Chapter 83 [Goodbye?]
Third Person's Point of View.
"Critical? How come she's in critical! Daplis lang 'yon!" Malakas na sabi ni Kent Axel sa tapat ng Intensive Care Unit.
"I-I don't know dongsaeng." Mahinahon na sagot ni Mia at tinanaw ang makapal na salamin kung saan nakahilata si Saji na kahit ang labi ay namumutla.
Ang kuko niya ay bahagyang naging asul dahil sa nangyaring hiwa sa bandang tyan niya. "Walang magagawa kung magagalit ka sa naging resulta nito Kent Axel," sita kaagad ni Luke sa nakababata.
"W-Wala na si Juniflo, kung ganoon sinong gumawa nito? Sino hyung?!" Nakakuyom ang kamao ni Kent Axel at humahangos siyang tumitig sa dalawang kaharap niya.
"They already stopped the bleeding ano pa bang mali? Bakit hindi pa rin siya nagigising, noona it's been 8 hours past!" He looks frustrated, he's worried about the two.
Hindi niya maunawaan dahil sa ala-ala niyang nawala sa kaniya, kahit anong pilit niyang alalahanin ay wala siyang naalala. "I know Kent Axel, I know that it's not supposed to be like this." Explain ni Mia sa kapatid at hinawakan ito sa kamay.
"Then why? Why is she in critical noona? Elabora—"
"Kahit ipaintindi sa'yo ng paulit ulit hindi mo maiintindihan, ang mapapaunawa lang namin sa'yo may kung anong kemikal ang kutsilyo na ginamit sa kaniya." Bigla ay dumating si Zai dala-dala ang results ng dugo ni Saji.
"It's a poison, hindi namin mawari kung anong klaseng lason. Pero iniingatan naming tusukan siya ng antidote dahil buntis siya." Napatitig si Kent Axel kay Zai na nagpapaliwanag.
"We all want the baby and her to be safe, so the antidote dosage we gave her is not enough and it's now up to her." Kalmadong sabi ni Zai ngunit ganoon siya natigilan ng hablutin ni Kent Axel ang kwelyuhan ng uniform niya.
"Why do you look so calm? Hindi ka ba nag-aalala sa kan—"
"I am fucking worried." Mariing sabi ni Zai at inalis ang pagkakahawak ni Kent Axel sa kaniyang kwelyuhan.
"Before you met her, she was ours first. Huwag kang umasta na ikaw lang ang nag-aalala sa kaniya, I am trying to be professional because I am one of her doctor." Zai exclaimed.
"Ano pag sumigaw sigaw ba kami makakatulong kami Kent Axel?" Agad na umawat si Luke sa pagitan ng dalawa dahilan para suminghal si Zai.
"Umayos ka." Banta ni Zai natitinigan ang galit sa kaniyang boses dahilan para nasapo ni Kent Axel ang mukha.
"B-But it's been 8 hours now, why isn't she waking up? Why isn't she responding?" Kent Axel look devastated right now, he's so worried to the point that he's not on his right mind.
"Let's just wait dongsaeng okay?" Pagpapakalma ni Mia at nilingon muli si Saji.
"We'll check her from time to time, don't worry." Luke announced before wearing a gown and then he enters the ICU to check his sister.
Sunod rin na pumasok si Zai sa loob upang i-check ang tinuturing niyang kapatid. Bumuntong hininga silang dalawa bago nagkatinginan. "What's your opinion about her case?" Mahinang tanong ni Zai kay Luke.
"She's really on critical, I can say it. Mabilis bumaba ang platelet niya at makakasama 'yon dahil buntis siya, I am actually trying how I can save both of them lalo na't ngayon na hindi natin siya pwedeng tusukan ng antidote." Mahinang explain ni Luke na para bang maririnig sila ni Saji kaya mahina lang silang nag-uusap.
"What's the point of saving the baby when Saji would fall? There is no use of saving the baby when the mother will lack." Napipikon na sabi ni Zai.
"Naiinis ako, tangina." Gigil na sabi ni Zai bagay na masasabi ng lahat na bibihira lang siya kung magalit.
Madalas ay nagpapatawa o nagbibiro siya ngunit kakaiba ang timpla niya ngayon. "Then what would you want me to do Zai? Hid it from them? Nangyari na sa amin ni Mia ang ganitong set up noon." Mariing tugon ni Luke ay hinawakan ang kamay ng kapatid.
"Bakit ganito? A-Ano bang meron sa pamilya natin at hindi na lang maging normal ang lahat?" Bulong ni Zai bago niya hinilot ang sintido.
"Just like Mia, Saji would hate us if she finds out herself that we didn't try saving both of them." Luke added.
"Ayokong maramdaman niya 'yon Zai, tulad mo pamilya rin ang gusto niya. She even told me that kahit baby na lang, kahit wala ng asawa. Kung mawawala sa kaniya ang bata ano na lang kumusta na lang yung buhay niya?" Luke stated before wiping his tears.
"Alam mo naman yung trauma niya noon pa man 'di ba? Nagpapanggap tayong walang alam na kumukunsulta siya sa psychiatrist matapos mawala ng mama niya at ngayon ito naman?" Luke's lips parted from pain.
"This woman deserves everything she wants, hindi ko maintindihan kung bakit siya nagsusuffer? What did she do wrong Zai?" Hindi nakapagsalita si Zai at nasapo ang mukha niya sa parte ng mata ng maluha.
"She already suffered a lot right?" Zai asked.
"Naawa na ako sa kaniya," bulong ni Zai.
"I regretted being mean a while ago, I was not in my right mind. Hindi ko dapat siya pinagalitan." Bulong ni Zai.
"Sobrang naawa ako sa kaniya, the world is giving her what she wanted and then they'll take it away from her again. What a fucking useless brother we are." Zai said while his palms were catching those teardrops.
"Ayaw niyang malaman nating lahat na sobrang lala ng pinagdadaanan niya kaya tayong mga kuya niya nagpapanggap na walang alam para lang hindi siya maging uncomfortable sa atin." Nakangiwing sabi ni Zai.
"Nang mawala si Kent Axel para pumunta sa ibang bansa, pinapakita niya sa atin kung gaano siya katatag pero hindi na siya pinapatulog kada gabi. Noon pa man alam naman na natin, nakita nga natin kung gaano karaming sleeping pills ang nasa ilalim ng kama niya." Dismayadong dagdag ni Zai.
"Lalaban si Saji, n-naniniwala ako." Mahinang sabi ni Luke at tinapik tapik si Zai sa balikat.
"She's our only princess, our first princess bago pa man dumating yung mga babaeng minahal natin." Bulong ni Zai at hinaplos ang pisngi ni Saji.
"I just can't stare at her pale face, her pale lips, natatakot ako." Mahinang dagdag ni Luke.
"Sa tuwing napapa-trouble siya kinakabahan ako na para bang ako ang tatay niya. Nang nasaktan siya kay Kent Axel noon dahil akala niya kay Kent Axel 'yon natakot ako." Mahinang kwento ni Luke.
"Kasi alam ko na lahat bago pa niya ipaalam sa atin, alam ko yung takbo ng isip niya kaya hindi ako nag-alangan na puntahan siya kahit sobrang layo ko noon." Naluha si Luke nang balikan niya ang ala-ala na 'yon.
"Kaya nagagalit ako kay Kent Axel sa tuwing nasasaktan niya si Saji, hindi ko maiwasang hindi uminit ang ulo ko sa tuwing nalalaman ko kung ano yung pinagdadaanan niya," napasinghap si Luke dahil sa luha na namumuo aa maya niya, "sinisisi ko yung sarili ko kasi kuya niya ako eh. Dapat nandiyan ako, dapat alam ko lahat ng nararamdaman niya." Bago pa man mabasag ang boses ni Luke ay may pumasok sa kwarto.
Mabilis niyang inayos ang sarili. "L-Luke." Narinig niya ang tinig ng asawa.
"H-Huwag naman kayong umiyak ng ganiyan oh, k-kahit sabihin natin na unconscious siya baka naririnig niya pa rin kayo." Paalala ni Mia.
"Sabihin niyo sa akin yung totoo, ano ba talaga?" Tanong ni Mia.
"She's really in critical, and the antidote might save her but not the baby." Pagsasabi ng totoo ni Zai.
"Sapat na dosage lang ang naibigay namin, hindi sapat para labanan ang lason sa dugo niya." Zai added.
"Iniingatan natin ang mga gamot na iniinom ng buntis dahil na-aabsorb 'yon ng bata. Kahit pa isang buwan pa lang siyang nagdadalang tao." Zai explained.
"I can't tell Kent Axel the truth that if the days come and he needs to choose," wika ni Zai at dahil doon ay natigilan si Mia.
Lumamlam kaagad ang mata niya. "Whom he'll probably choose?" Zai added that made Mia feel sad.
"K-Kung m-malalabanan ni Saji, h-hindi na kailangan 'di ba?" Sabay sabay na napalingon ang tatlo ng marinig ang tinig ni Kent Axel dahilan para kabahan sila.
"Mm..." Tugon ni Zai.
"Lalaban siya, n-naniniwala ako. S-Sinabi ko namang papakasalan ko siya, h-hindi niya ako paasahin." Mahinang sabi ni Kent Axel halatang pinipilit niyang bigyang pag-asa ang sarili.
Isang linggo na ang nakalipas at lahat sila ay sobrang nag-aalala na dahil wala pa ring pagbabago sa kalagayan ni Saji, habang tumatagal ay mas pumuputla ang labi niya, kinukulang na siya sa resistensya.
Buong magdamag ay hindi umalis si Kent Axel sa tabi ng mag-ina niya, bantay sarado rin ng tatlo ang kalagayan ni Saji at kahit na si Bon na best friend ni Mia ay dumayo para lang makatulong.
Kent Axel was sleepless, he only take naps and then woke up, checking if his woman is alright, hindi nila iniwan si Kent Axel sa pagbabantay hanggang sa isang araw ay may balitang dumating, hindi magandang balita.
"Attorney, her condition is getting worst day by day." The specialist announced.
"What do you mean?" Kent Axel asked.
"Without the help of antidote, the poison seems like spreading. Your wife's body is so weak, she seems to drink a lot of medication due to her mental health issues before that makes her body weak." The specialist explained that all of them tried to understand.
"The only antidote we expect to help her is her own antibodies." Mariing napapikit si Kent Axel sa balitang natanggap.
"W-What if w-we inject her the antidote? It's right dosage? Would that kill our baby?" Nagbabakasakali na tanong ni Kent Axel.
"It would harm the baby that can lead to death or serious illness that will also lead to death. That's the only option we see in the future," paliwanag ng doctor.
Matapos ang paliwanagan ay naramdaman ni Kent Axel ang labis na panghihina, ngunit kahit na ganoon ay nanatili sila sa tabi niya, kahit na ang magulang niya. "S-Saji is not weak," he reminded himself.
"S-She smack my chest and it's not a weak smack." Pilit siyang ngumiti bago pinaghawak ang kamay at tsaka tumango tango.
"I'm sure she'll fight," bulong ni Kent Axel.
Habang nasa labasan sila ng ICU ay natigilan sila ng biglang tumunog ang kwarto ni Saji dahilan para kabahan sila, agad agad na tumakbo papasok ang mga doctor ni Saji kabilang na sila Mia, Luke at Zai doon.
"K-Kent stay here, bawal ka sa lo—"
"Dad let me, w-what happened to her—"
"Kent Axel nagiging sagabal ka sa kanila!" Malakas na sigaw ni Miyu sa anak para umayos ito, habang ang nangyayari sa loob ng ICU ay kinailangan nilang balansehin ang dugo ni Saji na sinasakop ng lason.
"What are we going to do now? I guess we have to make a choice—"
"That will never happen Zai." Mariing sabi ni Luke pinuputol ang sasabihin ni Zai dahilan para mapabuntong hininga sila.
"Let's wait, babalik siya sa normal magtiwala tayo." Mahinahon na sabi ni Luke at hinawakan ang kamay ng nakababatang kapatid, sa isip niya ay nagdadasal na siya na sana makaya ng kapatid niya.
"Please fight bunso.." Mahinang pakiusap ni Zai ang mga nurse at ibang doctor ay walang ginawa kundi palibutan ang buong kwarto, nakahanda kung sakaling may utos.
"H-Hyung what's happening?" Nang marinig nila ang boses ni Kent Axel ay mabilis na hinila ni Zai si Kent Axel upang itabi kay Saji.
"Hold her hand and don't let go, baka ikaw ang kailangan niya." Sa sinabi ni Zai ay walang ano ano itong sumunod, hinawakan niya ang kamay ni Saji at hinalikan ang likod nito.
"Love.." Emosyunal na pagtawag ni Kent Axel na para bang pag sa ganitong paraan niya tinawag ay lilingon ito para bumangon, ngunit hindi nangyari, walang tugon na naganap, nanatiling unstable ang kalagayan ni Saji.
Umaasa ang lahat sa dasal, umaasa ang lahat na maging maayos si Saji sa ganitong paraan. Ang pagtitig ni Kent Axel sa babae ay naging mas emosyunal ng mapansin niya kung gaano kabilis itong pumayat.
Ang labi nito ay namumutla, ang ibang parte ng labi niya ay natuyo na rin, kinuha ni Kent Axel sa bulsa ang sing sing na kinaiingatan. Ang lahat ay naging emosyunal ng isuot nito ang sing sing sa nobyang nakahilata.
"Come back okay? I-I'll wait for you, I'll m-marry you without hesitation.." Kent Axel's voice started to broke that made others look away.
"Y-You and I will stay forever right? You wanted me to b-be strong and I will be strong w-waiting for you." Napayuko si Kent Axel ng maluha ng sandaling maisip niya ang mga negatibong pangyayari.
"A-Aalagaan ko na 'yung sarili ko, p-pag nagising ka papakasalan kita agad. So wake up okay? I-I'll do another proper proposal so I could make your heart flutter o-once again, so let it beat a thousand times." He's smiling but pain is written all over his face.
He's smiling but deep inside he's so afraid what might happened, he was about to talk again but his voice broke that lead him to tears. He closed his eyes and started letting his tears fall.
Lahat ay nagpigil iyak ng makita nilang umiiyak ang isang lalake, kahit na ang mga napapadaan ay nakibalita. Ang buong atensyon ay nasa gitna ng kwarto sa hospital bed.
Lumapit si Mia sa likod ng kapatid at hinagod ang likod nito, kahit si Mia ah naluha ng sobra sa dinadanas ng kapatid. Wala na nga sigurong mas sasakit pa kung mawawalan ka ng mahal sa buhay.
Ngunit sa kalagitnaan ng pag-iyak ay agad na naalerto ang lahat ng tao, hinila papalayo si Kent Axel kay Saji at sinimulan ang compression dahil sa biglang pagka-wala ng tibok ng puso nito.
"Ready the defibrillator!" Malakas na sigaw ni Luke, habang natulala si Kent Axel kay Saji na nasa gitna ng kama at muli ay sinusubukang patibukin muli ang tibok ng puso nito.
Hanggang sa lumipas ang ilang minutong pagsubok ay natigilan ang lahat ng tumunog ang machine, at sinabayan nito ang malakas na pagsalampak ni Kent Axel sa sahig kasabay ng malakas nitong pag-iyak, pag-iyak na nakakahawa.
Malakas nitong hinampas ang dibdib niya na sa paraan bang 'yon ay mapipigilan niya ang sariling lumuha. "S-Saji.." Umiiyak niyang tawag dito, napayuko ang lahat.
Napaluha at sinabayan ng iba ang emosyunal na pagdaramdam ni Kent Axel, tahimik na at tanging tunog ng makina at pag-iyak na lamang ang nadidinig.
///
"I was left by the person I wanted to watch me at the aisle."
@/n: Hmm.. Hi? Any thoughts? Ilang chapters na lang maitatalata ko na ang katagang pagtatapos keep safe everyone!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro