Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Almost everyday I feel like it’s a sin to be Reagan’s new Architect. It seems like he regret being the stockholder of my company now. Alam kong… pabagsak na ang kompanya namin, kaya nga hindi ko inasahang susugal pa siya para sa kompanya ko. But I am still holding onto this. I rebuilt this company with all my heart. Binuhos ko lahat ng makakaya ko, kaya sana… hindi naman masayang ang pinaghirapan ko, lalo na dahil hindi pa naman humuhupa ang nangyari kay Mommy. Ilang buwan pa lang ang nakalipas nang makulong siya.

“This is my design for your new building,” nilapag ko ang folder sa kaniyang lamesa. “Sabi mo ay gusto mong makita muna ang drafts, bago ko i-present sa board.”

Tiningnan niya naman ‘yon at sinuri. Bawat page ay tinitingnan niya nang nakakunot ang noo. Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya.

He really did changed a lot physically. Tumikas ang pangangatawan. His shoulder got more broader. He’s got thin stubbles that suits him well now. His muscles that fit in his… suit. He’s got more taller than before. His hair in a good haircut. It looks so soft. I can also smell his expensive manly scent from where I am sitting.

Hindi naman siya ganito kagwapo noon. I mean, yeah, he’s handsome despite his kind of style before… nerdy and good-looking guy. But today… after years, he became a different person.

Nag-angat siya ng tingin sa akin dahilan kung bakit ako nag-iwas ng tingin. Hindi ko pa rin matagalan ang tingin sa kaniya. There’ something in his eyes I couldn’t fathom. It is too intense. It is too heavy.

“This is just your draft, right?” he asked carefully.

Tumango ako, “yes, kung may gusto ka rin namang i-suggest pa ay mas mabuti para mapag-isipan ko na agad ang p’wedeng gawin at idagdag.”

His eyes drifted at my lips but it was too quick na para bang hindi naman niya sinasadyang mapatingin doon. Binalewala ko iyon at nagsalita pang muli para ituloy ang mga sinasabi ko.

“I personally like this design of yours. Kung may idadagdag ka pa, I won’t mind. Just tell me so. After this, you are going to present this to the board. Ready your team and your presentation, two weeks from now. Gusto kong masimulan agad ito sa lalong madaling panahon.” Tumango ako sa sinabi niya.

“Alright, thank you for your time, Mr. Servano.” I smiled sweetly at him that he didn’t expect. Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa nakitang reaksyon sa kaniya.

I guess, I still have that affect on him, huh?

And gosh! Why is he so damn gorgeous? Kahit na wala naman siyang ginagawa kanina kung ‘di ang tingnan ako ng walang emosyon, napakagwapo niya. Mas lalo siyang gumwapo dahil… nagmature na siya. I didn’t expect him to get more handsome each passing day.

Isang linggo ko lang naman siyang hindi nakita pero… fuck!

I did everything to make the project perfect. Nagpaka-hands on ako sa paggawa nito. Hindi ko hinayaang pumalpak lalo na at mukhang kinakabahan ang team na hawak ko. This is one of our biggest project, kaya naman hindi na nakapagtataka ang reaksyon nila.

The next day I went to Batangas para bisitahin ang proyektong hawak ko rin, this is under Vaughn’s company. It’s just a resort kaya hindi naman kailangang palagi akong narito. I’ also under Vaughn’s company since I also want to get some project that is not connected to my company. It’s also an extra income for me.

Pagkatapos doon ay dumiretso ako sa kompanya ni Vaughn. Naabutan ko sila na nag-uusap ni Zaimon doon.

“Hey,” bati ko nang makapasok nang tuluyan. Tinanggal ko ang shades ko at umupo sa katapat na upuan ni Zaimon.

“Taas ba ng araw kahit gabi na?” inirapan ko si Zaimon sa sinabi niya.

Ginabi na nga ako, siyempre hapon na rin akong nakaalis sa Batangas.

“Tigilan mo ‘ko , Zaimon. Pagod ako sa biyahe baka isampal ko sa ‘yo takong na suot ko.” Irap ko sa kaniya na tinawanan lang niya.

“Why are you here, Stella?” Vaughn asked.

“Para agawin ka kay Kyleigh,” biro ko na inilingan lang niya.

“You do know how freak my woman is,” he respond meaningfully. “And I love her…”

“You know I am too. But I’m just kidding. I’ve already moved on from you. I’m here to report about doon sa resort sa Batangas. Kakagaling ko lang doon bago pumunta rito. Kaunti na lang at matatapos na ‘yon. Nakausap ko na rin si Mrs. Benagua tungkol dito. She’s also preparing for the opening. Next week ay babalik ako roon na kasama na sila ng asawa niya at anak niya para matingnan na nila ‘yon bago pa man matapos.” Sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Pinakita ko sa kaniya ang mga kuha ko sa giinagwa kaya iyon ang tinitingnan niya ngayon, sinusuri iyon.

“This is good. Finishing na lang sa ibang parte at matatapos na talaga.”

Nagpatuloy kami sa pag-uusap tungkol sa mga proyektong hawak ko, pati na rin ang tungkol sa gagawin kong proyekto sa kompanya ni Reagan ay naisama na namin sa usapan. Minsan ay sumasali si Zaimon sa usapan dahil alam niya rin naman ang tungkol doon.

Pagkatapos ng usapan namin ay agad naman akong umuwi. Nang makarating ako sa basement ay hindi agad ako lumabas ng sasakyan ko. Inilagay ko pa ang noo ko sa manubela at ipinikit ang mga mata. I’m already tired. I want to rest…

Nag-inat pa ako bago lumabas ng sasakyan. I was busy massaging my nape as I close my eyes while walking towards the elevator when I suddenly bumped to someone.  Agad akong nag-angat ng tingin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko inasahang makikita ko siya rito ngayon! Why… Reagan is here? In my condo tower?

“R-Reagan…” I whispered his name.

Madilim ang tinging iginawad niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito palagi ito sa akin.

“W-Why are you here?” I asked, still in dazed that he’s here in front of me.

“Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang nakauwi? Pumunta ako sa opiisina mo, wala ka ro’n.” Hindi lang sa presensya niya ako nagulat kung ‘di pati na rin sa tanong niyang ito.

“What?” parang tangang tanong ko sa kaniya. “Bakit ka pumunta sa opisina ko? May kailangan ka?”

Kumunot ang noo niya. Hindi siya nagsalita kaya naman hindi ko agad siya nakuha. Bakit siyya pumunta sa opisina ko nang walang dahilan?

“Nothing. You were busy, anyway.” Tila nagmamaktol niyang sagot sa akin.

I sighed, “pumunta ako sa Batangas kaninang umaga to check my ongoing project there. It’s a resort. At alas tres na ako nakauwi. Dumiretso ako sa opisina ni Vaughn nang makarating ng Manila.” Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin sa huling sinabi ko. Natutop ko ang aking bibig at hindi agad sinundan ang sasabihin.

“What did you do in his office? I thought he’s already taken? He has a fiancé,” umirap ako dahil alam ko na ang iniisip niya,

“Nag-report ako sa kaniya dahil nga pumunta akong Batangas. I’m under his company after all. At ako ang Architect in charge sa proyektong iyon.” Paliwanag ko kahit na panigurado namang walang saysay iyon sa kaniya.

He didn’t respond though. Kaya nanahimik na lang ako. Pagod ako pero pakiramdam ko kailangan ko munang manatili rito kahit saglit at kahit wala naman siyang sinasabi.

I looked away, still feeling exhausted. Then I heard him sighed heavily. I looked at him and how he’s looking at me deeply.

“Ngayon lang natapos ang meeting mo kasama si Vaughn?” he asked carefully.

 Nodded. “Kasama namin si Zaimon sa meeting. It’s not just me and him.” Tumango siya na lalong nagpagulo ng isip ko.

He’s confusing me.

“Bakit ka nga pala nandito? May dinaanan ka ba?” I asked slowly.

Tumango siya. “I checked my girlfriend.”

Kumunot ang noo ko at parang may yumurak na kung ano sa puso ko nang marinig ‘yon mula sa kaniya. I didn’ know he has a girlfriend now…

“Your girlfriend lives here?” what a fucking coincidence?!

Nang tumangong muli siya ay agad akong napayuko dahil sa sakit na nararamdaman. And I am here… fucking feeling this weird feelings towards him now… but he already has a girlfriend?

“I didn’t know you’re also living here.” He asked casually that made me look at him again.

Pero bago ako mag-angat ng tingin ay sinigurado ko munang walang ni isang emosyon ang nasa mga mata ko. I won’t let him see how hurt I am to know that he’s taken now.

Tumango ako. “I didn’t know you’re in a relationship,”

He held my gaze but he didn’t answered me. I smiled at him.

“Sige na, aakyat na ‘ko. I still have work tomorrow. Maaga pa ako bukas.” Nilampasan ko siya at dumiretso na sa elevator nang hindi siya nililingon.

Hanggang sa makarating ako sa unit ko ay para akong lumulutang, hindi dahil masaya akong nakita ko siya rito… kung ‘di dahil sa nalaman kong may kasintahan na siya.

Oo nga pala at hindi na siya kagaya noon na introvert at halos walang nilalapitang babae bukod sa akin. He’s far from the Reagan I know before.

But… why I still have this strange feelings I felt like before?

Noon, ipinilit ko sa sarili ko na gusto ko— na mahal ko si Vaughn noon. Kahit nandiyan si Reagan, iyon ang inisip ko, ang ipinagsiksikan ko sa puso at isip ko.

But after seeing him again… I felt like… the feelings I felt that I buried six feet under the ground before… came back with no effort. Na parang sapat nang nakita ko siyang muli para manumbalik iyon. And I didn’t know how to erase this feelings.

I did horrible things before just to prove myself I love Vaughn. That I ca do anything just for him to love me back.

At parang hindi ako nadala… sabi ko ay magbabago na ako. That I will do better now. Nangako ako noon na hindi ko na kailanman gagawin ang paninira ng relasyon ng iba…

Pero mukhang hindi pa talaga ako titino. Maybe after someone loves me back? Maybe if someone hold me back? Maybe if someone appreciates me without further ado? Maybe if someone… cares for me more than just a friend or a family. Saka lang siguro ako titino. Saka lang ako matatahimik.

I am already 29 years old, I should settle down.

Siguro… hindi na rin masamang sundin ang sinabi ni mommy noon? Na… pakasalan ko si Mr. Servano… si Reagan.

Maybe it’s time to make a move? On my own. This time withuot my mother’s help. Pero… tama ba itong gagawin ko?

Well, hindi naman na bago ito sa akin. Siguro naman ay kakayanin ko rin ito.

Pinag-isipan ko iyong mabuti. Nagplano ako at inisip ang possible consequences ng gagawin kong ito. I will rehire my mom’s men. I know they are loyal to my parents. Alam ko ring makakatulong sila sa akin sa gagawin kong ito.

I just need to be very careful with this plan.

Kinabukasan ay hindi ako pumasok nang maaga. Tinanghali pa ako ng pagpasok dahil tinawagan ko pa ang private investigator ni daddy. I need to know who’s his girlfriend. At hindi ko naman iyon p’wedeng itanong lang nang basta-basta kay Reagan without sounding so fucking curious about that girl.

When I enter my office I was shock to see my dad’s private nurse inside.

“Ms. Stella,” bati niya sa akin at tumayo upang magbigay galang sa pagdating ko. I gestured her to sit down again.

“Nurse Jane, why are you here? How’s my dad?” I asked before I settle down myself in my swivel chair. “Sorry kung hindi ako nakakabisita kay daddy. I got so busy with work. May new big project pa ako,” pagdaldal ko.

“U-Uhm, ayos lang po ‘yon, Miss. Nandito lang po ako para ipaalam sa inyo na… lumalala na ho ang cancer ng daddy n’yo. I was told to tell you this. Pero kasi… si Mr. Valdez po kasi ay… halos ayaw nang maki-cooperate sa amin…” nagpatuloy pa siya pero parang walang rumerehistro sa aking utak.

I was stunned. I couldn’t speak nor move to respond to her. I don't know how should I respond to her.

Ang huling kataga lang niya ang tanging naiwan sa aking isipan; “kapag nagpatuloy siya sa ginagawa niya, sa mga pagmamatigas niya… maaari pong hindi na rin siya magtagal dahil lumalala at lumalaki ang tumor niya sa utak. Na magiging sanhi ng pagkamatay niya…”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro