Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4 [Partners]

Kent Axel's POV.



"What sir? Seryoso ba kayo diyan?" gulat na tanong ko, napatayo pa ako.

"What's wrong with that, malaki na kayo alam niyo ang tama at ang mali." Napabuntong hininga ako.

"Overnight yun Sir." reklamo ko pa.

"Kaya nga mas safe kung ang bawat babae ay mateternuhan ng lalake." bumuntong hininga ako at naupo na lang.

"Then I'll do it with my friend." Mariing sabi ko.

"Sino yan?" Tanong niya.

"Kay Ms.Collins." Sagot ko.

"Then be Partners," aniya nito kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

"Uy bat ako?" Tanong kaagad ni Saji.

"Gusto mo ba sa iba?" Mabilis siyang umiling.

"Then bear with me." Sagot ko at tsaka nakinig nalang.

Matapos ang klase ay muli na naman kaming sinalubong ni Mila, para sirain siguro ang araw ni Saji. "Mauna ka na, Mister." Malanding sabi ni Mila.

"Don't tell me what to do." Sagot ko dahilan para mapahiya siya.

"So right for now we need to be talking." Napaiwas tingin ako dahil ito na naman si Mila sa english niya, ayoko mang tumawa pero ang hirap pigilan.

"Anong problema?" Tanong ni Saji.

"Binalikan mo na ba ang Boyfriend ko? Nilalandi mo ba siya? Nagiging cold na siya sa akin." Galit na sabi ni Mila.

"Hindi ko problema yan Mila, Hindi ko ugaling manlandi ng may Girlfriend." Sagot ni Saji.

"But I saw your pictures on his Gallery!"

"Then Ask him," aniya ko sumisingit.

"Baka yung nobyo mo patay na patay pa rin sa kaniya." Sagot ko.

"Tara na, Gutom na ako." Reklamo ko tapos hinila na si Saji papaalis don.

Kasama ko si Saji umuwi ng bahay, kaya naman nang salubungin ng parents ko ay humalik lang ako sa pisngi ni mommy at yumakap kay Dad. "Nandito ang Noona Lauren mo." aniya ni Mommy kaya naman nagulat ako.

'Wrong timing..'

"Ah Mom, Dad. Si Saji, partner ko sa isang Project," aniya ko pa.

"Ah Hello, Welcome Hija." Nakangiting sabi ni Mom dito, nahihiya namang ngumiti si Saji.

"Good Afternoon po.." Magalang niyang bati.

"Osige na't dumeretso kayo sa Kwarto—"

"Library Mom." Sagot ko.

"Ay papaano na lang yan, pinarenovate namin ng daddy mo dahil yung noona mo kagabi galit na galit na umuwi rito sa hindi malaman na dahilan." Nangunot ang noo ko.

"Umuwi si Noona? Bakit hindi ko alam?" Tanong ko.

"Aba'y hindi ba nagsabi sayo?" gulat at nagtatakang sabi ni Mom, Kinabahan naman ako.

'Hindi kaya iyon pa rin ang dahilan?'

"Maupo ka muna, Mag bibihis lang ako." Walang ganang sabi ko tapos ay umakyat na ngunit nang papunta na sa kwarto ay nakita kong palabas si Lauren.

"K-Kent." Gulat niyang sabi.

"Nakausap mo ba si Noona kagabi?" tanong ko kaagad, hindi pinansin ang Kasuotan nito.

"Mm, Nagalit siya." Nangunot ang noo ko.

"Saan kayo nag-usap?" Tanong ko.

"Sa Bahay namin.." Sagot niya ulit.

"Anong pinag usapan niyo?"

"Basta." Mariing sagot niya at iniwasan na ako kaya naman mabilis kong hinuli ang kamay niya at tsaka iniharap sa akin.

"Lauren?" napipikon kong sabi.

"Kent ano ba, baka makita tayo ni mom at dad." Ngumiwi ako.

"Bakit ba kasi hindi mo ipaglaban?" Naiinis kong tanong.

"Ang alin ba?! Hindi nga tayo pwede!" mahina man ngunit pabulyaw niyang sabi kaya sa inis ay nakagat ko ang ibabang labi.

"Bakit hindi? Hindi tayo mag kadu—"

"Kent enough!" Halos mapahawak ako sa pisngi ko ng matunog niyang sampalin yon, gulat ko siyang tinignan.

"Tama na okay?! We can't do this!" Nagbaba ako ng tingin dahil naramdaman ko ang sakit sa puso.

"Why? Why not? Wala akong naging girlfriend dahil umaasa akong magiging masaya tayo." Mahinang sabi ko.

"Magkapatid tayo! Sa tingin ng magulang nati—"

"W-What's happening here?" nang marinig ang tinig ni Saji ay Bumuntong hininga ako.

"I told you to wait." Mariing sabi ko.

"Pinaakyat na ako nila Tita, may bisita kasi kayong dumating." Nang lingunin si Saji ay bumuntong hininga ako ulit tapos tinignan si Lauren na gulat nang makita si Saji.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko kay Saji habang nakatingin kay Lauren.

"I'm sorry, I heard everything." Mahinang sabi niya, Tumikhim ako.

"Hindi ka ba naturuan ng magandang asal ng magulang mo?" Napalunok ako nang galit yon na sabihin ni Lauren.

"Hindi." Ngunit kinabahan ako sa sagot ni Saji.

"Gusto mong malaman kung anong itinuro nila sa akin?" Nangunot ang noo ko nang inosente iyong sabihin ni Saji ngunit nakakakilabot.

"I'm a Teacher!" Inis na sigaw ni Lauren.

"You're not my Teacher." Mahinang sabi ni Saji tapos nang tignan ako ay nangunot ang noo nito.

"Come on, I need to do the project now. I hate wasting time." Tila naging ako siya nang sabihin niya yon kaya naman sa galit kay Lauren ay naglakad ako papalapit kay Saji at hinila siya papunta sa kwarto ngunit bago pa man makapasok ay nagsalita si Lauren.

"Kent?" Nangengwestyon.

"What?" Mahinang sagot ko.

"A-Anong gagawin niyo?" Tanong niya.

"Something you don't need to know." gitil ko at hinila na si Saji papasok sa Loob, nang makapasok ay mukhang namangha muna si Saji sa Kwarto ko.

"Woah kaparehas kayo nang Kuya ko." Nakangiting sabi ni Saji.

"May kakausapin lang ako." Paalam ko tapos kinuha ang cellphone at ibinaba ko ang bag sa gilid dumeretso ako sa banyo at tinawagan si Noona.

Nang sandaling sagutin niya yon ay Binalot ako nang matinding Kaba. "Noona."

"Wae? Do you need something?" napalunok ako sa lamig nang tinig niya.

"Galing ka raw rito kagabi?"

"Bakit? Hindi mo ba nadinig ang putok nang mga baril mula sa kwarto mo?"

"Noona, Is this all about what I've said last time?"

"Connections, Maybe. Nakausap ko si Lauren and she admitted it, kent please both of you are my siblings."

"Don't make it hard for me, Because when you started doing the things I hate? Alam mong kawawa si Lauren."

"Alam mo kung anong kaya kong gawin para protektahan ang pamilyang ito, You can't be in a relationship with your Older Sister." nang nakikiusap niyang sabihin yon ay nanghina nalamang ag mga tuhod ko.

"I swear Noona, I tried.. I really Tried.."

"But then she tell me what she feels wala na, My hopes are high again."

"I don't know what to say, Galit ako Kent."

"Galit ako sayo, Galit ako sa kaniya, galit ako sa inyong dalawa kasi hindi niyo na nirespeto ang pamilya natin!"

"Noona wala kaming relasyo—"

"Aantayin ko pa bang magkaroon?! Ang pag hangang nararamdaman mo noon ay matatanggap ni Mommy! Papaano kung bumalik ang anxiety niya dahil sayo!" natakot ako nang galit ang naramdaman ko sa Sigaw ni Noona.

Nakakatakot, natatakot ako.. "Noona please.. Understand me."

"I do understand you, I swear. But I don't tolerate things like that, I love you kent.. Pero kung sasawayin mo ko? At gagawin mo ang gusto mo? Mag aaway tayo."

"N-noona wag namang ganyan—"

"Alam kong wala kang kinatatakutan, Bukod kay mom at dad alam kong hindi ganun kalaki ang takot mo sa kanila."

"Pero kabahan ka sa oras na kalabanin mo 'ko, hindi ako gagamit nang baril, kamao, O espada para saktan ka."

"Please noona, Don't do this to me.. Jebal.. Jebal.." nang sandaling tumulo ang luha ko ay Mariin akong napapikit.

"Pasensyahan tayo Kent Axel, Kakalimutan kong ikaw yung Dongsaeng ko. Hindi mo ko madadala sa ganyan mo."

"N-noona you love me right?"

"I do, But try me once.. I'll beat you thrice."

"Ya, Noona. Jangnanhae?"

(Hey, Sister.. Are you kidding me?)

"Gaya, dwa."

"Ya, Noona."

"Gaya, dwa."

Nang sabihin niyang kailangan niya nang umalis ay wala akong nagawa, nakagat ko ang ibabang labi sa sobrang frustrated.

Kilala ko si Noona, at tama siya sa lahat nang binanggit wala na akong nagagawa pag si Noona na ang nagsalita pero pag sila mom at dad pa kaya ko pa.

'She's powerful, Without anything.'

"Kent, Are you okay?" Umayos ako nang sandaling kumatok si Saji mula sa pinto ng banyo dahilan para mag-ayos ako at mag bihis na lang nang makapag bilis ay lumabas na ako.

"Mm." Tugon ko.

"Kung ano man yung narinig mo wag mo na lang ikalat," aniya ko.

"Kaya pala komplikado, Magkapatid kayo hindi nga lang magkadugo." mahinang sabi ni Saji.

"Akala ko ako na ang pinaka brokenhearted, mas malala ka pa pala." Nakangusong sabi nito.

"Naawa ka sa akin?" Seryosong tanong ko.

"Of course not." Sagot niya.

"S-Sinampal ka ba niya?" tanong ni Saji kaya mabilis kong iniiwas ang mukha at tsaka Binuklat ang Libro.

"Okay ka lang ba?" Sa tanong niya ay hindi ko siya pinansin.

"Mukhang hinde, Psh mas maganda atang lokohin ka na lang kesa sa isang relasyon na gusto niyo ang isa't isa pero bawal 'no." Hindi ko siya muling Inimik, mapapagod rin yan.

"But be careful, always protect your heart no matter what.. You can die from a heartbreak." Sa sinabi niya ay kinabahan ako at dahan-dahan siyang nilingon.

"Stop saying nonsense will you?" Sabi ko pero kesa matakot, magulat, o mainis kasi masama ang ugali ko ngumiti siya.

"It's true, even if it's rare." sagot niya.

"Nonsense." Bulong ko.

"I'm a soon to be Cardiologist," nang sabihin niya yon ay ngumiwi na lang ako.

"Yet I'm still alive." Sagot ko.

"It's because what you feel is not so painful." Mahinang sabi niya.

"Minamaliit mo ba ang nararamdaman ko?" Sabi ko sa kaniya, pero nang tignan ko ay bumuntong hininga siya.

"Pain will be pain, You can't level it from one to ten but you can feel it when it's so painful pero bago mo makumpara yon dapat hindi ka lang iisang beses masasaktan." Sa mahabang sinabi niya ay wala akong masabi.

'It's true..'

"Like someone who can like you back, A friendly advise. Because liking someone without a chance is what I call wasting time." Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya.

"I'm not wasting my time." Mariing sagot ko.

"You sure?" Inis ko siyang tinignan.

"Do you want to die?"

"Kill me then." Halos mamangha ako sa katapangan niya ngunit hindi ko pinahalata yon.

"Nonsense." Bulong ko.

"Not until you realize, everything is nonsense." Napabuntong hininga ako nang hindi ako manalo nalo sa isang ito, nakakapikon ang pagiging desidido niya bakit ba siya nag doctor.

'Sana nag-abogado na lang siya.'

Nang sinimulan na ang Project ay banas ako sa kaniya kasi hindi ko matanggap na ako ang natalo. Alam ko ang lahat papaanong mas may alam pa siya sa akin sa dami ng librong nabasa ko, sa dami ng pinagdaanan ko.

Nang may kumatok sa kwarto ay nag angat ako nang tingin. "Anak, Dinner time. Hija kakain na." Aya ni Mommy sa amin kaya walang gana akong tumayo at hindi pinansin si Saji.

'Really? Wasting time?'

Nang nasa habang kainan ay Napapansin ko si Lauren na sumusulyap sa Gawi ko. "Ano daw bang problema ng Noona mo? Nakausap mo na ba siya?" nag-aalalang tanong ni Mom.

"Nakausap ko na siya kanina Mom." Sagot ko.

"Eh nag away ba sila nang kuya mo Luke?" mabilis akong umiling.

"Let's discuss It when she's ready mom." Mahinang sabi ko, katabi ko pa man din si Saji.

"Saji, Hija napakaganda naman nang pangalan mo." Napangiti pa si Mom nang sabihin yon.

"Ano nga ba ang buong pangalan mo?" tanong ni Dad rito.

"Saji Argelia Collins ho." Maayos na sagot ni Saji.

"Napakaganda na ang Ibig sabihin ay, Love beyond Moon and Sun." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Dad.

"Yun ang ibig sabihin non?" Gulat kong sabi, kakaiba ngunit maganda nga ang ibig sabihin.

"Papaano niyo po nalaman?" Gulat na sabi ni Saji.

"Well i just know." Sagot ni Dad.

"Balak mo rin bang maging Medical Lawyer hija? O Doctor?" tanong ni Mom.

"Cardiologist po, Tita," aniya ni Saji at uminom sandali, "Yung kuya ko po kasi Doctor rin." Maayos niyang sagot.

"Ah kaya pala, ang anak kong babae doctor rin. Naku sobrang Busy niya dahil sa mga Operasyon at pasyente hindi ko akalain na magpapatayo sila nang Ospital na napakaganda." Nakangiting sabi ni Mom, proud na proud kay Noona.

"Ganun po ba, Ang astig naman po ni Dr.Mia." Nakangiting sabi pa ni Saji.

"Ay kilala mo pala ang anak ko, panganay yon. Nang mga bata kasi ang tatlong ito sadyang magkakaiba na ang mga gusto, ang isang 'to ay Guro na ngayon at ang isang to balak maging Abogado." Sa kwentuhan nila ay nanguya nguya lang ako.

"May alam ka bang Sports hija?" tanong ni Dad.

"Meron po, Basketball." Napalunok ako, basketball?! Hindi kaya Lesbian ang isang 'to?

"Basketball?" Gulat na sabi nang magulang ko.

"Aba'y magkakasundo kayo ni Kent." huminga ako nang malalim.

"I hate basket ball dad." Sagot ko.

"But you're good at it." Sagot ni Dad.

"It's a lame sports, I like Guns." aniya ko pa.

"Aba, Iba naman yun anak." natatawang sabi ni Dad.

"I hate basketball, Daming rules." Mahinang dagdag ko pa.

"Kaya wala kang Girlfriend, Ayaw mo sa rules samantalang kami nang Mommy mo noon naku, bawal rito bawal diy—"

"Magtigil ka nga Vince! Panay ka kwento sa nakaraan natin!" Sita ni Mom kay dad kaya mahina akong natawa.

"Wife.." May taon na ang magulang ko ngunit kita na mahal na mahal nila ang isa't isa kahit pa minsan ay nag-aaway o nag-tatalo sila.

"Naku Hubby, Kumain ka na." see, bati na ulit sila.

***


Bumuntong hininga ako nang matagpuan ang kasama ko kanina na halatang pagod na pagod na, nang suriin ko ay natigilan ako nang hawak nito ang Folder ngunit ang ulo ay ginawang unan ang Sofa ko.

'Kakadaldal kasi, kaya napapagod.'

Sa awa sa pwesto niya ay nilapitan ko siya alas tres na kasi nang madaling araw at marami na siyang nagawa. Dahil nahihirapan akong ayusin ang Sofa ay Dineretso ko na lang siya sa Kama ko, tulog mantika ang isang 'to.

Sa Sofa na lang ako matutulog, nang inaayos ang gamit namin ay natigilan ako nang bumukas ang pinto nakita ko si Dad na halatang nagising lang.

"Matulog ka na KA at ng makapagpahinga ka naman." nginitian ko si dad sa Bilin..

"Sa sofa na lang ako Dad," aniya ko pa.

"Sigurado ka ba? Kaya mo na bang Ayusin ang sofa para maging kama?" tanong pa nito.

"Yes dad." Sagot ko.

"Sige KA ha ang mga bilin ko sayo, alam kong ilang taon ka na." Muli ay ngumiti ako.

"Alam ko Dad, hindi po ko tutulad sa inyo na maraming nahalikan na babae." Asar ko na ikinatawa niya

"Noon yun, nang di ko pa kilala ang mommy mo." Sagot niya.

"Makausap nga kita sandali anak, Kamusta ang ate mo at bakit halos sirain niya ang lahat sa Library?" bumuntong hininga ako.

"May pinagtalunan lamang kami dad." sagot ko.

"Eh ganun ba, hindi ko ba pwedeng malaman iyan?" Huminga ako nang malalim.

"Wag niyo po sasabihin kay Mom?" tanong ko.

"Alam ko na, Alam ko na anak. Hindi ko masisi ang ate mo kung magalit siya sayo ngunit wag mong hahayaan na mag-away kayo ng Noona mo Axel." Lumunok ako nang tawagin sa pangalawang pangalan ko.

"Hayaan mo dad, Dadalawin ko ang ospital nila ni Hyung sa susunod na Byernes." Sagot ko.

"Mabuti pa nga Anak, Ang noona mo ay parang Mommy mo rin la—"

"Dad, Ikaw.. Kaugali mo, sobrang iksi nang Pisi at walang pasensya." tumawa si dad at tinapik ako sa Balikat.

"Loko kang bata ka, At sa tingin mo nagmana ka sa Mommy mo?"

"I guess dad, Mabait ako." Sagot ko.

"Mabait ba ang halos sungitan lahat nang babae?"

"Yes dad." Sagot ko.

"Aba'y sige na, magpahinga na ah. Goodnight." paalam ni Dad.

"Goodnight Dad." paalam ko rin sinara niya na ang Kwarto tapos Ako naman ay bumuntong hininga.

'Ano nga kayang mangyayari sa akin? Sa amin nang pamilya ko?'

√√√

@/n: Alam niyo na ha HAHAHA hindi maikukumpara ang sakit pag iisa pa lang naman ang ginusto o minahal mo o nanakit sayo kaya mga kahakdog salamat! 💜😂

Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro