Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

"CAN you tell us how this partnership with Saoirse came about? Gaano na kayo katagal magkakilala?" Napalunok ako nang itanong 'yon ng host.

Napatitig lang ako sa kanila, kahit na hindi ko gaano makita ang kanilang mga mukha dahil sa liwanag ng mga ilaw. Tumingin ako sa itaas, maraming mga tao ang nakatingin sa amin, kay Saoirse sila paniguradong nakatutok. May iba pa nga na may hawak pang banner na may nakasulat na, 'WE LOVE YOU SAOIRSE FROM QC CHAPTER'.

Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba talaga 'to?

Tumingin ako sa katabi ko at nginitian niya ako habang hawak-hawak niya ang bouquet. Paniguradong sanay na sanay na siya sa ganito kaya hindi na siya naiilang. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang maalala 'yon.

She slightly nodded as if to encourage me. Natauhan ako nang makita kong kumaway si Fumi sa gilid, kasama niya sina Winona, Gigi, Shammy, at Juliet na abot tenga ang mga ngiti.

I smiled, remembering the whirlwind of events that led to this moment.

"Well, Saoirse has been our client for a while now. We've always admired her talent and her kindness. When the opportunity arose to work more closely together, it felt like a perfect fit. Saoirse embodies our values—elegance, professionalism, and a touch of glamour." Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pero nasabi ko 'yon ng diretso. Tumingin ulit ako kina Fumi at nakita kong nag-thumbs up sila.

Pumalakpak ang mga audience sa gitna. Habang ang mga nanood sa ikalawang palapag ay naghiyawan, mga fans ni Saoirse.

Muling nagtanong ang babaeng host. "How do you feel about the attention this partnership is bringing to your salon?" Sunod-sunod na pumitik ang mga photographer.

Nakita ko sa harapan ang manager ni Saoirse na si Felix, seryosong nakahalukipkip. Hindi ko alam ang buong kwento kung paano napapayag ni Saoirse ang manager niya na maging brand ambassador ng Mystic Nails. Marami rin ang nagulat sa biglaang announcement lalo pa't nalalapit na ang concert tour ni Saoirse sa Japan.

Pinilit kong pakalmahin ang kalooban ko. Kailangang damhin ko ang moment na 'to.

I glanced at the banner, feeling mixed emotions of pride and anxiety. "It's incredible. We've always believed in our work and team, and it's amazing to see that belief validated. The attention is a wonderful opportunity for us to reach more people and show them what we can offer."

Saoirse leaned forward, placing a hand on my shoulder. "I'm really thrilled to be part of this journey with Mirai and her team. Their dedication to their craft and their clients is truly inspiring. I'll be honest with you all, I've been hesitant to be their salon's brand ambassador." Saglit siyang tumingin sa'kin bago dugtungan 'yon. "Because I want to gate keep them." Marahan siyang natawa at ang host kaya alanganin din akong ngumiti at nakahinga nang maluwag nang tanggalin din niya ang kamay sa balikat ko. "I assure you, their services and designs are top notch."

Nagsipalakpakan ang audience at muling sinundan 'yon ng tanong ng host.

"Before we proceed to the ribbon cutting, Mirai, what changes or new services can clients expect with the reopening?"

"We've expanded our range of services to include more specialized treatments and premium products," paliwanag ko. "We've also renovated the space to enhance the overall experience to make it more relaxing. Our goal is to ensure that every client of Mystic Nails leaves feeling pampered and rejuvenated."

At ilang sandali pa nga'y nagtungo na kami sa kalapit na area kung saan naka-locate ang bagong branch ng Mystic Nails dito sa loob ng Westwood Mall. Nagkislapan ulit ang mga camera at kanya-kanyang kuha ang mga tao ng video sa amin habang nagri-ribbon cutting.

Dumalo ang mga kaibigang influencers ni Saoirse para i-cover ang event at unang araw pa lang namin ay dinumog na kami ng mga tao.

Nakatayo lang ako sa labas ng shop habang pinagmamasdan iyon. 'Di hamak na mas triple ang laki nito kaysa sa una naming pwesto at mas maganda ang disenyo. Parang noon lang ay hindi kilala ang pangalan namin at nagbago 'yon sa sa isang iglap.

"Mi, paanong nangyari 'to?" namalayan ko na lang na nasa tabi ko si Fumi at katulad ko'y natulala rin siya sa nangyayari. "P-parang noong isang araw lang sinabi ko sa'yo na nalulugi na tayo tapos..." At bigla ba naman siyang ngumalngal.

"Huy, huwag ka ritong mag-emote, loka ka," sabi ko at tumawa kami parehas. Gets ko naman ang reaction niya kaya tinapik ko siya. "Congrats sa atin."

Pinahid niya ang luha. "Sorry kung hindi ako naniwala agad, sorry kung tinangka ko silang ligwakin," sabi niya at sabay kaming tumingin sa direksyon nina Gigi na nakiki-picture sa mga influencers.

"Ano ka ba, Mi, hindi rin 'to magiging posible kung hindi dahil sa analytical skills mo." Siya pa rin talaga ang brains ng dream business namin, dreamer at artist lang talaga ako.

"At sa tulong din ni Miss Saoirse," sabi niya at tumingin kami sa kinaroroonan nito. Kahit saan mo talaga siya ilagay ay nagniningning siya. "Literal siyang anghel na hulong ng langit."

Totoo naman 'yon dahil bukod sa business plan ni Fumi, si Saoirse ang nagkonekta sa amin sa mga investors kaya namin naitayo agad ang bagong branch dito sa Westwood Mall sa loob lang ng halos isang buwan.

"Ikaw pa rin naman ang may idea na kunin siya. Tama ka, malaking tulong talaga si Saoirse—like siya lang naman yata ang parang Taylor Swift ng Pinas," sabi ko pero naglaho rin ang ngiti ko nang maalala ang katotohanan.

Nang makita 'yon ni Fumi ay nawala rin ang ngiti sa labi niya.

"T-talaga bang sasama ka na sa kanya?" tanong niya. Tinutukoy ang deal namin ni Saoirse. "Iiwan mo na kami?"

Tumango ako at ngumiti ulit para ipakita sa kanya na okay lang ako—kahit na hindi.

"Parte pa rin ako ng Mystic Nails, I'll always be," sabi ko. "For now, ako muna ang exclusive and personal nail artist ni Miss Saoirse."

Papasok na kami ni Fumi sa loob ng shop nang masulyapan ko si Boaz 'di kalayuan. Nakasandal sa pader at nakatingin sa'kin.

*****

"KANINO 'tong Kitchie Nadal medley?" tanong ni Juliet nang tumunog ang kasunod

"Ay, akin 'yan!" si Shammy sabay inagaw ang mikropono.

Kanina pa kami nagkakantahan, nagkakainan at nag-iinuman dito sa loob ng main branch namin sa salon. May nakapaskil pang banner na ginawa nila para sa'kin at na-appreciate ko naman ang effort nila para sa surprise despedida party na 'to.

At nasurpresa rin ako dahil dinala rin nila rito si Nanay na kanina pa bumibirit sa karaoke.

"Mi, tawag ka ni Tita," sabi ni Fumi sa'kin nang lumapit.

"Bakit, 'Nay?" tanong ko nang makalapit sa kinaroroonan niya.

"Inaantok na 'ko, ihatid mo na 'ko sa bahay," sabi niya.

Nagpaalam ako sa kanila bago kami umalis ni Nanay, sinabi ko rin na babalik din ako.

Paglabas naming ng salon ay bigla ba naman niyang sinabi, "Nagugutom ako, gusto ko ng Pares."

"Ha? Sa dami ng pagkain kanina, 'Nay, hindi ka pa nabusog?" nakakunot kong tanong.

"Nako, ayoko ng mga binili n'yong puro fast food," katwiran niya.

Aangal pa sana ako pero may napagtanto ako bigla. Bukas na nga pala ang flight ko papunta ng Japan para sumama sa concert tour ni Saoirse bilang personal nail stylist niya. Tatlong buwan nga pala akong mawawala.

"Sige, 'Nay, do'n tayo sa Ugbo."

"Ayoko ro'n, gusto ko ro'n sa lagi namin kinakainan ng Tatay mo."

Hindi man niya sabihin nang direkta, sigurado mami-miss niya ako. Mabuti na nga lang din at pumayag sila Fumi na samahan muna si Nanay, kahit na ayaw pa nito noong una, siguro nahihiya sa best friend ko. Sabi ko nga rin ay kokontratahin ko na lang 'yung kapitbahay namin pero si Fumi ang nagpumilit kaya hinayaan ko, at least panatag din ako.

Habang nasa Paresan kami ay pinagmamasdan ko lang siyang mabagal na kumakain. Tahimik lang kami parehas at nanginigbabaw ang ingay ng ibang mga kasabay namin na kumakain.

Dala ng kabusy-han sa mundo, minsan nakakalimutan kong tumatanda rin pala ang nanay ko. Bawat araw hindi ko napapansin ang pagkulubot ng balat niya, may mga pagkakataon na pilit niyang hindi pinapakita ang kirot kapag nirarayuma siya.

"Proud ka ba sa'kin, 'Nay?" bigla kong tanong sa kanya kaya natigilan siya sa pagsubo.

"Sa kauna-unahang pagkakataon, oo," direkta niyang sagot. "Sawakas ginamit mo rin ang kukote mo."

Bahagya akong napailing. Ganito talaga silang matatanda masyadong marahas magsalita pero deep inside gusto lang naman siguro nila kung ano 'yung best para sa anak.

"P-paano kung dahil sa ginawa ko... Mapapahamak 'yung taong 'yon?"

Saglit siyang natahimik. "Hindi mo mapipigilan ang kapalaran ng ibang tao, ikaw na ang nagsabi." Hindi rin napawi ang pangamba ko sa sinabi niyang 'yon. "Ang mahalaga, nakuha mo ang gusto mo."

"G-gusto ko?"

"Hindi ba't niligtas mo ang babaeng 'yon para matupad ang pangarap mo—pangarap ninyo ni Fumi at ang kabuhayan ng mga empleyado n'yo?"

"P-paano mo nalaman 'yan, 'Nay?" nanlalaking mata kong tanong.

"Bulag man ako pero hindi nawala ang Sapantaha—sa panaginip ko."

"Paano?"

"Ang sabi ng lola ko noon sa anak na babae lamang napapasa ang Sapantaha. May kurdon na nagdudugtong sa mga tulad natin."

"Tulad natin? Bakit, 'Nay? Marami pa ba tayong ganito? Na may sumpa?"

"Kung maririnig mo lang ang mga kwentong probinsya noong araw. Hindi ka maniniwala panigurado." Napakunot ako lalo nang tumayo siya, iyon pala'y ubos na niya ang Pares. "Kaya kung inaakala mong malilihim mo sa'kin na tumama ng lotto si Katrina dahil sa'yo, mali ka." Napanganga ako nang marinig 'yon.

Kulang na lang ay isipin kong nakakakita pa rin talaga siya gamit ang Sapantaha niya. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko.

Tahimik akong sumunod sa kanya nang mauna siyang maglakad palabas, gamit ang tungkod niya'y kinapa-kapa ang daan.

"K-kaya ba pinilit mong tumira tayo sa Maynila?" tanong ko nang masundan ko siya. Hindi kumibo si Nanay. "Para itago ako?" Bakit hindi ka nagalit sa ginawa ko?

"May sumusunod sa'tin," sabi niya nang biglang tumigil at lumingon. "Hoy!" maging ako'y nagulat nang sumigaw siya. "Nagtatago ka riyan sa poste."

"'Nay—"Akala ko guni guni lang niya 'yon pero laking gulat ko lalo nang may lumabas mula sa likuran ng poste. "B-Boaz?!"

Bakit niya kami sinusundan?

###

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro