Chapter 14 [Facts]
Kent Axel's Point of View.
Natapos kaming kumain ay sa huli kaming dalawa ni Saji ang nagsabay dahil iisa kami ng papasukang classsroom ayaw ko pa sanang iwan si Lauren na kasama si Hyung Zai dahil magtatalo na naman sila.
"What the hell is that man talking about?" Tanong ni Saji takang taka siguro siya biglaan ba naman.
"He said he likes you, and it's up to you if you would mind or you wouldn't." Sagot ko tapos ibinulsa ang dalawa kong kamay habang naglalakad.
"Weird." Sagot ni Saji.
Nang makarating sa classroom ay pinagtitinginan kami ngunit tulad ng dati ginawa naming balewalain 'yon. Sa muli ay lumipas ang oras na napakabilis kaya naman bumuntong hininga ako ng mapansin na nakaupo pa rin si Saji habang nilalaro ang ballpen niya.
'She's affected, mukhang hindi siya sanay sa issue dahil base sa narinig ko sa usapan nila ng kuya niya kanina.'
"Gusto mo mag-coffee?" Tanong ko sa kaniya.
"Alak ayaw mo?" Napalunok ako sa tanong niya pabalik.
"Woah, chill." Mahina naman siyang natawa tapos tumayo at tsaka inayos ang bag niya.
"Ano? hanggang kape lang ba kaya mo?" Ngumisi ako sa kaniya tapos umiling.
"You're on." Ngumiti siya tapos sinenyasan ako at bago pa man ay nilingon niya ako inihanda ko na ang kamay upang saluhin ang ihahagis niyang bag at ginawa nga niya kaya naman kinuha ko yon.
"Ang kapal mo rin." Natatawa kong sabi.
"Slight." Sagot niya kaya ngumisi ako slight pa yan ah halos sumobra na nga.
Naglakad kaming dalawa papunta sa parking lot pero bago 'yan ay naalala ko si Lauren kaya nag-iwan ako ng text sa kaniya baka sakaling mamiss niya ako. "Libre ko na, tutal konsumisyon ang dala ko." Ngumiwi ako sa sinabi nito ng makarating sa sasakyan ko ay sumakay na kaming dalawa.
"May alam kang venue?" Tanong ko.
"Kahit saan basta may alak." Sagot niya kaya naman napailing na lang ako.
"'Wag mo akong isusumbong sa kuya ko ah pag nakilala mo siya kasi ayoko magalit siya." Ngumisi na lang ako at tsaka nagdrive na.
"Sumbong kita." Asar ko.
"Papansin naman 'to, 'wag ka sana magkajowa." Natawa ako sa sinabi niya parang teenager makipag-asaran eh.
"Huwag kang magpapakalasing ng sobra, mahirap ang hangover." Sita ko sa kaniya.
"Ayaw mo lang ng alagain e." Ngumisi na lang ako at tumigil sa kung saan pepwede kaming dalawa hindi ako gaano, sasamahan ko lang siguro ang isang ito na daig pang brokenhearted.
Nang makapasok ay siya ang pinagpili ko ng mauupuan, ng makaupo ay ngumiwi kaagad siya. "Hindi ko alam kung papaano umorder." Utos niya kaya naman ako na ang gumawa non.
"Lakas ng loob mag-aya hindi marun--"
"Naririnig kita." Natawa na lang ako at sumandal sa kinauupuan.
"This is your drinks ma'am, sir." Nang maibaba yon ay kinuha ko ang sa akin at tinikman.
"This taste sucks." Reklamo ng kasama ko kaya hindi ko na siya pinansin.
"Alam mo ba--"
"Don't tell me lasing ka na sa tatlong shots?" Gulat kong sabi dahil pag lasing na ang isang tao sa ALAM MO BA nagsisimula.
"Hindi ah." Sagot niya ngunit namumula na ang mukha kaya ngumiwi ako.
"Anong alam ko?" Tanong ko.
"Muntik ko ng sapakin yung babaeng gusto mo, alam mo kung bakit?" Nangunot ang noo ko.
"Bakit?"
"Kasi wala siyang utang na loob, pinagbintangan niya pa ako hahahahaha!" Lumunok ako at alanganing nakitawa hindi pala lasing ah ayos.
"Bakit ba kayo nag-aaway?" Tanong ko.
"Siya itong nang-aaway bakit hindi mo tanungin?" Umawang ang labi ko sa sagot niya.
"Galit na galit sa akin akala naman lulunukin kita ng buo like hindi ako sawa at mukhang hindi ka naman yummy, gwapo ka lang." Literal na lasing nga ang kasama ko.
"Hindi kita crush 'wag kang ano diyan ha." dinuro pa niya ang dibdib ko kaya napailing iling na lang ako.
"Kumusta kayo ni Aries?" Tanong ko sa kaniya.
"Ewan ko doon, baka hindi na ako trip kaya hindi na nagtetext. Ayos lang hindi naman siya kawalan, hindi ko na siya gusto." Nakangusong sabi ni Saji at inabot ang panglima niya.
"Dahan dahan mag-iisang oras pa lang tayo rito." Paalala ko.
"Madilim na oh."
"Nasa loob tayo 'wag kang hibang." Ngumiwi siya at sumandal sa kinauupuan.
"Alam ko namang si Lauren ang paniniwalaan mo kahit ikwento ko pa sa'yo lahat." Mahinang sabi niya.
"Kaya tatahimik na lang ako, kasi kesa isipin mong sinungaling ako tatahimik na lang ako. Dahil alam ko naman na pag mahal mo yung isang tao kahit hindi siya nagsasabi ng totoo you'll end up believing her because of the trust you give." Mahinang sabi ni Saji.
"I did that from the past that's why I do understand it." Dagdag niya.
"But you'll realize that love is not all about believing or trusting, kasi pag mahal ka rin niya gagawin niya rin ang ginagawa mo." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Alam ko yan, alam ko rin kung anong risk ang ginagawa ko." Tinitigan niya ako sa sinabi.
"But still you want to believe her, tolerating mistakes will ruin love." Sagot niya kaya napatango ako.
"I asked her in a nice way, iyon ang sagot niya sa tingin ko kung nagsisinungaling siya konsensya niya na yon 'di ba?" Tanong ko tumango siya bilang sagot.
"With or without label as long as she let's you know what she feels she's commited." Tumango akong muli.
"I already told you before that heartbreak can kill you. Careful." Mahina niyang sabi at kinuha ang pang-anim niyang shot.
"I'm different, kung anong nakikita mo sa akin ngayon ay hindi ako Saji. Kung ipapakilala ko ba sa'yo ang buong pagkatao ko hindi ka kaya matatakot sa akin? would you still take me as your best friend?" Tanong ko natigilan siya tapos nilagyan muli ang baso niya.
"Real friends accept each other, kung ikaw man ang kamatayang susundo sa akin tatratuhin pa rin kitang kaibigan." Sagot niya at mahinang tumawa.
"Kung ikaw man ang balang papatay sa akin, tatanggapin pa rin kita. Kung ikaw man ang talim na papatay sa akin kaibigan pa rin kita. Ganoon ata pag kaibigan hindi ba?" Tanong niya kaya hindi ako nakasagot.
"Paniwalaan mo man ako o hindi kaibigan pa rin kita, piliin mo man ang iba kaibigan pa rin kita. Dahil wala akong pakialam sa maiaambag mo, wala akong pakialam kung ano lang ako sa'yo kaibigan kita. Final." Ngumiti ako at inabot ang ilong niya para pisilin dahilan para magreklamo siya.
"Aray naman!" Hinampas niya pa ako kaya napailing na lang ako.
"'Wag ka ngang ganiyan, sugurin na naman ako ni Lauren rito e." Ngumiwi na lang ako at uminom.
"Pero bakit si Lauren ang puntirya ng nakasasakyan Kent? May kaaway ba siya?" Sa tanong niya ay bigla kong naalala 'yon.
"Nakuha mo ba ang plate number?" Umiling naman si Saji.
"Kahit pikon ako sa babae na 'yon hindi ko naman kayang pabayaan yon." Sumbat niya.
"Kahit nakakainis siya ng sobra hindi ko hahayaang mamatay 'yon." Natawa pa si Saji.
"Akala ko nga thank you maririnig ko o kahit wala na sana pero pinagbintangan pa ako. Angas." Natatawang sabi ni Saji kaya mahina akong natawa at napailing.
"Hindi ko rin alam kung sino ba ang nagtangka sa kaniya, aalamin ko." Mahinang sabi ko pa.
"Mabuti pa nga." Tumango na lang ako at uminom na ganoon rin siya.
Sa pagitan ng pag-inom ay halata kong malakas na kaagad ang tama sa kaniya ng iniinom niya kahit na ang totoo ay mas malakas naman ang iniinom ko. "Saji." Pagtawag ko ngunit ng lingunin niya ako ay sobrang mapungay na ang mga mata nito.
"Tama na yan, nasubukan mo naman na malasing kahit papaano." Natatawang sabi ko ngunit ngumuso siya kalaunan ay natigilan ako ng humihikbi na siya.
"H-Hoy.." Gulat kong sabi.
"Why am I experiencing all of this? Do I even deserve it?" Napalunok ako ng yumuko ito sa mesa habang umiiyak kaya naman napahawak ako sa batok ko at tinapik tapik na lang siya a likod niya.
"Nakakainis ang lahat." Dagdag niya.
"Yung libro na bigay ni Kuya napalitan nga ang iba, hindi naman na galing sa kaniya. Yung kaniya kasi naayos na lahat may notes na sa gilid para hindi ako mahirapan tapos-- tapos ganoon lang gagawin ng babae mo." Mas lumakas ang hikbi niya ibig sabihin non mas mahal niya ang mga libro niya.
"Gusto ko ng lobster pero hindi ako makatikim kasi nakakainis ang lahat." Natawa ako sa huling hirit niya.
"Pag ba kumain ka ng lobster hindi ka na iiyak?" Tanong ko sa kaniya.
"Yung malaki?" Tanong niya at tumigil sa paghikbi tapos tinignan ako kaya tumango ako.
"Mahaba?" Nanlalaki ang mga mata niya ngunit sa sandaling 'yon ay gusto kong sapakin ang mga thoughts ko dahil iba ang pumapasok rito.
"Giant lobster." Mabilis kong sabi.
"Ilan?" Ngumiwi ako sa tanong nito.
"Freak, kaya mo ba umubos ng lima?" Sarkastiko kong tanong ngunit sa pagtango niya ay halos mapahilot ako sa sintido ko.
"High blood aabutin mo doon." Sagot ko.
"Hindi." Mabilis niyang sagot tapos natigilan ako ng ipakita niya ang braso at patigasin yon.
"Strong woman with cute face." Sabay turo niya sa mukha niya kaya natatawa kong tinignan yon.
Matangos naman ang ilong niya, bahagyang manipis ang labi at namumula ang mga pisngi niya halos lahat dahil sa dala ng alak. Ang kilay niya ay sakto ang kapal ang mata niyang mapupungay pero ang sarap tusukin pag umiirap.
"Fine, I'll give you next time." Mahinang sabi ko at dahil doon ay binitiwan niya ang next shot tapos sumandal na lang.
"Time check?" Mabilis ko namang tinignan ang relos ko at napansin ko na alas otso na rin pala.
"8 PM."
"Tara na, Ice cream." Anyaya niya kaya nanlaki ang mata ko ngunit walang nagawa at dahil mayabang siya pinilit niyang maglakad kahit na may tama siya.
kaya naman hinayaan ko na lang, gusto niya yan eh. Nang makarating sa sasakyan ay natatawa ko na siyang pinagbuksan kaya naman ng makasakay ay umikot na ako sa kabilang banda at tsaka ko siya nilingon.
Napailing ako ng nakapikit ito ngunit hindi naka-seatbelt.
Bumuntong hininga ako at inabot ang seatbelt niya upang ilagay pero bigla siyang nagmulat. "Sapak o layo?" Tanong niya at dahil doon naamoy ko ang pagkamint dahil rin sa alak na ininom niya.
"Shh, nilalagay ko lang ito dahil pag namatay ka baka silipan mo ako sa banyo." Asar ko kaya naman ng mailagay ay mabilis niya akong hinampas sa balikat kaya natatawa akong umayos.
Nagdrive na ako at humanap ng ice cream parlor, hinahanap ko yung sa kung saan madalas si mom at dad before nakwento kasi nila sa akin 'yon. "Alam mo bang bawal itong ginagawa natin?" Tanong ko sa kaniya.
"Why? because you have Lauren?" Tanong niya kaya natatawa akong umiling.
"I drunk alcohol, that means I'm drunk driving." Sagot ko.
"But you are not drunk." Sagot ni Lauren kaya ngumisi ako.
"Drunk driving doesn't have an excuse, if my BAC reached 0.08% I'm considered drunk." Sagot ko sa kaniya at nagfocus sa daan.
(BAC-Blood Alcohol Content.)
"Kahit na hindi ka naaksidente?" Tanong ni Saji.
"Mm yeah, as long as you drink an alcohol it's considered drunk. I mean yeah if you drink an alcohol and drive that's a serious crime." Explain ko.
"Alright future attorney." Natatawang sagot ni Saji kaya naman ng makita ang ice cream parlor ay nagparke na ako sa gilid.
At dahil lasing ang kasama ko pinagbuksan ko siya ng makababa siya ay tinitigan niya ang tamang kalakihan na Ice cream parlor. "Tara na hindi mo makakain yan kung tititigan mo." Mahinang sabi ko at tsaka pinauna siya ng makapasok ay nginitian ko agad ang waitress and waiter.
Nang makaupo ay umorder kami ng kanya kaniyang gusto. "Ooh look who's here." Naglapat ang labi ko ng marinig ang tinig palaka.
"Nandito pala yung asawa ni Milo hihihi.." At dahil lasing ang kasama ko hindi yan magsisinungaling at hindi maawat ang bibig niyan.
"What?!" Gulat na sabi ni Mila.
"'Di ba Mila asawa ni Milo?" Nakagat ko ang ibabang labi dahil magkatapat kami ni Saji ay hindi ko siya maawat.
"Mila we're fine. You can go." Maayos kong sabi.
"Ayoko nga," wika nito at tinignan si Saji.
"You look wasted don't tell me hindi ka pa nakamove on kay Harold?" Tanong ni Mila natatawa at nagmamalaki.
"Dream on Mila, I don't stay long in the process of moving on." Natatawa at sarkastikang sabi ni Saji.
"Really? Then why are you drink?" Tanong ni Mila.
"Drink? baka drunk." Natatawang sabi ni Saji.
'Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang tawa, kahit ata galit ako matatawa ako.'
"Iisa na rin 'yon." Sagot ni Mila.
"Galing mo nga sa numbers, just talk in numbers." Natatawang sabi ni Saji halatang may tama.
"You can just leave Mila." paalala ko.
"Or don't mind us." I added.
"I don't want to, wala ka naman sa own school mo so stop bossing around." Sa sinabi niya ay tumango akong muli.
"But you're interrrupting our privacy, lumapit ka sa amin hindi kami sa tingin mo sino ang dapat umalis?" Sumbat ko.
"Why are you minding?" Napaiwas tingin ako dahil sa english niya.
'Pag galit ako huwag niyong ihaharap sa akin ang babaeng ito'
"Pwede ba? Alis bawal bobo rito." Napaubo ako ng bahagya sa sinabi ni Saji.
"Leave no one told you to come, hindi ko gusto ng gulo. Huwag mong antayin na gustuhin ko." Napangisi ako pwede bang lagi na lang lasing 'to?
Hindi niya maawat ang bibig pero mas palaban siya. "Nakapagsalita, gusto mo bang ipaalala ko kung papaano ka pinahiya ng lolo mo sa harap ng lahat noon?" Napalunok ako ng marinig ang personalan na sinasabi ni Mila.
"Try me Mila.." Mariing banta ni Saji kaya naman napatitig lang ako sa kanila.
"May lakas ka ba para lumaban? gayung sarili mong lolo tinatakwil ka? bakit nga ba Argelia?" Napatitig ako sa kamay ni Saji na nakakuyom ay nanginginig.
"Umalis ka sa paligid ko." Banta ni Saji kakaiba ang galit na nararamdaman ko sa kaniya ngayon.
"Sinong tinakot mo?"
"Mukha ba akong nananakot? Hindi ako ganito manakot Mila, kahit nobyo mo titiklop sinasabi ko sa'yo." Tinignan ko si Mila.
"Mila, umalis ka na." Maayos na pakiusap ko.
"Hindi mo kilala ang babaeng 'yan Kent, mapapaisip ka bakit pati lolo niya itatakwil siya hindi ba? alam kong nagtatak--"
"Lumayo ka sa akin Mila." Ang titig ni Saji sa mesa ay sobrang sama kaya alam kong isang maling salita sasabog 'to at hindi ko alam..
"Hindi ka nakakatakot tanga, mukha kang tan--" Halos manlaki ang mata ko ng mabilis na tumayo si Saji at hablutin si Mila at malakas na ihampas sa pader dahilan para tumayo rin ako at mabilis siyang awatin ngunit ang mga kamay niya ay sobrang lala ng panginginig non.
"Tanga?" Kwestyon ni Saji.
"Nasaan ang tanga ngayon? Matakot ka sa sarili mo para ipagmalaki mong kilala mo ako ng higit sa kaniya Mila. Umalis ka sa harapan ko." Kalmado ang tinig ngunit nakakakaba ang aura niya ngayon.
Hawak ko siya sa parehas na braso upang awatin. "Hindi ka makatayo ngayon? Nakikipag-usap pa lang ako." Naglapat ang labi ko sa masamang tingin ni Mila at mabuti na lang tinulungan siya ng dalawa niyang kasama na babae.
"Chill.." Mahinang bulong ko kay Saji at kahit ayaw niya magpatangay ay ibinalik ko siya sa kinauupuan namin kanina.
Nang bigla niya akong tignan ay nagulat ako. "Luh ako na naman amp.." Bulong ko.
"Ice cream ko ang tagal." Reklamo niya at ngumuso kaya naman napalunok ako.
'Ice cream? s-seryoso ba ang isang 'to?'
√√√
@/n: Keep safe hehehehe good luck sa mga theories niyo at modules HAHAHAHAKDOG 💓
Facebook: Maecel Gandia Dela Cruz
Facebook Page: Maecel_DC
Instagram: luxmei143/ lux.delacruz
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro