Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5. Mr. Mysterious


"Her condition is stable now. Nagcollapse siya dahil sa tingin ko ilang araw na siyang stress at hindi kumakain ng maayos. But after the medication she will be back on track, the vitamins will give her enough nutrients to support her and the baby." the doctor said.

The baby. Yes, the baby.

It became so hard for him even just to run that one-syllable word on his head. Nang tanungin niya ang doctor kung ilang buwan na ang bata walang dudang sinabi nitong mag-aapat na buwan na. For the first time in his life, his chest tightened. It was very hard to breath. Kahit hindi na niya bilangin alam na alam niya kung kelan may namagitan sa kanila ng babaeng gold-digger na inabutan niya sa mansyon na Yvette dela Merced pala ang pangalan. Fuck Carlos Pratley for inviting a whore in his house and fuck himself for giving in to that same whore.

He laughed at himself quietly. He ran his fingers in his thick pitch-black hair just so he could ease the throbbing pain in his head. Kahit paano niya isipin malakas ang posibilidad na anak niya ang batang dinadala ng babaeng ngayon ay payapang nakahiga sa puting kama ng hospital na kinaroroonan nila. Ipinangako niya sa sariling hindi kailanman magpapabiktima sa mga gold digger pero parang masamang tinapay na tinapon niya sa bintana ang pangakong iyon at nakipag-sex sa isang babaeng ni hindi niya kilala ng walang proteksyon. Bagay na hindi niya pa ginawa sa buong buhay niya. He had always been very careful. Phoenix Arthur Dizeriu had never been impulsive all his life. Lahat sa kanya de numero at nakaplano. Bawat desisyon ay pinag-iisipang mabuti.

But God, nobody could blame him if he was tempted, he was just a man with a normal set of hormones anyway, and Yvette dela Merced that night was a goddamn fantasy that came to life. Dressed in her skimpy little red dress she was seduction personified. Every inch of her creamy skin and every curve of her detectable body was a ride to heaven without the return ticket. I have been all over the world, I have seen thousands of surpassing beauties from fashion superstars to wealthy heiresses, but no one compared to the exquisite beauty this woman before him possessed. He was not the kind of man run by his libido, but the mere glimpse of her shapely legs that peeked out of her hospital gown made his rod thickened like hell.

Kuyom ang kamao niyang lumapit sa natutulog na dalaga, ilang beses pang nagalinlangan na ilapit ang kamay niya sa katawan nito, bandang huli ay maingat niyang hinawakan ang kumot at itinakip sa naka-expose nitong legs.

Nabaling ang atensyon ni Phoenix nang makarinig siya ng ingay sa labas ng suite.




"Ano ba kayo! Kaibigan ko ang nasa loob ng hospital suite na 'yan. Papasukin niyo ko bakit ba humaharang kayo, sino ba kayo?" Nagpupumilit si Zyra na makalampas sa unipormadong mga bodyguards na nakaharang sa pintuan ng kwarto ni Yvette sa mamahaling hospital na iyon.

"Let me in! Wala siyang ibang kamaganak na mag-aasikaso sa kanya. Ako lang ang nag-iisang malapit sa kanya!" Dagdag pa ni Zyra na halos nakatingala na sa tangkad ng mga guards na parang mga batong nakaharang sa pintuan ng kwarto ng kaibigan niya. Noong una ay nagalinlangan siya, baka nagkamali lang siya ng kwarto dahil saan naman kukuha ang kaibigan niya ng mga bodyguards na mukhang pang wrestling ang laki ng mga katawan. Pero nakita niya kasi ang pangalang nakalagay sa pintuan. Yvette dela Merced.

"Pasensya na kayo Miss. But we're just following orders. Hindi pwedeng magpapasok ng kahit na sino sa kwartong ito maliban sa mga doctor."

Kumunot ang noo ni Zyra.

"Whose orders?"

Ngunit hindi na sumagot ang mga lalaking nakaharang.

"Gusto kong malaman ang kalagayan ng bestfriend ko! I demand to know what's happening here kundi tatawag ako ng mga pulis. Hindi naman namin kayo kilala!"

Patuloy na nageskandalo si Zyra. Kahit sobrang tatangkad at la-laki ng mga taong nakaharang sa pinto ay pinilit pa rin niyang makapuslit.

Natigilan lamang siya ng bumukas ang pinto ng kwarto at isang matangkad na lalaking naka-executive suit ang niluwa niyon. Dahan-dahang tumingala si Zyra upang mapagmasdan ng maigi ang lalaki. Kailangan niyang makasiguro na hindi siya dinadaya ng paningin.

"Visitors are not allowed. Get lost." maawtoridad na asik ng matangkad na lalaking nasa harap na niya.

Napamaang lamang si Zyra.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon. Pakiramdam niya nanigas ang lahat ng muscles niya sa katawan, hindi siya makahinga ni hindi makalunok ng laway.

"Phoenix Arthur Dizeriu...? The Prince of hell number three?" usal ni Zyra.




"Salamat naman at gising ka na. Sabi ng doktor normal lang ang mahabang tulog mo dahil sa matinding pagod pero nag-aalala na ako." Bungad sa kanya ni Zyra nang imulat niya ang mga mata.

"Nasaan tayo, Zy?"

"Nasa hospital. Sa'n pa ba? Hinimatay ka raw. Hindi ka kasi nag-iingat. Alam mo namang maselan ang kalagayan mo."

Nakaramdam na ulit si Yvette ng pananakit ng sentido. Awtomatiko niyang kinapa ang tiyan.

"Don't worry. Okay lang si baby. Pero kailangan mo ng mahabang pahinga."

"Zy... Sssshhhhh..." Hawak niya ang ulo. Nanghihina pa rin siya. "Okay na ako. We need to get out of here. Baka lumaki pa bayarin natin dito. Alam mo namang nagtitipid tayo. Mukhang ang mahal pa nitong hospital na pinagdalhan mo sa 'kin. Pwede naman ako sa public hospital lang—"

"Hindi naman ako ang nagdala sa 'yo dito."

"Ha? Sino?" Bigla niyang naalala kung ano ang nangyari sa kanya. Tama! Nasa building siya ng Pratley, Inc. at kausap niya ang isang lalaking sugo ng demonyo. Tapos ay nahimatay siya.

Sinundan niya ang tingin ni Zyra sa gawi ng pinto. There she saw him again. In his full godly grandeur, prenteng nakasandal sa pader ng kwarto habang nakasuksok ang kamay sa bulsa ng pants nito. Matamang nakatitig sa kanya ang nakakalula nitong mga mata.

"I thought it was the dress that made your belly a little larger than usual... Hindi pala..." He said in his usual icy voice.

Napalunok si Yvette. Kinapa ang tiyan.

"You are pregnant."

Tuluyan siyang nagpanic. "Zyra, let's go! Umalis na tayo dito ngayon na." Nagpumilit siyang bumangon, pinwersang tanggalin ang IV na nakatusok sa kamay niya kung 'di lang naging maagap ang lalaking estranghero. Sa isang iglap ay nasa tabi na niya ito hawak ang dalawa niyang kamay.

"What the hell do you think you're doing? Are you crazy? You'll stay right here until we get permission from your doctors!" Singhal pa nito. "They told me you're about four months pregnant. We both know very well that the baby could be mine."

"Duda ka? Anong akala mo sa 'kin pokpok na kung kani-kanino nagpapagamit?" Wala sa sariling naibulalas niya.

"Kung ganoon hindi ka aalis dito. Hindi ka rin aalis sa paningin ko hangga't hindi pa napapatunayang akin nga ang batang 'yan!

"Aalis ako kung kelan ko gusto. Dahil hindi naman ako naghahabol. Wala akong pakialam kahit hindi mo kilalanin ang anak ko. Hindi ka namin kailangan!"

"Huh? Do you really think just for one second that I'll let you out of that door knowing that—that baby could be my child? No fucking way lady!"

Napamaang si Yvette dito. No way. He wanted their child? No. He can't have her baby. He'll take it away from her. "You think you can stop me?" Lakas loob niyang turan. Kailangan niyang makalayo sa taong 'to na posibleng kukuha sa anak niya.

"Absolutely." Sagot nitong nakataas ang noo.

Napalunok si Yvette. Tumingin kay Zyra. Umiiling ang kaibigan niya, panay ang kagat nito sa ibabang labi na para bang natatakot para sa kanya.

"Yvette..." Bulong ni Zy. "You need to know something."

Kumunot ang noo niya sa kaibigan.

"Hindi mo ba talaga ako kilala o nagmamaang-maangan ka lang?" untag ng lalaki.

"Wala akong kilalang antipatiko, judgemental at masamang taong kagaya mo!"

"Why don't you ask your friend? She seems to know a lot about me."

Napatingin ulit siya kay Zyra.

"Media is calling me a demon—an evil billionaire."

Napasinghap siya.

"He's on the list," finally, bulong ng kaibigan niya. "Number three."

Napaawang ang mga labi ni Yvette. That means this man in front of her is extremely powerful, wealthy and ruthless. Her baby's father! A prince of hell.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro