Chapter 3: Sir
"JUST MAKE sure you are on top of your game. It does tend to get hectic here," paliwanag ni Mhah habang binubuklat ang mga pahina ng isang makapal na manwal.
Katatapos lamang nilang pasyalan ang buong building. At sa bawat palapag na kanilang nilakaran na abala ang mga tao, nakatatanggap siya ng mga kakaibang titig. Mukhang may ideya na sila kung sino ang babaeng kasama ni Mhah at tinuturo kung nasaan ang mga departamento.
Matapos niyang "masesante" ng amo, natameme siya. Umalis agad sa harapan niya si Genesis na karga-karaga si Alexis. Ni hindi man lang siya binigyan ng oportunidad na mag-react o magsalita.
At kung hindi siya tinapik sa balikat ni Mhah Bentot, ang temporary E.A. ni Genesis na mula talaga sa ibang departamento, baka hindi siya matatauhan sa nangyari.
Thankfully, instead of pushing her away, Mhah ignored the boss' words and interviewed her personally. At dahil sa recommendation letter na mula sa mga Henderson, nakuha niya agad ang trabaho. No further questions asked.
"So . . . everything should be listed here?"
"Yes, it should be. I might have missed one or two minor things as it's been hell trying to organize things by myself. But with you onboard, things should get smoother. I would be able to focus on just being here in the office."
"Don't you want to be travelling around? I mean . . . that's included in the roles, right?"
Umiling si Mhah. "No. I have a girlfriend here. Besides, between you and me, I don't really want to see the boss twenty-four-seven. That would be excessive and out of my pay grade," aniya at nirolyo pa ang mata.
Natawa si Summer sa sinabi ni Mhah. Unang araw niya sa trabaho at walang takot na pinapakita ni Mhah ang sarili sa kaniya. Mukhang mabait at mapagkakatiwalaan talaga ito.
"And . . . what about me?" May pag-aalala sa kaniyang tono.
"Don't worry, Summer, you won't have to shoulder the other department's mess, so you can just focus on doing what the big boss needs. Mostly to ensure he keeps his feet on the ground, alright?"
"Grounded?" Kumunot ang noo ni Summer. "Why? I don't think I've seen that on the news?"
"Don't worry. He's not crazy and won't bite. Just do your job, and you'll be fine." Sinara ni Mhah ang manwal. He slid it towards Summer's side of the table.
Napalunok si Summer habang tinititigan ang makapal na manwal. Mukhang manunuklaw sa kapal. Puwedeng ipanghampas sa aaway sa kaniya.
It had been years since she had to read something as thick as that file. Learning things away from her comfort zone was scary, but it was a challenge she couldn't miss. The recommendation from her old employers—now friends—really did her good. Baka kung wala iyon, hindi siya agad matatanggap.
At isa pa, pinapirma na siya ng non-disclosure agreement at maging ang kontrata. Hindi na niya kinailangan pang suriin nang matagal ang kontrata dahil pamilyar na siya roon.
Malaki rin ang kaniyang sahod kumpara sa kinikita niya noon. Iyon nga lang, malaki rin ang gastusin. At batay sa kaniyang kalkulasyon, makapag-iipon pa rin siya kapag natanggal na ang mga gastusin.
Pero ang kumuha talaga ng kaniyang buong atensiyon ay ang kulay dilaw na papel sa pinakaharap ng makapal na manwal. They were reminders for the Excutive Assistant like dress code, regular meetings, and alike.
Sa kasalukuyan, si Mhah ang gumagawa ng maraming bagay ngunit nagkakaroon ng komplikasyon sa kanilang mga schedule kapag kinakailangang umalis si Genesis at may kasamang sekretarya.
Now, Summer would reign as Genesis' helper—his lackey.
"Sir Genesis tends to work at home, so you'll frequently go to his place. He just attended a board meeting today and went home with Alexis already."
"I see . . . " Tumango si Summer.
"HR and IT will get your IDs sorted out. I'll give you a company credit card and ID, too. I was not expecting that we would get someone this fast. Though it works for me if I should say so."
"Sir Bentot!"
Napalingon silang dalawa sa isang babae na mataas ang pagkatatali ng buhok sa may entrada ng opisina.
"Yes, Louise?"
"Everyone is in the boardroom now."
"Oh, shit! Is it time already?" Bumaling si Mhah sa kahon na nasa mesa niya at saka kay Summer. "Alright, here's your first task. Deliver this box to Mr. Genesis' home. I'll send you the address. He might already ask you to do some things, so bring the manual with you, okay?"
"Sure, and if he doesn't order me anything?"
Inabot ni Mhah ang kaniyang laptop at nagkibit-balikat. "Return here and complete the manual. I should finish the meeting by the time you get here."
"Sounds like a plan . . . " ani Summer.
"Alright, I'll message you his place. Use this ID to get into his pad. Just deliver this box in one piece, or you and I are both dead?"
Tumango-tango si Summer habang nakatingin sa direksiyon ng nilabasang pinto ni Mhah at ng babaeng tinawag nitong Louise. Mukhang napaka-busy nga nang mga sandaling iyon. Nakapagtataka lang na minadali nilang mapapirma na siya ng kontrata kung hindi rin siya matuturuan nang buong sandaling iyon.
Wala pang isang minuto ay natanggap na ni Summer ang mensahe na naglalaman ng address ni Genesis. Huminga nang malalim si Summer at kinuha ang kaniyang handbag. Sunod niyang kinuha ang kahon na tinutukoy ni Mhah.
Paglabas ni Summer ng gusali, agad siyang pumara ng taxi at binigay ang address na binigay ni Mhah sa kaniya. Kinakabahan man ay wala nang atrasan pa. May trabaho na siya, iyon ang importante.
Halos sampung minuto ang nakalipas at narating na niya ang pad ni Genesis. It was a private building that screamed wealth and prestige. Mula pa lang sa landscape ng gusali, hindi maitatanggi na mayayaman ang naroroon.
Tumuloy siya sa condo at dumeretso sa elevator. Summer pressed the tenth floor and took the keycard Mhah gave her. Pinagmasdan ni Summer ang repleksiyon sa salamin na nasa elevator at presentable pa rin naman siya. May kaunting gusot man sa kaniyang blusa, hindi naman gaanong pansin.
Pagsapit sa ika-sampung palapag, nakita ni Summer agad ang 101, ang numero ng pad ni Genesis.
Gamit ang keycard na binigay ni Mhah, dinikit niya iyon sa security pad at tumunog agad iyon. She heard a click inside before the door opened.
Napalunok si Summer at saka pumasok sa loob. Naririnig niya rin ang kaniyang takong mula pa lamang sa pasilyo ng magarang pad.
"S-sir Genesis? Hello?" Pinakiraramdam ni Summer ang paligid sa kaniyang pagpasok. Iniisip niya kung tama bang tumuloy siya kahit na iyon ang sabi ni Mhah sa kaniya.
Hindi mapigilan ni Summer na mamangha sa lugar. Nasa sala pa lang at walang binatbat ang kaniyang nirerentahan sa kasalukuyan.
The whole aesthetic was themed black and white. Sa halip na madilim ang hitsura, napakaliwanag dahil sa maraming bintana roon. Maayos na maayos din ang bawat gamit.
There was a 12-seater black leather couch, a 75" TV on top of a black credenza. The coffee table also matched the cabinet at the side. Kapatat nito ang hapag-kainan na itim ang mga upuan at puti ang mesa. Mukhang hindi rin madalas magamit ang kusina dahil sa kintab nito. Halos kuminang pa sa kaniyang paningin.
But she couldn't help but wonder if Alexis was there. Gusto sana niya itong kumustahin at pasalamatan. Kahit papaano, may ambag din ito kaya nakuha niya ang posisyon.
"Sir?" muli niyang tawag sa tahimik na bahay.
"Sir, baka manakawan kayo kung 'di kayo sumagot," pabiro niyang bulong sa sarili.
It just took one card for her to enter his lair. It was kind dangerous in her opinion. Kahit sino kasi ay posibleng makapasok at nasa lobby lamang ang mga guwardiya.
"Sir Genesis?" muli niyang pagtawag.
"In here."
Napalingon si Summer sa kabilang pasilyo na pinagmulan ng boses. Tumikhim si Summer at nagpatuloy sa paglalakad.
Doon niya napansin ang isang silid na bukas ang pinto. Maraming libro sa pader nito. Nasa gitna naman ng silid si Genesis at nakaharap sa laptop nito at may hawak na folder at seryosong-seryoso ang mukha. Kulay itim rin ang moderno nitong mesa at may malaking TV sa harap.
Naka-long sleeves pa rin ito kagaya kanina ngunit nakatupi na ang manggas. Suot pa rin nito ang slacks na nakita niya kanina. But instead of his shoes, he was wearing black suede slippers.
'Wala ba siyang alam na ibang kulay?' Summer thought.
But most of all, she could smell his musk. Hindi masangsang o matapang sa ilong pero mabango.
"Sir . . . "
"So, Miss Simpleton, you did get hired," tipid nitong usal habang nagbabasa ng files at nagtitipa sa keyboard.
Nagulat man ay pinili ni Summer na manatiling kalmado. Bagong boss niya ang nasa harapan niya. He had connections, and if she messes up her work, maybe she would be better off returning to the Philippines.
"Yes, sir, I'm Summer Cruz, your new EA. This is the box you asked Mhah to bring here . . . " usal ni Summer at maingat na nilapag ang munting kahon sa mesa.
"Alright," tipid na sagot ni Genesis.
Muling humarap si Genesis sa kaniyang laptop at nagsalita, "Θα σου μιλήσω αργότερα. Bye."
Summer was not sure if that was her cue to leave. Ni hindi nga niya alam na nasa isang tawag ito. Wala man lang tanong o 'di kaya ay pagbati na pumasa nga siya bilang E.A. ni Genesis.
Habang namamayani ang katahimikan, doon, naisip niyang kausapin ai Genesis upang mas makilala pa ang bago niyang boss.
No flirting, just getting to know her boss. Hindi rin naman siya interesado sa mas bata sa kaniya lalo na dahil mukhang napakayabang at papresko nito.
Tumikhim si Summer. "S-sir . . . you can speak Filipino, right?"
Nilingon siya ni Genesis at nag-angat ng tingin. Muli, napalunok si Summer sa paraan ng pagtitig ni Genesis sa kaniya. His piercing blue eyes stared at her entity. Parang isang aklat na sinusuri ang bawat pahina.
"Why do you ask?"
"Well, despite speaking in English, it might be easier for you and I to converse?" Halos maglaro na ang mga daliri ni Summer sa kaniyang likuran.
"Sa palagay mo?"
Nanlaki ang mga mata ni Summer at napaawang ang labi. Hindi man lang siya binigyan ng babala! The voice—his voice—was so deep and so manly!
"Sorry, Sir. N-nagsisigurado lang. Ang fluent mo kasi sa ibang lengguwahe."
"And what is that supposed to mean?"
Umiling si Summer. "Nothing terrible or negative, Sir. I'm actually impressed. Hindi naman lahat nakapagsasalita ng maraming lengguwahe, e."
"You should learn basic Greek, Miss Cruz. Mas maraming kliyente sa Greece."
"Of course, Sir."
Gumawa ng mental note si Summer: kailangan niyang matuto ng basic Greek.
"Nandito rin po ba si Alexis?"
"Why?"
Summer wanted to roll her eyes at her new boss. Puro tanong ang sagot nito sa kaniyang tanong.
"Gusto ko lang sana na mag-hi sa kaniya."
"No, wala siya rito. And that . . . " Tinuro ni Genesis ang kahon na dinala niya. "Open it and start making it."
Nagsalubong ang kilay ni Summer sa pagtataka. "P-po?"
Hindi siya sinagot ni Genesis, bagkus binalik ang tingin sa mga papeles na nasa folder na hawak.
Kinakabahang lumapit si Summer kay Genesis at binuksan ang kahon. Lalo siyang naguluhan nang makita ang laman niyon. There was a 1½" x 10" plastic bag.
"Sir, pasensiya na po sa abala pero . . . a-ano naman po ang gusto n'yong gawin ko sa plastic?"
This time, Genesis raised his brow at her. Pakiramdam ni Summer ay dapat alam niya kung ano ang gagawin sa plastik. Pero sa mga nabasa niya sa manwal, wala siyang maalala tungkol sa plastik.
"You have to do it, Miss Cruz. Don't make me repeat myself."
"S-sir? Mawalang galang na, pero ano 'yong it?"
Genesis looked at her in disbelief. "If you are thinking something indecent, dismiss that thought if you want to keep your job."
"H-ha?" Ilang segundo ang lumipas bago niya naisip ang posibleng ibig sabihin ni Genesis. "Hindi ko po iniisip ang kahit anong kalokohan. Wala talaga akong ideya kung ano'ng tinutukoy niyo," nahihiya niyang usal.
At kahit na alam niyang mas matanda siya kay Genesis, hindi niya tinanggal ang pag 'po' rito. He was superior. Awra pa lang nito, hindi maitatanggi na katulad nina Emmett at Samantha, at maging ng malalaking kliyente nila dati sa hotel.
"Kakausapin ko si Mhah. Mukhang hindi niya pinaalam sa 'yo ang dapat gawin." Napahilot pa ito ng sentido.
"Na-stuck kasi po si Mhah sa meeting so I'm studying what's in the manual. Pero kung wala po sa manual, then hindi pa po naipapaalam sa akin. Tatawagan ko na lang siya mamaya"
"There's no need."
"H-ha?"
Sinara ni Genesis ang folder at tumayo. Kinuha niya ang plastic at mula sa kahon. "Leave your bag there and follow me."
Naiilang man, sumunod si Summer. Nilapag niya ang bag sa upuan at sumunod kay Genesis. Nagtungo sila sa kusina.
Pinanood ni Summer si Genesis nang kumuha ito ng lata ng mais at condensed milk mula sa pantry. Sunod siyang kumuha ng pitsel, can opener, at kutsara.
"You need to ensure that there's a stock of ice candy in the fridge. Currently, dalawa na lang ang natitira."
Napakurap-kurap si Summer. "I-ice candy, Sir?"
Bumaling si Genesis sa kaniya na hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo. "Bingi ka ba? Kakasabi ko nga lang, 'di ba?"
"Sorry, Sir," nakangiting sambit ni Summer.
'Patience, Summer. Boss mo 'yan. Patience,' pag-uulit niya sa isipan.
Alam niyang may miscellaneous tasks siya pero hindi niya alam na kasali roon ang paggawa ng ice candy. That would be a first time for her.
"I'm only going to show this once kaya tandaan mo agad."
"Yes, Sir!"
Summer peeled her eyes open. Tahimik na pinanood ni Summer si Genesis sa pagbubukas nito ng lata. His muscles were rippling. At dahil likas na mas matangkad, parang nagpe-flex lang ng muscles ang lalaki.
Binuhos ni Genesis ang condensed milk sa pitsel at naglagay ng tubig at saka hinalo. Nagdagdag pa ito ng kaunting asukal na pula. Sunod niyang binuksan ang lata ng corn kernels at tinanggal ang likido.
"Sir, mais con yelo na ice candy ba 'yan?"
"Hindi ka lang pala bingi, bulag ka pa," naiiling na sambit ni Genesis.
Huminga nang malalim si Summer at muling ngumiti. "Pasensiya na, Sir. I'm still getting a hang of everything."
Nalilito pa rin si Summer. Hindi niya pa rin alam kung bakit kailangan niyang gumawa ng ice candy. She should be in the office, studying the ins and outs of the company. But instead, she was with her boss, in his kitchen, trying to make something that would be sold in sari-sari stores.
Hindi na siya sinagot pa ni Genesis ngunit nagpatuloy na sa ginagawa. Binuksan niya ang plastic at kumuha ng isa. Kinuha niya ang kutsara na ginamit sa paghahalo sa pitsel at sumandok ng corn kernels. Nilagay niya iyon sa plastik at saka kinuha ang pitsel at saka nagbuhos sa plastik.
Napalunok si Summer habang pinanonood si Genesis na itali ang munting plastik. Ngayon na magkatabi na sila ng bagong amo at mapagtanto na sila lang ang nandoon, kinabahan siya.
No matter how much Samantha and Emmett knew him business-wise, she did not know him personally. Hindi naman siguro ito manyak kahit na sinesante siya bago pa ma-hire at matawag siyang bingi at bulag. It was not the conventional way she thought she would land a high-paying job.
Pero kahit na may pagkabrusko ang pangangatawan ni Genesis, maayos at mabilis ang naging pagkilos nito upang mabuhol ang munting plastik. Nasisiguro niyang sanay na sanay ito sa paggawa ng ice candy. Marahil ay lagi itong may handa kapag dadayo si Alexis sa kaniyang pad.
Mukhang kahit na masungit at istrikto ito ay malambot ang puso sa pamangkin.
"I'll show you another one. But did you get that?" tanong ni Genesis nang ipatong ang nagawa sa plato.
Tumango si Samantha. "Yes, Sir. Siguro gustong-gusto ni Alexis ng ice candy kaya ang dami n'yong need na stock?"
Huminto si Genesis sa pagtatali ng plastik at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Lumapit nang kaunti si Genesis na hindi tinatanggal ang pagtitig sa mukha ni Summer. Napaatras naman ang dalaga dahil sa sobrang lapit ng mukha ng kaniyang boss.
Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Napakalapit na dahilan upang mas maamoy niya ang pabango nito. His musk infiltrating her nose with no room to reject it.
"S-sir?"
"Sino'ng may sabi na para kay Alexis ang ice candy?"
***
JO ELLE
#SaveTheBeastForLastWP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro