Chapter 46 [The Box]
Saji Argelia's Point of View.
"But I keep on denying it, trying to tell myself to be faithful." Napatitig ako sa kaniya habang nakikinig.
Hinahangin rin ang buhok niya at hindi niya dala-dala ang suit niya. "I keep on stopping myself, like why would I worry? Then I'll tell myself because you're my best friend." Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan iyon.
"But then again, I found myself getting irritated by Aries, and your ex. Like I don't have any reason to be irritated right?" he whined.
"That's the reason maybe why Lauren is so jealous before, because she can feel it. But I don't want to accept that I like you while I'm ready to be committed with her, So I decided to be hard as rock and stops it." Ngumiti siya kaya naman napatitig ako lalo.
"When I have a problem, I always want to tell everything to you. When I'm down I always want to be by your side so I can feel relived, the feeling is so weird that I keep on denying it but it's still here." Mahina ko siyang hinampas.
"You're lying," bulong ko.
"I'm serious, you know the feeling of you're guilty? Like I always tell myself did you cheat?" Napangisi pa siya kaya naman babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit pinaghawak niya ang mga yon na para bang i-lolock niya ang mga daliri namin.
"My mom always makes me realize it now, but absorbs it later on. Natatawa ako kasi she likes you so much, I don't understand why because she didn't tell me. But then she's so disappointed when I told her how I feel for Lauren," lumabi ako ng marinig ulit ang pangalan ni Lauren.
"Wala naman talaga akong pakialam noon kung sino o anong gusto mo lalo na ng wala akong naalala," nakabusangot kong sagot.
"Nagkaroon pa nga ako ng crush kay Aries pero biglang nagbago 'yon hindi ko alam kung kailan, pero iniwasan ko kasi alam kong wala akong pag-asa. Pero habang tumatagal nagiging pasaway ako," bulong ko.
"Naiinis ako kasi nagsimula akong makaramdam ng selos, pero hindi ako yung tao na porket hindi mo ako gusto dapat hindi ka na rin gusto ng gusto mo. It's like I wish for your happiness," saad ko.
"I want to kiss you," bulong niya dahilan para manlaki ang mata ko at mapalunok.
"N-No," sagot ko na ikinatawa niya.
"Did you know that I was manipulative before? Like Lauren is wrong but I'm always on her side not until you and her had a fight, It's the first time I sided with you not because you're wrong or right." Umirap ako at binawi ang kamay ko.
"Kailangan ako sa party, tara na." Ngumisi siya at kinuha ang takong ko tapos inalalayan ako maglakad.
Natigilan ako ng makarating sa walk side ay may lalakeng naka suit rin at nakatingin sa akin dahilan para mangunot ang noo ko.
Simple lang naman ang pormahan at ang suot niya, pero yung tingin niya ay mapanuri para bang kinikilatis niya kung anong klaseng tao ako. Iniiwas ko sa kaniya ang tingin ng labanan niya ang titig ko.
"Let's go," nilingon ko si Kent Axel ng kunin niya ang kamay ko at ihawak sa braso niya.
Inalalayan niya ako hanggang sa nasa mismong venue na kami, inabutan kami ng glass of wine kaya tinanggap namin 'yon at naupo na.
"The celebrant is back so let's start for the sponsorships that she received," napalunok ako at napaayos ng upo.
"May ganoon?" tanong ko.
"Maybe, you're famous at social media I guess." Maayos na sabi ni Kuya Luke kaya lumunok ako.
"Peach tints from a big company, specially made for you Doc Saji." Napalunok ako ng tumayo ang isang babae at may dala-dala siyang box na elegante.
"Hindi naman nila ako gagawing endorser 'di ba?" tanong ko pa.
"Daldal ay," reklamo ni Kuya Zai.
"You're just going to promote it through social media," mahinang sabi ni Kent Axel kaya napatango ako.
"Next is Gorgeous Lippies! Overseas company from France," napalunok ako ng tumayo ang isang lalake na naka suit at may dala dala ring eleganteng kahon at nilagay iyon sa gifts.
"Next is a hotel voucher, 100% free for 5-6 person. At 5 star hotel at japan," napalunok ako at tumikhim.
Sunod sunod ang magagandang sponsorship na ibinigay nila at halos nakarami na rin ako ng wine sa pagkabugnot. Hanggang sa makaramdam na ako ng antok, yuyuko na sana ako sa mesa ngunit may humawak sa kamay ko dahilan para lingunin ko siya.
"You should rest," nginitian ko si Kent Axel at tumango kaya naman ng ipaalam niya ako ay hinayaan na kami.
Pinahawak niya ako sa braso niya at bago yon ay umayos siyang muli at ipinatong sa balikat ko ang suit niya at inakbayan na lang ako.
His height are really different compare to mine, his height are just like my Kuya Luke and Kuya Zai. They're taller from Tito Vince a bit but the rest they are all tall.
Nang nasa elevator na ay napapikit muna ako sandali dahil akbay akbay niya naman ako. "You're sleepy because of the wine?" tanong niya kaya mahina akong tumango.
"You have mood swings, worst than mine I guess." Bulong ko.
"Well that's given," sagot niya kaya mahina akong natawa.
Nang makarating sa floor ko ay nilagay ko na kaagad ang pass code at tsaka ng bumukas yon ay siya na ang pinagsara ko dahil dumeretso sa banyo.
Magbabanyos ako sandali tapos matutulog na ako bukas na ako magbubukas ng mga regalo, habang naliligo ay naahikab pa ako sa antok kung kaya't binilisan ko sa banyo.
Inabot naman ako ng 10 minutes at ilan pang minuto sa pagbibihis at pagpapatuyo ng buhok ko. Pagkalabas ko at natigilan ako ng makita si Kent Axel na nakaupo sa couch hindi kalayuan sa kama ko na para bang inaantay ako.
Nang magtama ang mata namin ay sinuri niya ako at tsaka niya hinawakan ag necktie tapos ay bahagyang pinaluwagan iyon, napalunok ako at umakto ng normal.
"Go to bed, aalis ako pag nakatulog ka na." He stated that's why I walk to bed and lay down.
Lumapit naman siya at naupo sa dulo ng kama kaya naman tumagilid ako upang matitigan siya, huminga siya ng malalim at umayos ng upo sa kama ko.
Sandali akong pumikit, mga ilang segundo ngunit ng tahimik ay nagmulat ako. Napalunok ako ng makaharap ang mukha ni Kent Axel.
Matipid akong ngumiti, ngunit unti-unting nawala 'yon ng bumaba ang mata niya sa labi ko at awtomatiko rin akong napatitig sa labi niya.
Hindi man lang tuyo ang labi niya, para bang parati iyong may lip balm at mapula pula ang ibang parte at ang iba naman ay pink ang parte.
Nang bahagya pa siyang lumapit ay kusang pumikit ang mata ko at dinamdam ang labi niya. Ang kamay niya ay pumatong sa braso ko upang hindi ako malayo, buong akala ko ay tulad 'yon ng dati ngunit hindi.
Mabilis at isang beses niya lang siniil ang labi ko tapos ay siya na ang umiwas, napalunok ako ng mahiga siya sa bandang paanan ng paa ko.
"Good night," pabulong niyang sabi.
"G-Good night," wika ko.
"Happy Birthday Polaris," tinitigan ko siya ng sabihin niya iyon habang nakapikit at nakahiga sa bandang paanan ko.
Iyon pa rin ang suot niya ngunit maluwag ang necktie, lumunok ako at kinuha ang unan ko para yakapin ito at isubsob ang pisngi ko sa malambot na unan.
Mahina kong nakagat ang ibabang labi hanggang sa naramdaman ang antok.
***
"W-What the hell," bulong ko habang nasa harap ng napakaraming regalo na hindi ko mawari kung kani-kanino galing.
Nakapamewang naman si Kuya Luke sa harapan ko at si Kent Axel ay nakaupo sa isang silya na para bang sumasakit na ang ulo niya nakikita pa lang ang mga regalo.
"May gunting na, cutter, kumpleto buksan mo na lang. Hinihintay na ako ng asawa ko, bye bye." Maarteng sabi ni Kuya Luke kaya napairap ako at kumaway na lang.
Nang makalabas si Kuya Luke ay napalunok ako at naupo sa mismong carpet kaya naman ng marinig ko ang mahinang tawa ni Kent Axel ay tiningala ko siya.
"What a mess," bulong niya at inayos ang buhok niya at ibinulsa ang kamay sa jogging pants na suot.
Naupo siya sa malapit sa akin tapos ay kinuha ang random na kahon at inabot sa akin. "I'll help," saad niya at inabot ang cutter.
Nang mabuksan ay binuksan ko 'yon ngunit halos matulala ako sa nakita, nangunot ang noo ni Kent Axel ng tignan ko siya dahilan para kunin niya ang kahon at siya rin ay magulat.
"What the fuck? Who gave this?" tanong niya at inilayo 'yon sa akin.
"E-Ewan," wika ko.
Inabot niya ang cellphone niya at mukhang may tinawagan. "A-Anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong.
Ang laman ng kahon ay hindi ka-aya aya sa mga mahihina ang bituka, putol na kamay ang nandoon. Tila kahihiwa lang kagabi at may dugo dugo pa kaya naman tumayo ako at pumunta sa drawer.
Kumuha ako ng surgical gloves at bumalik doon, nagtataka akong pinanood ni Kent Axel habang may kausap sa cellphone. "Yeah, that will do please send me the clear copy." Kahit diring diri ay hindi na bago sa akin ang makakita ng ganito dahil sa katotohanan na doctor ako.
Kinuha ko ang sulat na may bahid pa ng dugo at nangangamoy dugo, nang tignan ko si Kent Axel ay para siyang naduduwal kaya naman bumuntong hininga ako at pilit binasa ang nalagyan ng dugo.
"I already sent them a message," saad niya.
'You are a weak Luna, unskilled and coward. Parati kang napupuruhan ng alaga ko, ikaw ba dapat ang maging founder ng kabilang Luna?'
Awtomatikong kumuyom ang kamao ko sa nabasa, mahina akong tumawa dahil nainsulto ako sa pamamaliit niya. "Why?"
Inabot ko kay Kent Axel 'yon ngunit iniwasan niya, kaya naman itinapat ko na lang. "How dare this individual underestimate me, unskilled?" inis kong bulong at tumayo.
"Don't throw that hand, 'yan gagamitin ko pansampal sa kaniya." Bilin ko dahilan para nagtataka akong tignan ni Kent.
Inalis ko ang gloves at tinapon sa basurahan, pabalik na sana ako sa upuan ngunit bumukas ang pinto. Hindi naka lock?
"Anong kamay? Kaninong kamay yan?" napatitig ako kay Kuya Zai na ang ingay ingay.
"Balak mo ba i-announce sa buong hotel?" singhal sa kaniya ni Kuya Luke.
"Yung nagpadala niyan siya yung nag-uutos sa parang masked man na hindi." Sagot ko.
"They mentioned Luna, that means that sender know me for sure." Paninigurado ko pa dahilan para magtaka sila.
"Alam niyang ako si Polaris," I added.
"Then this sender is after you? Then why did they use Lauren? As if they know you'll care, both of you are number one best friends." Kuya Zai sarcastically said.
"Best friends, lol." Bulong ni Kent Axel.
"Should I bait myself more—"
"Don't be stupid," sinamaan ko ng tingin si Kent Axel ngunit ng tignan niya ako ay kagat niya ang ibabang labi maybe out of frustration.
Kaya nag-iwas tingin ako. "I mean don't act without planning," wika niya nililinaw kaya huminga ako ng malalim.
"Seryoso ba sila?" tanong ko.
"Nanakit sila, of course they are. Lupit na joke naman kung joke 'yon," wika ni Kuya Zai kaya umiling iling ako at inabot ang mga kahon ng regalo at binalewala sila.
Nang buksan ko ang paper bag ay inilagay ko ang naka kahon na bracelet doon sa lagayan ng mga bracelet, kumbaga section by section. "Let her," wika ni Kuya Luke at naupo sa single sofa kaya naman kumuha pa ako ng bubuksan at pagkabukas ko n'on ay nakita ko naman ang pabango kaya itinabi ko yon.
"Who's Gavin Balerian?" tanong ko, hindi talaga siya familiar sa akin yung ibang apelyido ay kilala ko ngunit ang Balerian ay hindi ko alam.
"Well, I guess his family is somehow rich but they are from japan. I already meet the chairman," wika ni Kuya Luke kaya tumango ako at binuksan ang magandang kahon.
Ngunit tumambad sa akin ang magandang lalagyanan na kahon rin at pagkabukas ko noon ay napaubo ako ng makita ang gold at may diamond na necklace with pair of earrings. "Seriously? bakit ang mamahal ng gifts nila sa akin? pwede namang head band, panyo o ano pa." Bulong ko.
"Hay nako, maybe they think you have high standards?" patanong na sagot ni Kuya Zai.
"I do have, but not in material things but thanks anyway." Sambit ko at para makatulong si Kent ay siya na ang naglagay sa mga sections.
Matapos naming magbukas ng mga regalo ay pagod na pagod kami ngunit nakakalahati pa lang namin kaya naman naisipan ko ng mag night shift. Ibig sabihin no'n mga after dinner sasalpak na ako. Habang naglalakad ay halos mapasigaw ako ng may sumulpot sa harapan ko kaya naman mapatitig ako kay Kent Axel ng may pagtataka dahil nasa dalampasigan ako ngayon nagpapahangin bago mag-gabihan.
Nangunot ang noo ko ng mabilis niyang itago ang baril sa likod niya. "W-What's happening?" tanong ko.
"N-Nothing," maayos niyang sagot kaya naman tumingin ako sa paligid.
"May hinahabol ka ba?" tanong ko.
"W-Wa--"
"Attorney yung totoo," sagot ko at tinitigan siya.
Bumuntong hininga siya at ipinakita ang baril niya sa akin, pinindot niya ang isang button at dahil doon ay nahulog ang magasin na sinalo niya rin. "This magasin have 12 bullets, full. Count," inabot niya 'yon kaya nag-aalangan kong kinuha at binilang.
7 left!
"D-Did you us--"
"I did, but he suddenly disappeared. Again," nanlulumo na sabi ni Kent Axel kaya binalik ko 'yon sa kaniya.
"Target?" tanong ko.
"That guy in mask, natamaan ko siya. Dalawa nasayang ang limang bala ko sa kaniya," wika ni Kent Axel at itinago na ang baril niya hanggang sa masuri ko ang kabuohan niya, pawis na pawis ang leeg at noo niya habang ang suot niyang itim na shirt ay naalikabukan at ang pants niyang gray ay ganoon pa rin.
"Attorney, wala ka bang work?" tanong ko.
"I always have my schedule and time, don't worry. Hindi ka dapat naglalakad ng mag-isa pag hindi matao ang paligid lalo na't dalampasigan ito," wika niya kaya lumunok ako at napatingin sa pinong buhangin.
"I can walk alone in the dark, don't worry."
"Do you need to work later?" he asked.
"Hmm yes."
"Did you eat dinner? I can company you wala naman akong clients," maayos niyang sabi at tumikhim pa dahil parang may bumara sa lalamunan niya.
"Sure," sagot ko na lang at nagpauna ng maglakad.
"By the way Saji--"
Naputol ang sasabihin niya ng may lingunin kaya naman napalingon rin ako ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. "W-Why?" bulong ko at hinawakan siya sa braso dahilan para lingunin niya ako.
"Polaris," wika niya at makahulugan akong tinitigan kaya nangunot ang noo ko at nag-aalala siyang tinignan.
"What? are you seeing some ghost?" umiling siya.
"May sakit ka ba?" tanong ko at idinikit ang likod ng palad ko sa noo niya.
"Wala."
"Then why are you like that?" tanong ko.
"L-Let's just eat, doctor." Seryoso niyang sabi at hinawakan ang kamay ko tapos tinangay ako sa kung saan.
'Ano bang problema niya? may gusto ba siyang sabihin? aminin? iparating o ipahiwatig? wirdo naman ng mundo at ng inaasta niya.'
///
@/n: Any thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro