Chapter 1
Ramdam ni Angela ang malamig na simoy ng hangin habang nakatayo sa veranda ng kaniyang hotel room.
Ilang oras nalang at nakikini-kinita na niya ang sarili na naglalakad sa buhangin kung saan nakasaboy ang napakaraming talulot ng mga bulaklak na iba't-iba ang kulay. Paglalakad tungo sa altar ng walang hanggang kaligayahan kasama ang kaniyang pinakamamahal na si Brix.
Nakacheck-in siya kasama ang kaniyang pamilya at buong entourage sa Sunrise View Hotel and Resort. Dito gaganapin ang kaniyang kasal bukas pati na ang reception.
Isa sa pinakatanyag na wedding planner si Angela sa buong Pilipinas. Galing sa isang mayamang pamilya kung saan siya ang pangalawang anak ng mag-asawang Lucas Laxamana at Angelina Sarmiento-Laxamana.
Apat silang magkakapatid na puro babae. Gustong-gusto nang papa niya na magkaroon ng anak na lalaki kaso hindi na kinaya ng kaniyang ina nang makunan ito sa pang-limang anak na ipinagbuntis na muntik nang ikapahamak nito. Tinggal ang matres ng kaniyang ina na mas lalong naging dahilan na hindi na ito maaring magbuntis pa.
Buong puso namang tinanggap ng kaniyang ama ang nangyari at naging kuntento na sa ibinigay ng Diyos na mga anak sa kanilang mag-asawa.
"Sweetheart, pahinga ka na. You need some beauty rest. Dapat ikaw ang pinakamaganda bukas." narinig niyang wika ng kaniyang ina mula sa kaniyang likuran.
Kasalukuyang nasa veranda siya ng hotel room niya na nakaharap mismo sa beach. Sa mismong lugar kung saan gaganapin ang kaniyang kasal bukas pagsikat ng araw. Isang beach wedding na matagal na niyang pinapangarap.
"Ganito ba talaga kapag ikakasal, Ma? Excited na nakakakaba na sobrang saya?" tanong ko sa kaniya.
Sa dami na nang kasal na inayos niya mula nang magsimula siya sa kaniyang propesyon ay ngayon lang niya tunay na nararamdaman ang bugso ng damdamin ng isang babaeng ikakasal.
Sa wakas, ikakasal na siya bukas sa saktong pagsikat ng araw at sa lalaking tunay na para sa kaniya.
Maluha-luha siyang tinitigan ng kaniyang ina habang nakangiti.
"Masaya ako para sayo, hija. Sa wakas, my baby girl will no longer be a baby." tanging turan ng kaniyang ina saka umalpas ang isang butil ng luha sa pisngi nito.
"Si Mama talaga, oh. Of course I'm still your baby. Hindi naman mababawasan ang mga babies niyo ni Papa eh. Madadagdagan na nga dahil magkakaroon na kayo ng anak na lalaki. Si Brix." pagpapagaan ni Angela sa damdamin ng ina kasabay ang pagpahid niya ng luha sa pisngi into gamit ang kaniyang kamay.
Nangiti ang ina ni Angela sa narinig mula sa kaniyang anak.
"Thank you, Ma. For bringing me into this world and for making me who I am today. I love you so much." pasalamat niya dito sabay yakap dito ng mahigpit.
"I love you too, Angel. O siya, matulog ka na. Sila Fifi na ang bahala diyan sa baba. All you have to do is rest. It's your big day tomorrow."
"I will, Ma. Kayo din po. Goodnight, Ma." sabay halik sa pisngi into bago ito lumabas sa veranda papunta sa kaniyang hotel room at tuluyang lumabas sa pinto.
Nakangiti pa rin si Angela ng ibaling niya ang tingin sa ibaba. Abala si Fifi at ang buong team niya sa pag-aayos ng venue kung saan idadaos ang kaniyang kasal bukas. Nakikita na niya ang nasimulan nila though hindi pa nakalatag sa mga dapat paglagyan ang mga bulaklak ay parang nakikini-kinita na niya ang itsura nito sa kaniyang isipan.
Natutulog na kayo siya?
Tanong niya sa sarili patungkol sa mapapangasawa dahil siya ay hindi dinadalaw ng antok.
Ayaw man niyang aminin pero kinakabahan siya sa mangyayaring kasal bukas. Gusto niyang siguraduhin na nasa ayos ang lahat. Alam niyang mapagkakatiwalaan niya sa Fifi pero iba pa rin yong siya mismo ang nakatutok sa lahat ng mga dapat gawin.
After all, it's her wedding and she wants the best. Only the best for her dream wedding.
Stop it, Angela! Ayaw mo naman sigurong magka-eyebags sa mismong kasal mo.
Kastigo ng isang bahagi ng utak ko sa akin.
Yeah right! I should be the most beautiful bride bukas. After all, tomorrow is the day that I've waited for so long.
Papasok na sana siya sa kaniyang kwarto nang may umagaw ng kaniyang pansin mula sa balcony ng pangatlong suite kahilera ng kaniyang inookupa. Napamulagat si Angela sa kaniyang nakita.
Impossible! Hindi siya 'yon.
Pagkumbinsi niya sa kaniyang sarili kahit na may namumuong doubt sa kaniyang isip.
Kumabog bigla ang kaniyang dibdib at nagkaroon ng di-maipaliwanag na kaba Lalo na nung Makita niyang dalawa Ang key card na nasa side table niya.
Yun Ang spare key card ng kwarto ng nobyo na binigay sa kaniya kanina.
"Keep this, sweetheart in case maisipan mo Kong dalawin sa kwarto ko later. Sabay tayo magshower." yon Ang naalala niyang biro ng nobyo kanina before they had dinner.
"Baliw! We can't be together before the wedding. And you and I need some rest para bukas."
"I'll miss you tonight, sweetheart. You can come if you change your mind. I'll be waiting." yon Ang huling sinabi Ni Brix bago umalis sa kwarto Ni Angela matapos ilapag Ang key card sa bedside table nito. Nakapaskil sa mga labi nito ang isang pilyong ngiti bago tuluyang umalis.
Dinampot niya yon at namalayan na lang ni Angela na pinipihit na ng kaniyang mga kamay ang door knob ng pinto ng kaniyang suite at tuluyang tinahak ang hallway ng hotel papunta sa suite na pakay niya.
Gustong bumalik ni Angela sa kaniyang pinanggalingan ng matapat sa pinto ng suite na gustong puntahan.
No! I am just being paranoid! There's no way he'll do that to me.
But that little voice at the back of her mind is telling her to go on. It's like pushing her to continue because that's the right thing to do.
Binundol ng kaba ang dibdib ni Angela ng may marinig siyang parang ungol mula sa loob.
What was that?
Biglang natuliro Ang isip niya sa narinig. Ayaw niyang aminin na ungol nga ang kaniyang narinig sa loob.
She let out a deep sigh and close her eyes uttering a silent prayer. She asked for guidance and courage dahil iba na ang nararamdaman niyang kaba, o mas sabihing takot sa kung anuman ang makikita niya sa loob.
I trust Brix and there's no way he'll do something that will hurt me and tomorrow is our wedding.
Pagpapakalma ni Angela sa sarili niya.
I just wanna check on him before I go to bed.
Yon Ang piping usal Ni Angela para kumbinsihin ang sarili na walang mali sa gagawin niya at walang maling ginagawa ang nobyo sa likod ng pintong 'yon.
She took all the courage to unlock the door using the key card that she has. She felt her hands tremble as she turn the knob open.
Para siyang mabibingi sa ungol na sumalubong sa pandinig niya nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto.
It can't be! He's supposed to be alone in this room.
Umantak Ang pagiging praning niya kaya dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto na 'yon. Medyo madilim ang entrada ng kwarto, tantiya niya ay bedside lamp nalang Ang naka on Kaya may kaunting liwanag na nanggagaling sa kaloob-looban ng kwarto.
"Shit! Wag diyan! Malakas Ang kiliti ko diyan!"
Parang sumabog ang dibdib ni Angela sa lakas ng pagtambol nito ng marinig niya ang Boses na 'yon. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kilala niya ang Boses na 'yon.
No way! There's no way she'll do that to me."
Lalong naging tuliro ang isip ni Angela pero nilakasan niya ang loob niya. Inihakbang niya ng dahan-dahan ang ngayo'y nanginginig nang mga binti para tuluyang makumpirma ang narinig.
Nagkarerahan sa pagdaloy ang kaniyang mga luha kasabay ang pagtakip niya ng kaniyang bibig gamit ang mga palad.
Gusto niyang ipikit ang mga mata para kaya pa niyang ikaila sa sarili ang nakikita niya ngayon ngunit ayaw sumunod ng mga mata niya. Para itong may sariling isip habang patuloy na umaagos ang mga luha mula dito.
Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ni Angela na nagpabagsak sa kaniya sa sahig. Pilit niyang nilakasan ang loob na huwag makagawa ng ingay sa loob.
Confronting them was the last thing in her mind right now and she thinks she can't bear to say even a single word to both of them.
She felt disgusted and betrayed. Disgusted thinking that he almost fell to Brix's trap and betrayed by the person whom she thinks was the most impossible person who will do this to her.
Anger slowly crawl into her soft little heart making her clenched her teeth.
Naikuyom niya ang mga palad habang patuloy na naramdaman ang halong sakit at galit sa dibdib niya.
Ahh! Shit! Ahh!
Mga ungol na nagpabingi ng tuluyan kay Angela bago siya naglakas loob na lisanin ang kwartong yon na hilam pa rin sa luha ang mga mata at wasak ang puso.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro