. Halos matumba ako nang talunin niya ang distansya sa pagitan namin at yumakap sa akin.

I chuckled when she pouted. "I'm sorry, biik. Busy lang sa studies."

Umirap siya at kinurot ang tagiliran ko. "Studies? Tungkol naman saan? Kung paano lumandi?" Nakita niya sigurong lagi kong kasama si Magnus.

I shook my head and smirked. "You jealous?" I said playfully.

Tumango naman siya at mas lalong humilig sa akin. Hindi ko napigilang tumawa na mas lalong nagpahaba ng kaniyang nguso.

"Ah! Siya nga pala. I have good news for you."

Nagtataka ko siyang tinignan ng may inabot siya sa aking papel. Kinuha ko iyon at binasa. My eyes widened when I realized what it is.

"Oh my God! I got in?!" Halos sabunutan ko na si Hera sa sobrang tuwa. Tumalon-talon ako habang pinapanood niya ako. Napatingin sa akin ang mga estudyanteng dumadaan pero wala akong pakialam.

Hindi ako makapaniwalang nakapasok ako sa Photography Club! Ayos lamang kahit hindi sa Music Club. Na-realize ko kasing hindi lahat ng first option ay ang best choice. Malay mo, naghihintay lamang ang iba na piliin mo at swak sa iyo.

"Congrats, biik! At dahil diyan, we will celebrate! Yey!" sigaw ni Hera.

Tumango na lamang ako dahil alam kong nawalan na ako ng oras sa kaniya. At saka I deserve to celebrate this achievement.

Hinatak niya ako palabas ng campus at nagpunta kami sa isang convenient store. Hindi ko alam kung ano ang plano niya kaya hinayaan ko siya.

"Ito. Wait lang, ito pa. Bilhin din natin ito. Saka ito." Panay ang lagay niya sa basket habang ako ay nakabuntot sa kaniya.

Nang makapagbayad na kami ay bumalik na kami. Malilim at tahimik sa rooftop ng building namin kaya doon kami pumwesto.

"Cheers to your success, biik!" Pinagdikit namin ang bote ng C2 at tumawa.

This is what all I need: my freedom, Mom's acceptance, Hera's happiness and of course, Magnus' peace.

"Red! Are you alright? Biik! What's happening?!" sigaw ni Hera nang bigla na lamang akong matumba.

Bigla na lamang umikot ang aking paningin at nawalan ako ng balanse. This moment is so familiar to me. Sa sobrang pamilyar ay naghatid ito sa akin ng kakaibang takot.

Pumikit ako at suminghap. "I'm okay. Nahilo lang ako. Don't worry," pagpapakalma ko sa kaibigan.

Mukha namang hindi pa rin siya napanatag dahil bakas ang takot at pag-alala sa kaniyang mukha.

"Please. Don't cry. I'm really fine," dagdag ko pa.

Hindi siya kumibo at lalong nangilid ang luha. "A-akala m-mo ba hindi ko alam? I know everything, Red! You can't hide it from me! I'm your best friend for Pete's sake!" she shouted at me while crying.

Nagulat ako at natulala sa kaniyang sinabi. All this time, she knows?

My lips trembled but I tried to utter a word clearly. "H-how?"

Umiling-iling siya at niyakap ako. "Oh God! Please, stay. I beg you," she whispered.

Sinuklian ko ang kaniyang yakap at tinahan siya. Gustong-gusto kong umiyak ngunit wala nang luhang lumalabas sa aking mata. I am tired of crying for things I can't avoid. I have no control over it.

We stayed that way until she is already calm. Niligpit namin ang mga kalat at bumaba na dahil male-late na kami sa susunod na klase.

Hindi ko tinantanan ng tingin si Hera hanggang sa makapasok kami. "Are you okay now?" nanghihina kong bulong.

She turned to me and nodded. "I need to be. Will you... be okay?"

Mapait akong ngumiti at tumango. "O-of course." Nanunuri ang kaniyang tingin kaya mas lalo kong nilakihan ang pagkaka-ngiti.

Fake smiles have been my cover-up ever since. Nalilinlang ko ang mga tao sa aking paligid sa pamamagitan ng pekeng ngiti. It is convenient but at the same time, draining. I want them to know what I feel— that I am not okay but I don't want to drag them down with me. Ayaw kong mahirapan sila at masaktan dahil sa sitwasyon ko. Ayos nang ako lamang ang makaramdam ng sakit... 'wag lang sila. Dahil mas hindi ko kakayanin kapag sila naman ang nanghina.

I think that's how life goes. Human has a nature of martyrdom. Mag-isa nating tinatahak ang madilim na landas, taglay ang pag-asang mararating natin ang liwanag nang hindi nangdadamay ng iba. But in the midst of the journey, we tend to lose ourselves. Why? Dahil wala tayong kasama sa pagsuong sa bagyo? I don't think so. Siguro kaya natin naiwawala ang ating sarili ay natatakot tayo. Takot tayong tayo lamang ang nakakaramdam ng sakit. Takot tayong hindi tayo maintindihan ng iba.

Siguro ay hindi naman kailangang lagi tayong may kasama at may umiintindi sa atin. We just need to be ourselves and get to know ourselves. We need to brave enough to uncover the truths that the world deprived us. Bravery is not just an act of heroism but also of self-love.

For the cowards, they drag people with them so that they have someone who can feel the agony they are feeling. So they have someone to share the pain with.

And that's not for me. No. I am no coward.

Peace is only for those who chose to keep fighting despite the pain and brave enough to choose bravery.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro