Chapter 2
Chapter 2
One year ago...
“Anong favorite flower mo, Santi?”
Pakiramdam ko'y nanigas ang mga kamay ko sa tanong ni Sevi. Halos hindi ko na maigalaw ang mouse na hawak ko. Naglalaro pa naman ako ngayon. Huwag lang talaga akong matatalo dito, masasapak ko talaga siya sa kalokohan niya.
“Ha? Ano na naman bang trip mong gago ka?” tanong ko na lang para itago ang nararamdaman ko.
Mukhang katatapos lang niya maligo. Nakatalikod siya sa akin at nagbibihis, kitang-kita ko iyon mula sa monitor ng computer ko.
Inalis ko ang tingin kay Sevi nang nilingon niya na ako. Baka mapansin pa niyang nakatingin ako sa kan'ya.
“Basta! Ano ngang favorite flower mo at ni Tita?” muli niyang tanong na halatang walang pakialam sa sinabi ko.
Nagulat ako nang pati si Mama ay nadamay sa kalokohan niya.
Ano ba kasing iniisip at binabalak niya? Akala ko naman curious lang siya sa paborito kong bulaklak, pero bakit pati si Mama?
“Gago! Anong tingin mo sa'min ni Mama, patay? Magtigil ka ngang hayop ka!”
Totoo naman, hindi pa kami patay para bigyan niya ng bulaklak... if ever na magbibigay nga siya. Pero imposible namang bibigyan niya ako. Imposible.
I heard him chuckled. Mukhang may sinasabi pa siya pero hindi ko marinig. Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na siya nang muli ko siyang makita sa monitor.
Mas lalong hindi ko maintindihan ang nararamdaman at gagawin ko ngayong nasa tabi ko na siya.
Tangina, ka Sevi!
Lumayo ka na bago pa ako matalo dito. Bwisit!
Bakit kasi ngayon pa siya nanggugulo ngayong nasa kalagitnaan ako ng paglalaro?
Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang akbayan ako ni Sevi. Mas lalong nanigas ang kamay ko. Tangina! Naglalaro ako, oh!
Nanlaki ang mata ko nang bumaba ang kamay niya at biglang pinisil ang dede ko.
“Putangina!” Walang anu-ano kong hinawi ang braso niya at matalim siyang tiningnan. “Gago ka ba?!” I hissed.
Tinawanan niya lang ako sabay taas ng dalawa niyang kamay na parang sumusuko. “Just answer my question, Santi. Favorite flower ni Tita,” aniya pa.
Hindi ko na malaman kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Lalo na at nadamay na naman si Mama.
Ano bang pinupunto nitong gago na 'to? Ako ba talaga o si Mama?
“Tangina, pre! Kanino ba talaga?” Iritable kong tanong sabay kamot sa ulo bago ko binalik ang aking atensyon sa paglalaro. “Gulo mo!”
Ayaw kong mahalata niya na apektado ako sa mga nangyayari. Kaya iiwas lang ako katulad ng palagi kong ginagawa.
“Sige, huwag na lang. Ako na lang magtatanong sa Mama mo. Nasaan ba si Tita?”
Hindi ko siya nilingon pero nakita ko mula sa monitor ang pagngiti niya. Hindi ko malaman kung natural na ngiti lang ba iyon o may halong pang-aasar.
Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?
Kung iyon ang gusto niyang gawin, bahala siya. Inirapan ko na lang siya at tinuon ang aking atensyon sa paglalaro.
“Maigi pa nga. Nandoon sa office niya. Umalis ka na! Cho!” pagtataboy ko sa kan'ya sabay turo sa kung saan, hindi inaalis ang mga mata sa monitor.
“Okay! Bye!” sagot lang niya na halatang nag-e-enjoy sa sinabi ko. Siraulo talaga. Tsk.
Naglalaro pa rin ako nang naramdaman ko ang pag-alis ni Sevi sa tabi ko. Nakahinga ako ng maluwag na parang nanggaling ako sa matagal na pagkakagapos.
Lintik na Sevi.
Habang naglalaro, naligaw ang mga mata ko sa monitor kung saan nakita ko si Sevi na magbubukas na ng pinto. Sumagi sa isip ko ang tanong ni Sevi kanina. Gusto ko siyang sagutin at baka may importante siyang gagawin.
Nagkibit-balikat na lang ako at tinawag si Sevi nang akmang magbubukas na siya ng pinto.
“Sevi.”
Nakita ko mula sa monitor ang paglingon niya. “Bakit?” Nanatili ang mga kamay niya sa door knob.
“Tulip,” sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa repleksyon niya sa monitor ko.
Natahimik siya sa sagot ko at mukhang iniisip kung para saan ang sinabi ko. Gago talaga. Magtatanong tapos makakalimutan. Para tuloy akong napahiya. Tsk.
“Ha?” tanong niya nang siguro ay hindi maalala kung saan nanggaling ang sinabi ko.
“Favorite ko, gago! Umalis ka na nga!” pagtataboy ko sa kan'ya. Mukhang hindi naman importante ang paboritong bulaklak ko. Bakit ko pa kasi sinagot?
Feeling gold ka talaga, Santi. Kahit na kailan hindi ka niya magugustuhan. Iyan ang itatak mo sa isip mo. Babae ang gusto niya at hindi katulad mo.
“Hehe. Sige, bye!” aniya bago tuluyang nagpaalam. Hinayaan ko na lang siya at baka mas lalo pa akong mapahiya.
Ang hirap pa namang kausap ni Sevi, lalo na nitong mga nakaraang araw. Para siyang palaging may iniisip. Since birth pa yata siyang ganiyan, mas malala lang talaga ngayon.
Hindi ko na tinapos ang paglalaro at humiga na lang sa aking kama. Totoong gusto ko si Sevi, hindi ko na matandaan kung kailan at paano nagsimula ang lahat. Basta ang alam ko, nagkagusto ako sa best friend ko na hindi ko dapat gustuhin.
Mahirap ang kalagayan ko ngayon, lalo na at may mga napapansin ako. I think he likes my mother, hindi ko pa sure pero parang gano'n ang nangyayari.
Ayoko namang magtanong dahil si Mama na ang usapan dito. Baka mapahiya na naman ako.
“I like you...”
Tangina! What did I say? I'm drunk but I'm not stupid to confess my feelings at this rate.
What should I do? Should I act like I'm sleeping? Yes, Santi! You should. Tutal wala na akong mukhang ihaharap kay Sevi dahil sa katangahan ko kaya mas mabuti pang ituloy ko na ang kahihiyang 'to. Hindi na talaga ako iinom kahit na kailan.
Kumurap lang ako ng tatlong beses bago binagsak ang aking ulo sa balikat ni Sevi. Mas mabuti na ito kaysa harapin ko siya sa sobrang kahihiyan.
Siguro naman ay hindi niya seseryosohin ang sinabi ko dahil lasing ako. Tama, lasing ako. Lasing lang ako kaya ko nagawa 'yon.
Mag-li-limang minuto na sigurong nakasandal ang aking ulo sa balikat ni Sevi at hindi pa rin siya gumagalaw. Tangina, Santi! Ano ba kasing ginawa mo?!
Gusto kong bawiin ang sinabi ko, pero paano? Parang nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin gamit lang ang tatlong salitang 'yon. Halata rin naman dahil mukhang naapektuhan si Sevi.
Nakakahiya ka Santi.
Pagkatapos ng araw na 'yon pakiramdam ko'y iniiwasan na ako ni Sevi, kaya umiiwas na rin ako hangga't maaari. I still remember everything, mas lalo na siguro siya.
“Santi, hindi ba kayo nag-uusap ni Sevi?” rinig kong tanong ni Aziel.
“Oo nga, pre. Pansin ko nga na parang ilang araw na kayong hindi nagpapansinan,” ani naman ni Thiago sa tabi ko. “Nag-away ba kayong dalawa dahil sa babae?” Siniko pa ako ni Thiago kaya nilingon ko siya.
“Hindi, ah. Bakit naman ako makikipag-away? Mas gwapo ako do'n,” sagot ko bago binalik ang atensyon sa ginagawa kong assignment.
Para bukas pa ito, ginagawa ko lang ngayon para hindi ko na gagawin mamaya sa bahay. Wala rin naman akong ginagawa. Kaysa tumambay lang ako, mas maigi nang may natatapos ako.
“Magkaaway nga kayo.” Si Tim, na halatang kombinsido nang magkaaway kami ni Sevi.
“Hindi nga kami magkaaway. Busy lang kami pareho,” pakikipagtalo ko pa sa kanila.
Ano naman kung hindi kami nagpapansinan? Magkaaway na agad? Ayoko lang malaman nila ang nangyayari sa aming dalawa. Mas maigi nang walang nakakaalam para tahimik kaming lahat. Magiging maayos rin naman lahat, hindi lang ngayon pero sigurado akong babalik din kami sa dati.
Sana nga ay mawala na rin itong nararamdaman ko para sa kan'ya. Ayoko namang masira kami dahil lang sa lintik kong nararamdaman.
Pero paano? Ang hirap pigilan kung palagi kaming magkasama.
Mas mabuti na nga sigurong hindi kami nag-uusap. Baka sakali. Baka sakali na may magbago sa nararamdaman ko para sa kan'ya.
“Tangina, pre! Ang ganda!”
Halos lumundag ang puso ko sa sigaw na iyon ni Thiago. Magkatabi lang kasi kami tapos bigla siyang sumisigaw. Muntik na akong mabingi.
Nilingon ko si Thiago. “Huwag ka namang sumigaw.” Siniko ko siya kagaya ng ginawa niya sa akin kanina.
Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko. “Bakit?” kuryosong tanong niya.
“Huwag kang sumigaw sabi, kita mong may ginagawa 'yong tao.”
Bumaba ang tingin niya sa notebook ko sabay tawa. “Puro ka naman kasi aral, hindi mo tuloy nakita 'yong magandang babae.”
“Lahat naman maganda para sa'yo. Kahit aso sigurong nakapalda papatulan mo.” Inirapan ko siya bago tiniklop ang notebook ko. Walang kwenta talaga mga tao dito sa earth. Saan kaya magandang magtago? Para hindi na muna kami magkita ni Sevi.
“Boom!”
“Takaw mo naman pala, Thiago!”
Natawa na lang ako nang asarin ni Aziel at Tim si Thiago. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Pareho silang dalawa ni Sevi kaya mas nagkakasundo silang dalawa. High School pa lang mga babaero na silang dalawa.
Hindi na nakapagsalita si Thiago at mukhang nahiya na ring makipagtalo. Wala naman kasing mali sa sinabi ko. I'm just stating the fact.
Mananatili pa sana ako para makipagkwentuhan sa kanila nang nahagip ng mga mata ko Sevi. Nakatayo siya hindi kalayuan sa aming tambayan habang nakatingin sa direksyon namin.
Umiwas ako agad ng tingin nang napansin kong nakita niya akong nakatingin sa kan'ya. Tumayo na rin ako at nilagay sa bag ang aking notebook.
“May gagawin pa pala ako. Kita na lang tayo mamaya.” Nagmadali akong nagpaalam sa kanila at hindi na sila hinintay pang magsalita.
Hindi naman ako gano'n kasamang tao para pigilan siyang makasama ang mga kaibigan namin. At saka, may gagawin pa naman talaga ako.
Dumireto ako sa school publication namin para makausap ang EIC. Magpapaalam ako na baka ilang araw akong hindi magpaparamdam para tapusin ang plates ko. Marami naman kaming cartoonist dito sa publication kaya hindi sila masyadong mahigpit sa amin.
“Nasaan si Miss EIC?” tanong ko kay Fatima, one the journalist, pagpasok ko ng office.
Tinuro niya ang direksyon ng cr na sinundan ko naman ng tingin. “Nasa cr.”
Napatango-tango ako bago binalik ang tingin kay Fatima. “Sige, hintayin ko na lang siya makalabas.”
Nilibot ko ang aking paningin at tiningnan kung sinu-sino pa ang nandito sa office. Konti lang sila at mukhang wala pa masyadong ginagawa. Timing din pala ang pagpapaalam ko.
“Santi, nandito ka pala.”
Napalingon ako sa nagsalita. Napangiti ako nang makitang si Jared iyon na kasama kong cartoonist dito sa publication. Engineering student siya katulad ni Hazel at Benedict. Most of the cartoonist naman dito sa publication na kung hindi Engineering ay Architecture student.
“Pre, kadarating ko lang. Anong ginagawa niyo?” Nilapitan ko si Jared na kasama si Russel na katulad kong Archi.
“May pinapagawa lang si Miss EIC, revision. Hindi yata nagustuhan gawa namin. Ikaw? Bakit ka nandito? May ipapagawa rin ba sa'yo?”
Kaagad akong umiling sa sunod-sunod niyang tanong. “Magpapaalam lang ako. At saka magaling ako kaya no need na mag-revise.” I chuckled.
“Yabang neto, type ka lang ni De—”
“Santi! You're here!”
Hindi na natuloy ni Russel ang sasabihin nang dumating na ang pinaka-iiwasan ko dito sa publication. Timing din talaga, eh.
Pinanlakihan ko ng mga mata ang dalawang gago sa harap ko nang mapang-asar nila akong tinawanan. Alam kasi nila, actually nilang lahat dito sa publication na may gusto sa akin si Denise. She's one of our anchors at best friend ni Miss EIC.
Napabuntong hininga na lang ako bago nilingon si Denise. Pinaghahampas ko pa sa braso ang dalawa. Mga siraulo talaga.
“Yes, I'm here. Bawal ba?” sagot ko na lang sa kan'ya at pilit na nginitian.
“Hindi naman. Masaya nga ako na makita ka ulit dito. Busy ka pa rin ba? Kape naman tayo—”
“Miss EIC!” Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Denise nang nahagip ng mga mata ko ang paglabas ni Khloe mula sa cr. Buti tapos na siya, hindi ko na kailangan magtagal dito.
Nilagpasan ko si Denise at pinuntahan si Khloe, ang EIC namin. Pansin ko pang dismayado siya sa ginawa kong pag-iwas na naman sa kan'ya. Mas mabuti na iyon kaysa umasa siya sa akin. I don't like her. Period.
“Miss EIC, magpapaalam sana ako. Baka ilang araw akong hindi mapapadaan dito. Marami akong plates na gagawin.”
“Hindi ba talaga kayo titigil katatawag sa'kin ng Miss EIC? Pwede namang Khloe na lang, para kayong others.”
Natawa ako sa reaksyon ni Khloe. Hindi naman siya galit. Medyo naaasar lang siguro sa tuwing tinatawag namin siyang Miss EIC. Iyon din kasi ang rason, ang inisin talaga siya.
“Oo na, basta papayagan mo ako.” I smiled.
She rolled her eyes and looked at her best friend's direction. “Hmmm...”
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa ginawa niya. Mukhang may binabalak pa nga siyang gawin. Huwag naman sanang pilitin na naman niya akong makipag-date kay Denise.
“Okay, pero sa isang kondisyon.” Binalik niya ang tingin sa akin at mapaglarong nakangiti.
“Khloe, mahiya ka naman. Ilang beses na kitang tinanggihan. Hindi ko nga gusto si Denise.” Halos pabulong na akong magsalita huwag lang may makarinig sa amin.
Hindi naman sa gusto kong saktan si Denise, ayoko lang talaga siya umasa. Mas mabuti nang umiwas kaysa masaktan ko siya.
“Dali na naman, Santi. Kahit isang beses lang, tapos wala na. Hindi na kita kukulitin. Gustong-gusto ka lang talaga ni Denise.”
Bumaba ang tingin ko nang abutin ni Khloe ang mga kamay ko. Pinagsiklop niya ito sa pagitan ng mga palad niya at tila nagmamakaawa.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Ayaw kong may masaktan, pero ayoko rin namang umasa si Denise. I don't know.
Binawi ko ang mga kamay ko kay Khloe at binalik ang tingin sa kan'ya.
“Pag-iisipan ko muna. Alis na ako.” Tinalikuran ko si Khloe at nakita si Denise na kanina pa kami pinapanood.
Iniwasan ko siya ng tingin at saka siya nilagpasan. Hindi pa ako tuluyang nakakarating sa pinto nang narinig ko ang sinabi niya. Mahina lang iyon pero sapat na para marinig ko.
“Kung hindi lang kita gusto, baka matagal ko nang pinagkalat ang baho mo.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro