Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Sleep

"H-ha?" Nanlaki ang mga mata ni Summer sa nairinig.

"Para sa 'kin, Miss Cruz. May problema ba?"

Umiling-iling si Summer. "W-wala po."

Hindi niya inaasahang malaman na para kay Genesis pala ang ice candy.

The big employers she had met were into coffee, alcoholic beverages, or tobacco. Mayroon pa nga siyang naging kliyente na puro energy drinks at prutas ang hilig. Pero ito ang unang pagkakataon na may nakilala siyang mahilig sa ice candy.

That was her proof that one should not judge a book by its cover.

"Every Friday, you must ensure na may stock ng ice candy sa freezer."

Every Friday. Summer mentally noted.

"Everything you need is in that cabinet, alright?"

Binuksan muli ni Genesis ang drawer na kinuhanan niya ng isang pitsel, imbudo, at ilang plastik. Sa isang tabi naman ay nakahilera ang mumunting mga kahon na nakasulat kung ano ang pulbos sa loob—may tsokolate, kape, orange, buko, at kung ano-ano pa.

"After you use everything, return them here."

"Yes, Sir!"

Sa sobrang organisado ng mga gamit, nakompirma ni Summer na para nga mismo kay Genesis ang minatamis.

Walang senyales na mahilig si Genesis sa alak o may ibang bisyo. Mukhang ice candy lang ay sapat na.

Muling ipinakita ni Genesis kung paano gawin ang pagtatali ng ice candy. Sinubukan din ni Summer ngunit nahihirapan siya sa pagbubuhol ng plastik. Sa halip na pare-pareho ang sukat, may iba na bitin, mayroon din na nasobrahan ang laman at natapon pa sa lababo.

Kahit napapansin na ni Summer na naiinis na si Genesis, pilit niyang kinakalma ang sarili. Hindi katulad kanina noong sinesante siya nito bago pa makuha ang trabaho.

Naalala niyang muli si Alexis. Wala man doon sa condo, baka sa nanay nito namamalagi. That would make sense since none of the papers mentioned that he was married or had a child.

"Ang suwerte rin ng anak niyo. Mukhang sanay na sanay kayo sa ganiyo, Sir," wala sa sarili niyang usal.

Nangunot ang noo ni Genesis at seryosong tinitigan si Summer. Humakbang pa ito palapit sa dalaga at parang tutunawin ito sa kinatatayuan. Nanliliit siya sa paraan ng pagtingin ni Genesis sa kaniya.

"Sino'ng nagsabi na may anak ako?"

"S-sir . . . " Napaatras si Summer at naramdaman ang counter sa likod. "Si Alexis. 'Di ba anak niyo?"

"What nonsense are you spouting?" agad na tanong ni Genesis.

Nalito na rin si Summer sa sinasabi ni Genesis. Sigurado siyang 'papa' ang tawag ni Alexis aky Genesis sa opisina.

"Sir, tinawag kayong 'papa' ni Alexis kanina, 'di ba?"

"It doesn't mean she's my child."

"E, Sir, magkamukha rin kasi kayo ni Alexis kaya akala ko . . . "

"Miss Simpleton, your assumptions can bring you into big troubles," aniya. Nagkrus ang mga braso ni Genesis. His sleeves traced his bulky arms well. "Pamangkin ko si Alexis. Anak siya ng kapatid ko."

Napatakip ng bibig si Summer kasabay ang panlalaki ng mga mata. "Oh, my gosh! I'm so sorry, Sir! Akala ko talaga!"

"Does it look like I'm a married man?" Genesis was towering over her. Katulad kanina, halos magdikit na ang mga mukha nila sa sobrang lapit.

Walang nagawa si Summer kung 'di ang mag-iwas ng tingin. Hinihiling niya na hindi marinig ng amo ang paghuhuramentado ng kaniyang puso.

Was it judgement day? Did she go to her boss' place to get fired again?

"Y-you look really close to her, Sir. And like I said, magkamukha kayo ni Alexis. Tinatawag ka rin niyang 'papa'. Someone who's not close to you would assume the same thing I did," paliwanag niya. "Kaya I'm sorry if I offended you in any way, Sir. That was not my intention at all."

"Well, scrap that idea, Miss Cruz. I would never have an illegitimate child. Never," he confidently uttered before retreating. "Let's finish these up. May meeting pa 'ko."

Napalunok si Summer bago sumunod kay Genesis. He sounded so sure about it.

Somehow, Summer felt a pang of admiration and disbelief to her new employer. Humahanga siya dahil sa sinabi nito na ibig sabihin, pananagutan niya kung magkakaroon siya ng anak. Pero kasabay nito na hindi siya maniniwala hangga't hindi niya nasasaksihan. Unang araw pa lang at hindi niya alam kung may karelasyon ba ang lalaki.

After all, she only had the media as her source. May bali-balita na may mga karelasyon si Genesis. Siguro kapag nagsimula na siyang utos-utusan ng lalaki na bumili ng kung ano-anong regalo na pambabae, doon niya makokompirma ang bagay na iyon.

It wasn't a new thing for EA's to buy presents for their employer's partner. Hindi rin nagiging lihim sa mga EA ang mga nagiging karelasyon ng amo nila.

And now, she was on that boat. At sana, kung may karelasyon nga si Genesis ay matino at mabait. Mukhang topakin pa naman ang bagong boss niya.

***

NAHIGA si Summer at pinikit ang mga mata. Katatapos lamang niyang patuyuin ang buhok matapos maligo. Wala pang isang oras nang makauwi siya mula sa trabaho at dama niya ang pagod.

Pinahinga niya ang mga kamay sa kaniyang dibdib at dama ang pagtaas at pagbaba mula sa kaniyang paghinga.

The day had been very eventful and loud. Now, she was back in her silent lair . . . all by herself.

Minulat niya ang mga mata at nais matawa habang nagbabalik-tanaw sa nangyari sa maghapon.

Nasesante siya bago nakuha sa trabaho. Nakilala niya si Alexis na sa una ay napagkamalan niyang anak ni Genesis. Iyon pala ay pamangkin ng binata.

Nakarating siya agad sa bahay ni Genesis at agad nalaman na mahilig ito sa ice candy. Masungit at napakaseryoso ni Genesis pero nararamdaman niya na mabait ang lalaki. The fact that he cared about Alexis meant he had a soft spot for kids.

Summer turned to her side and felt how different her bed was from the ones she usually slept on. Totoo na nga talaga na mag-isa siya roon.

Kung hindi niya tinago kay Chase ang totoo noon tungkol kay Charlie, magkasama pa kaya sila? Masaya kaya sila?

Mariing napapikit si Summer nang muling maalala ang mga nagawa kay Chase. Pareho silang wasak noon pero umasa siya na si Chase na nga ang para sa kaniya.

But two broken hearts entering a relationship to heal was a risky and stupid game she played. Nasaktan niya si Chase at nasira ang tiwala nito. Samantalang siya, nawala ang anak na matagal na niyang pinapangarap.

Niyakap ni Summer ang sarili nang maramdaman ang nagbabadyang mga luha. Sa tuwing naaalala niya ang dalawang anghel na namayapa, napupuno siya ng pagsisisi dahil sa mga maling desisyon na kaniyang pinili.

Gusto na lang niyang itulog ang mga gumagambala sa kaniyang isipan. She wouldn't have to think about anything painful when she dozed off. Maybe she would have a pleasant dream instead of a horrific nightmare during her sleep.

Kung nagpakatotoo lang siya . . . Kung sinabi niya agad ang lahat . . . baka sakali na kasama niya ang dalawang anak at hindi naging miserable ang buhay niya. Pero huli na ang lahat.

Summer ruined herself by begging for love from another ruined person. Her actions backfired, and someone else had to suffer the consequences. She had no one else to blame but herself.

At ito na ang huling pagkakataon niya na maitama ang mga naging desisyon sa buhay. Wala na siyang pakialam pa kung tumanda siyang dalaga dahil ngayon . . . uunahin muna niya ang sarili bago ang iba.

Sa ganoong paraan, baka sakaling mapatawad siya ng mga namayapang anak. Baka sakaling mapatawad niya rin ang sarili.

***

JO ELLE

#SaveTheBeastForLastWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro