Kabanata 17
(R-18)
"ANG ganda naman ng kuko mo," iyon ang sinabi ko kay Fumi nang maabutan ko siya sa CR, kakatapos lang niya noong maghilamos at namumugto pa rin ang mga mata.
Tandang tanda ko pa rin ang araw na unang beses kaming magkita. Natatandaan ko rin kung paano niya ako wirdong tiningnan sa salamin at noong mga sandaling 'yon ay hindi ko aakalaing magiging matalik ko siyang kaibigan.
"Umm... Thanks?" nag-aalangan niyang sagot. Paalis na siya noong magsalita ulit ako.
"Girlfriend ako ni Lester." Natigilan siya nang marinig 'yon. "Girlfriend ka rin niya, hindi ba?"
Nakakunot-noo niya akong hinarap. Akala ko nga sisigawan niya ako o magagalit siya noon pero napamura lang siya at bumulong sa sarili.
"Sabi ko na nga ba," sabi niya sabay tingin sa'kin. "Anong pangalan mo?"
"Mirai Madrigal. Ikaw?"
"Fumi, Fumiko Garcia."
Noon ko rin napagtanto na lahat ng tao ay may kakayahang magkaroon ng sapantaha, katulad na lang ni Fumi na matagal na palang may kutob tungkol si Lester. Hindi nga lang tulad ko na nakikita ng detalye ang mangyayari sa hinaharap.
"Nakipag-break na ako sa kanya, actually. Gusto lang kitang makita para ipaalam sa'yo na pinagsabay tayo ng gagong 'yon," sabi ko.
Umismid siya at humalukipkip. "Baka hindi lang tayong dalawa ang babae niya. Nahuli ko na minsan sa cell phone niya na marami siyang kinakausap."
Surprisingly, Fumi and I get along well that afternoon. Nataon na parehas naming vacant period noon kaya naisipan naming magpunta sa paboritong tambayan na student plaza at doon naubos ang oras namin sa kwentuhan.
I discovered that Fumi was a crazy gal and we planned a silly revenge to Lester. Dahil may tropa siyang mga aktibista , nakipagsabwatan siya para ipahiya si Lester sa buong university. Nagpa-print kami ng tarpaulin ng mukha ni Lester na may nakalagay na 'CHEATER' at 'TWO-TIMER' saka ibinalahandra ng mga aktibista sa campus.
It was satisfying and memorable fun experience, kahit na pinatawag kami ni Fumi sa student affair's office at muntikan nang magkaroon ng bad record. Naipaglaban namin ang freedom of speech at karapatan namin bilang babae na nakaranas ng panloloko. Kaya sa huli naka-simpatya na lang sa'min 'yung director.
Naturuan ang leksyon ang manloloko naming ex at malakas ang hinala namin noon na hindi nito kinayanan ang kahihiyan at nag-transfer sa ibang school that same school year. And ever since, Fumi and I were inseparable.
I was afraid of getting close to someone after what Isla did to me in high school, but I took a risk to trust again in college because of Fumi—because she taught me to become fearless. Parehas naming tinahak ang landas na taliwas sa iba, we both pursued to open our dream business.
Kaya naman sa isiping ilalagay ko si Fumi sa larong 'to ay hindi kaya ng sikmura ko, para sa ano? Para sa pera? Hindi ko man kaano-ano sa dugo si Fumi ay para ko na rin siyang kapatid, hindi ko kayang isipin na pagdadaanan niya ang mga napagdaanan ko rito. Sana ay iyon din ang nasa isip ni Boaz para sa nakababatang kapatid niya.
"Mirai!" nang marinig kong umalingawngaw ang boses niya sa paligid ay mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.
Hindi ko rin alam kung saan ako tutungo. Madilim ang paligid at tanging naghihingalong ilaw lang sa hallway ang tumatanglaw sa tinatakbuhan ko. Noong una'y hindi ko matukoy kung nasaan kami hanggang sa unti-unti kong napagtanto na katulad 'to ng eskwelahan namin noong high school.
Ang huli kong pagkakaintindi ay may nag-iisang nakatagong sandata sa loob ng lugar na pwedeng magamit. At kung sino man ang unang makahanap no'n ay may tsansa na tapusin ang isa.
Namalayan ko na lang sa isang iglap na nadala ako sa loob ng campus, pinaghiwalay kami ni Boaz at parang mga dagang pinaglaro ng tagu-taguan at habulan. Kung paano akong tumakbo ay hindi ko na maalala, siguro nang marinig ko ang tunog ng kulog at kidlat sa paligid na dumagdag sa tension.
Siguro ay iniisip din ni Boaz ang mga naiisip ko ngayon. Hindi naman siguro niya gagawin sa'kin 'yon, 'di ba? Lalo pa't alam niya ang kakayahan ko. Siguro nga ay mas doble ang pangamba niya dahil sa katotohnang 'yon.
Nang makita ko ang pamilyar na silid ay hindi ko mapigilang pumasok doon, ang dati naming home room noong fourth year high school.
Natigilan ako nang makita ko si Boaz sa harapan. Nang maramdaman niya ang presensiya ko'y lumingon siya at napaatras ako nang makita ang hawak niyang baril, nakatutok sa'kin.
Ilang segundo kaming nagtitigan bago unti-unting nanlambot ang itsura niya nang mapagtanto ang takot sa aking mukha.
Dahan-dahang nilapag ni Boaz ang baril sa teacher's table, tinaas niya ang dalawang kamay habang naglakad at umupo. Maingat din akong pumunta sa kahilera ng kinauupuan niya saka umupo.
Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Mayamaya'y narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"This is so fucked up," bulong niya.
One of us must die.
Bigla kong naalala ang pag-uusap namin noon, at parehas naming hindi sukat akalaing aabot kami sa ganito.
"Hindi ko ino-nominate si Fumi," wala sa sariling nausal ko. "Hindi mo rin ilalagay ang kapatid mo rito, hindi ba?"
"Kaya nga tayo napunta rito ngayon," sagot niya. "Ano na?"
Napatingin ako sa baril na nasa ibabaw ng mesa.
"Bumulagta siya sa harapan ko, bumubula ang bibig at nangingisay. Hindi ko makakalimutan ang itsura ni Isla," sabi ko. "Hindi ko siya dinaya, Boaz. Hinayaan ko ang kapalaran ang magdesisyon at heto ako ngayon."
"Hindi mo ginamit ang Sapantaha mo?" tanong niya.
Umiling ako at tumingin sa kanya. "Katulad mo, naglaro ako ng patas."
Nagsukatan kami ng titig hanggang sa napakunot-noo siya saka umiling.
"Sinasabi mo bang tapusin din natin 'to ng patas?"
"Hindi!" napatayo ako at gayon din siya. "Hindi ko na alam, Boaz!" saktong kumulog at kumidlat na kita sa bintana. "Sa pagitan nating dalawa, alam kong mas kailangan ng nanay mo ang mapapalanunan mo rito."
"Sa tingin mo ba kaya kong gawin 'yon sa'yo? Sa tingin mo ba kaya kitang patayin para lang sa pera?" tanong niya at hindi ako nakasagot. Nilahad niya ang kanang kamay.
Ikaw ang dapat sumagot niyan, hindi ako, gusto ko sanang sabihin.
Napaupo kami parehas nang muling maghari ang tunog ng kulog sa paligid.
Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at hindi ko maiwasang mapabalik-tanaw noong mga panahong nag-aaral pa lamang kami rito. Nangilid ang luha ko nang maalala ko ang mukha ni Isla.
"Paano mo ako naging crush noong high school?" ewan ko ba at naisipan ko pa 'yong itanong. Siguro para subukang pakalmahin ang sitwasyon namin. "Hindi naman ako kagandahan noon." Napatingin kami sa isa't isa at nakita kong sumilay ang matipid na ngiti sa kanyang labi.
"Type ko 'yung mga nerd at mahinhin lang," sagot niya. "Pero mukhang hindi mo type 'yung mga maingay at maharot katulad ko noon."
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Akala ko walang magkakagusto sa'kin noon. Manang nga kung tawagin nila."
"Manang ka pa rin naman hanggang ngayon," biro niya at sinamaan ko siya ng tingin. Tumayo siya at naglakad sa kinaroroonan ko. "Hindi mo man paniwalaan, nagagandahan ako sa'yo noon pa. Isip bata lang din kaya nilaglag kita dahil hindi mo 'ko pinapansin noon."
"Ngayon ba hindi na?"
"You're beautiful. Mas gumanda ka nang makita kita ulit," pagkasabi niya'y papalapit ang mukha niya sa'kin kaya pumikit ako at hinihintay na sakupin niya ang labi ko. Pero bigla siyang tumigil at bumulong. "Can you see it? Can you see how this will end?"
Imbis na sumagot ay sinunggaban ko siya. Nagtagpo ang labi namin at siniil ang isa't isa. Halos buhatin ako ni Boaz at isinandal sa malamig na pader. Kinuha niya ang dalawang kamay ko't hinawakan 'yon sa itaas ko saka pinuspos ng halik ang aking leeg.
Napuno ng singhap ang buong silid. Patuloy na magkahinang ang aming labi, niyakap ko siya nang maramdaman kong lumuluwag ang pang-ibaba kong kasuotan. Boaz carried me again, still pinning me in the wall, and I couldn't help to let out a loud moan when he thrust his whole inside me.
The whole room was glittering with purple lights of ashes, and like before, I didn't choose to conjure an image. I decided to stay in the present, feeling his warmth and kisses and hearing his whimper in my ears.
Tila parehas na kaming nawawala sa katinuan dahil mas pinili naming damhin ang isa't isa kaysa magdesisyon. As if making love would help us unless I decided to look into the future. A part of me was scared of what I might see...
Parehas kaming napasigaw nang marating namin ang kasukdulan. Boaz pressed me hard on the wall, shaking and throbbing. I felt that release and we were both relieved and drained, as every muscle of our body was at ease. He gave me a final kiss before letting me go.
Mabilis kong naisuot ang pang-ibaba ko at hindi niya napansin na naglakad ako papunta sa mesa.
"Mirai—" when he was done putting back his clothes. He saw me holding the gun.
"Kailangan ka ng pamilya mo, kailangan ka ng nanay mo." Nang mapagtanto niya kung anong binabalak ko ay mabilis pa sa kidlat na pumutok ang baril pero nakita kong hawak-hawak niya ang kamay ko at nakatutok 'yon sa kisame.
"Anong ginagawa mo?!" sigaw niya at sinubukan kong pumiglas.
"Hayaan mo ako!" sigaw ko pabalik pero mas matigas ang pagkakahawak niya sa'kin. Sinubukan ko siyang sipain pero hindi niya pa rin akong binitawan.
Hindi ko napansin na gumagalaw ang mga lilang abo sa paligid, mas tumingkad nang mahawakan niya ako.
"Mirai!"
"Hayaan mo na ako, Boaz, please—" subalit sa isang iglap ay bigla siyang tumumba at napasigaw ako. "B-Boaz!"
H-hindi ko sinasadya.
Kaagad ko siyang dinaluhan at mabilis na naglawa ng dugo niya sa sahig. Wala akong magawa kundi sumigaw at sinubukan kong pigilan ang dugo pero huli na ang lahat.
"M-Mirai." Sumilay pa ang ngiti sa labi niya. "I-ikaw na ang bahal s-sa kanila..."
"Boaz?" nang tumingin siya sa kawalan habang bahagyang nakabuka ang labi ay tila may namatay din sa kalooban ko.
Hindi ko 'to matatanggap.
Hindi.
Kinuha ko ang baril sa sahig at tumingala ako para tingnan ang kung sino mang mga nanonood sa'min.
Hindi kayo magwawagi.
Tinutok ko ang baril sa sentido ko para ituloy ang binabalak ko kanina.
Pipikit sana ako pero saka ko ulit napagtanto ang mga lilang buhangin sa ere. Walang ano-ano'y nabuo 'yon at pumorma ang isang mukha.
Mukha ni Saoirse.
"No, Mirai!"
Pero desido na ako at nadama ko ang pwersang tumama sa ulo ko.
Bago ako tuluyang bumagsak ay tila bumagal ang galaw ng paligid. Sinubukan kong abutin ang kamay ni Boaz pero hindi ko 'yon naabot.
Nang bumagsak ako'y napapitlag ako.
Sa isang kisapmata'y lumiwanag ang paligid.
"Mirai." Nakahawak ako sa kamay niya.
Sinubukan kong kumurap pero mukha pa rin niya ang nakikita ko.
"S-Saoirse?"
"Did you hear what I said?" tanong niya. "You'll work for me as my personal nail artist."
"H-ha?"
Para akong nakuryente sa pagkakahawak sa kamay niya at bumitaw ako ro'n. Napaatras ako't nabunggo ko 'yung baso na nakapatong sa ibabaw ng mesa at nabasag 'yon.
Tiningnan ko 'yung paligid at inalala kung anong lugar 'yon.
"Mirai, are you okay?" muli kong nakita si Saoirse na nag-aalala ang mukha. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang gown na suot niya.
Tiningnan ko 'yung suot ko at napagtantong... Iyon 'yung suot ko noong birthday niya.
A-anong nangyayari?
"Boaz?" pero bigla ko siyang naalala. Malinaw pa rin sa alaala ko ang mga pinagsaluhan namin at ang... at ang katawan niyang nakahandusay sa sahig.
Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Saoirse nang dali-dali akong lumabas ng silid. Sumalubong ang malakas na musika.
"Boaz!" sigaw ko sa gitna ng mga taong nagsasayawan sa dance floor.
Para akong baliw na naghahanap hanggang sa natanaw ko siya 'di kalayuan. Nakatayo at may hawak na goblet. Nang magtama ang paningin namin ay dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya.
"Bakit—" siniil ko siya ng halik pero kaagad niya rin akong tinulak. "Anong nakain mo, Mirai?"
Halos mapanganga ako nang sabihin niya 'yon.
"H-hindi... I-imposible 'to."
"Mirai!" boses 'yon ni Saoirse at napalingon ako sa kanya.
Nagtitigan lang kami hanggang sa naalala ko ang mga nangyari. Naalala ko bigla kung paano niya ako niloko.
Humakbang ako palapit kay Saoirse at isang malakas na sampal ang ginawad ko sa pisngi niya. Natigilan ang mga tao sa paligid dahil sa ginawa ko.
Blangkong tumingin lang sa'kin si Saoirse. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, basta ang alam ko'y nagpupuyos ang damdamin ko.
Akma ko ulit siyang sasampalin nang makita kong ngumisi siya nang huminto ang kamay ko sa ere.
"Nasisiraan ka ba ng bait?!" sigaw ni Boaz sa'kin at saka lang ako natauhan. Nabigla siya nang makitang tumulo ang luha sa mga mata ko.
Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya at tumakbo paalis doon. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa salon namin. Nang makarating kami'y hindi ko na kinuha ang sukli sa limang daan.
Pagbaba ko'y saktong nakita ko si Fumi na ibababa ang roller shutter ng salon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
"Mirai, akala ko ba nasa party—" pero sinunggaban ko siya ng yakap at hindi ko na pinigilang humagulgol sa balikat niya.
###
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro