Epilogue
TILA ginto at kay ganda ng tanglaw ng araw noong hapong 'yon, dumagdag pa ang hanging puno ng halimuyak ng mga bulaklak at malumanay na tinig ng piano na tumutugtog. Abot-tenga rin ang ngiti ng mga mahal sa buhay, naghihintay sa pinaka-inaabangang sandali.
Halos mapunit din ang labi namin sa pagngiti habang magkaharap. Parehas nangingislap ang aming mga mata matapos naming magpalitan ng makabagbag damdaming mensahe at pangako sa bawat isa. Pinisil ni Boaz ang mga kamay ko at alam kong marami pang naghihintay sa aming dalawa sa kinabukasan.
"Sa pamamagitan ng kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin ng simbahan at estado, ngayon ay ipinahahayag ko kayong—"
Subalit bago matapos 'yon ng pari ay biglang nagsigawan ang mga tao. Napapitlag kami ni Boaz nang makita namin ang mga kalalakihang nakasuot ng pormal, may mga hawak na baril.
Kaagad akong hinawakan ni Boaz para itago sa likuran niya. Nagsidapaan ang mga bisita dahil sa mga armas na nakatutok.
"Mirai Madrigal." May isang lalaki ang nakasuot ng all-white ang naglalakad sa aisle papunta sa kinaroroonan namin.
Hanggang balikat ang buhok niya, may suot na fedora hat, at may hawak na tungkod.
"Anong kailangan n'yo?!" tanong ni Boaz na hindi nagpakita ng takot.
"You caused our company a big trouble," sabi ng lalaki at tinanggal ang suot na sombrero. Nakita ko ang itsura niya, magandang lalaki siya, nakangiti subalit tila tumatagos ang kanyang pagtitig. "I must say, you did a good job for ruining our games by preventing the nominated to join the game." Nanatili kaming nakatayo ni Boaz.
Napalunok ako dahil sa mga nakalipas na buwan ay iyon ang inatupag namin. Sa kombinasyon ng kapangyarihan ko at sa pang-iimpluwensiya ni Boaz sa mga panaginip ng mga taong sasali dapat sa kanilang mala-impyernong laro, hindi ko sukat akalaing matutunugan na ng The Moon Company ang ginagawa namin.
"Hindi kami natatakot sa inyo," buong tapang kong saad habang nakipagsukatan ng titig sa lalaki.
"My, my, you are peculiarly amazing, Mirai," puri sa akin ng lalaki at nilahad ang kamay. "Dapat ay noon ka pa namin nahanap, hindi mo na kailangan pang magpakabayani pa para iligtas ang mga taong 'yon. We have an offer for the both of you, work with us."
Sarkastikong natawa si Boaz at sinabing, "Hindi nabibili ang prinsipyo namin."
"How courageous... and pathetic," komento ng lalaki bago tumalikod at kinumpas ang kamay.
Sa isang iglap ay nagsigawan ang mga tao nang magpaulan sila ng baril. Magkahawak pa rin kami ng kamay ni Boaz nang itaas ko ang isang kamay ko at mabilis na lumitaw ang lilang abo na kumalat sa buong paligid.
Napabalikwas ako, pawis na pawis, at hingal na hingal akong bumangon sa kama. Napahilamos ako ng mukha dahil kinabukasan ay matutunton na nila kami. Sinubukan kong tawagan si Boaz pero hindi siya sumasagot sa tawag, mukhang nahihimbing pa sa pagtulog.
Matapos kong mag-send ng message kay Boaz ay maingat akong lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina para uminom ng tubig dahil nanunuyot 'yung lalamunan ko. Nang buksan ko ang ref ay kaagad na tumayo ang balahibo sa batok ko at kaagad akong lumingon.
"S-sino ka?" isang babae ang nakaupo sa bar stool, nakapangalumbaba at matipid na nakangiti sa'kin. Kapansin-pansin ang maiksi niyang buhok at itim na leather jacket na suot.
"Don't be afraid, Mirai, I'm not an enemy," sabi niya.
"Saan ka galing? At bakit alam mo ang pangalan ko?"
"I am not from this dimension," sagot niya na kinakunot ng aking noo. "Anytime soon they will find you, but I know you are strong enough to evade them." Tumayo siya at naglakad palapit sa'kin. "There's no turning back, Mirai. You wield a great power that creates a ripple across multiple dimensions."
"Ginawa ko lang 'yon para iligtas ang mga inosenteng tao mula sa kamay ng The Moon Company."
"I know. That's why I came here para bigyan ka pa ng mas mahalagang misyon."
"Misyon?"
"Alam mo ba kung bakit nilikha ng The Moon Company ang mga larong 'yon?" tanong niya.
"P-para paglaruan ang mga taong nagigipit," sagot ko at umiling siya.
"They created those games to find unordinary people like you," sagot niya. "And they finally noticed the bizarre events you caused."
"Teka, ibig mo bang sabihin..."
"Yes, Mirai, there are others like you and Boaz out there." Halos mapanganga ako nang sabihin niya 'yon. "That's why I'm giving you this task, to find and protect them from that sinister company."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tiningnan ko ang dalawa kong palad at ang unang pumasok sa isip ko... Kaya ko ba?
Namalayan ko na lang na mas malapit na siya sa'kin at tinapik ako sa balikat.
"You can do it, Mirai," sabi niya para bigyan ako ng kasiguraduhan. "You and Boaz will create a peculiar family in this universe."
Mas lalong lumaki ang hiwaga sa aking mukha at hindi ko na napigilang itanong, "Sino ka ba talaga?"
"Just like you, I can see the future," sagot niya at kumindat sa'kin.
THE END
Author's Note:
Yay! Tapos na! Maraming maraming salamat sa pagsubaybay ng Sapantaha!
Sa palagay n'yo sino 'yung kausap ni Mirai? Hmm....
Tingnan natin kung may magiging expansion pa ang paglalakbay ni Mirai at Boaz!
Muli, maraming salamat! Hanggang sa mga susunod pang kwento!
Your votes, comments, and support are highly appreciated! God bless you! :))
-Demi
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro