Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7: Sanity

"AAAAH!" sabay na sigaw nina Summer at Genesis nang mapagtanto ang nangyayari, natalo pa ang nakakita ng multo.

Nagmamadaling niyakap ni Summer and sarili at naupo sa sahig habang bukas pa rin ang shower. Nagmamadali at pabagsak na sinara ni Genesis ang pinto. Ramdam ang impact niyon sa salaming hara sa shower.

Kinakabahang lumingon si Summer sa kasasara pa lang na pinto. She was squeezing her bosoms as she held her arms tight. Ilang beses niyang minumura ang sarili sa isipan.

Her boss just saw her naked!

Nagmamadali niyang binanlawan ang sarili at inabot ang tuwalya. Nabura na ang pagmumuni-muni niya dahil sa nangyari.

She had always been the ice queen, but an embarrassing situation could not contain her at all. Basta ang alam niya . . . nakakahiya! Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa!

Hindi na niya napatuyo nang maayos ang sarili dahil pilit siyang nagmamadali sa pagbibihis. She damped and scrunched her hair into a thight bun. Hindi na niya naayos ang ilang hibla na hindi sumama sa pagtatali niya ng buhok.

Basta ang nasa isip niya, kailangan na niyang magmadali sa pagbibihis at labasin ang amo. Kailangan niyang magpaliwanag kung sakaling hindi pa ito nakakausap ni Mhah.

Niyakap ni Summer ang bag na pinaglagyan niya ng maruming damit at lumabas. Gaya ng nasa isip niya, nakaupo si Genesis sa couch na nakatalikod sa banyo.

Napalunok siya at dahan-dahan na humakbang palapit sa amo.

"S-sir . . . " pigil-hinga niyang pagtawag. Baka ito na ang panahon na totoong masesesante na siya. "I'm sorry I had to use your bathroom. 'Yong damit ko—"

"That's enough. I apologise for barging in like that, kasasabi lang ni Mhah sa 'kin." Halos mapatalon si Summer sa boses na narinig. Minsan lang niyang naririnig mag-Filipino si Genesis at talagang malalim ang boses ng lalaki. "But Miss Cruz, why are you still here in the office? You should be home already."

Tumayo si Genesis at hinarap siya. Kunot na kunot ang noo ni Genesis nang magtagpo ang mga mata nila. Parang bata na pinagagalitan niya si Summer.

Napayuko si Summer at humigpit ang yakap sa bag. Walang babala na pumapasok sa isip niya ang ilang segundong nakita ni Genesis ang buong kahubadan niya.

Nasisiguro ni Summer na namumula pa rin ang mukha niya. Gusto na lang niyang umuwi pero nais pa rin niya na manatiling propesyonal. She shouldn't be flustered anymore. Aksidente lang iyon.

"A-eh . . . May mga kailangan lang pong tapusin, Sir. Kailangan na raw po ng Marketing Department bukas."

"You can just do it at home if it's an emergency. Otherwise, leave it for tomorrow."

Sa tainga ni Summer, wala lang kay Genesis ang nangyari. And she should just do the same. Dapat burahin na lang niya sa isipan ang gulat na mukha ni Genesis.

"Gusto ko man po na iuwi na lang pero . . . hindi ko pa magagawa sa apartment," paliwanag ng dalaga.

"And why is that?"

"Inaayos ko pa lang kasi po. Since I'm new here, I am relying sa wifi ng building namin. But that won't be a secure network."

"I see. But why are you entertaining urgent requests from other departments?"

"Well, they told me it's urgent?" she replied sounding like it was an obvious answer.

Napakamot ng batok si Genesis. "Let me ask this . . . who's your boss?"

"H-ha?" Nangunot ang noo ni Summer sa narinig na tanong. Hindi niya mawari kung isa bang trick question ang tanong ni Genesis sa kaniya.

"Tinatanong ko kung sino ang boss mo, Miss Cruz."

"I-ikaw po."

"There's your answer. Sila ang dapat magmadali sa trabaho nila. You are reporting to me, not to them."

"But . . . "

"I am not paying you to be a lackey of other departments. I'll speak to Mhah about this. You do realize they're taking advantage of you, right?" taas-kilay nitong tanong.

Huminga nang malalim si Summer. "I know, Sir, but as a mere employee who just joined the team, I'm also trying to get on their—"

"On their good side?" pagputol ni Genesis. "Miss Cruz, you are not just an employee. You work under my direct supervision. Sila ang dapat makisama sa 'yo. If that worked in your old job, it won't here in the U.S. As the saying goes, 'matira ang matibay'."

"Alright, Sir. Thank you for your . . . kind words," labas na sa ilong na sambit niya. Mas kalmado na siya ngayong kausap ang masungit na amo. "Pero why are you here, Sir? May kailangan ba kayo?"

"Naiwan ni Alexis," tipid na sagot ni Genesis sabay ang pagpapakita ng pink na coloring pad. "Umuwi ka na, Miss Cruz. We still have an early meeting."

"Baka mamaya na lang, Sir. Ang lakas pa ng ulan, e." Sabay silang lumingon sa malawak na mga bintana sa opisina ni Genesis.

Napabuntonghinga si Genesis. "As an apology, I'll drive you home."

"P-po? Huwag na, Sir! Umuwi na lang din kayo. Sa kabilang direksiyon din kasi ako."

"Don't make me repeat myself, Miss Cruz. Be ready in five and we'll go."

Summer wanted to protest, but Genesis received and answered a phone call. Napakamot na lang ng batok si Summer at bumalik sa kaniyang mesa. Sinara na niya ang laptop at inayos ang bag.

Akmang aayusin pa ni Summer ang magulo niyang buhok ngunit nakalabas na rin si Genesis sa opisina. "Let's go."

Tumango na lang si Summer at sumunod sa amo. Unang pumasok si Genesis sa elevator at sumunod si Summer. Walang nagsasalita pero nakabibingi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Maingat na sinulyapan ni Summer si Genesis na nakatitig lang sa harapan. Sa sandaling iyon, mas nasuri ni Summer na mas matangkad nga si Genesis sa kaniya.

Sa isip-isip ni Summer, kung may mas malamig ang ekspresyon sa kanilang dalawa, si Genesis na iyon. Pero mula nang makita niya na kargahin ni Genesis si Alexis, hanggang sa gulat na mukha nang aksidenteng masilipan siya, may ibang ekspresyon pala ang lalaki.

Nang makarating sa basement ay sumakay sila sa puting Mustang Shellby GT500. Natakot pa si Summer na sumakay dahil alam niya ang halaga ng sasakyan. Walang sinabi ang renta niya sa apartment sa halaga ng sasakyan. Kailangang mag-ingat talaga siya na hindi magasgasan kahit madungisan ang sasakyan. Wala siyang maipambabayad.

Paglabas nila ng gusali, saka pa lang narinig ni Summer ang ulan. Talagang walang naririnig sa loob kaya parang normal lang ang lahat. Tahimik siyang nagpapasalamat dahil ihahatid na siya ni Genesis. Kung nagkataon, naliligo na rin siya sa ulan.

It was a silent ride and Summer could only hug herself in silence, praying that they would reach her place sooner. It wasn't just the luxurious car she was wary but also the close proximity she shared with her boss.

And thank goodness the car ride did not take forever. Iyon nga lang, lalong lumakas ang ulan at halos mag-zero visibility ang kalsada. The headlights looked blurry and it was unsafe to be driving.

"Ahm, Sir?"

Lumingon sa kaniya si Genesis. Ang isang kamay ay nanatili pa rin sa manibela.

"Gusto n'yo ba pumasok at magkape habang malakas pa ang ulan?" anyaya ni Summer bilang pasasalamat sa lalaki.

"Miss Cruz, did you know it's not a good idea to be flirting with your boss?" pabalik na tanong ni Genesis.

Nanlaki ang mga mata ni Summer at pinagkrus ang mga braso. "I am not trying to flirt with you, Sir!" May halong sarkasmo sa kaniyang boses. "Kung ayaw mo ng kape, okay lang po. Thank you sa paghatid and I'll see you na lang po sa office bukas!"

Napangisi si Genesis at ilang beses umiling. "I'll take your offer, Miss Cruz. I don't think I'll be able to drive well in this condition. I can hardly see the road."

Bumuntonghinga si Summer. "Alright, Sir. Pero may hihilingin lang ako bago tayo pumasok."

"What is it?"

"Don't judge my place. Maliit lang siya kumpara sa penthouse mo."

Nabigla si Summer nang makarinig ng mahinang pagtawa. Agad niyang nilingon si Genesis at humahalakhak pa rin ito na parang walang paki sa mundo.

Sa isip-isip ni Summer, guwapo pala ito kapag tumatawa, pero guwapo rin naman kahit seryoso. He just looked so much better when smiling and laughing.

It was strange and refreshing to see Genesis like that. May ibang ekspresyon naman pala ito at hindi palaging masungit. Marunong din palang tumawa at magsaya.

Nagmamadali silang tumakbo papunta sa harap ng apartment ni Summer. Dahil sa lakas ng ulan, hindi naiwasan na mabasa silang dalawa. She was just in a rush opening the front door and letting themselves in.

"Pasok ka, Sir."

Pinatuloy ni Genesis ang sarili at sumunod si Summer. Binaba agad ni Summer ang gamit na bag at kumuha ng tuwalya sa aparador para sa kanilang dalawa.

"Here's a towel po. Upo ka na muna r'yan, Sir. Mag-iinit lang ako ng tubig," ani Summer nang tanggalin ang puyod sa basa pa rin niyang buhok at kinusot-kusot iyon.

Tahimik na umupo si Genesis sa couch habang sinusuri ang maliit na apartment ni Summer. Katabi ng couch ang single bed at may study table sa harap.

Agad namang naglagay ng tubig si Summer sa maliit na takure. Internally, she was thankful she was always keeping the room clean. Working in a prestigious hotel before trained her to be organized everyday.

"You're judging my apartment?" tanong ni Summer nang kumuha ng dalawang magkaibang tasa.

"No, I wasn't. It's actually nostalgic."

"Nostalgic?" Nahinto si Summer. "Did you live in an apartment before?"

Sumandal si Genesis sa upuan at pinagkrus ang mga braso. "Yeah, I lived in an apartment while I was studying. Mukha bang nakatira lang ako sa penthouse? It seems like you judged me, Miss Cruz," nakangising ani Genesis.

"I think I may have. I'm sorry, Sir." Pinatay ni Summer ang takure nang sumipol na ito. Maingat niyang nilagyan ng tubig ang mga tasa.

Binalot ng katahimikan ang buong silid habang tinatapos ni Summer ang pagtitimpla ng kanilang kape. Dinala niya iyon sa maliit na coffee table sa harap ni Genesis.

"Here you go, Sir. It won't be café quality, pero it's better than nothing."

"Thank you, Miss Cruz."

"Summer na lang, Sir, and no . . . I'm not trying to flirt with you," usal ni Summer bago pa man siya maakusahan ng kung ano. "Kung gusto niyo lang naman. We're outside work naman."

"Alright, point taken . . . Summer it is, then call me Genesis."

Namilog ang mga mata si Summer sa narinig. "H-huh?"

"We're outside work and it's just right to reciprocate that, right?"

"P-pero . . . "

"Summer." There was finality in his tone. Parang mas matanda talaga ito kung umasta kahit na isang taon na mas bata sa kaniya.

Napalunok si Summer. Hindi niya inaasahan iyon. Sinabi lang niya na tawagin siya na Summer para maging informal sa apartment niya pero wala siyang balak na tawagin ang amo sa pangalan nito.

"O-okay, G-Genesis."

"Good," nakangiting usal ni Genesis bago sumimsim ng kape.

Napakagat ng ibabang labi si Summer at saka tumikhim. "M-magbibihis lang ako."

Nagtungo siya sa aparador at kumuha ng underwear, sweater, at jogging pants. Gusto man niyang alukin ng damit si Genesis ay tiyak na hindi magkakasiya dahil pulos pambabae lang ang damit niya.

"Summer."

Natigilan si Summer at nilingon si Genesis na prenteng nakaupo sa kaniyang couch. Mukhang feel at home na ito dahil sobrang relaxed sa pagkakaupo. Parang lumiit ang upuan niya dahil sa tangkad ni Genesis.

"Hm?"

"Make sure to lock the door," ani Genesis habang seryosong nakatingin sa kaniya.

Namumulang binagsak ni Summer ang pinto ng banyo at napayakap sa sarili. Matatalo pa niya ang kamatis sa sobrang pula ng mukha nang ipaalala ni Genesis ang pilit niyang kinalilimutan na. Mababaliw na yata siya!

***

JO ELLE

#SaveTheBeastForLastWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro