Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 [Brightest star]

Kent Axel's POV.


Prente akong nakaupo ngunit agad ring natigilan ng mapansin ko ang pamilyar na papalapit sa amin.

"Sup," tinitigan ko lang si Harold ng batiin niya ako ngunit na kay Saji ang atensyon.

"Looks like both of you are having fun, woukd you mind if i jo—"

"To be honest, I don't care. This is a party sit whenever you want." Inis kong sabi at dinukot ang cellphone ko sa bulsa.

"Ah really.." Mahina niyang sabi.

Nang mapansin kong uupo na si Harold sa tabi ni Saji ay tinaliman ko ang tingin sa kaniya. "Are you stupid or what? Dinidikit mo si Saji sa gulo. Buti sana kung hindi freak yung girlfriend mo." Inis kong sabi.

"You can say it in a nice way—"

"I hate fake people." Dagdag ko kaagad.

"Okay." Matipid niyang sagot at naupo sa harapan ko kaya napangiwi ako.

"Nawala nga yung abo-abogadohan, nandito naman yung kupal." Mahinang bulong ko dahilan para sikuin ako ni Saji kaya natawa na lang ako.

"Tunay naman." Mahinang sabi ko pa na mahina niyang ikinatawa.

"Tara sa dance floor, manlait na lang tayo." Umawang ang labi ko ng yayain niya ako dahilan para matawa.

"Akala ko sasayaw, manlalait ka lang pala." Tumawa siya kaya ng hiklatin niya ako ay sumama na ako.

Habang naglalakad kami ay andaming nakatingin sa amin kaya naman tumikhim ako ng makapwesto ay natatawa kong tinignan si Saji na lumilinga linga naghahanap siguro ng target--

"F-Fuck!" Napaubo pa ako ng may malakas na tumama sa likod ko na naging sanhi ng pagtama ng katawan ko kay Saji.

"I'm sorry." Mahinang sabi ko at naiilang na lumayo sa kaniya tapos nilingon ko ang nasa likod.

"S-Sorry po, Sorry Kent Axel." Mabilis na sabi ng babae dahilan para huminga ako ng malalim at mariin na kagatin ang labi ko.

"This is a party not a freaking play ground for you to play with," wika ko naiinis ngunit iniwasan ko magmura.

"Sorry po talaga," hindi ko na pinansin ang babae at muling tinignan si Saji na kanina ay sobrang lapit na naming dalawa dahil sa pagkatulak.

Mukha lang talaga ang nai-distansya dahil mas matangkad ako sa kaniya. "I'm sorry." Mahinang sabi ko ulit pero tumango lang siya at mahinang tumawa.

Lumipas ang isang panibagong oras ay naisipan naming bumalik sa pwesto kanina pero ganoon na lang ang gulat ko ng makitang umiinom si Lauren. "I thought you're not going to drink?" Kwestyon ko at tinitigan siya.

Her friends started to watch me. "'Yon rin ang sinabi niya Kent, pero after niya mag-restroom basta basta na lang siyang uminom." Sagot ng isang kaibigan niya kaya bumuntong hininga ako.

"That's enough, kanina pa ba siya umiinom?" Tanong ko.

"Yup, nakakarami na siya." Sagot ng isa, halata nga dahil namumula na ang buong mukha niya hanggang leeg.

"I don't think we can stay any longer, May class pa pala kami bukas." Mahinang sabi ko na ikinatango nilang lahat.

"You can go na, Mukhang lasing na lasing na kasi si Lauren." Aniya nila kaya tumango ako mabilis naman akong tinulungan ni Saji sa paraan ng pagkuha ng gamit ni Lauren.

Bumuntong hininga ako ng muli pang tunggain ni Lauren ang isang kupita dahilan para pigilan ko ang kamay niya pero tiningala niya lang ako at sinamaan ng tingin. "You can j-just enjoy and have fun with y-your best frieeendd. Don't m-mind me," wika niya at tinulak ako kaya nangunot lalo ang noo ko.

"Let's go home." Mariing sabi ko at inagaw ang pinag-iinuman niya.

"Kentttttt ano b-baaaa" 

"I said enough Lauren." Nauubusan ng pasensya kong sabi at itinayo siya pero nagpumiglas siya kaya napailing ako.

"I'll take you home," mahinang sabi ko sa kaniya at maayos siyang hinawakan sa dalawang braso.

Tinitigan ako nito kaya bumuntong hininga ako at inakay siya pero gano'n na lang ako nabigla ng hiklatin niya ang kwelyuhan ko at ilapit ang mukha ko sa kaniyang mukha dahilan para manlaki ang mata ko. 

She's a teacher hindi pwede ang ginagawa niya. "Lauren, stop." Mahinang sabi ko.

"I like you ahhahahahaha—"

"Let's go." Napatingin ako kay Saji ng sabihin niya yun at siya ang humawak kay Lauren kaya naman mabilis akong sumunod sa kanila. Nang makarating sa labas ay tinulungan ko si Saji pero ganon na lang ang pagtataka ko ng nandito si Harold.

"A-Ano ba let goo of mee Saji." Reklamo ni Lauren.

"You're stealing him! Inaagaw mo sa akin si Kent!" Napalunok ako ng itulak ni Lauren si Saji kaya mabilis akong umawat.

"Lauren what are you talking about?" Tanong ko sa kaniya at tsaka ko binuksan ang sasakyan.

"Get in." Mariin kong sabi at pinaupo na siya sa likod tapos inilagay ang seatbelt niya.

"Ako na ang maghahatid sa'yo Argelia." Nalingon ko kaagad si Harold sa sinabi.

"She's on me, Makakaalis ka na." Matipid kong sagot tapos ay binuksan ko na ang pinto at tinignan si Saji.

"Get in, Para maihatid--"

"Ako na maghahatid sa kaniya bro.." Tinignan ko ngayon si Saji.

"May girlfriend ka 'di ba?" Kwestyon ko pa.

"It doesn't matter, Ihahatid lang naman." Sumbat pa niya kaya sarkastiko akong natawa.

"Si Saji ang pinapahamak mo sa gulo ng girlfriend mo, Ako na." Mariing sabi ko at tsaka ko sinenyasan ni Saji na mabilis naman na sumunod.

Sumakay na ako sa sasakyan tapos tinignan sila. "All good? Ihahatid na muna kita Saji." I said in a lower tone.

"Sure," wika niya.

"Huwag mo ng isipin yung sinabi ni Lauren, She's just drunk." Paalala ko sa kaniya ngayon ay knocked down na kaagad si Lauren halatang naparami.

"Hindi ko naman iisipin 'yon, siya rin ang mahihiya pag natauhan siya." Sagot ni Saji tapos tumikhim lang.

"She's acting that she likes you, Hindi ka naman magawang ipaglaban. How awful," wika niya kaya mahina na lang akong natawa.

"Minsan naiisip ko iisa tayo ng utak, 'cause we're thinking the same." Mahina rin siyang natawa kaya nagmaneho na ako mabuti na lang kahit papaano ay kaya ko ang magmaneho.

Bahagya lang naman kasi ang nainom ko. "What about this Saji, You can sleep at our guest room for tonight." I suggested and focus on the road.

"Oo nga pala nakainom ka," wika niya.

"Okay naman na ang guestrooms namin, You can stay there comfortably. My noona has a lot of clothes that she doesn't like to wear." Mahinang sabi ko umaasang papayag siya dahil ayokong mapano kami sa daan na ito.

"Sure, ayos lang." Tugon niya kaya matunog akong ngumiti.

"Glad ayoko kasing ma-accident tayo," natatawa ko pang sabi na ikinatawa niya rin mga ilang minuto pa ang lumipas ay nandidito na kami sa bahay agad naman na lumabas si mommy at daddy.

Pag usapang inuman o bar party ganiyan sila, kahit madaling araww lalabas sila just to check on us kahit nga kay noona noon. "Akala ko ba hindi iinom ang isang 'to?" Dad questioned.

"That's what she told us, but I end up taking her home dad." Natatawa kong sabi.

"Saji come in, gagawan ko muna kayo ng soup ni Kent Axel." Nakangiting sabi ni mommy sa 'min..

"Hubby pakidala na siya sa room niya okay, Ingat." bilin ni mommy.

Dumeretso kami  sa dining area kung saan tanaw namin ang kitchen naupo si Saji sa mga silya doon habang ako ay nakatayong pinanonood si mom sa kaniyang ginagawa.

"Alam mo ba ng bata si Kent Axel ganiyan siya sa tuwing nagluluto ako, panay dungaw na animoy pinag-aaralan rin ang pagluluto." Nakangiting sabi ni mom at tsaka kumuha ng gagamitin niya.

Mahina akong natawa sa kaniyang kwento dahil naging ugali ko na talaga 'yon. "He admire food so much," wika pa ni mommy na ikinatawa ni Saji.

"Halata naman pong PG 'yang anak niyo tita e," sa winika ni Saji ay mabilis ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

"PG what?" Kwestyon ko ngumisi siya sa akin tapos ay umirap.

"Patay Gutom," saad niya dahilan para mapatayo ako ng deretso at ikrus ang mga braso sa dibdib ko.

"I might love eating but I have the body, hindi tulad ng ex mong walang utak at abogado mong sabog." Umawang ang labi niya at mas tinaliman rin ang tingin sa akin.

"Bakit mo bini-bring up yung wala dito?" Sumbat niya pa.

"Bakit hindi?" Nakangisi kong sagot.

"Ikaw nga hindi gusto ng gusto mo," inis niyang saad kaya nakagat ko ang ibabang labi at suminghal na lang.

"Bahala ka diyan," wika ko sa pagka-inis.

"Pikon," pabulong niyang sabi kaya hindi ko na siya pinansin at tinignan si mommy na pangisi ngisi habang nagluluto.

"I put her on her bed safely," wika ni daddy na pababa ng hagdan kaya naman nang magtama ang mata nila ni Saji ay nagpalitan sila ng ngiti.

"Pag nagka-nobya itong si Saji panigurado pagseselosan ka Kent Axel," sa winika ni dad ay natawa ako.

"Dad hindi pa nga niya boyfriend pinagseselosan na ako dad," saad ko habang patawa tawa.

"Selos na selos rin ako sa bestfriend ng mommy mo noon," wika ni daddy na mahina kong ikinatawa na sinabayan ni Saji at mommy.

"Si Tito Julius dad?" Tanong ko.

"Yeah, that handsome guy." Sa sagot ni mommy ay agad na naningkit ang mga mata ni daddy at humakbang papalapit doon.

"Handsome huh? He already have someone wife." Mariing paalala ni dad.

"You know what Saji? Do'n tayo sa sala. Nangangamoy kaharutan--"

"Ya.." Sita agad ni mommy sa akin kaya matamis ko siyang nginitian.

"Love you mom," saad ko at mabilis na sinenyasan si Saji na agad ring sumunod sa akin.

Nang makarating kami sa Garden sa kung saan hindi kalayuan sa pool area ay sinenyasan ko siyang maupo sa bakal na silya sinunod niya naman ako ngunit tumitig siya sa kawalan sa kung saan matatanaw niya ang maliwanag na buwan.

"Kent sa tingin mo ba hindi aware si Tita Miyu sa parehas niyong nararamdaman ni Lauren?" Natigilan ako sa biglaang sinabi niya.

"Malabo, hindi naman niya minsan pa kami nakitang magkasama ni Lauren na iba ang turingan bukod sa magkapatid." Sagot ko kaagad.

"I might not have Tita Miyu's mindset but I don't understand why-- Why do I feel like I know everything she thinks." Mahinang sabi niya at bumuntong hininga kasabay ng mahinang pagtawa.

"That star, the brighest one." Mabilis kong tinignan ang tinuro niya at nakita ko kaagad ang tinutukoy niya na hindi kalayuan sa buwan.

"What's with that?" Tanong ko.

"That's me," wika niya dahilan para mangunot ang noo ko at tignan siya pero nakatingin na siya sa akin.

"I'm a rebel," pabulong niyang sabi na mas ikinataka ko.

Ang mga mata niya ay biglang naging sin' liwanag ng pinakamaliwanag na bituin. "That's me.. I'm closer to that moon called--"

"Saji, Kent Axel halina kayo nang mainitan ang tyan niyo." Nakagat ko ang ibabang labi ng hindi matuloy ni Saji ang sasabihin dahil mas nauna pa siyang sumunod kay mom.

'Pasimpleng 'di patay gutom.'

Naupo ako sa harap ni Saji dahil katabi ko si mom habang si dad naman ay nasa kung saan malapit rin kay mommy. "Bakit biglang uminom ang noona mo Kent Axel?" Takang tanong ni mom.

"I don't know mom, It's just that she instantly drink that whole and I didn't notice it." I answered, confused.

"Hindi naman umiinom ang noona mo pero lasing na lasing," wika naman ni dad kaya tumikhim na lang ako.

"Maybe she enjoyed it dad." Sagot ko na lang.

"Kamusta naman ang Pre-med? Abogado pa rin ba ang nais mo o doctor na anak?" Tanong ni dad kaya bumuntong hininga ako.

"Hubby." Naninitang sabi ni mom.

"Law, dad." Mahinang sagot ko.

"He's good at both po pero mas bagay niya maging abogado kasi ayaw niyang nagpapatalo." Sa sagot ni Saji ay mahina akong natawa at ang ilang na naramdaman ko ay nawala.

"Aba ipagpatuloy mo kung gano'n." Natatawang sagot nila kaya ngumiti ako.

"Ikaw hija doctor ang nais mo 'no?"  Nakangiti naman na tumango si Saji kaya ngumisi na lang ako at humigop na.

"Kailan mo muling bibisitahin ang noona mo sa isla?" Sa tanong ni mommy ay napatigil ako at nag-isip.

"After finals siguro mom." Sagot ko naman.

"Magsabi ka at sasama ako," nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako.

"Ang sarap niyo po magluto tita, tiyak po na matutuwa ang makakatikim nito." At dahil sa sinabi ni Saji ay tinuruan na siya ng tamang timpla ng mommy ko.

Hindi na nagbago si mommy sa lahat ay mabait pa rin siya, kayang kayang magpatawad kahit na malaki ang kasalanan mo.

Matapos naming kumain ay binigay ni mommy ang pamalit ni Saji ngayong gabi at pang umaga na rin papasok ng school kaya naman nang mauna sila mommy sa kwarto nila ay ako ang naghatid kay Saji sa Guestroom.

"Just knock on my door if you need something or just text me if you're lazy." Paalala ko tapos pinat na lang ang ulo niya umirap lang siya sa akin.

"Thanks KA," ngumisi na lang ako tapos tumango at naglakad na papaalis ng isarado niya na ang pinto kaya naman bumuntong hininga ako at nang mapadaan sa kwarto ni Lauren ay binuksan ko ito.

Nang makapasok ay nakita ko siyang himbing sa pagtulog kung kaya't humakbang ako at sandaling naupo sa gilid ng kama niya upang titigan siya.

'She's so beautiful to be wasted like this,'

Inangat ko ang kamay upang abutin ang mga pisngi niyang kulay pink dahil sa nakainom siya. Ngunit ganun na lang ang gulat ko ng magmulat siya at derektang nakatitig sa akin.

"You're not gonna like her r-right?" Napalunok akonat bahagyang naguluhan.

"W-Who?"

"S-Saji.." Ngumiti ako at tinanguan siya.

"I want you mine only, Kent Axel." Mahinang sabi niya dahilan para makagat ko ang ibabang labi at napangiti.

"I'm yours only," wika ko at inayos ang kumot niya.

"I wish I can just have you like normal girls who can have the man they like." Mapait ko siyang nginitian sa sinabi.

"Maybe we'll be there soon, okay?" Tumango tango siya at lasing na tumawa.

"You're handsome, You make me wanna kiss you." Napalunok ako sa sinabi niya, ang mga titig niya sa akin ay hindi ko magawang iwasan.

"I like you so much," wika niya at mahinang tumawa tapos hinawakan ang kamay ko at idinikit 'yon sa kaniyang pisngi.

"What should I do to have you hmm?" Matapos niyang itanong 'yon ay wala akong maisagot hanggang sa makita ko ang kaniyang pagpikit at ang pagbigat ng kaniyang paghinga.

'She's fell asleep..'


√√√

@/n: At dahil pasaway ako kahit may klase ay nagpamadaling araw ako ulet HAHAHA enjoy reading and keep safe Luxians! Love lots!

Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143/ lux.delacruz
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro