Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Simpleton

ILANG BESES tumikhim si Summer habang nakaupo sa waiting area. Mag-isa siyang nakaupo sa malawak na lounge kung saan siya dinirekta ng receptionist. Madaming empleyado ang ginagamit ang ID nila upang makapasok sa loob makalampas ng lounge.

Palihim niyang sinisilip ang mga mukhang dumadaan at hindi pa niya napapansin ang may-ari ng kompanya. Kalahating oras pa bago ang kaniyang interview. Dahil sinasanay niya pa ang sarili sa lugar at sa takot na maipit sa trapiko, umalis siya nang maaga sa apartment.

Wala pang isang araw ang nakalilipas nang makatanggap si Summer ng email at tawag na inaanyayahan siya para sa isang interview sa Genesis.

Hindi talaga siya binigo ni Samantha sa pagbibigay ng recommendation at naroroon na agad siya. Pero gumamit man siya ng koneksiyon, patutunayan niya na may ibubuga talaga siya sa trabaho.

Matapos ang video call nila ni Samantha, nag-research siya kaagad ng tungkol sa Genesis at sa may-ari nito. Genesis Corporation was a multi-billion tech company owned and led by Genesis Andreus Bartolome III.

Ayon sa profile nito, tatlong taon na sa puwesto ang binata. May lahing Pilipino, Amerikano, at Greek, pero hindi niya alam kung nakapagsasalita ba ito ng Filipino. Wala rin itong asawa.

Perfectionist kung maituturing ang dalawampu't limang taong gulang na bilyonaryo. Batay sa mga larawan na nakita ni Summer sa web, mahilig itong magliwaliw at magsaya sa mga bar. His record was not the cleanest, and he would sometimes get into trouble.

And Summer could not help but imagine that he was self-indulgent. He had the looks and money for it—bagay na nagpaisip sa kaniya kung gagawin at kakayanin niya ba ang trabaho.

Pero naisip din niya na kung kinaya niya ang pagtatrabaho sa isang hotel na maraming kliyenteng kailangang pagsilbihan, hindi na ito magiging ganoong kakomplikado dahil iisa na lang ang magiging amo niya.

Inayos ni Summer ang kaniyang suot na pencil skirt na lampas tuhod. Mabilis din niyang sinilip ang kaniyang puting long sleeves. Magmula no'ng umalis siya, naging mas konserbatibo na siyang manamit. She did not want to feel exposed nor give the wrong impression to other people.

At isa pa, summer sa New York. It was warm and humid.

Her long hair was also tied high to make her face look clear and clean. May makeup din siya pero hindi makapal kumpara sa gayak niya noon. It was close to her natural skin tone.

Kinakabahan siya sa magiging interview. She wanted to impress whoever would be dealing with the interview, but at the same time, she wanted to ensure she was not going to be overboard. Ayaw niyang magtunog mayabang sa interview at ayaw rin niyang magtunog na mahina.

Kung dati siya ang nasa hiring committee, ngayon ay kailangan niyang ilagay ang sarili sa sapatos nila. She needed to stand out from other applicants, but not in an excessive manner.

Umaapaw ang kaba sa dibdib niya. Pakiwari niya ay sumipit na ang panty sa kaniyang pang-upo at kinakailangan na niyang ayusin. She was that anxious and uncomfortable.

Kinuha ni Summer ang bote ng mineral water niya. Halos hindi niya ito inumin upang hindi makaramdam ng tawag ng kalikasan bago ang interview. Hindi rin siya uminom ng kape nang gumising kanina upang hindi kabahan.

Nang ipatong niya ang bote sa arm rest ng itim na couch na kaniyang inuupuan, doon napansin ni Summer ang isang batang babae na tumatakbo sa pasilyo.

Napakahaba ng buhok nitong itim na may kulay rosas na laso. She was wearing a pink sundress. Parang anghel itong naglalaro sa pasilyo at hindi pinupuna ng ibang empleyado.

Unconsciously, Summer found herself smiling. Naalala niya si Charlie at ang nauna niyang baby. Hindi niya alam ang kasarian ng una niyang baby dahil maaga itong nawala sa kaniya. Ngunit kung babae rin ito, baka naisip niya na magiging maganda ang mga bata at bibihisan din niya ng ganoon.

Summer would dress up her children and play with them lovingly. May kilalanin man silang ama o wala, ipakikita at ipararamdam niya ang walang kapantay at walang kondisyon na pagmamahal.

Doon siya napansin ng batang babae at luampit sa kaniya. Mas napansin niya na may Asian features ito at hindi mukhang purong Amerikana. Mukhang anim o pitong taon na ito, at papasa na maging isang Disney princess.

Lumapit ito sa kaniya at pansin na pansin ang kulay asul na mga mata sa malapitan. Hindi niya kaagad napansin dahil sa bangs nito na lampas na sa kilay. Parang manika talaga ang batang babae.

"Henlo!" bati ng bata sa kaniya. Napangiti si Summer sa cute na tono ng boses ng bata.

"Hello! Are you lost?" malambing na tanong ni Summer.

Umiling ang bata. "I am not lost. My name is Alexis."

Nalito si Summer at saka napangiti. "Oh, I'm sorry. I didn't mean your name is 'lost'. I was asking if you were lost, Alexis."

Umiling ang bata. "No! My Papa works here."

"Ah, I see . . . "

"Shouldn't you introduce yourself, too?" tanong ni Alexis sa kaniya.

Nabigla man ay binigyan na lamang niya muli ng ngiti si Alexis. "Pardon me. My name is Summer."

"Summer? Like the season?" Her little voice squeaked.

Summer smiled, showing her pearly white teeth. "Exactly like the season."

"Wow! I like your name! I wish my name is pretty, too."

Nanlaki ang mga mata ng bata at walang hesitasyon na pinatong ang mga braso sa hita ni Summer. Napaatras si Summer dahil sa gulat habang nakatitig sa mala-dagat na kulay ng mga mata ng bata.

"Um . . . thank you, Alexis. You have a pretty name yourself. And I like your eyes a lot."

Namula ang pisngi ni Alexis at saka bumungisngis. "I got it from my daddy!"

"Oh? Where is he? It would be best if you went to your daddy already. He might be looking for you."

Ang kaninang bungisngis ng bata ay naglaho. "Daddy isn't here, Papa is. But he's busy right now."

Nagtagpo ang kilay ni Summer sa pagtataka sa sinabi ni Alexis. Iba ang daddy nito sa papa? Hindi naman iyon nakagugulat sa Amerika. It was actually admirable knowing she had a family.

"Should I ask the receptionist for help? They might be able to call for your papa."

Napatingala si Alexis nang tumayo si Summer. Bukod sa suot niyang beige na stilettos, matangkad talaga si Summer. At kahit na napabayaan niya ang sarili sa pagkain, hindi pa rin nawala ang kurba nito.

"No!" reklamo ni Alexis.

"Just one sec, Alexis."

Tumalikod na si Summer upang lumapit sa babae na nakausap niya kanina. Wala ang kasama nito at may kausap na ang babae sa telepono. Kumpara kanina na parang mga bubuyog ang mga empleyado na pumapasok ng gusali, kakaunti na lamang ang mga tao roon.

"I said no!"

Nagulat si Summer nang sumigaw si Alexis. Nang bumaling suya ay sakto namang natakid ito at tuluyang nadapa.

"Alexis!"

Patakbong lumapit si Summer at lumuhod sa harap ni Alexis. "Are you okay?"

"Y-yes!"

Napansin ni Summer ang munting galos sa binti ni Alexis. "Oh no! You're hurt!"

Nagpalinga-linga si Summer at mukhang nasa sarili nilang mundo ang ilang empleyado. Hindi niya sigurado kung nagpapatay malisya ba sa nangyari. Hinarap ni Summer ang receptionist na katatapos lang makipag-usap sa telepono.

"Excuse me! Can I get some help here!"

Nagsenyas ang babae sa kaniya na kukuha ng medicine kit.

"I'm sorry, Alexis."

"Why are you apologizing?"

"Well, you're hurt."

"I'm okay." Tumayo si Alexis. At kahit napangiwi siya sa sakit ng binti ay agad siyang ngumiti. "I'm okay, see? Can I drink water now?"

Nilingon muli ni Summer ang receptionist na nawala sa puwesto nito. Lalo niyang ikinagulat iyon. Kung nasa hotel sila at siya ang manager, hindi puwede iyon. One should not leave the reception desk unattended, especially when an incident had occurred.

Napabuntonghinga si Summer at tinulungan si Alexis na makalapit sa kaniyang kinauupuan kanina. Inabot niya ang bote niya ng tubig at binigay sa bata.

"I'm only sharing because you're asking for it, and I know I'm not sick. But please, don't ask random strangers for drinks, okay?"

"But you're not a random stranger. You're Summer," she answered in 'a matter-of-fact tone.'

"Yes, but . . . " Napabuntonghinga muli si Summer. Hindi niya sigurado kung paano maayos na ipapaliwanag kay Alexis.na huwag basta-basta makipag-uusap sa mga estranghero.

Pero mas mainam na ang magulang nito ang nagpaliwanag sa halip na siya. May kaba sa dibdib niya na baka ikapapahamak o ikabubuti niya ang pagtulong kay Alexis. Baka anak pala ito ng isang Board member.

Inalalayan niya si Alexis sa pag-inom nito ng tubig at pinunasan ang labi nang matapos uminom.

"Thank you, Summer!"

Nasasabik na tumalon si Alexis upang bigyan ng mahigpit na yakap si Summer. Nakalingkis ang maiiksi na braso sa kaniyang leeg.

Summer was caught off guard. Nanigas sa kaniyang kinauupuan. Parang nahirapan siya sa paghinga.

A hug. She just received a warm hug from a child.

Napapikit si Summer at nanginginig na hinaplos ang buhok ng bata. "You're welcome!"

Hindi niya sinasadya pero naalala na naman niya ang mga anak. Habang lumalaki sila, makatatanggap din siya ng ganoong yakap . . . baka mas mahigpit pa na yakap.

That would have been amazing.

"Alexis!"

Naputol ang kanilang yakapan at halos mapatalon pa sila nang marinig ang malalim na boses na iyon.

"Papa!" pahiyaw na bati ni Alexis at kumalas mula kay Summer. Tumakbo siya sa direksiyon na pinagmulan ng boses.

Nanlaki ang mga mata ni Summer sa narinig. Paglingon niya ay napatingala siya sa lalaking nakasuot ng itim na business suit. Nakakunot ang noo nito at nanlalamig ang kulay asul na mga mata.

All the photos from her research last night flashed before her eyes. And Summer thought the images on the web did not do him justice. Mapagkakamalan niya itong modelo dahil sa kakisigan ng katawan, katangkaran, at kaguwapuhan.

Sigurado siya na si Genesis iyon!

Nang makalapit si Alexis ay agad itong binuhat ni Genesis na walang kahirap-hirap. Kinausap nito ang batang babae at wala nang narinig si Summer.

Sa paningin ni Summer, parang isang malaki at nakatatakot na oso si Genesis, samantala isang maliit at napaka-cute na bata ni Alexis. Hindi niya inaasahan na si Genesis pala ang papa na tinutukoy ng bata.

Ngunit kasabay nito, wala siyang impormasyon na may anak na si Genesis. At ang pareho lamang sa kanila ay ang matingkad na asul na mga mata.

Walang babala na nagpatak sa sahig ang bote ng tubig at napasigaw si Summer dahil sa gulat, "Ay bakla!"

Agad siyang napatakip ng bibig, hinihiling na walang nakaintindi sa bigla niyang nasabi.

Napalingon sina Alexis at Genesis, kasama ang receptionist na kanina ay nawala sa kaniyang puwesto. Batid ang inis nito nang makitang nadagdagan pa ang kailangang gawin.

"What's your name?" walang hesitasyon na tanong ni Genesis.

Nanlilisik ang mga mata nito na parang kakainin siya nang buhay. Parang isang leon na lalapain siya, o 'di kaya ay sawa na kakainin siya nang buong-buo.

Napalunok si Summer. His mere presence was making it suffocating to breath. Parang hindi lang ang suot niyang panty ang kung saan sumipit, ngunit maging ang kaniyang bra ay nanikip. Pakiramdam niya ay nahihirapan siyang huminga at nanuyo kaagad ang labi.

"M-my name is S-Summer Cruz, Sir . . . "

"Well then, Miss Cruz . . . "

"Y-yes, Sir?" nahihiya at nauutal niyang sagot.

Hindi nagbago ang paraan ng pagtitig ni Genesis sa kaniya. Dahil sa tangkad nito, nakatingala pa rin si Summer. Her height and heels were still of no match from him.

"You're fired."

***

JO ELLE

#SaveTheBeastForLastWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro