Chapter 11 [Colors]
Kent Axel's Point of View.
"Kent you know you can't do that just because you're the child of the owner." Walang gana kong tinignan si Lauren tapos ay basta basta na lang naupo sa tabi niya.
"Argelia sa susunod kasi na gagawa ka ng daya huwag kang papahuli." Mabilis kong inangat ang paningin ko kay Aries sa kaniyang sinabi.
"Huh?" Gulat na sabi ni Saji.
"Sa susunod na magchi-cheat ka mag-iingat ka, pwede ka ma-expel--"
"Ya." Nagbabanta kong tawag kay Aries.
"What the hell are you talking about?" Kwestyon ko, tinaliman ko ang tingin sa kaniya.
"Kent ako ng bahala." Maayos na sabi ni Saji ngunit hindi ko siya pinakinggan.
"Manliligaw ka pa naman, wala ka pa ring kwenta." Mariing sabi ko at dahil sa sinabi ko ay tumayo si Aries at pinalo ang mesa dahilan para tumayo rin si Lauren.
"Enough." Sita niya.
"Namumuro ang dila mo bata, sino ka ba sa tingin mo?" Galit na sabi ni Aries kaya naman tinitigan ko siya.
"Huwag mong antaying kamao ko ang magpakilala sa'yo kung sino ako." Mariing sabi ko punong puno ng pagbabanta tapos ay tumayo ako at padabog na hinablot ang bag ko tapos ay iniwan ko na sila doon.
'Naturingang mag-aabogado utak avocado naman.'
"Kent ano ba.." Hindi ko pinansin si Lauren at derederetso lang na naglakad hanggang sa humarang siya sa dinaraanan ko.
"What? are you gonna nag? do it later." Mabilis kong sabi at tsaka bumuntong hininga.
"Kent Axel ano bang ugali 'yan." Sita niya at hinawakan ako sa braso kaya tumigil ako at tinitigan lang siya.
"Why do you have to meddle yourself? Kaya naman ni Saji ang sarili niya." Tinitigan ko pa rin siya.
"Why do you have to make a scene just to save her dignity? If she did it don't cover her up." Sumama ang mukha ko sa narinig.
"She's a lady, Lauren. Binabastos siya sa tingin mo ba mananahimik lang ako?" Napipikon kong kwestyon.
"Bakit hindi? 'Yon naman ang ginagawa mo noon pa man 'di ba?" Sumbat niya na nagpatahimik sa akin.
"Kung ikaw ang nasa kalagayan niya I'll do the sam--"
"Or you like her?" Napatitig ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwalang sinasabi niya ito sa akin ngayon.
"She's my best friend." Sambit ko.
"What are you thinking Lauren?" Pinipilit kong kumalma dahil ayokong umiinit ang ulo ko.
"You should be siding with her 'cause she's a lady and she didn't do anything wrong." Nauubusan ng pasensya kong sabi.
"Wala akong tiwala sa kaniya Kent Axel."
"Kaya sinisiraan mo rin siya? Kaya gusto mong madiin rin siya sa hindi niya ginawa?" Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko tapos ay hinawakan ko ang kamay niya at basta basta siyang hinila papunta sa kwartong pinagpapahingaan ko.
Nang marating 'yon ay sinarado ko agad ang pinto ng makapasok. "What's your problem?" Kwestyon ko.
"I don't trust her Kent, she's keeping something I know it." Mabilis niyang akusa kaya naman tumango tango ako.
"But I do trust her." Sagot ko at mabilis naman akong sinalubong ng tingin ni Lauren.
"Bakit ba kamping kampi ka sa kaniya!?" Nang magtaas siya ng boses ay alam kong iba pa ang rason niya.
"Are you jealous?" Tanong ko na nakapagpakalma ng masama niyang tingin sa akin.
"No."
"You are." Sagot ko.
"I said no."
"Lol, She's my best friend." Paglilinaw ko.
"I don't like her."
"I don't, okay?" Sambit ko pa upang malinawan siya.
"But why do you keep on risking for her?" Sumbat niya na nagpatahimik sa akin.
"She's my best friend that's all."
"I don't believe you." nagmamatigas niyang sabi.
Kaya naman mabilis kong ibinulsa ang mga kamay ko sa suot kong pang-ibaba tapos ay niyuko siya at sobrang inilapit ang mukha ko sa kaniya. Mabilis na bumilog ang mata niya sa gulat ngunit bago pa man makalayo ay mabilis kong hinalikan ang pisngi niya.
"Stop being jealous." Mahina kong sabi at tsaka ko siya mabilis na tinalikuran at lumabas na.
At dahil gutom ako ay nagtiis ako na huwag kumain at bumalik na lang sa classroom namin para mag-aral. "Kent Axel hindi ka kakain?" Tinignan ko ang nagtanong at binigyan ng isang iling.
Bumuntong hininga ako ng maramdaman ang pagkalam ng sikmura, sa nararamdamang pagkairita ay niyuko ko na lang ang ulo upang pakalmahin ang sarili.
"Hoy.."
"Ya."
"Kent Axe—"
Mabilis akong nag-angat ng tingin habang salubong ang kilay ngunit inakit ako ng amoy ng nasa harapan kong nakalagay sa isang box container.
Umaalingasaw ito, kaya naman ng tignan ko si Saji ay tumango siya. "Kumain ka."
"Thanks." Mahinang sabi ko at tsaka tinanggap ang alok niya naupo naman siya sa tabi ko kung kaya't binuksan ko ang bibigay niya upang kainin na.
Curry..
"Oh." Napatingin ako ng ilagay niya ang bote ng tubig na siya mismo ang nagbukas sa table ko.
"Again, thank you."
"Mas salamat sa'yo. Ikaw lang ang naniniwala sa akin." Mahina niyang sabi kaya naman nginuya ko muna ang nasa bibig.
"I stand for truth."
"Kaya thank you," wika ni Saji at sumandal sa kinauupuan niya.
Hindi na ako umimik at kumain na lang wala pang sampung minuto ay naubos ko na ang kinakain kaya uminom na ako ng tubig.
'Babawi na lang ako mamaya.'
Lumipas ang oras at natapos ang isa pa naming subject kung saan may break time kami for snacks after this will be our quiz and recitations.
Dala dala ko ang wallet ko habang si Saji ay yakap yakap niya ang sariling bag. "Oohh the questionnaire stealer." Sabay kaming napatigil ni Saji ng sumulpot na parang kabute si Mila.
"What? Again?" Tanong ni Saji.
"'Di ba ang kalat mo na gaano? Kilalang kilala ang pangalan mo sa buong university na nagnakaw k—"
"Alleged." Sambit ko.
"Innocent 'til proven guilty." Dagdag ko na ikinatahimik niya kaya naman inirapan niya si Saji.
"Hinding hindi ka magkakaroon ng peace of mine," asik ni Mila na nagpakunot ng noo ko.
"What do you mean?" Kwestyon ko.
"Peace of mine, kapayapaan ng isip." Mayabang niya pang sabi dahilan para kagatin ko ang ibabang labi lalo na ng sa pagpigil tawa ni Saji ay nasamid siya.
"What again?" Inis na sabi ni Mila kaya napangisi ako.
"She can't have peace of mine but she can have peace of mind." Paglilinaw ko tapos hihilain na sana paalis si Saji kung hindi lang ako hinawakan ni Mila sa braso.
"What?"
"I can't let you past." Galit niyang sabi ngunit halos pumikit ako ng mariin upang pigilan ang pagtawa dahil yung kasama ko mamatay matay na kakahampas sa sarili niyang dibdib dahil nauubo ubo pa.
"Spell?"
"Past yung P.A.S.T. like pasta without a," naiinis niyang explain kaya naman sumama ang mukha ko at hinila na ng tuluyan si Saji papaalis sa harap ng babaeng yon.
"HAHAHAHAHAHAHA PASTA DAW."
"AYAW KO NA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA— teka yung lalamunan ko— HAHAHAHAHHA!" Napailing iling na lang ako sa halakhak ni Saji.
"Peace of MINE pa nga."
"Tama na inuubo ka na nga." Sita ko.
"Libre kita ano gusto mo?" Tanong ni Saji kaya inilingan ko siya.
"Hindi na, nagdala ako ng wallet ko." Maayos kong sagot sa kaniya.
"Gusto mo fish fillet?" Tanong niya kaya naman nginiwian ko na lang siya.
"Silence means yes so game sagot ko fillet." Hindi ko na siya pinansin at hinayaan ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa cafeteria ay siya na daw ang oorder kaya naman hinayaan ko na.
Pumanhik muna ako sa kinauupuan tapos ay nagcellphone, bumuntong hininga ako ng mapansin na 15% na lang ako at hindi ako nagdala ng charger. Bumuntong hininga na lang ako at tsaka ko ibinalik sa lagayan ang cellphone ko.
Ngunit mabilis akong napalingon sa counter ng marinig ko ang malakas na kalampag at mga sigawan ng kababaihan. Nangunot ang noo ko at mabilis na tumayo ng mapansin ko na nandoon si Jared.
Lumapit ako doon ngunit umawang ang labi ko ng makita ko ang ginawa ni Lauren. "Lauren." Naninita kong sabi sa pangalan niya lalo na ng makita ko kung papaano niya tinapunan ng iced red tea si Saji mula sa puti nitong damit. Gulat niya akong tinignan kaya naman ng tignan ko rin si Jared na maganda ang pagkakangisi ay nakagat ko ng mahina ang labi.
"What do you think you're doing Lauren?" Kwestyon ko at humakbang papalapit kay Saji na nakayuko lang yakap ang sariling katawan dahil makikita ang hindi dapat.
"I-It's j-just that.."
"What?" Mariing sabi ko.
"What happened tell me," asik ko tapos nilingon ang mga nakatayo.
"It was argelia who started first!"
"She's playing victim!"
Tinignan ko naman si Saji na makikita kong siya talaga ang aragabyado at hindi ko kakikitaan ang iba ng kung ano man bukod sa kasinungalingan. "Saji." Inalok ko ang kamay ko sa kaniya ngunit tinignan niya lang iyon tapos ay dahan dahan siyang tumayo on her own.
"Ang kapal ng mukha niyang tanggihan ang isang Kent Axel Sandoval."
"See ang pangit ng ugali niya!"
"She's just seeking for Kent's attention!"
"What happened?" Tanong ko.
"You don't have to hear it, j-just believe her." Mahina niyang sabi tapos sinulyapan si Lauren tapos ay mabilis na naglakad na papaalis ng counter.
"Miss yung order mo na natapo--"
"Pack me a new one, with the same drink she ordered." Mahinahon kong sambit tapos muli ay sinulyapan si Lauren.
"What did she do to push you like that?" Kwestyon ko dahan dahan naman niyang binitiwan ang baso na hawak tapos ay tinignan ako.
"She hit my nerve."
"How can she? where are your nerves?" Umawang ang labi niya sa pilosopo kong sagot pero dismayado ko siyang nginitian.
"You're a teacher yourself."
"She's not my student."
"Is that so?" Sambit ko.
"Alright I have no reason to ask you or even talk to you," asik ko at tsaka ko kinuha ang wallet para bayaran ang inorder ko tapos ay nang makuha ito na nakakahon basta basta ko na lang dinampot ang mga ito at umalis ng cafeteria.
Tinahak ko ang daan papunta sa locker dahil alam kong doon ang punta niya ngunit ng hindi ko siya makita doon ay naglakad ako papunta sa malapit na restroom 'cause she's wet hindi na siya lalayo pa.
"Saji.." Normal na pagtawag ko sa kaniya.
"What are you doing here?" Bigla ay umayos ako ng tayo ng lumabas siya ngunit ang bag niya ay nakalagay sa harap niya kaya bumuntong hininga ako.
"Don't you have extra clothes?"
"Alam kong sinabi kong magdadala na ako pero even the clothes I left inside my locker is gone. The lock i have on my locker is broken. Funny how they don't know what's privacy right?" Sarkastika niyang sabi.
"Borrow mine first, come." Kalmado kong sabi pero tinitigan niya lang ako.
"Why do you bother to help me? Hindi mo ba halata na ayaw ni Lauren na kinakaibigan mo ako?" Bigla ay natahimik ako sa sinabi niya.
"In the end you'll just hate me because of manipulation. Trust me, I'm used to this." Napatango tango ako sa sinabi niya.
"I don't listen," wika ko tapos sinenyasan siya.
"So follow me and change your clothes, will you? Or my mom will kill me if she knew this." Angil ko tapos sa inis na hindi talaga siya susunod sa akin ay napilitan akong akbayan siya upang tangayin.
"A-Ano ba--"
"I can walk--"
"Edi sana kanina mo pa ginawa." Sumbat ko ng makarating sa locker ay binuksan ko ang sa akin using a tap of my key card.
"Sana all naka high tech.."
"Go and take a shower or take off the excess of that red tea." Kinuha niya ang damit tapos ay nakangusong lumabas ng locker.
Ngunit natigilan ako ng marinig ang boses ni Lauren lalabas na sana ako ngunit hindi ko malalaman ang katotohanan kung nasa harap nila ako. "I don't understand you Saji."
"Una sa lahat I know kinukuha mo ang loob ng parents namin ni Kent, and I think you're up to something." Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko at may pinindot na kung ano doon kahit na 6 percent na lang ito.
"I meant no harm." Rinig kong sagot ni Saji.
"Then why do you keep on sticking yourself like a freaking glue to Kent?" Napapikit ako, i don't expect Lauren to act so horrible.
"He's my f-friend, that's all. Hindi ko gusto ng gulo Lauren, wala akong ginagawang mali sa'yo." Depensa ni Saji.
"But seeing you with him is a sore eye."
"Keep your eyes close then, Ayoko maging bastos pero 'wag sanang umabot sa punto na pati pribadong buhay ko pinakikialaman niyo." Maayos na sabi ni Saji.
"Stay away from Kent, Or else I'll make sure to make your life miserable. Ayoko ring nakikita ka sa bahay namin, ayokong nakikita kang kasama sila." Bumuntong hininga ako.
"It's already miserable Lauren, Dumagdag ka lang." Hindi ko alam kung papaano aawat sa kanila.
"Check your condo later, I already invade one of your privacy Saji. Mess with me Kent will side with me." Napailing ako sa narinig.
"You'll regret saying this." Mahinang sabi ni Saji.
"Why? magsusumbong ka sa kaniya? Oh come on tignan natin." At dahil ayokong pumagitan sa kanilang dalawa ay bumalik ako sa harap ng locker ko at tinitigan na lang ang kahon ng fish fillet.
***
Panay ako buntong hininga not until dumating na si Saji. "Want to eat?" Tanong ko tapos pinakita ang kahon.
"Pinulot mo?"
"Luh, hindi. Mandiri ka nga sa sinasabi mo." Reklamo ko.
"Ay sabagay mayaman ka nga pala mahal na prinsipe." Sarkastika niyang sabi tapos ay umirap.
"C'mon eat, mamaya quiz and recitation na." Mahinang sabi ko ngumiwi lang siya at naupo sa isang silya na naging gitna ng mga locker upang hindi siksikan.
√√√
@/n: Good luck and do well in your modules lovelots! Stay safe Luxians 💜 Thank you
Facebook: Maecel Gandia Dela Cruz
Facebook Page: Maecel_DC
Instagram: luxmei143/ lux.delacruz
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro