Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

"SAOIRSE Soraya was found dead inside this condo," malamig niyang sabi habang nakatingin sa kawalan. Nanatili akong nakasalampak sa sahig habang siya'y pumunta sa sofa at umupo. "Her life was tragic, you know. Matapos siyang pangakuan ng isang direktor ng isang proyekto kapalit ng katawan niya, hindi rin nakuha ni Saoirise ang inaasam niyang kasikatan. Hindi niya kinaya kaya pinili niyang tapusin ang buhay niya rito."

Kahit na hindi na kami magkahawak ay pakiramdam ko'y umiikot pa rin ang paningin ko. Parang gusto kong maduwal nang mga sandaling 'yon matapos akong dalhin sa kung saan-saang lupalot ng oras at panahon.

"I-ikaw..." Sinubukan ko ring bumuo ng pangungusap pero hindi ko magawa.

Nagpatuloy siya sa pagkukwento habang nahihirapan akong huminga sa labis na tensyon.

"But when the company gave me her identity, after altering my face and body, in a single snap they were able to make Saoirse shine." Tumayo siya at pumunta sa bintana at hinawi ang kurtina. Tinaas ko ang kamay ko para takpan ang mukha ko dahil sa nakasisilaw na liwanag. "Aaminin ko, hindi ko rin sukat akalaing mawiwili ako sa buhay ng kasikatan at karangyaan."

"I-ikaw... at ako..."

"Noong gabing 'yon na nagtalo kayo ni Fumi dahil nagsisimula nang dumalang ang clients niyo, pinuntahan kita, para rin hindi mo mapulot sa basurahan ang calling card na 'to." May kinuha siya mula sa bulsa at hinagis sa direksyon ko 'yon.

"S-sila ba ang mastermind sa likuran ng larong 'yon?" dinampot ko ang calling card at binasa ang tanging nakasulat doon.

The Moon Company

"Every year, previous victors must nominate a selected player otherwise they will have to join the game again," sabi niya. "I intentionally befriended you para mapili ka nila na i-nominate kita."

"S-sinali mo ako dahil—"

"Dahil gusto kong manalo ka, Mirai," blangkong sagot niya. "Para hindi na madamay si Fumi—"

"Huwag ka nang magtago," sabi ko at sa wakas ay nagkalakas na ulit ako para tumayo. "Sinali mo ako ro'n sa pagbabaka-sakaling hindi na ako makabalik, hindi ba? Sinadya mo na isali si Boaz pero sinira niya ang plano mo dahil sa kanya, natutunan ko kung paano makontrol ang kapangyarihan ko."

Napatitig lang siya sa akin at hindi kaagad nakasagot. Bumuntong-hininga siya at nag-iwas ng tingin.

"Maybe... Hindi ko na alam." Malungkot siyang tumingin sa'kin. "What you shared with Boaz inside that game... I felt that." Napaawang ang labi ko nang sabihin niya 'yon. "Dahil iisa lang tayo. Galing lang ako sa hinaharap."

Nang muli niyang ipaalala 'yon ay napailing ako. Ang hirap tanggapin. Hindi ko kayang paniwalaan.

"Imposible..." hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang binulong 'yon sa sarili ko.

"Perhaps... I also hoped for you to die, so that I can stay here," sabi niya sabay tumulo ang luha sa mga mata. "Pero ginawa ko lang lahat ng 'to... para protektahan si Fumi, para itama 'yung pagkakamali ko noon."

Biglang may kung anong mabigat na tumarak sa dibdib ko nang marinig 'yon.

"K-kung gano'n... P-papatayin mo pa rin ba ako?" hindi ko alam kung bakit ko naitanong 'yon. Hindi siya sumagot, dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nagtama ang paningin naming dalawa.

Saka ko napagtanto na pamilyar ang mga matang 'yon. Nagbago man ang kabuuang anyo niya, hindi maikakaila... Akin ang mga matang 'yon.

"It must be lonely." Niyakap ko siya at mahigpit niya akong niyakap pabalik. Bumuhos ang pagtangis niya sa bisig ko at hinayaan ko lang siya.

May kung anong gumaan sa kalooban ko habang nakayakap sa kanya. Tila naramdaman ko ang iisang pagtibok ng aming puso, pumikit ako para damhin 'yon. Hinayaan ko siyang ibuhos ang lahat, tiyak kong pagod na pagod na siyang dalhin lahat ng mag-isa.

So, this is what it feels like to hug yourself... in another body... from another dimension.

But the weird thing is, even though she's me from the future, it felt like she's a different person.

*****

TILA nabuhayan ng loob si Boaz nang madatnan ko siyang naghihintay sa parking lot. Pero kaagad napalitan ng pagtataka ang itsura niya nang makitang kasama ko si Saoirse.

"Ma'am?" tawag niya kay Saoirse.

Nagkatinginan kami at tila parehas kami nang naisip noong mga sandaling 'yon. Si Felix ang totoong boss ni Boaz, at si Felix din ang nagpasok noon kay Boaz sa laro. Hindi ko na muna iniintindi 'yon noong mga sandaling 'yon.

"Ihatid mo kami pabalik sa Mystic Nails," utos ko nang hindi makasagot agad 'yung katabi ko. Tumango lang si Saoirse kay Boaz at sumunod na lang ang huli.

Laking gulat nina Fumi nang dumating ako kasama si Saoirse. Daig pa nila ang nakakita ng multo pagpasok namin sa loob ng salon. Mabuti na nga lang at wala pang client dahil nagtilian sila.

"M-Mirai? Legit talaga 'to?" sabi ni Fumi matapos mapatakip ng bibig.

Lumingon ako sa kasama ko at nakita ang alanganin niyang ngiti, nahihiya sa atensyon.

"OMG! Ang shala na natin! Si Miss Saoirse na talaga ang official ambassadress natin?!" reaksyon ni Shammy at lumapit kaagad sa'min. "Pwede pong pa-picture?" Tumango lang siya at nagsisunuran ang iba pa.

Matapos nilang makapagpa-picture kay Saoirse ay marahan kong hinila si Fumi.

"Si Fumi..." Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin. Kakaway pa lang si Fumi sa kanya nang mabilis siyang lumapit at yumakap sa kaibigan ko. Napatingin sa'kin si Fumi na halatang nabigla at nagtaka. 

"H-hello po, Miss Saoirse," nag-aalangang bati ni Fumi at yumakap na rin pabalik.

Bumitaw din agad si Saoirse at sinabing, "Thank you for helping Mirai." Ngumiti si Fumi at hinampas ako.

"Mas malaki ang tinutulong nitong bestie ko dahil masyado akong realistic sa mga bagay-bagay," sabi ni Fumi sabay tingin sa'kin. "Kaya kung tutuusin ay ako ang dapat na magpasalamat sa kanya."

Ngumiti lang si Saoirse, napansin ko na kanina pa niya pinipigilan ang luha. Pagkatapos ay tumingin siya sa'kin at tumango.

"Fumi, sorry, kailangan ko munang mag-off ngayong araw, pwede mo bang saluhin muna 'yung mga clients ko?"

"Sure, walang problema."

Pagkatapos naming magpaalam sa kanila ay lumabas kami ni Saoirse at nagpahatid kay Boaz sa lugar namin. Pinagsuot ko siya ng cap at mask para hindi siya makilala ng mga tao sa'min. Hanggang sa makarating kami ng bahay ay hinatid kami ni Boaz, sinabi ni Saoirse na ite-text na lang siya nito para magpasundo.

Makahulugan akong tiningnan ni Boaz, may gustong sabihin, bago umalis. 

"Nay?" tawag ko nang pumasok kami sa loob. 

Bumukas ang pinto ng kwarto niya at mabagal siyang lumabas mula roon.

"Oh? Bakit ang aga mong umuwi?" tanong niya at pumuntang kusina. "Dito ba kayo kakain?"

Alam agad ng Nanay na hindi lang ako mag-isa, malakas talaga ang pakiramdam niya.

"Nay kasama ko ho si..." tumigil ako saglit at muling tumingin sa kanya. "K-kasama ko ho si Mirai... mula sa hinaharap."

"Oh, eh, ano nga? Pagsaingin mo siya at bumili ka ng ulam sa kanto." Nagkatinginan kami ni Saoirse at hindi na namin napigilang matawa. "Hoy, mga lukaret, mababaliw kayo lalo niyan."

Lumapit si Saoirse sa kanya at yumakap nang mahigpit.

"Na-miss kita, 'Nay."

*****

"HINDI mo ba sasagutin 'yan?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong kanina pa umiilaw 'yung phone niya pero tinititigan niya lang 'yon.

Pagkatapos naming magtanghalian kanina ay pumunta kami sa loob ng kwarto ko para makapagpahinga siya, si Nanay ay umiidlip sa sala, ni hindi man lang nasindak na dalawang Mirai ang kasama. 

"The company is calling, kailangan nang i-confirm na makakasali ang nominated player namin," sagot niya habang nakatitig lang sa hawak. Nadatnan ko siyang nakahiga lang pero hindi magawang makatulog.

Naalala ko bigla na ito 'yung panahon noon na opisyal akong pumayag sa offer ni Saoirse na maging personal nail artist niya, pero dahil nga sa nangyari, hindi 'yon natuloy.

"Ano na?" tanong ko at umupo sa gilid ng kama. "Ano nang gagawin natin?" Hindi siya nakasagot. "P-posible bang... matunton ang The Moon Company na 'yan para patigilin sila sa ginagawa nila? Ano ba sila?" Sabi ko na para bang ang dali lang gawin ng bagay na 'yon. 

Tumingin sa'kin saglit si Saoirse at nakita ko ang pagkunot sa kanyang noo.

"H-hindi ko alam. Sinubukan ko silang tuntunin pero... pero tila hindi sila nag-e-exist sa mundo natin."

"Ha?"

"They're otherworldly, Mirai, that's the only word I can describe them. Kaya nga wala akong ibang nagawa nang bumalik ako rito kundi sumali at maglaro."

"Paano 'yon? Anong mangyayari sa'yo kung hindi mo ako mapapalaro roon?" tanong ko.

Huminga siya nang malalim saka sinabing, "I've been thinking about two things when I failed in my plan to make you win. I'm thinking na maglalaro ulit ako."

"Kung gano'n ay paulit-ulit lang silang mamimilit na mag-nominate ka. Kaya nga dapat i-expose natin 'yung nasa likod ng Lihim ng Hiraya!" may diin kong sabi.

Umiling siya at niyakap ang dalawang tuhod. "Isa lang ang Lihim ng Hiraya sa mga laro nila, Mirai," sagot niya. "There are many games happening all at once in every parts of the world. Iyon lang ang nakalap kong impormasyon tungkol sa kanila."

"Marami pa silang laro?" tumango siya at natulala ako sa kawalan. Mukhang seryoso nga siya na hindi basta-basta ang mga tao sa likuran ng The Moon Company."

"You should be worrying about Boaz."

"S-si Boaz?"

"Felix nominated him, remember?"

"O-oo nga pala. Kailangan ko siyang pigilang tumuloy do'n!" tumango siya sa sinabi ko.

"I can help you with that."

"Paano ka?" natigilan siya nang itanong ko 'yon.

Pagkaraa'y ngumiti siya at hinawakan ako sa balikat.

"I'll be fine, don't worry about me," sabi niya. "Salamat dahil hinayaan mo akong makita sina Nanay at Fumi. I missed them a lot." Pagkatapos ay niyakap ako ni Saoirse at niyakap niya rin ako pabalik.

Pero may kung ano sa kalooban ko ang hindi mapakali. The Moon Company, sino ba talaga sila?

*****

"GIVE me your phone, Boaz," utos ni Saoirse nang huminto ang kotse sa loob ng parking lot ng condo niya.

"Bakit, Ma'am?"

"Just give it to me," naiinip na utos ni Saoirse at wala namang ibang nagawa si Boaz kundi sumunod. Nilingon ko siya sa backseat at nakita kong may tina-type siya. Pagkatapos ay sinauli niya ang phone kay Boaz. "I texted Felix, hindi mo na kailangang sumali sa invite game ng The Moon Company."

"Pero—"

"It's a scam," kaagad na putol ni Saoirse. "Trust me. You don't want to join there."

"Kailangan ko po ng pera para sa nanay ko."

"Ako na ang bahala ro'n, just trust me, okay?" mariing sabi ni Saoirse at himalang hindi na umangal ang katabi ko. "Mirai, I'll call you soon, marami lang akong dapat asikasuhin."

Tumango lang ako at umibis siya ng sasakyan. Tinanaw namin si Saoirse hanggang sa maglaho siya sa paningin namin.

"Care to explain what you said before?" tanong niya bigla.

Hindi pa binuhay ni Boaz ang makina ng sasakyan. Tumingin ako sa kanya at nakakita ang nakakunot niyang mukha. Saka ko naalala bigla 'yung ginawa ko noon.

"Ah... Ano..."

"Namumuro ka na sa kakanakaw ng halik sa'kin, ah," sabi niya nang hindi ko magawang makapagpaliwanag. "You like me? Since when?" naniningkit niyang tanong.

Napapikit ako saglit dahil hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya. Talagang dagdag pa 'to sa pinoproblema ko ngayon.

"H-hindi mo maiintindihan," mahina kong sagot.

"Pinagti-trip-an mo lang ba 'ko?" umiling ako at siya naman ang bumuntong-hininga.

"Pero totoo... Gusto kita." Muli siyang tumingin sa'kin at sinalubong ang titig ko. "Mahirap paniwalaan pero..." hindi ko namalayan 'yung kamay ko na akmang hahawakan ang pisngi niya. Babawiin ko sana 'yon nang bigla niya akong hawakan.

"Mahirap paniwalaan ang ano?"

Paano ko sasabihin sa kanya ang mga pinasamahan namin noon sa loob ng Lihim ng Hiraya? Paano ko sasabihin na dahil sa kanya ay natutunan kong kontrolin ang Sapantaha ko? Na dahil sa kanya ay nagawa kong makita ang lahat bago pa man ito mangyari?

Mabilis na bumalik sa aking isip ang maiinit naming tagpo noon. At sa kahuli-hulihan naming laro kung saan pinigilan niya akong kitilin ang sarili ko.

Kung si Saoirse ay nabuksan ang kakayahan dahil sa labis na pagsisisi sa nangyari kay Fumi, ako naman ay dahil sa kanya. Dahil... dahil sa damdamin ko sa kanya. 

"Hindi man kapani-paniwala pero... totoo ang naramdaman ko, nangyari man 'yon sa hinaharap, ang mahalaga nandito ka ngayon," sagot ko sa kanya at napatitig lang siya sa'kin.

Sa isang iglap ay sinunggaban niya ako ng halik at hinayaan ko ang sarili ko na madala sa indayog ng labi niya. Namalayan ko na lang ang mga kamay ko na yumakap sa kanya habang naglakbay ang kamay niya sa dibdib ko.

Nang marahan kong kinagat ang ibabang labi niya ay napasinghap siya't biglang bumitaw sa'kin. Napaliligiran na pala kami ng liwanag ng lilang abo.

"Sabihin mo sa'kin... Hindi 'to panaginip, hindi ba?" hinihingal niyang tanong at napakunot lang ako. "T-totoo ka, hindi ba?"

"Bakit?"

"Hindi ka rin maniniwala pero... Nakita na kita sa mga panaginip ko... Hinalikan mo rin ako ng ganito noon... Shit." Bigla siyang napamura pero hindi ko siya binitiwan.

"S-sabihin mo sa'kin, sa panaginip mo... N-naglaro tayo?"

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Lihim ng Hiraya," sabay naming nausal at para kaming nakuryenteng bumitaw sa isa't isa. 

###







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro