Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9. Death Threats


Abala si Phoenix sa pagbabasa ng mga report na isinumite ng mga tauhan nang pumasok sa opisina si Fret, ang pinsan niyang pinakamatiyagang mangulit sa kanya.

"Ayos 'yung nabalitaan ko ah. What's with those groceries and vitamins na pinapa-asikaso mo sa assistant mo? Charitable ka na ba ngayon, bro? Anong nakain mo? Magpapamisa na ba ang buong angkan ng mga Dizeriu dahil may milagro?"

Hindi iyon pinansin ni Phoenix sa halip inilapag ang folder na hawak at humarap sa computer. Napalis ang ngiti ni Fret ngunit hindi sumuko, naupo pa rin sa harap ng desk niya. Nasulyapan nito ang kahina-hinalang mga papel sa ilalim ng nakasalansang dokumento.

Death threats.

"Sunod-sunod ang dating ng mga 'to ah! Kaya ka ba nagpapakabait ngayon dahil natatakot ka na?"

Marahas na lumingon si Phoenix. "Natatakot sa mga papel na hindi man lang nila kayang lagyan ng kahit na anong nakakamatay? Nagpapatawa ka ba?"

"Bro, alam kong maraming taong galit sa 'yo kaya sanay ka na, pero mag-ingat ka pa rin. Mukhang obsess sila na masaktan ka sa kahit sa anong paraan."

Ngumisi lang ng kampante si Phoenix. "Wala akong kahinaan. Kung 'yon ang hinahanap nila."

"Simula nang mauso ang Prince of Hell craze na 'yan hindi ko malaman kung nabawasan o mas lalong dumami ang mga haters mo." Nakatawang komento ni Fret.

"Hindi ko ginustong mapunta sa walang kwentang listahan na 'yan."

Nakatawang umiling-iling si Fret. "Hindi na ako magtataka kung magkaroon ng pila ng mga buntis diyan sa labas ng opisina mo claiming na ikaw ang ama ng dinadala nila para lang masilo ka."

Napatitig si Phoenix sa pinsan. Alam niyang nagbibiro ito pero apektado siya. "Yeah... cunning women are everywhere." Bulong pa ni Phoenix.

"Mas maganda, mas tuso at delikado, 'yun ang sabi nila."

Natahimik si Phoenix. Napatitig siya sa pinsan. "Fret, maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa 'yung I'm going to be a father soon?"

Malutong na tawa ang pinakawalan nito. "Hindi! Ikaw pa na control freak! And Jesus! You're dating a woman just to win a business deal pero madalas hanggang kape ka lang sa bahay ng babae. Mas maniniwala ako kung sasabihin mong virgin ka pa rin hanggang ngayon—"

Pero natigilan si Fret nang mapansin ang expression ni Phoenix.

"'Di nga?" Tanong nito. "Totoo?"

Tumango siya.

"Sino?"

"Hindi mo kilala. Yvette dela Merced."

"Holy cow! How?"

Kibit-balikat si Phoenix. "She's statuesque, beyond beautiful, I was dazzled."

"Wow! Phoenix Arthur Dizeriu dazzled? Impossible. You know what? I could earn millions just by sending this news to the Prince of Hell magazine."

Matalim ang tinging ibinato ni Phoenix dito.

"Is she asking you to marry her? Wait! Kasasabi ko lang bro na mas delikado 'yung magaganda, mukhang tama ang theory ko!"

"She traded sex for a goddamn ancestral house that I acquired some time ago. She demanded her price right before we had sex. Can you believe that?" Nakakuyom ang mga palad ni Phoenix. "After that I was expecting her to claim the house, but she didn't show up. Naisip ko na baka may malala siyang pinaplano kaya ipinatawag ko siya. Do'n ko lang nalaman na buntis siya."

"Pa'no ka naman nakakasiguro na ikaw ang ama?"

"She was a virgin when I took her. I'm hell sure of that! Siya din ang nagsabi na hindi ako ang ama ng bata."

"Virgin? You sounded like this woman was a slut. Baka naman hindi talaga ikaw."

"Don't take me for an idiot, Fret. Of course, I had her investigated and followed. Hindi pa kailanman sumablay ang mga tao ko. Nararamdaman kong anak ko ang dinadala niya. I don't know what this woman is up to, but I'll be watching her... closely."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro