Prologue
Sila
•••
Nakaupo lang ako rito. Sa isang upuan malapit sa pasilyo, dito sa isang simbahan na hindi ako pamilyar. Hindi ko kilala o ka-ano-ano 'yong katabi kong babae na kapareho ko ng suot na dress. Ang aking paningin ay diretso lamang sa harapan. At doon siya'y nakatayo, nakatingin sa babaeng mahal niya at gustong makasama habang buhay. Pero sa kasamaang palad, hindi ako ang babaeng iyon. Pinapakinggan ko ang kaniyang mga sinasabi...mga salitang nais kong marinig mula sa kaniya para sa akin noong kami pa'y mga teenager. Noong mga highschool student pa lamang kami. Noong 'yong pagmamahal at atensyon ko ay aking binubuhos sa kaniya. Buong buo. Wala siyang naging kahati sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na dumalo rito na parang pinamumukha niya sa akin ang kalungkutan at dalamhati...na hindi ako ang babaeng kaniyang kaharap ngayon. Na hindi na ako ang kaniyang pinili at pipiliin. Hindi niya alam na nasasaktan ako pero wala akong magawa kundi pumayag sa kaniyang hiling dahil sa titulong kaniyang ibinigay sa akin...ang pagiging magkaibigan. Hanggang kaibigan. Hanggang doon na lang yata simula ngayon at hindi na puwedeng baguhin pa.
"...I'm yours wala ng bawian period no erase. Pati pato buo na. Iyong iyo na ako, daniel. Iyong iyo lang." aniya sa mikropono. Sa harap ng altar. Sa harap ng pari. Sa harap ng Diyos. Sa harap ng babaeng mahal niya ngayon.
...sa harapan ko mismo.
Mga pinangako niya sa akin noon na sa ibang babae niya tinutupad ngayon. Kung saan ay sigurado na siya at wala ng halong biro. Hay nako, palagi na lang niya akong sinasaktan. Deserve ko ba na masaktan ng ganito, lord? Hindi naman siguro. Naging mabuti naman ako sa kaniya noon...hanggang ngayon. Bakit niya 'to ginagawa sa akin? Bakit...bakit hindi ako? Anong mayroon sa babaeng iyon na wala ako?
At nagsalita na rin ang babae...si daniel. Hindi rin ako makapaniwala na tinulungan ko pa ang kupal na lalaking iyon no'ng mag-po-propose siya rito...kahit na masakit para sa akin ang desisyon niyang iyon ay wala akong magawa. Malakas pa rin talaga ang kapit niya sa akin kahit lumipas na ang ilang taon.
Bakit gano'n ligaya? Tignan mo tuloy siya...masaya na siya sa iba pero ikaw? Sa patuloy mong paghihintay sa kaniya may nanalo na palang iba. May pinanalo na naman siyang iba.
"...you may now kiss the bride."
Saksi ako sa dahan-dahan niyang pag-angat sa suot na belo ng kaniyang kabiyak. Saksi ako sa pagngiti nila sa isa't isa. Saksi ako sa dahan-dahan niyang paghawak sa pisngi ng babae at unti-unting paglapit at paglapat ng kanilang labi sa harapan ng madaming tao. Sa harap ng altar. Sa harap ng pari. Sa harap ng Diyos. Sa harapan ko.
Paano naman ako? Sa larong sugal ng pag-ibig bakit palagi mo na lang akong pinapatalo?
Pero baka gano'n talaga? Alam kong mahal ko siya, lalo na't hindi ko siya kinasusuklaman sa pagdurog ng puso ko. At ang aming pag-iibigan ay wagas at inosente noon na siguro hanggang ngayon ay hindi ko kayang bumitaw sa mga alaala at pinaramdam niya noon...ayon siguro ang pinanghahawakan ko...sobrang higpit na ayokong bumitaw. Pero ngayon, Habang pinagmamasdan ko siyang makipagpalitan ng panata sa babaeng kaniyang mahal, may napagtanto ako...
Dapat ay iginagalang ko ang kanyang desisyon, kahit na masasaktan ako. Hindi dapat ako tatakbo at maghahabol sa kaniya o magmakaawa na gawin ang isang bagay na ayaw niya. Kasi gano'n ko siya kamahal. Ang piliin ang kaligayahan niya kaysa sa akin. Hindi ako magiging selfish sa kaniya. Ang pilit na pag-ibig ay hindi tunay na pag-ibig.
"...congratulations to the newly weds! Mr. and Mrs. Jimenez!"
At siguro hahanapin ko siya sa lahat ng makikilala kong lalaki, pero masakit malaman na hindi ko siya makakasama sa buhay na ito. Pero sa tingin ko, ngayon na ang tamang panahon para sa wakas ay maisara ko na itong libro namin. Kahit na para sa akin, sa bawat yugto siya ang buong talata...at para sa kaniya, ako'y isang pangungusap lamang.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro