Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

*|°Walang tayo°|*

Ano ba ang paraan?
Mga paraan para ika'y kalimutan
Magbingi bingihan o magbulagbulagan?
Alam mo ba na ako'y nahihirapan at nasasaktan?

Alam kong wala akong karapatan
Dahil wala naman tayong ugnayan
Pero bakit hindi ko mapigilang masaktan?
Simple lang kase lubusan kitang minahal kahit wala namang patutunguhan at kahit alam ko na sa huli ako'y masasaktan lang naman...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro