Status: Invisible
Kunsumidong binabasa ni Bella ang hate comments tungkol sa kanya sa confession page ng St. Gabriel University, kung saan siya graduating sa kursong Accountancy.
'Kapalmuks! Si Blake pa talaga ang gusto niyang makapartner sa ball. Mangarap nang naaayon sa ganda!"
'Taas ng pangarap, girl!'
'#Feelingera! Paayos mo muna mukha mo bago ka maglumandi!"
Ang mga undin, ayaw siyang tantanan! Isang linggo na ang lumilipas mula nang bangenge siyang mag-post ng status sa Facebook ng, 'Go to the graduation ball with me, Mr. Blake Ramirez. Maganda 'ko. 'Di ka magsisisi.'
Naiinis niyang ibinulsa ang cellphone niya. Deleted na ang post niyang 'yon pero marami pa ring mga taga-SGU ang nakapag-screen shot. Araw-araw na lang pinagkakaisahan siya ng mga undin na patay na patay kay Blake- fourth year Tourism student, campus heartthrob, miyembro ng National Swimming Team at ang ultimate college crush niya.
"Ano Bella, keri pa?" ani Maggie na kasama niyang nagre-retouch sa loob ng CR. "Deadmahin mo na lang kasi ang mga undin. Pero kapag 'di na keri, magsabi ka lang. Sasamahan kitang magreklamo sa Student Council.”
Tipid siyang tumango. Pahamak talaga ang ginawang pambibinyag sa kanya ng mga kuya niya sa inuman. Nabangegnge siya nang husto! Kung ano-ano tuloy ang nagawa niya.
Inayos niya ang kanyang glasses at pinagmasdan ang sarili sa salamin.
She looks okay. Not ugly but... ordinary. Invisible. Walang-wala siya sa kalingkingan ng mga dyosang na-link kay Blake nitong mga nakaraang taon. Tama nga ang mga undin, anong karapatan ng kagaya niyang mortal na ayain sa ball ang katulad ni Blake na may immortal genes?
What she did was an honest mistake. Pero ang ipinaghihimutok niya, deadma lang si Blake. Wala man lang itong statement para sa mga undin na fans nito sa university. Nag-chat din siya rito kaso, deadma rin. Kung busy ito at ‘di makapag-online o napunta sa ibang folder ang message niya dahil hindi sila friends, hindi niya alam. Basta hanggang ngayon, deadma pa rin ang lalaki.
Tumunog ang cellphone niya. Mayroon siyang dalawang notifications- isang direct message o DM sa Instagram at tagged photo daw niya sa Facebook. Una niyang binuksan ang DM. Galing iyon kay Blue_Lover- ang mahigit isang taon na niyang chatmate at avid liker ng mga creative photos na hobby niya ang pagkuha.
Isang picture ng blue tulip na may nakasulat na 'Have a great day' lang ang laman ng mensahe. Pero sapat na 'yon upang gumaan ang pakiramdam niya.
Maliban sa mga kaibigan niya, si Blue_Lover ang madalas niyang hingahan ng sama ng loob sa mga hanash niya sa buhay. Kahit ‘di pa niya nakikita ni mukha nito dahil avatar lang ang nasa profile nito sa IG, magaan ang loob niya kay Blue_Lover. Magre-reply na sana siya kaso nagsunod-sunod na naman ang notifications niya sa Facebook.
Nang tignan niya, bumulaga sa kanya ang picture niya sa SGU Confession page na natutulog- nakanganga nang bongga at half-closed ang mga mata. May drawing na korona ang ulo niya at nakasulat sa baba ng picture ang ‘Reyna Ng Mga Ambisyosa’. Kung saan iyon galing, wala siyang ideya.
Basta, ang alam niya, nanggagalaiti siyang lumabas ng CR.
-----
Tahimik na nakaupo si Bella sa bench malapit sa university lagoon. Unang araw ng graduation practice pero ayaw niyang pumunta. Ayaw niyang makita ang mga graduating na undin na nanlait sa kanya. Nakaharap pa naman niya ang mga ito kanina sa guidance office. Nagpatulong na siya sa Student Council. Nai-report na ang confession page at na-warningan na ang mga undin.
"Pwedeng maki-upo?"
Nang lingunin niya ang nagsalita, agad na tumambling ang puso niya. Umaparisyon sa harap niya ang walang iba kundi si Blake Ramirez!
Pinilit niyang magsalita kaso ayaw tumulay ng talino patungo sa dila niya. Kaya naman umusog na lang siya sa dulo ng bench.
Nang tuluyang maupo ang lalaki sa tabi niya,lalo siyang ninerbyos. Jusko! Harapan ba siya nitong ire-reject?
"Tama ba ang hula ko na kagaya ko, ayaw mo ring magpraktis?" anito maya-maya. Hindi siya makaimik. Nawiwindang siya kasi sa presensiya nito. "Ang tahimik dito, 'no?" dugtong pa nito.
Naisip niyang kumaripas na lang ng takbo at takasan ito kaso, tumunog ang cellphone niya. Nag-DM ulit si Blue_Lover.
'Gusto mo, dito na lang tayo mag-usap?'
Mabilis siyangpa nag-reply.
'Saan pa ba tayo pwedeng mag-usap, e dito lang naman talaga tayo nag-uusap?'
Tumunog ang cellphone ni Blake. Narinig niya itong mag-type. Pagkatapos, tumunog na naman ang cellphone niya.
“Baka lang kasi gusto mong mag-usap na tayo sa personal. Gaya ngayon.”
Laglag ang mga panga niyang nilingon si Blake. Magaan itong ngumiti sa kanya bago inilahad ang kamay nito. “Hi, I’m Blake Ramirez. Blue Lover in IG.”
Napasinghap siya, lalong nanirik ang lohika niya. Ano? Si Blake si Blue_Lover! Sa mga corny na kwento at pelikula lang nangyayari ang mga ganoong hanash! At 'di siya pang-leading lady material para mangyari 'yon sa kanya!
“N-Nagda-drugs k-ka ba?” windang na sabi niya.
Natawa ang lalaki. Namula naman siya sa kagagahan ng tanong niya.
“No at wala akong balak.”
Alanganin siyang ngumiti, hinintay ang paglamon sa kanya ng lupa kaso, 'di nangyari.
“Sorry, ngayon lang ako nagpakilala. I kinda have a crush on you since last year kaso, nahihiya akong lumapit. Wala rin akong nagawa sa nag-viral na status mo. I just arrived from our training in Japan. They gave me two weeks rest para maka-attend ako ng graduation. So, I’m here now, finally… talking to you, Ms. Isabella Rodriguez.”
Nagproseso ang lohika niya kaso, isang nakakatangang ‘ah’ lang ang naisagot niya.
“Your photos are extraordinary but not as breathtaking as you.” Ngumiti ito, idinisplay ang mga dimples.
“S-salamat,” aniya, nahihiya at kinikilig nang sabay.
“If it’s not yet too late, would you…” Tumikhim ito. “Would you go to the ball with me?”
Napakurap siya, hindi makapaniwala. “Y-yung mga fans mo baka-”
“Please, Bella. This is me asking as your admirer, Blue Lover.”
Sandali siyang nag-isip bago, “S-sure.”
Ngumiti ito.
“Sabi mo kay Blue Lover, you are invisible in school. But I want you to know now as Blake, I have always seen you. Always.”###
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro