Kabanata 11
NANG mga sandaling 'yon ay pakiwari ko'y tumigil ang oras at tila kaming dalawa lang ang magkasama. Kasabay nang malakas na pagkabog ng aking dibdib ay sinubukan kong imulat ang mga mata ko, nakapikit din si Boaz habang magkahinang ang aming labi.
May kung anong nabuhay sa aking dugo nang unti-unting lumitaw ang kumikinang na abo, isang hudyat na may nabuong koneksyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko muna ininda ang hiya dahil iyon ang naisip kong pinakamabilis na paraan.
Hinagilap ng aking isip ang mangyayari sa hinaharap, at isang imahe lang ang pinakita sa'king Sapantaha, iyon ay matagumpay kaming makakalabas ng gubat ni Boaz nang magkahawak ng kamay. Subalit hindi pa sapat ang koneksyon namin kaya hindi malinaw ang buong detalye kung paano. Ang tanging napansin ko lang ay may mga pula at malalaking bulaklak sa bawat daan.
"Hey, huwag kayong mang-inggit!" nang marinig namin ang boses ni Rhian ay para kaming nakuryente't kaagad na naglayo.
Pagtingin namin sa kanila'y nagpapalakpakan pa sila na animo'y nang-aasar. Si Isla lang ang nakahalukipkip at nakangisi sa'min.
"Grabe, that was romantic," komento naman ni Sofia. "And hot." Nagtawanan ulit sila.
"Come to think of it, may dalawang winners, isang babae at isang lalaki, that means we can actually play by pair," sinundan 'yon ni Roderick.
"Mirai, ha! Binakuran mo na agad si Boaz!" kantyaw ni Jasmine.
Nagkatinginan kami ni Boaz, masama ang tingin niya sa'kin at hindi makapagsalita, pagkatapos ay nag-iwas siya ng tingin.
"It's a good strategy," sabi ni Gabe. "Why not mag-pares-pares na rin tayo? Like them?" tinuro niya pa kami.
Kung alam lang nila na hindi naman talaga 'yon ang intensyon ko. Pero mas mainam na nga rin siguro dahil nakakahiya 'yung ginawa ko. Bigla akong namula nang mapagtanto ko kung anong ginawa ko.
Hinalikan ko lang naman si Boaz. Hindi naman big deal.
Tiningnan ko siya't nakita kong papunta siya sa dulo para sumilip sa walang hanggang kadiliman. Pagtingin ko sa mga kasama ko'y mabilis silang nakahanap ng partner. Binigyan ko pa tuloy sila ng idea.
Sina Jasmine at Marc, Sofia at Roderick, Rhian at Gabe, at si Isla at Alvin ang magkakapares.
"Huwag kayong pupunta ro'n kung ayaw n'yong mahulog sa kawalan," sabi ni Boaz at tumingin sa'kin.
"Seryoso?" tanong ni Marc at lumapit din sa dulo para sumilip. "Shit! It's almost real! Dude, this place is awesome, totoong totoo ang pa-virtual game nila." Natatawa at namamangha niyang sabi nang makatakbo palapit sa'min.
"Guys, I think we need to move, the time's running," seryosong sabi ni Isla at sumulyap kami sa timer sa buwan. Sumang-ayon sa kanya sina Roderick, Sofia, at Gabe. Silang apat ang naunang maglakad papasok sa loob arkong entrada.
Bumungad sa'min ang matayog na pader na punum-puno ng mga halaman, ugat, at baging. May mga daan na pwedeng pagpilian.
"A maze, huh," dinig kong sabi ni Roderick.
"What the hell!" biglang bulalas ni Rhian. "Ang baho! Anong amoy 'yon?" saka lang namin napagtanto kung anong tinutukoy niya.
Sabay-sabay kaming napatakip ng ilong dahil sa nakasusulahok na amoy, parang amoy ng nabubulok na karne.
"Doon yata nanggagaling!" sigaw ni Alvin sabay turo sa isang malaking bulaklak na kulay pula 'di kalayuan.
Iyon 'yung bulaklak na nakita ko sa Sapantaha ko!
"Is that Rafflesia?" saad ni Jasmine. "As in the biggest flower na matatagpuan lang sa Pinas? Bakit meron dito niyan."
"Let's go," sabi ni Isla na pasimpleng sinenyasan ang partner niyang si Alvin.
Nakaramdam ang mga kasama ko kaya naglakad na kaming lahat. Napatingin ako kay Boaz na masama pa rin ang tingin sa'kin.
Subalit kada liko namin ay padami nang padami ang mga daan na pwede naming pasukan. Walang nakapagsalita sa'min at kaagad na nagkanya-kanyang bulungan ang magkakapareha.
Tumingin ako kay Boaz at hinintay siyang lumapit sa'kin pero nanatili lang siyang seryoso at tila malalim ang iniisip. Naapektuhan pa rin ba siya sa sinabi ko?
Mayamaya'y naglakad muli ang mga kasama namin subalit napansin kong magkakahiwalay na ng daan na pinasukan. Si Boaz ay naglakad na rin patungo sa ibang direksyon. Talagang hindi niya ako pinansin!
"Teka lang!" tawag ko sa kanya pero hindi ako nilingon. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad. "Boaz—" muntikan ko na siyang mabunggo nang bigla siyang huminto.
Napatakip ako ng ilong at gano'n din siya dahil may Rafffesia sa dadaanan namin. Kaya bumalik siya sa pinanggalingan namin at tinahak ang kabilang lagusan.
"Magpapatalo ka, hindi ba? Bakit mo pa ako sinusundan?" sabi niya habang patuloy na naglalakad.
"Galit ka ba dahil sa ginawa ko?" tanong ko pero hindi siya umimik. "S-sorry na, kasi... kasi nagpapasalamat lang ako dahil niligtas mo ako," palusot ko.
"Talaga ba?" bigla na naman siyang mahinto at halos mabunggo ko ulit siya.
Nag-aalinlangan akong tumango. Muli siyang naglakad at sumunod lang ako na parang buntot. Iniiwasan niyang dumaan sa bawat Rafflesia na makikita namin dahil sa masangsang nitong amoy.
"Ayaw mo ba na ako ang maging partner mo?" 'di ko mapigilang itanong. Baka nga naman may type siyang iba, tapos dahil sa ginawa ko ay wala na siyang choice kundi ma-stuck sa'kin. "Crush mo naman ako noong high school, 'di ba?" biro ko pa.
"Alam mo hindi ka nag-iisip," muli niya 'kong hinarap, magkasalubong ang mga kilay niya. "Pwede mo naman akong halikan nang hindi pinapakita sa iba!"
Halos mapanganga ako nang marinig ko 'yon.
"H-ha?"
"Alam ko hindi mo mare-resist ang kagwapuhan ko pero pwede mo naman sanang ibulong na gusto mo akong bakuran, ayan naisip nila tuloy 'yung mag-partner na strategy!"
"Teka lang." Tinaas ko pa 'yung kamay ko dahil nawiwindang ako sa mga narinig ko sa kanya. "First of all, hinalikan kita dahil—" natigilan ako dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. "Hindi kita hinalikan dahil nagnanasa ako sa'yo, excuse me!"
"Ha!" napangisi siya. "Huwag mong i-deny, Mirai. May nabuhay sa loob mo nang malaman mong crush kita noong high school. FYI, noong high school pa."
"Hoy, Boaz, nabu-buang ka naman, huwag kang masyadong feelingero."
"Aminin mo, nasarapan ka—" hahampasin ko pa lang siya nang makarinig kami mga sigaw sa paligid.
"A-ano 'yon?" Hindi siya sumagot at sabay kaming tumakbo.
Muntik na naming makalimutan na nasa loob nga pala kami ng laro. Sinundan namin ang pinanggagalingan ng sigaw hanggang sa tumigil kami nang makita namin si Sofia na nakasalampak sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahandusay sa gilid niya si Roderick, duguan at may tama ng sibat sa sikmura.
"Anong nangyari?!" tanong ni Boaz.
Saktong dumating sina Rhian at Gabe at maging sila'y napasigaw.
"What the fuck?! H-he's dead?!"
Sinubukan ni Sofia magsalita pero wala kaming maintindihan sa mga salitang sinasabi niya.
"T-this game... t-this game is—" bago niya matuloy ang sasabihin ay may tumama nan a pana sa ulo niya kaya bumulagta siya sa tabi ng partner.
Napasigaw kaming lahat at bigla akong hinawakan ni Boaz, namalayan ko na lang tinulak niya ako para makadapa. Sumalampak din sa lupa sina Rhian at Gabe nang umulan ng pana sa paligid. Nang humupa 'yon ay nagigimbal kaming napabalikwas.
"Fuck!" sigaw ulit ni Gabe.
"P-patay na sila?!" sigaw naman ni Rhian. "Patay na sila! M-mamamatay na tayo?!"
"Let's run!" sa isang iglap ay tumakbo silang dalawa.
Hinila ako ni Boaz at namalayan ko na lang na hila-hila niya na lang ako. Ilang segundo rin bago maproseso ng utak ko ang nasaksihan.
Umaalingawngaw sa buong paligid ang pagsigaw ng iba pa naming mga kasama. Hindi nga guni guni 'yung nangyari.
Narinig kong panay mura ni Boaz dahil parang wala kaming pinatutunguhan sa tinatakbo namin. Kung hindi dead end ay tila pabalik-balik at paikot-ikot lang kami sa lugar.
"B-Boaz!" tawag ko sa pangalan niya dahil paglingon ko'y may nakita akong nakasunod sa'ming batalyon ng insekto na nanggaling kung saan.
"Shit!" sigaw niya nang dead end ang mapasukan namin.
Sabay kaming lumingon at nakita na papalapit na ang mga insektong kukuyog sa'min. Tumingin ako sa kanya at inalala ang Sapantaha na nakita ko.
"M-makakaalis tayo rito," sabi ko sa kanya habang parehas naming habol ang hininga.
Alam ko na kung paano kami makakatakas dito.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa'kin nang mapansing hinuhubad ko 'yung saya ko.
"Babalik tayo sa pinaggalingan natin kanina," sagot ko. "'Yung mabahong mga bulaklak natin kanina ang tamang daanan." Hindi ko na ininda kung naka-panty na lang ako.
Nakuha agad ni Boaz ang sinabi ko kaya hinubad niya ang suot na barong. Sabay kaming napatingin sa mga insekto na papalapit na sa amin.
"Isa... Dalawa..."
"Tatlo!" sigaw niya at sabay kaming tumakbo para salubungin ang mga insekto. Gamit ang mga damit namin ay nagawa naming makatakbo ng tuloy-tuloy nang hindi natatamaan ang mga mukha namin.
Nang malagpasan namin 'yon ay muli kaming naghawak ng kamay at hinanap ang mga Rafflesia.
"Doon!" sinundan namin 'yon at hanggang sa tama nga ang hula ko dahil sa bawat pagpipilian na daan ay nandoon 'yung bulaklak.
Tiniis lang namin ang masangsang na amoy upang makatawid sa mga sumunod na daan.
Hanggang sa nasilayan namin ang arko ng bulaklak at katulad nang nakita ko sa hinaharap, magkahawak-kamay kaming nakatawid ni Boaz sa exit.
"Yes!" sigaw niya sa tuwa at napangiti rin ako kahit na hingal na hingal.
Pero nang makita namin ang mga kasama naming nakatawid ay walang ngiti sa kanilang mga labi. Saka namin naalala ni Boaz ang nangyari kanina.
Patay na sina Roderick at Sofia.
At 'yung mga delubyong pinagdaanan namin kanina ay hindi lang basta-bastang laro.
Sumigaw si Marc, duguan ang noo, "T-this is not a virtual reality game anymore! W-we're gonna die here!"
At pare-parehas kaming nagimbal sa katotohanang 'yon.
Lihim ng Hiraya is a deadly game.
###
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro