Chapter 80 [Feelings]
Saji Argelia's Point of View.
Bigla ay nagtaka ako ng maalala na may meeting siya with the two, Leona and captain. Pero bakit siya nandito ngayon kasama ko? "Bakit ka pala nandito na?" Bulong kong tanong dahilan para magmulat siya.
"Wala lang," wika niya kaya nangunot ang noo ko.
"Yung totoo, bakit?"
"Wala lang, I just want you safe." Bulong niya.
"Seryoso nga?" Tanong ko muli.
"Bakit hindi ba protective yung Kent Axel noon?" Napaayos siya ng upo kaya ngumisi ako at hindi na lang tumugon, sa ginagawang masahe sa paa ko ay naka-idlip ako at nagising na lang na nakasandal na ang ulo ko sa balikat ni Kent Axel kaya umayos ako.
"Sleepy head." Bulong niya.
"I'm sorry." Tugon ko at tsaka ko tinignan ang may hawak sa paa.
"What color should we put ma'am?" Mahinahon na tanong ng babae kaya ngumiti ako.
"I want it natural," I stated kaya naman ng tumango ito ay inabot ko ang cellphone ko at binuksan pero natigilan ako ng may text message si Gavin.
Nakagat ko ang ibabang labi ng pindutin ito ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko ng nabasa na ang ibang messages niya before the last. Did Kent Axel saw it? Baka iba ang inisip niya hala? Hindi kaya?
From Gavin:
Really doctor? Walang reply?
From Gavin:
Snob ka na ha, I'll be in Philippines tomorrow. How about you check my condition?
Napatitig ako doon at tsaka ko binalikan ang ibang text messages niya.
From Gavin:
Hi, I miss you already.
From Gavin:
How's your relationship with him? I heard what happened.
From Gavin:
If you need me, just tell me Saji. If you're having a hard time I'm always here.
Nakagat ko ang ibabang labi, walang naalala si Kent Axel kaya posibleng iba ang dating nito sa kaniya lalo na't may experience na siya ng ganito before. "Kent Axel." Pagtawag ko sa kaniya.
"May ibang rason ba ang pagpunta mo sa akin?" Mahinahon kong tanong, tinitigan niya ako at umiling lang kaya huminga ako ng malalim.
Hanggang sa tumawag si Gavin ay napatingin si Kent Axel sa cellphone ko, tapos ay nag-iwas tingin kaya naman sinagot ko na ito. "Yes?"
"Oh you sounded so formal, how are you doctor? Si attorney kumusta?"
"I'm okay, nasa spa ako at the moment. I'll call you later, or you could. Anong oras ba ang deployment mo bukas?"
"I'll just go to you doc, kasama ko rin yung mother ko."
"Okay na kayo? That's good to know, sige ha. Later na lang."
"Thank you doctor, hindi ka kasi nagrereply nakakapanibago."
"Sorry, I was too busy earlier."
"Keep safe doc."
Siya na rin ang nagpatay kaya naman huminga ako ng malalim at ibinaba na ang cellphone ko. I don't want him to misunderstand. After spa, inaantok na ang kasama ko kaya naman buti na lang naka-sasakyan si Kent Axel ay siya na ang nagdrive sa amin pauwi.
Nang makarating sa penthouse ay kinakabahan kong pinanood si Kent Axel. "Are you okay?" Tanong ko.
"Saji, what if I told you I'll provide for the child, I can be his father but I can't be your husband?" Natigilan ako at napatitig sa kaniya.
Lumunok ako at tsaka ko mahinang kinagat ang ibabang labi. "W-Why?" Natigilan ako ng mabasag ang boses ko, iniiwas ko ang tingin dahil pakiramdam ko yung tanong ko ang pinakamasakit na tanong na ginawa ko ngayong araw.
"Nothing." Mahinang sagot niya at nag-iwas tingin kaya naman tumango ako at ibinaba ang bag ko sa center table bago ako huminga ng malalim at nilampasan siya papunta sa kwarto.
Nang makapasok sa kwarto ay awtomatiko kong ini-lock 'yon at hinayaan ko ang sariling lumuha sa kama, kung ganoon rin pala ang mangyayari bakit kailangan pa niyang malaman ngayon?
Mas maganda siguro kung maalala niya ang lahat bago niya nalaman hindi ba? Akala ko okay na eh, akala ko alaala na lang niya ang hihintayim pero mukhang mali ako ng inakala.
Baka narealize niya? Nakagat ko ang ibabang labi at pinahid ang luha ko ng may kumatok. "W-Wait lang magbibihis kasi ako." Pagsisinungaling ko ngunit lumapit rin ako sa closet at tsaka kumuha ng pamalit.
Matapos kong magpalit ay binuksan ko na ang pinto ng kwarto, dahan dahan naman siyang pumasok kaya naman tahimik lang akong naupo sa harap ng study table at kinuha ang isa sa mga medical books ko at binasa 'yon.
"You're studying?" Mahinahon niyang tanong kaya naman hindi na ako tumugon, ngunit habang nagsusulat ako at nagbabasa ay sadyang dinamdam ko ang sinabi niya kanina.
I can't imagine the fact that I can't be his wife, and he's not my husband.
Pinahid ko ang luha ko ng pasimple, ngunit tumulo na 'yon sa librong binabasa ko kaya naman mariin kong kinagat ang ibabang labi upang pigilang humikbi.
It's so frustrating, na-handle ko nga yung pain noon tapos ito hindi? Tanong lang naman 'yon, pero hindi niya naman itatanong 'yon kung hindi pumasok sa isip niya na gawin 'yon 'di ba?
"What do you want for dinner?" Sobrang kalmado ng tanong na 'yon pero pinili kong hindi sagutin.
"I'm not eating here, I'm sorry. I have an errand," bulong ko makalipas ang limang minuto.
"I'll join you?"
"No thanks, I'll just eat with my brothers." Pilit kong ginanahan ang boses at pinilit ko ring hindi mautal.
"Alright." He stated and that was the last time he talked after an hour.
Lumabas siya ng kwarto kaya naman napayuko ako sa desk at tsaka ako tumayo, iniwan ko ang inaaral at dumeretso ako sa closet para ayusin ang gamit ko. Tila nagrebelde ang puso ko sa narinig na tanong niya at natagpuan ko na lang ang sarili kong nag-iimpake sa maliit na bag.
Nang mailagay ang kaunting damit ko doon ay kinuha ko na 'yon at lumabas ng kwarto ngunit napalingon si Kent Axel at bahagyang nangunot ang noo niya ng makita ang hawak kong bag. "Where are you heading to?" Tanong niya at mabilis na lumapit.
"You know, I miss my Kuya Luke. I-I'll just stay with them, gusto ko rin may kasamang bata kaya naman mas matutuwa ako dahil makakasama ko ang mga pamangkin ko." Nakangiting sabi ko at pilit 'yon.
"For how many days?" Tanong niya.
"A week maybe?"
"Okay, take care then." Matipid siyang ngumiti kaya naman tumango lang ako at tsaka tahimik na ibinaba ang bag ko.
"You can stay here or you can leave, a-ayos lang." Ngumiti ako ngunit pilit, hindi niya man lang ba ako pipigilan?
"Yeah. Thanks." Sagot niya kaya naman nilingon ko ang bag ko at nilapitan 'yon.
"Mauuna na muna ako, kumain ka ng mabuti." Paalala ko tumango lang siya kaya naman ng makuha ko ang gamit ko ay lumabas na ako ng penthouse, nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako pumasok ng elevator.
Nang makarating sa bahay nila Ate Mia at Kuya Luke ay nagitla sila ng makita ako. "W-What happened?" Gulat na tanong nito ngunit naluha ako agad ng magtanong si Ate Mia.
"Are you okay?"
Niyakap ako ni Kuya Luke to comfort habang pinakuha nila ang gamit ko sa katulong. "Nag-away ba kayo?" Tanong ni Ate Mia at pinaupo ako sa sala.
"I-I just wanted to stay here," nauutal kong sabi.
"May nasabi ba na hindi maganda si Kent Axel?" Tanong ni Kuya Luke kaya umiling ako bilang sagot.
"Namiss ko lang kayo," bulong ko.
"Nako naman zerrr ano 'tong naririnig ko?" Natigilan ako ng marinig ang boses ni Kuya Zai.
"Saji wants to stay here, ano ba't ikaw rin nandito? Namiss niyo ba talaga ako o nakipag-away kayo sa mga asawa niyo?" Singhal ni Kuya Luke kaya naman kahit naiiyak ay natawa ako.
"Bobo wala akong asawa," singhal ni Kuya Zai at lumapit.
"Anong nangyari? Pag may problema ako umiisa ka rin 'no? Sabi na eh mas Idol mo talaga ako kesa sa feeling panganay mong kuya." Natatawang sabi ni Kuya Zai dahilan para matawa kaming lahat.
"I'm okay now, being with both of you." Nakangiting sabi ko dahilan para mapangiti sila.
"So nag-away nga kayong dalawa?" Tanong ni Ate Mia kaya umiling ako.
"Hindi eonnie, seryoso hindi kami nag-away. I'm just being sensitive." Sagot ko pa.
"And he's being insensitive, buntis ka 'yon talagang batang 'yon." Singhal ni Ate Mia at pinagkrus ang braso.
"Mabuti na lang may available rooms kami, sige na papaayos ko yung room mo." Nakangiting sabi ni Kuya Luke kaya naman ngumiti ako hanggang sa makita ko si Laze at Jami na may hawak na wooden sword.
Napangiti ako ng mapanood sila, it reminds me of our childhood days. "Grip it tightly." Malakas na sabi ni Laze mukhang tinuturuan ang bunso na si Jami.
"Oppa I'm tired na." Reklamo ng bunso kaya masaya ko silang pinanood.
"If you're gonna be like that how will you fight? You need to be strong," tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Tita Saji." Bati nilang dalawa kaya naman ngumiti ako.
"Alam niyo ba ng bata pa kami ng daddy niyo at ni Tito Zai? Ganyan na ganyan rin sila sa akin ng tinuturuan nila ako." Nakangiting sabi ko.
"Parati kong sinasabi na ayaw ko na, pagod na ako." Napatitig lang sila sa akin habang nakikinig.
"Let me give you a tip Laze." Inakbayan ko si Laze at nakinig naman siya ng mabuti.
"Give her a rest, with prize. Pero dapat every training may achievements." I suggested, tinignan niya lang ako ng blangko at tumango. Sanay na ako sa kaniya, kahit tinitignan niya ako ng ganoon ay hindi pumapasok sa isip ko na hindi niya ako na-appreciate.
"Thank you tita." Ngumiti ako at hinayaan na silang magpractice.
"Saji anong gusto mong pagkain?" Tanong ni Kuya Zai kaya naman nakangiti akong lumapit at naupo sa tabi niya.
"Uhm gusto ko ng dalandan, tapos gusto ko rin ng lansones oppa, tapos yung durian ba 'yon oppa or yung langka na lang pero pwede rin yung santol." Nakangiting sabi ko, lumunok si Kuya Zai.
"Prutas pa lang 'yan?" Tanong niya.
"Sa snacks gusto ko sana yung lobster."
"Anak ng tupa naman 'yan, snacks mo lobster?" Hindi makapaniwala niyang sabi.
"Sige pataba ka pa lalo hindi ka na mamahalin ni Kent Axel." Natigilan ako sa sinabi niya.
"H-Hindi niya naman ako mahal." Sagot ko at nag-iwas tingin.
"Luh joke lang amp." Mabilis na bawi ni Kuya Zai kaya ngumiwi ako.
"Si Lauren mahal no'n bahala ka diyan iniwan mo mamaya magkasama na sila." Asar ko dahilan para ngumisi na lang si Kuya Zai at umiling iling.
"Let them then, as if you can stop someone's heart from loving others?" Natigilan ako at napatitig kay Kuya Zai.
"T-Then should I let him go if he doesn't want me?" Kinakabahan kong tanong at dahil doon ay nilingon ako ni Kuya Zai at tinitigan.
"We all know what's right and wrong right? We also know what should we do when it's not for us, when it's not us." Ngumuso ako at tsaka pinaglaro ang mga daliri ko.
"I know," bulong ko.
"Baka pag naalala niya maging maayos na rin, just hold onto it." Mahinahon na sabi ni Kuya Zai at tumayo.
"Kuha ako food, ano gusto mo?" Tanong niya at nakapamulsang tumayo sa harapan ko.
"Anything oppa," bulong ko.
"Alright."
The night came and I feel so sad, hindi maalis sa isip ko ang sinabi niya kanina. Maybe he's treating me that way because of the baby right? And if he's going to marry me it's because of the baby dahil hindi niya naman naalala ang namagitan sa amin.
"Saji Argelia, kakain na. Bumaba ka na." Rinig kong tinig ni Kuya Luke.
"I'll eat later oppa," mahinang sabi ko.
"Why? May problema ba?" Tanong niya mula sa labas ng pinto ng kwarto na tinutuluyan ko.
"I'm still full oppa, pinakain ako kanina."
"Alright, then eat at nine. Hindi na lalampas okay?" He replied.
"Yes oppa," bulong kong sagot na mukhang maririnig niya naman kaya nang wala ng nagsalita ay nahiga muna ako sa kama ngunit ayokong mag-alala sila kaya lumabas na ako ng kwarto.
Nang makababa ay mabuti na lang magsisimula pa lang sila. "I'll eat na pala, I got hungry na." Nakangiting sabi ko at uupo na sana pero may nag-bell kaya naman ngumiti ako.
"I'll open the door na," paalam ko at naglakad papalapit sa pinto ngunit nang buksan ko ito ay ganoon ako nagitla ng makita si Kent Axel na may dala-dalang travel bag at maleta tapos ay eco bag.
"W-What is that?" Gulat kong tukoy.
"A-Ah.. I miss them too, that's why I wanted to stay here." He reasoned out that made me swallowed hard and I was about to help him but he insisted not.
"Sakto, dinner was about to start." Nakangiting sabi ni Ate Mia kaya sumunod ako kay Kent Axel, nang makarating sa kitchen ay tumulong rin si Ate Mia sa paglabas ng foods sa eco bag.
"Nag-grocery ka?" Tanong ni Ate Mia kay Kent Axel kaya naman binuksan ko ito para tumulong.
"Yup," he answered. Ngunit ganoon na lang nangunot ang noo ko ng makita ang mga prutas na binanggit ko kanina at ang mga pagkain na sinabi ko kay Kuya Zai.
"Oppa Zai." Nilingon ko si Kuya Zai ngunit ganoon na lang ang ngisi niya sa labi.
"I can't say no to orders of the future founder of Sanez." Mahinahon na explain ni Kuya Zai kaya huminga ako ng malalim at nag-iwas timgin na lang.
Nilagay sa fridge yung mga dapat sa fridge. After that naupo na kami sa dining with the kids, kumain kami ng tahimik. Not until Kuya Zai breaks the silence. "May naalala ka na ba kahit papaano Kent Axel?"
"Just a little hyung," matipid na wika ni Kent Axel kaya naman kumuha ako ng vegetable salad at kumain na.
"This taste good eonnie." Nakangiting sabi ko.
"Syempre, made with love." Nakangiting tugon nito.
"Masarap talaga siya.. Magluto," napangisi ako sa sinabi ni Kuya Luke, may pabitin kaya dalawa ang ibig sabihin no'n.
"Daddy, Jami learned the basics and the level 1-3 today." Laze suddenly announced that made me smile.
"That's good then, we should celebrate it." Nakangiting sabi ko.
"Really tita?" Masayang sabi ni Jami kaya tumango tango ako.
"How about I'll buy you new toys?" Nakangiting suhestyon ko.
"That's a good idea tita! I love it!" Tumango tango naman si Ate Mia habang nakangiti.
"That's what I always want to hear when I was young, daddy's gonna buy me a new toy if I learn simple things." Nakangiting sabi ni Mia reminiscing.
"Sinampal mo nga ako noon ng bigyan kita ng barbie." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya Luke, totoo ba?
"I remember that," Kent Axel announced.
"K-Kasi ano, 12 years old na ako no'n barbie pa ba." Singhal ni Ate Mia.
"Enough to slap this face of mine, yeah." Sarkastikong sabi ni Kuya Luke kaya natawa ako.
"She's so appreciative, sa sobrang dama niya nasampal niya ako." Napangisi na lang ako.
"Kent Axel nga dinampot yung buong letchon manok," nanlaki ang mata ko at nalimgon si Kent Axel na natigilan.
"Bata pa ako no'n noona." Reklamo ni Kent Axel.
"Rason mo, nuebe ka na no'n—" natigilan kami ng matawa si Kuya Zai matapos sabihin ang nuebe.
"Si Luke nuebe 'di ba Mia?" Nangunot ang noo ko, at tinignan si Ate Mia na namumula ang buong mukha.
"Shut up Zai."
"So hyung is nuebe huh," wika ni Kent Axel dahilan para mangunot lalo ang noo ko.
"Gago tumigil nga kayo." Sita ni Kuya Luke kaya napalunok ako.
"Nuebe ang alin?" Tanong ko.
"Si Kent Axel ba bunso, ilan?" Nang itanong 'yon ay nakuha ko agad dahilan para manlaki ang mata ko.
"W-Why are you asking me that oppa!" Singhal ko kaagad.
"Ikaw nakakita no'n." Asar ni Kuya Zai.
"Zai Garcia enough." Sita naman ni Kuya Luke kaya ngumuso ako at padabog na kumain.
"Sana all nine inches," bulong ni Kuya Zai dahilan para mapaubo ako.
"Oh mukhang mahilig sa nuebe ang girls—"
"Zai!" Singhal ni Ate Mia kaya naman yumuko na lang ako at kumain dahil natahimik rin si Kent Axel at kumain na lang.
"By the way, sa date pala ng pregnancy mo Saji. Birthday ni Kent Axel," sa sinabi ni Ate Mia ay nasapo ko ang mukha sa kahihiyan.
Humalagapak naman ng tawa si Kuya Zai at mahina lang na natawa si Kuya Luke habang napatikhim naman si Kent Axel. "Birthday se—"
"May bata." Sita agad ni Kuya Luke kay Kuya Zai.
"Oo nga pala, nawili." Dahilan ni Kuya Zai.
"Things happened," wika ko na lang. I tried my best to act normal.
"It's eclipse that day, saktong sakto lalo na't buwan at araw ang sinisimbulo niyong dalawa." Mahinahon na sabi ni Kuya Zai kaya naman napatikhim ako.
"Eclipse?" Wika ni Kent Axel.
"Oo, pinlano mo 'yon. Umiyak pa nga 'yan kasi akala niya iba ang fiancé mo. Laki rin ng sakit na dinulot mo sa bunso namin, she even sacrificed herself just to save you." Napatingin ako kay Kuya Zai, alam kong nananadya siya.
"Hindi lang ikaw, pati family natin." Nakangiting sabi ni Ate Mia.
"Our reputation," wika ni Ate Mia.
"Uh.." hindi alam ni Kent Axel ang isasagot.
We should sacrifice things for our love ones.
///
@/n: Late update due to school works, keep safe!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro