Chapter 38 [Own up to]
Saji Argelia's Point of View.
Isang araw na ang lumipas mula ng mangyari ang insidente na 'yon ngunit hindi ko pa rin kinakausap si Kent Axel.
Natatakot ako, baka mas masaktan ako lalo. Ayokong masaktan na naman ng sobra tulad ng noon, katatapos ko lang maligo at balak ko lang matulog.
Matapos kong patuyuin ang buhok ay nahiga lang ako at pinatay ang cellphone ko, ayoko ng kahit anong messages galing sa kanila.
Niyakap ko ang unan at pumikit na lang.
Kusang nagmulat ang mata ko ng makarinig ako ng derederetsong katok mula sa labas at tunog ng bell, salubong ang kilay kong tumayo at tsaka lumabas ng kwarto.
Masama ang mukha kong tinitigan ang pinto ng penthouse at sa pagbukas ko non ay halos magbago ang ekspresyon ng mukha ko.
"Attorney," wika ko ngunit mas napansin ko ang pamumula ng pisngi niya dahil sa alak siguro? Amoy na amoy rin ang naghalong pabango at matapang na alak.
He smiled sweetly and enter the room, wala akong nagawa kundi bumuntong hininga at isarado ang pinto. "W-What are you doing a-again?" tanong ko ngunit dumeretso siya sa sofa at nahiga doon niyakap pa ang throw pillow.
"Y-Ya attorney," wika ko at bahagyang lumapit para kalabitin siya.
Ngunit hindi niya ako sinagot kaya bumuntong hininga ako at inis na inis na bumalik sa kwarto ko upang kumuha ng extra na comforter at dalawang malaking unan.
Medyo hindi siya kasya sa sofa ko dahil sa sobrang haba niya, tinapik ko siya dahilan para bigla siyang maupo at titigan ako habang nakakunot ang noo.
Inayos ko ang unan at tsaka ko dahan dahan na inihiga ang ulo niya pero tinitigan niya pa rin ako, umirap ako at inayos ang comforter.
"Can you just sleep? I'm still sleepy," bulong ko at kinumutan na siya pero lumabi siya at inabot ang kamay ko dahilan para mataranta.
"A-Ano?"
Hindi niya ako sinagot ngunit pinaghawak niya ang kamay naming dalawa dahilan para mangunot amg noo ko. "Ano nga kailangan mo?" tanong ko.
Alas otso na ng gabi kanina tanghali lang ah! Jusko naman. "I don't sleep without brushing my teeth," bumuntong hininga ako.
"Bakit ka ba kasi umiinom?" nauubusan ng pasensya kong tanong.
"Because I want to," sagot niya.
"I'm not drunk okay? Just tipsy—"
"Duh? Tipsy baka gusto mong hampasin kita ng malaman natin kung makapagbalanse ka pa," inis kong sabi at umirap na lang.
"Hindi ka lasing? Sumunod ka sa akin," tumayo ako at binuksan ang kwarto para ihanda ang gagamitin niya.
At nakasunod nga siya pero bakit dito siya sa akin pumunta?! Kayang kaya niya naman umuwi sa penthouse niya.
Tumayo siya sa harap ng sink hawak ang bagong toothbrush at ang toothpaste tinitigan ko kung papaano niya ilalagay 'yon ngunit napasapo na lang ako sa sariling noo at inagaw yon sa kanya. "Hindi lasing pero hindi mailagay ng matino ang toothpaste," wika ko at nang mailagay yon ay inabot ko na muli sa kanya kaya naman kumuha na lang ako ng bagong towel para pag maghihilamos siya ay magawa niyang magpunas.
Sa sobrang tagal niya mag toothbrush ay hinanda ko na rin ang mouthwash dahil baka mas marami pa ang matapon kesa mamulumog niya. Nang matapos siya ay naghilamos na rin siya kaya naman ng matapos inabot ko ang towel.
"You're cute," napatitig ako sa kanya ng sabihin niya yon.
"Ihahatid na kita sa penthouse mo," wika ko at tinalikuran siya pero halos manlaki ang mata ko at pigil hinga akong humarap sa kanya nang hilain niya ako at ilagay sa harap niya sa harap ng sink.
"H-Hoy," sita ko.
"Doctor of heart," mahina siyang tumawa.
"You are really a doctor of heart, you mend mine." Napatitig ako sa kanya tapos ay tinignan ang dibdib niya ngunit mabilis akong nagbawi ng tingin at tumikhim.
"Stupid mythology," bulong ko.
"You know what when I first saw you after six years although I didn't know it was you because I didn't expect to see you here," he cleared his throat.
"I was so amazed that you we're on the stretcher doing compression, well you caught my eye that time but that--"
"Enough with the story time, go home." Ngumuso siya kaagad at mas kinubong pa ako sa harap niya.
"I want myself here," he answered.
"You see iniiwasan kita kasi ayaw ko ng gulo between Lauren and you idamay mo na rin ako, I need peace pero mula ng dumating kayong dalawa everything became a mess." Pagsasabi ko ng totoo.
"Attorney can't you just go back to where you used to be? I don't care if it is Lauren that you love the most but I can't let you both broke me again," I calmly said and smile bitterly.
"Hindi mo naman ako gusto tulad ng sinabi niya, baka galit ka lang sa kanya because she hurt you. Ayokong ako ang makatuklas no'n," matipid akong ngumiti at bahagyang yumuko.
"Kasi baka pag tumaas na ang pag-asa na nararamdaman ko, at baka pag nasanay na ako sa'yo tapos matutuklasan kong hindi naman pala talaga ako kasi galit ka lang sa kanya kaya ganyan ang nararamdaman mo," huminga ako ng malalim at tinapik siya sa braso.
"Baka galit ka lang sa kanya, ako na nagsasabi sa'yo." Marahan kong inalis ang kamay niyang kumukubong sa akin ngunit nagmatigas siya.
"You don't know what I really feel Saji, because if you do you won't even have a guts to say that in front of me." Sumeryoso ang mukha niya dahilan para tingalain ko siya.
"I am guessing confidently, ganoon naman parati. Sasabihin mo na ganoon ang nararamdaman mo pero kahit ikaw hindi sigurado kung sino sa amin ang poprotektahan," ngumisi ako at mahinang tumawa.
"I am not protecting her--"
"Then what? Protect her or not I don't care," wika ko at tinaliman ang tingin sa kanya.
"Go back to your penthouse kasi ayaw na kitang nandito, inaabala mo ako." Walang ano-ano ay tinulak ko ang kamay niya dahilan para makaalis ako sa pagkakakubong niya ngunit sumunod siya sa akin.
"Saji," pagtawag niya.
"Go home," bulong ko.
"Oh c'mon Saji," huminga ako ng malalim ng hawakan niya ang kamay ko at iharap sa kanya.
Tinitigan ko siya ng matalim. "Hindi mo ako gusto, hindi mo ako gusto, hindi. Kaya tama na ang kahibangan na 'yan sanay na akon--" Naitikom ko ang bibig ng ilapit niya ang mukha niya sa akin.
Hindi ko nagawang umatras sa gulat. "Stop it, stop saying that you know how I feel. I hate it seriously," wika niya at binitiwan na ako tapos naglakad na ngunit halos manlaki ang mata ko ng dumeretso siya sa kama ko.
"H-Hoy!"
"Kama ko yan--"
"Kama na natin ngayon," pagmamatigas niya at nagkumot pa kaya naman umirap ako at tsaka kinalabit siya.
"Go home," utos ko.
"I didn't eat yet," bulong niya.
"Nakakabadtrip ka!" singhal ko.
"I want dinner doctor," mahina niyang sabi.
"Tinatamad ako magluto, kung gusto mo kumain bumangon ka diyan samahan mo ako kumain sa labas." Umalis na ako doon sa kwarto upang kumuha ng pamalit, nakakagutom nga naman siya-- I mean ang or-- ngayong gabi.
"Are you asking me out?" Napalingon ako kaagad ng nasa pinto na siya ng walk in closet ko.
"No of course not, why would I? sinabi ko sumama ka sa akin kung gusto mo kumain. Assuming attorney," sarkastika kong sabi kaya naman tumango tango siya at sinarado na ang pinto ng walk in closet para makapaghanda ako.
Nang matapos ay lumabas na ako ng wallet at cellphone lang ang dala, sumabay naman siya sa akin palabas ngunit paglabas namin ay natigilan kami ng makasalubong si Ate Mia at Kuya Luke na kakatok pa lang. "Kent Axel?"
"Anong ginagawa mo sa penthouse ni Saji?" naninitang tanong ni Kuya Luke kaya naman bumuntong hininga ako.
"Are you two dating?" tanong ni Ate Mia.
"Nope--"
"Not yet," nalingon ko si Kent Axel.
"Ano bang sinasabi mo attorney--"
"Ah dating na ba tayo? hindi ako aware sorry love--"
"Do you want to die?" singhal ko at umirap.
"This attorney barged in my penthouse oppa, at ngayon ay kakain kami sa labas kasi tinatamad ako magluto. Sama kayo?" anyaya ko.
"Sure sakto gusto ka makita ni Jami dahil may ikukwento daw sa'yo ang bata na yon," ngumiti ako at tsaka naglakad na upang sumunod sila.
Nang nasa lobby kami ay dumeretso kami sa labas ng hotel at doon ay nakasalubong namin si Laze at Jami kaya nginitian ko sila, ang bilis lumaki ni Laze ngunit hindi na nagbago ang mga mata niya habang ang kapatid niya ay napaka-amo ng mata.
Habang naglalakad ay may humawak sa kamay ko at maliit yon kaya napangiti ako at hinawakan ang kamay ni Jami. "Tita alam mo po ba binubully po nila ako sa school," nanlaki ang mata ko sa kwento niya pero sinenyasan niya akong huwag magsalita.
"Sino?" pabulong kong tanong.
"Yung grade 4 po na babae tita," napabuntong hininga ako.
"Ayaw ko po kasi isumbong kay mommy at daddy even kay Kuya Laze," huminga ako ng malalim.
"How about this, ituro mo sa akin kung sino yon then I'll talk to her okay? you're so young."
"Opo tita bukas po?" tanong niya kaya ngumiti ako at tumango tango.
"Saji when do you plan to have kids?" Napatingin ako kay Ate Mia sa kanyang tanong.
"Baby not yet, ayaw ko pa." Natawa ako sa reaksyon ni Kuya Luke.
"Baby ano ka ba bakit ng ako gustong gusto mo--"
"Wala siyang boyfriend baby, wala siyang husband okay? I don't trust man. Ang hirap maging kuya sa kanya hindi ako nakakapagtrabaho, lalo na ng umalis si Kent halos ilang buwan ako sa cit--"
"Oppa!" sita ko at nahihiyang nilingon si Kent.
"Really? I asked her before if she wants me to stay sabi niya pursue your dreams." Nahihiya akong napayuko.
"Oh do you like my sister?" napatitig ako kay Kuya Luke ng deretsahin niya si Kent.
"No, he doesn't--"
"I do," umawang ang bibig ko sa sagot niya.
"Oooh," pagpaparinig ni Ate Mia.
"He doesn't galit lang siya kay Laure--"
"He do inamin niya naman sa akin before leaving Philippines that he has strange feelings for you," napalunok ako sa sinabi ni Ate Mia at dahil doon ay nag-init ang pisngi ko.
"Oh you blushed," turo ni Kuya Luke kaya umiling ako.
"Hakdog," bulong ko at minadali na si Jami dahil si Laze ay nakahawak kay Kent.
"Tita Saji you like Tito Kent po?" awtomatiko akong napatigil at alanganing tumawa.
"Ano ka ba Jami, syempre--"
"Of course that's a yes," nilingon ko si Kent Axel at inirapan.
"You shut up attorney," banta ko.
"Scary." He teased.
Nang makarating sa restaurant ay binati kami kaya naman matipid lang akong ngumiti ng makaupo ay naupo sa tabi ko si Jami tapat namin si Laze at Kent Axel habang magkaharap si Kuya Luke at Ate Mia.
"Daddy tomorrow po Tita Saji will go with me at my school, siya daw po maghahatid sa akin. 'Di ba tita?" nakangiti akong tumango ngunit nangunot ang noo ni Kuya Luke.
"Bakit ikaw?" taka na sabi ni Kuya kaya ngumiti ako.
"Because my teacher has a crush on tita, daddy. I'll introduce them po to each other," magalang na sagot ni Jami dahilan para sabay na mapa-ahh sila ni Ate Mia.
"Why introduce them to each other huh?" napatitig ako kay Kent Axel.
"Are you jealous po ba tito?" Napalunok ako at tinitigan si Kent Axel na pinaglaro pa ang dila sa gilid ng pisngi ganyan siya pag hindi alam ang isasagot, napipikon, o galit.
"Never mind," sagot niya at nag-iwas tingin dahilan para matawa sila Ate Mia at Kuya Luke.
"No lobster for today Saji--"
"Oppa ang tagal na ng last akong kumain ng lobster," reklamo ko kaagad.
"Kaya parating mainit ulo mo, high blood mataas ang cholesterol ng lobster. 'Wag ng pasaway," ngumuso ako at nagmaktol na lang sa kinauupuan ko.
"I'll order lobster then," napatingin ako kay Kent Axel at mas napanguso.
"Oppa," reklamo ko.
"I'm old enough," paalala ko pero umiling iling si Kuya Luke dahilan para magreklamo lalo ang nguso ko.
"Magpapakasal na ako bahala ka--"
"You don't have someone to marry," paalala nito kaya napalabi ako lalo at pinagkrus ang braso ko sa dibdib.
"Hindi ka ba nagsasawa sa lobster Saji?" ngumuso lang ako sa tanong ni Kuya Luke at hindi na siya sinagot, nang marinig ang tawa ni Kent Axel ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ka na naawa sa akin, lobster na nga lang nagpapasaya sa akin pagbabawalan mo pa ako oppa. See? wala akong boyfriend, wala akong asawa. Mabait na bat--"
"Kasi lahat binabasted mo," wika niya kaya naman umirap ako.
"Kasi naman magkakagusto sila sa akin tapos sasabihin ang ganda ko daw kasi ang cute ko, ang sexy ko ano naman pag nakilala na nila ako? Mas malakas pa nga ako sumapak sa kanila." Suminghal ako ng matawa sila.
"Ayan oh si Kent Axel masasabi kong mas malakas sumapak yan kesa sa'yo," napatingin ako kay Kent Axel na nakangisi tapos napailing iling na lang.
"Sabi nila first love never dies," pagpapa-alala ni Ate Mia.
"Edi lugi naman ako no'n eonnie?" sabat ko dahilan para tignan nila ako.
"Kay Lauren pa rin ang end up niya," nakangisi kong sabi.
Nang tignan ko si Kent ay nakatitig ito sa akin. "Then I'm sure I'll end up with Polaris if first love is the topic," nanlaki ang mata ko sa sinagot niya.
"W-What?"
"Watawat," umawang ang labi ko sa sagot ni Kent Axel dahilan para irapan ko siya.
"Masyado mong pinakikilig ang bunso namin, siguraduhin mong hindi mo sasaktan yan dahil hindi ako hihingi ng permiso sa ate mong sapakin ka." Napatitig ako kay Kuya Luke.
"Hyung that was harsh as if I'm playing--"
"Attorney Sandoval pag kapatid ko ang usapan hindi uso sa akin ang kai-kaibigan," nakagat ko ang ibabang labi at napangiti na lang.
"Not my husband dongsaeng, he's too hot when he's mad--"
"Disgusting noona," reklamo ni Kent.
"Ganyan ka rin! makareklamo ka!" at dahil nagsumbatan na sila ay nanahimik na lang ako ngunit ng dumating ang order ay natuon ang atensyon ko sa lobster na order ni Kent.
Napanguso ako at iniiwas ang tingin doon masama kong tinitigan ang chapsuey na nasa harapan, kumain kami ng tahimik kaya naman ng mapatingin sa lobster ay halos ngumuso na naman ako not until may tinidor sa harapan ko na may lobster at galing yon kay Kent.
"Say ah," utos niya dahilan para lingunin ko si Kuya Luke na nakatingin sa akin salubong ang kilay.
"Don't worry this has less cholesterol, it's not the whole one." At dahil gusto ko talaga ay kinuha ko ang sinubo niya tapos ngumiti at hindi na tinignan si Kuya Luke.
"Bagay kayong dalawa tito, tita." Napatingin ako kay Jami habang ngumunguya.
"Laze ang tahimik mo," sita ni Kent Axel.
"When did I become so talkative tito," napangiti ako sa magalang na sagot ni Laze.
"Oo nga tito hindi po madaldal si Kuya, hindi rin siya maingay. He's just saktong masungit," sagot ni Jami kaya kumain na ako ang dadaldal nila.
After eating ay umuwi na sila Kuya Luke at Ate Mia sa tinutuluyan nila dito sa palawan kaya naman inaasahan kong uuwi na rin si Kent Axel sa penthouse niya pero sumunod siya sa akin dahilan para lingunin ko siya.
"Umuwi ka na sa penthouse mo," wika ko, "Attorney." Mariing sabi ko pa napatitig siya sa akin at matipid na ngumiti.
"Goodnight doctor," halos mastiff ako sa kinatatayuan ng bahagya siyang yumuko at ng mariin akong pumikit ay dumampi ang labi niya sa pisngi ko.
"Sleep well," wika niyang muli at itinuro na ang tinutuluyan ko dahilan para magmadali akong pumasok sa loob ng penthouse.
Ang tibok ng puso ko ay hindi ko mabilang, wala na sa ayos ang pagtibok nito. Nakakatakot!
√√√
@/n: Any thoughts? 😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro